Kasalukuyan akong nasa may mall ngayon habang naglilibot libot. Wala naman akong balak bilhin dito gusto kolang talagang mapalayo kay Tyler. Natatakot ako dahil baka pinaglalaruan niya lang ako. Naglalakad pa ako ng bigla akong makaramdam ng gutom. Hayss kanina lang nung last akong kumain pero gutom nanaman ako. Napagpasyahan kong kumain sa paborito naming restaurant ni Tyler. Habang naglalakad ako papunta sa restaurant na iyun ay bigla akong may naka bungguan.
“Ouch” daing ko at muntik pa akong matumba kung hindi niya ako sinambot. In fairness ang gwapo niya. Wait, pero bakit parang familiar siya? Teka parang si—
“Sevy? Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Hendrix. Kilala niya pa pala ako. Angtagal na kase nung huli kaming nagkita at nagka usap. Hendrix Anthony is one of my classmate nung napasok pa ako. Mabait, gentleman at sweet itong lalaking toh. Kaya nga inlove na inlove si Marie sa kaniya eh. Isa din siya sa mga nanligaw sa akin noon na muntik nang ibagsak ni Tyler dahil sa selos.
“Hendrix? It's been a long time. Nag gagala lang ako ngayon dito, ikaw ba?” saad ko. Medyo masaya ako dahil isa din siya sa mga mababait kong kaibigan.
“May bibilhin ako na gamit eh. Papunta kaba sa Leanna's Restaurant? Tara sabay na tayo. Kanina pa ako nagugutom eh.” pag aaya niya. Agad naman akong pumayag para may maka kwentuhan ako at may maka sama buong maghapon kesa naman makita si Tyler. Pumasok kami sa restaurant at pumili ng table at umorder nadin.
“So kamusta kana? Masaya kana ba ngayon?” tanong niya. Medyo nailang ako dahil hindi ako masaya. Ipinagbubuntis ko nga yung anak ni Tyler pero hindi niya naman akong maalala. Saka galit si Zyler kay Tyler. Haysss kelan kaya maaayos ang pamilya namin.
“Okay naman ang buhay. Pipilitin maging matatag para sa mga anak ko.” pinilit kong ngumiti bago bitawan ang mga salitang yun.
“I heard what happened to Sir Tyler. I hope he's okay now.”
“Okay naman siya. Maayos na ang kalusugan niya pero...... hindi niya parin ako maalala.” sa mga oras na sinabi ko yun gustong gusto kona lumuha. Napansin siguro ni Hendrix na nalungkot ako kaya binago niya ang usapan.
“Huwag na muna natin siya pag usapan.” pagkasabi niya noon ay bigla nang dumating yung waiter at inilapag na yung order namin.
Nagsimula na kaming kumain habang nag kwekwentuhan. Ang tagal na nung huli kaming nag kwentuhan nang ganito. Pagkatapos namin kumain ay nagpumilit siya na sasamahan niya daw ako magpa check up. Sinabi kona din sa kaniya na buntis ako at tuwang tuwa siya. Excited nadaw siya maging tito ninong ng baby ko soon. Inalalayan niya ako pumasok sa kotse ko. Natatawa ako dahil hindi pa naman malaki ang tiyan ko. Baka nga 1—3 weeks pregnant palang ako. Napaka gentle talaga nitong lalaking toh. Swerte ng magiging girlfriend niya. Maya maya lang ay nakarating na kami sa hospital at pumunta sa Office ni Doctora Kim. Gulat na gulat ito nang malaman niyang buntis nanaman ako. Akala niya nga ay nakakaalala na si Tyler pero sinabi ko na aksidente lang yung nangyari sa amin. Sobrang saya ni Doctora at excited nadaw siya malaman ang gender ng ikatlo kong baby. Sabi ko soon pa dahil baka ilang weeks palang si baby. Kahit ako ay gusto kona rin malaman gender ni baby kaso soon pa.
“Congrats Ms Sevianna your 2 weeks pregnant.” masayang saad ni Doctora Kim. “You need to go back here in the hospital in January 2 for your one month check up. Kailangan kasama mo din yung tatay ni baby para sa check up na iyon.” pagpapaliwanag niya. Medyo nalungkot ako dahil baka hindi ako samahan ni Tyler. Baka mas unahin niya pang mambabae kesa samahan akong mag pa check up. Saka mukang ayaw niya naman sa anak ko kaya wala akong magagawa. Baka magpasama nalang ako kay Hendrix sa next check up ko.
Hinatid niya ako sa bahay at agad akong nagpasalamat sa kaniya bago siya umalis. Pumasok na ako sa bahay at naabutan kong masama ang hilatsa ng muka ni Tyler habang nakatingin sa akin. Bakit ganun siya makatingin? Galit ba siya? Hindi ko nalang ito pinansin at akmang lalampasan kona siya ng higitin niya ang buhok ko.
“Aray Tyler!! Ano bang ginagawa mo?!” galit na saad ko pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak. Para bang galit na galit siya sa akin. Sa sobrang galit ay kulang nalang pat*yin niya na ako. Pinipilit kong makawala sa pagkakahawak niya pero sobrang lakas niya. Nagulat ako nang bigla niya akong tinulak sa sofa at sinimulang halikan. Hindi ako makapaniwalang hinahalikan niya ako. Kinagat niya yung ibabang labi ko kaya
Kada segundo ay lumalalim ng lumalalim ang paghahalikan namin. Pinipilit kong bumitaw sa halikan namin dahil hinihingal na ako pero ayaw niyang tigilan yung labi ko. Tuwing ilalayo ko yung muka ko ay mas hinihigpitan niya yung pagkakayakap niya sa akin. Ilang minuto pa ang nakalipas bago siya bumitaw. Akala ko doon na matatapos ang lahat pero bumaba naman ang halik niya sa leeg ko. Sinisipsip niya yung leeg ko, hindi ko mapigilang mapa ung*l dahil sa ginagawa niya. Akmang itutulak kona siya ng kagatin niya yung leeg ko. Ansakit nun ha! Agad ko siyang sinamaan ng tingin pero ngumuso lang siya.
“Sorry Love nangigigil lang ako, you smell good as always. Why are you with him?” biglaang tanong niya. Umiwas ako ng tingin sa kaniya bago sumagot ng..
“Nakasalubong kolang siya kanina habang nasa mall ako saka sinamahan niya akong magpa check up sa hospital.” aniya ko sa kaniya. Hinawakan niya ang baba ko at hinarap niya ako sa kaniya. Tinitigan niya ako ng mga ilang minuto bago sumagot.
“Bakit hindi ka sa akin nagpasama? I'm the father of that baby.” he just sighed before kissing my cheeks.
“Ako na ang sasama sa susunod mong check up. And i will take care of you and our future baby. Btw how many weeks are you pregnant?” tanong niya. Ano siya na ang sasama sa susunod kong check up? At aalagaan niya daw kami? Bakit ba nagiging mabait siya sa akin ngayon? Dahil ba sa pinagbubuntis ko yung anak niya? Sa bagay nung hindi pa naman ako buntis ay parang wala lang ako sa kaniya.
“Doctora Kim said I'm 2 weeks pregnant.” mahinang saad ko. Nabigla ako ng ngumiti siya bago magsalita.
“Thats great, I can't wait to see our future child.” masayang saad niya bago ako muling halikan. Tumagal ito nang ilang segundo bago siya humiwalay.
“Let's sleep Love. I know that you're tired.” aniya niya bago ako alalayan pumasok sa kwarto namin. Akala mo naman sobra nang laki ng tiyan ko para alalayan niya na ako. 2 weeks lang palang naman si Baby. Pero namiss ko yung sweet side niya. Sana dumating yung araw na maalala mo ako mahal ko. Humiga ako sa kama namin at tumalikod. Maya maya ay humiga nadin siya at niyakap niya ako mula sa likuran. Namiss kodin ang pagyakap niya sa akin ng ganito. Kung magbabago nanaman ang ugali mo bukas sana huwag nang matapos ang araw na ito. Mahal na mahal kita Tyler.
“Love humarap ka sa akin.” aniya niya. Agad naman akong humarap sa kaniya at bigla niya akong niyakap muli. Ibinaon niya yung ulo niya sa may dibdib ko habang mahigpit na nakayakap sa akin. Bumalik nanaman yung mga alala kong lagi siyang ganito matulog nung naaalala niya pa ako.
“Goodnight Love.” saad niya. Napangiti ako dahil tinawag nanaman niya akong Love. Siguro hanggang Love lang muna ngayon. Namimiss ko nang tawagin niya akong wifey. Pero hindi niya nga ako maalala kaya hanggang doon nalang muna.
“Goodnight din..... Love” huling saad ko bago tuluyang pumikit. Alam kong babalik din ang alaala mo Tyler. Kung hindi ngayon, baka bukas, sa isang buwan o kahit tumagal pa, hihintayin kong maalala mo ako.
_
Lumipas ang buwan ay palagi na siyang malambing sa akin. Alam kong ang dahilan lang naman noon ay dahil pinagbubuntis ko yung anak niya pero masaya padin ako. Lagi siyang naglalaan ng oras para makasama ako at makapag gala kami. Hindi din kami nag aaway dahil lagi niya akong pinapakalma sa tuwing nagiging moody nanaman ako. Alam nadin nila Tristan at Crystal na buntis nanaman ako. Akala nga nila ay naaalala na ako ni Tyler dahil buntis nanaman daw ako. Tuwang tuwa naman si Zyler dahil magkakaroon nadaw siya ng panibagong kapatid. Hindi parin sila nagkakabati ni Tyler pero ang importante ay maayos ang lahat ngayon.
But one day he started to get cold at me. He's always busy, para bang may inaasikaso siyang sobrang importante. Nabigla ako dahil parang nung nakaraan lang ay ang lambing pa niya. Hindi na niya ako sinasabayan kumain at lagi na siyang nagtatrabaho. Binabalewala niya nalang ako kapag nagagalit ako. Nagsisimula nanaman akong mag isip ng kung ano ano. What if may nakilala na siyang babaeng mas maganda? Yung mas sexy, nadagdagan kase timbang ko ngayon dahil sa mga cravings ko. Hindi ko mapigilang umiyak kapag naiiisip ko yung mga bagay na iyun. Ayaw kong iwanan nanaman niya ako. Paano na yung mga anak namin.
Kasalukuyan akong nasa grocery store ngayon para bumili ng mga pagkain na iistock ko sa bahay. As always wala nanaman si Tyler kaya mag isa lang ako ngayon. Maaga siya umalis at sinabing importante daw yung gagawin niya kaya ako nalang daw mag isa ang mag grocery. Nang mabili kona lahat ng kailangan ko ay nagbayad na ako sa cashier at lumabas na ng grocery store. Bigla akong nakaramdam ng gutom habang naglalakad ako kaya napagpasyahan kong kumain muli sa paborito naming restaurant ni Tyler. May malapit na branch dito, ilang minutong lakad lang ay makarating na ako doon. Malapit nang mag 3 months si baby kaya medyo malaki na tiyan ko.
Habang papalapit na ako sa Leanna's Restaurant ay napatingin ako dun sa lalaking may kasamang babae habang nakain. Parang pamilyar kase siya, roon kolang napagtanto na si Tyler pala ang lalaking iyon. Hindi niya ako nasamahan dahil may importante siyang pupuntahan? Pero bakit siya nandito sa restaurant at may kasamang babaeng iba? Yun naba ang babaeng ipapalit niya sa akin? Iiwan nanaman niya ba ako? Hindi paba ako sapat sa kaniya? Pinipigilan kong umiyak pero nabigo ako, tumutulo na ang mga luha ko habang pinagmamasdan ko siya habang may kasamang ibang babae.
Mas lalo akong nasaktan nang makita ko na sobrang saya niya habang kasama siya. Ngayon kolang ulit siya nakitang ganito kasaya. Nag stay nga lang siguro siya sa tabi ko dahil sa anak niya. Sobrang sakit... Hindi niya talaga ako mahal. Habang nakatingin ako sa kanila habang lumuluha ay napadako ang tingin niya sa akin. Masama niya lang akong tiningnan, para bang sinasabi niyang umuwi na ako at huwag ko silang istorbohin nung babae niya.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at patuloy padin nakatingin sa kanila. Nagulat ako nang may biglang yumakap sa akin dahilan para mawala ang tingin ko kila Tyler.
“Shhh everything will be okay.” mahinang saad ni HENDRIX? Anong ginagawa niya dito? Magtatanong pa sana ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at naglakad kami papalayo sa lugar na iyun. Hindi na ako tumingin pabalik kay Tyler at patuloy na kaming naglakad papalayo.
To Be Continue×
× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)
By: Queen Yeliah WP
Wattpad Acc: queen_yeliah