Chapter 2
"Bakit ang aga mo na yata laging nakakauwi ngayon? Hindi ba't night shift ka lagi?" tanong ni Mama isang araw.
Kada tinatanong niya iyon, lagi kong nililigaw ang topic. Minsan lang magtanong sa akin si Mama tungkol sa trabaho ko. Siguro napapansin niya na ngayon na palagi akong maagang nauwi, which is hindi usual sa akin dahil nga pang-gabi ang trabaho ko.
Hindi ko masabi sa kanila na tinanggalan ako ng trabaho. Ayokong mag-alala sila sa akin, pero ayoko din namang magsinungaling sa kanila.
Ang plano ko, balak kong sabihin sa kanila ang totoo kapag nakahanap na ulit ako ng bagong trabaho.
Speaking of bagong trabaho… sobrang nahihirapan ako ngayong makahanap ng trabaho lalo na sa edad ko. Ang kadalasan kasi sa mga job offering na nababasa ko ay iyong mga may experience na sa ganoong bagay.
Ang kaso, cashier pa lang naman ang trabaho ko na pinasukan.
Nang dahil sa lalaking 'yon, nasira lahat ng pangarap ko sa buhay.
Kapag nakita ko talaga siya muli, hindi ko maipapangako na magiging mabait pa ako.
"Gago ba siya? Napakaliit na dahilan para tanggalin ka sa trabaho!" si Yozha nang ikwento ko sa kanya ang problema ko.
Bumuntonghininga ako. "Hindi ko alam kung saan ako papasok ng trabaho ngayon. Sobrang kailangan ko ng mapagkikitaan dahil nalalapit na ang pasukan."
Sa susunod na linggo na ang pasukan, hindi pa ako kumpleto sa mga school supplies at wala pa akong uniform at bagong sapatos. Makapaghihintay naman siguro ang mga iyon. Ang importante, makahanap ako ng trabaho sa lalong madaling panahon.
"Paano kung tumigil muna ako sa pag-aaral at mag-focus nalang sa pagtatrabaho?" napaisip ako bigla.
"Tanga ka ba? Hindi ka titigil sa pag-aaral. Tutulungan kitang makahanap ng bago mong trabaho, huwag kang mag-alala!"
Huminga ako ng malalim. "Salamat talaga, Yozha."
"Ay sus! Huwag mo na akong pasalamatan. Maliit na bagay lang 'yon sa'kin. Basta, tutulungan kita hangga't makakaya ko."
"Huwag ka sana munang mamatay, Yozha. Kailangang kailangan talaga kita." biro ko sa kanya.
Sumama agad ang itsura niya. "Kapag ako namatay… charot!"
"Edi kapag nangyari 'yon, wala na akong best friend." malungkot kong aniya.
"Ba't ba patay itong pinag-uusapan natin? Gusto mo na ba 'kong mamatay, ha? Sige ka, mawawalan ka ng magandang kaibigan."
Nagtawanan na lang kami habang tumataya sa lotto. Ito na naman ako, umaasang balang araw ay tatama sa lotto.
Kasi, kung tatama ako sa lotto… ang una kong gagawin ay makapagtayo ng bahay at makabili ng sarili naming lupa kasama ang pamilya ko. Pagkatapos, magtatayo ako ng mga business at mag-iipon ng pera para sa mga kapatid ko.
At sana… balang araw ay mangyari iyon kahit alam kong imposible.
Pero ang sabi nila wala namang imposible sa mundo, hindi ba?
"Ate… kailangan ko po ng mga art materials. May project po kasi kami pero wala akong pambili." sabi sa'kin ni Azthel nang makauwi ako sa bahay.
Agad akong dumukot sa wallet ko at binigay sa kanya ang natitira kong pera.
Ang natitira kong pera dahil iyon na ang last money ko. Hindi ko ginagalaw ang pera na nakatago sa isa kong wallet dahil para iyon sa pag-aaral ko at ng mga kapatid ko at in case of emergency na din.
"Salamat, ate! Kung puwede lang talaga na tumigil muna ako sa pag-aaral para tulungan kayong kumita ng pera." malungkot na sabi ni Azthel.
Sa sinabi niyang iyon, bigla akong naiyak. Nakakalungkot isipin na sa mura niyang edad ay naiisip na niya ang mga bagay na ito. Sa edad niyang ito, karamihan ay puro laro at pag-aaral lang ang iniisip, pero iba sila Azthel.
Sa mga sumunod na araw, hindi pa rin ako tumigil sa paghahanap ng trabahong mapapasukan. Palagi akong dinedecline sa tuwing nababasa ang background ko at ang edad ko.
"Sa edad mong iyan, sigurado kang kaya mong maging caregiver ng lola ko?"
Iyon ang karamihan sa mga tinatanong sa akin ng mga trabahong gusto kong pasukan. Kadalasan kasi naghahanap sila ng caregiver na talagang subok at batak ang katawan sa pag-aalaga. Kaya ko naman ang mga bagay na iyon, kaya nga lang sa tuwing nakikita nila ang edad ko at kapag nalalamang nag-aaral pa ako, agad nila akong tinatanggihan.
Napapunas ako ng pawis ko. Nakakapagod. Sobrang dami kong job interview na pinasukan pero ni isa ay wala akong napasahan.
Nakita ko si Yozha na mabilis na tumatakbo papunta sa'kin nang makita ko siya sa plaza. Agad na kumunot ang noo ko.
"May maganda akong balita!"
"Ano 'yon?" Atat kong tanong sa kanya.
Napahawak muna siya sa dibdib niya, halatang hinihingal pa kaya hinayaan ko muna siya roon. Si gaga naman kasi, alam na may sakit siya sa puso pero tumakbo pa din papunta sa'kin!
"Iyong gym sa kabilang kanto, naghahanap sila ng part-time waitress dahil may magaganap na boxing tournament bukas! Naubusan na raw sila ng tauhan kaya naghahanap sila. Ikaw na 'yon! Huwag na nating palagpasin 'to! Though, isang araw na trabaho lang, pero ang mahalaga, may kikitain ka!"
Agad na tumalon ang puso ko sa binalita sa akin ni Yozha. Tama siya. Kahit kaunti lang ang kikitain ko roon, ang mahalaga ay may kita ako! Dagdag 'yon sa ipon ko!
Mabuti at kakilala ni Yozha ang magiging host sa boxing tournament na 'yon kaya mabilis niya akong naipasok bilang waitress. Big time tournament daw ito kaya maraming tao ang dadalo. May chance din daw na makakuha ako ng tip sa mga customers.
Excited akong nagbihis ng uniform dahil mamaya na ang tournament. Tinuruan lang ako ng mga ibang waiters and waitress doon kung paano magserve ng mga pagkain at inumin. At kahit first time ko ito, madali naman akong natuto at nasanay.
Sumapit na ang gabi at nagsimula nang dumami ang mga tao. May mga nanghihingi na ng drinks and foods kaya agad akong naging alerto sa kanila. Sabi ni Yozha, pupunta daw siya dito para samahan ako kaya hinihintay ko din siya.
Kalaunan, sa isang table ng mga kalalakihan ay bigla nila akong tinawag kaya agad akong lumapit doon.
"Hi, Miss! Ang ganda mo naman! Sure kang waitress ka lang dito?" tanong ng isang lalaki galing sa table.
Ngumiti lang ako at tipid silang tinanguan. Nagkatinginan pa ang mga lalaki roon na parang nangungusap ang mga mata.
"Puwede ko bang makuha ang number mo? I'm Nash, by the way." pakilala sa'kin no'ng lalaki.
Lumunok ako. Hinihingi niya ang number ko pero wala akong cellphone… paano iyan?
"Uhm, wala po kasi akong cellphone, sir."
Sandaling namilog ang mga mata niya.
"Oh, really? Do you want me to buy a phone for you? It's a small thing to me." he winked at me.
Nilalandi niya ba ako?
Malamang, Tazia. Tinatanong pa ba 'yan?
Sinong lalaki ang mag-aalok na bilhan ng cellphone kung hindi niya ito nilalandi?
Mga lalaki nga naman…
"Sorry, sir. Hindi na po, salamat na lang." Agad na akong tumalikod sa kanila nang makaramdam na ako ng awkwardness.
Nang makatalikod ako sa kanila, narinig ko ang pahapyaw na sipol ng mga kalalakihan na sa tingin ko ay ako ang sinisipulan nila.
Nakasuot ako ng polo shirt at hindi kaiklian na shorts dahil iyon ang uniform dito.
Laking pasasalamat ko na nagsimula na din agad ang event kaya hindi na ulit ako bumalik sa grupo ng mga lalaking 'yon. Hindi din maganda ang kutob ko sa mga 'yon.
Tumunog na ang bell, hudyat na magsisimula nang ipakilala ang mga players para sa tournament na ito. Bali, dalawang kalalakihan ang maglalaban. Ang mananalo sa labang ito ay magcocompete sa international boxing tournament.
"Let's welcome and give him a round of applause. Kaeson Leox Mondejas, weighing 62 pounds. With a total of 10 wins in a boxing tournament at the age of 18! He's one of the youngest boxers here in the whole world!"
Nang mapakilala na ang isa sa mga lalaban, agad siyang lumabas at dumaan sa red carpet habang nagsisigawan ang mga tao.
Pero ganoon na lang ang pagkakalaglag ng panga ko nang makita kung sino ang lalaking maglalaro.
No way…
Siya ang walang hiyang lalaking pinagtripan ang pagtatrabaho ko!
What a small world? Isa pala siyang boxingero?
Halata naman sa katawan niya. He's masculine and his body was really built well.
Napatitig ako sa kanya. He's topless and he's wearing red shorts. May nakalagay na rin sa ngipin at ulo niya bilang proteksyon. Sa likod niya ay ang coach niya.
Bigla akong natigilan nang bigla siyang mapatingin sa akin. Sandaling nagtama ang tingin namin pero agad akong umiwas ng tingin sa kanya dahil tinawag ako ng ibang customer sa kabila para iserve ang drinks nila.
Nagsisimula na ang laban kaya mas lalong dumadami ang mga taong nanghihingi ng drinks. Habang nagseserve ako, hindi ko maiwasang mapatingin sa mainit nilang laban.
Kaeson Leox Mondejas.
Iyon pala ang pangalan ng lalaking 'yon.
Hindi ko maitatanggi na magaling siya. Panay ang suntok niya sa kalaban at halos mapuruhan na ito. Panay ang depensa niya at iwas sa kalaban kaya hindi nakakasuntok ang kalaban niya.
Naririnig ko sa mga customers na magaling nga daw talaga itong si Kaeson. Sa mura niyang edad, sampung tournament na ang naipanalo niya. Hobby niya rin daw kasi talaga noong una pa lang ang pagboboxing.
Natapos ang ilang rounds at idineklara na ang nanalo ay walang iba kundi si Kaeson Leox Mondejas, ibig sabihin ay siya ang ilalaban sa international tournament na magaganap next year sa Japan.
Tuwang tuwa ang mga customers kaya panay ang serve ko sa kanila ng drinks and foods. May mga nagbibigay sa akin ng tip kaya agad ko silang pinasalamatan.
"Dito na ba ang bago mong trabaho?"
Nagulat ako nang may magsalita sa likuran ko. Nang mapalingon sa likod, halos mapa-igtad ako nang makita si Kaeson Leox Mondejas na nakabihis na.
"Bakit? Ipapatanggal mo ulit ako?" tanong ko sa kanya.
"Kung iinisin mo ulit ako," mahina siyang tumawa.
Umirap ako sa kanya at hindi na siya sinagot. Kumuha lang siya ng wine sa tray na hawak ko.
"Congrats," sabi ko sa kanya.
Napalingon siya sa'kin sandali at hindi ako binigyan ng kahit anong emosyon. Akala ko may sasabihin pa siya pero agad na siyang naglakad palayo.
"Kumusta ka naman dito?" tanong sa'kin ni Yozha nang makita niya ako.
"Magugulat ka ba kung sasabihin kong ang lalaking kinekwento ko sa'yo ay walang iba kundi si Kaeson Leox Mondejas?"
Parang nawala pa siya sandali sa sarili niya. Umawang ang labi niya at ilang beses na napakurap.
"Ano!? Seryoso ka ba d'yan!?"
Tumango ako.
"Weh? Hindi ako naniniwala! Mabait kaya si Kaeson!"
"Wow? Kilala mo?" Gulat kong tanong sa kanya.
Umiling siya. "Hindi. Naririnig ko lang. 'Tsaka, hindi kapani paniwala na masama pala ang ugali n'yan."
"Kanina nga, tinanong niya ako kung ito na ba ang bago kong trabaho. Nagulat yata siya, or baka guilty dahil siya ang may dahilan kung bakit ako natanggal sa dati kong trabaho."
"Seryoso ba na siya talaga itong si bad guy? Hindi ako makapaniwala. Ang taas ng tingin sa kanya ng mga tao. Halos lahat ay hinahangaan siya, tapos ganoon pala ang ugali?"
Sumang-ayon ako sa kanya. "May mga tao talagang nasa loob ang kulo,"
"May proof ka ba sa paninigaw niya sa'yo?"
"Para saan?"
"What if ireport natin or ipost sa social media para masiraan siya? Grabe kasi iyong ginawa niya sa'yo!" sabi ni Yozha.
Agad akong umiling. "Kung binabalak mong sirain ang reputasyon niya bilang pagganti, pwes, hindi ako papayag."
"Pero…"
"Kapag ginawa natin iyon, anong kaibahan natin sa ginawa niya sa'kin? 'Di ba wala?"
"Sa bagay, pero kasi…" pagpupumilit niya pa.
Bumuntonghininga ako. "Hayaan na lang natin dahil nakalipas naman na. Matuwa na lang tayo sa kanya dahil nanalo siya sa tournament."
Napailing siya sa akin na parang hindi makapaniwala.
"Sa kabila ng ginawa niya sa'yo, talagang iyan ang naiisip mo?"
"Mas mabuti na iyong ganoon kaysa sa mag-isip na maghiganti sa kanila. Iniisip ko na lang na baka may pinagdadaanan siya kaya siya gano'n."
Naputol ang usapan namin ni Yozha nang muli akong tawagin ng grupo ng mga kalalakihan doon. Naghahanap sila ng wine kaya agad ko 'yong sinerve sa kanila.
"About sa cellphone, hmm… nakapag-isip isip ka na ba?" sabi no'ng Nash na nag-alok sa'kin na ibibili ako ng cellphone.
Umiling lang ako at hindi siya sinagot. Nakita ko na agad nag-kantyawan ang mga kaibigan niya.
"Why? Tinatanggihan mo ba ang offer ko? What do you want? Iphone 14? You named it." ngumiti pa siya sa'kin.
Sumama agad ang tingin ko. Hindi ako nakikipaglokohan sa kanila.
Nang sinubukang hawakan ni Nash ang braso ko, agad akong lumayo sa kanya. Mahina naman siyang nagmura na parang natapakan ko ang ego niya.
"Bakit ka tumatanggi? Hindi ba't wala kang cellphone? Paano kita matatawagan n'yan?"
Kumalma ka, Tazia. Huwag mong papatulan.
Tatalikod na sana ako pero pinilit niya akong ipaharap sa kanya kaya wala akong nagawa.
Ayoko siyang patulan.
Nandito ako para magtrabaho, hindi para tumanggap ng mga offer kung kanino man.
"Ayaw mo ba sa'kin? I can give you whatever you want." ngumisi ulit siya sa'kin.
Napailing ako sa kanya.
Sinubukan niya ulit hawakan ang braso ko, pero this time, may isang kamay ang pumigil doon.
"Anong kaguluhan 'to?"
Nakita ko ang madilim na tingin ni Kaeson Leox Mondejas sa mga kalalakihang nasa lamesa.
"Wazup, dude! Congrats again for winning this tournament! You never really failed to amaze us!" masayang bati sa kanya ng mga lalaki roon.
Saglit na ngumiti si Kaeson Leox Mondejas at pagkatapos ay agad iyong nawala nang mapatingin siya kay Nash.
"Anong ganap dito?"
"Well, our man, Nash, was just asking for this woman's number but this woman tells us that she has no phone. Nash offered a phone for her but she rejected. Mahina ang bata natin." nagtawanan sila kalaunan.
Napatingin sa'kin si Kaeson Leox Mondejas at tinaasan ako ng dalawang kilay.
"Waitress siya dito, dude. Hindi siya prosecute." sagot ni Kaeson Leox Mondejas sa kanila.
Wow, pinagtatanggol niya ako? Akala ko tatawanan niya pa 'ko dahil wala akong phone?
Natigilan sila Nash na parang na-offend sa sinabi ni Kaeson Leox.
"Nag-ooffer lang naman ako, dude. Kawawa din naman siya dahil wala siyang phone."
"If a woman rejected you once, that means you'll stop, right? Bakit panay pa rin ang pilit mo sa kanya? It's obvious that she doesn't like it at all." pagtatanggol ni Kaeson Leox.
Natahimik ang mga kalalakihan sa lamesa. Agad akong nakaramdam ng awkward silence. Muling bumalik ang tingin sa'kin ni Nash.
"I'm sorry,"
Tumango lang ako sa kanya. Wala namang kaso iyon sa akin kaya agad ko siyang pinatawad.
Hindi ko alam kung aalis na ba ako sa pwestong iyon dahil sobrang awkward na pero ayoko namang umalis nang hindi nagpapasalamat sa kanya.
"Salamat," bulong ko sa kanya bago tuluyang umalis sa pwestong iyon.
Naibigay na sa akin ang sweldo ko para sa trabahong ito. Natuwa sa'kin ang boss ko dahil nakita niya raw kung gaano ako ka-pursigido sa pagtatrabaho. Humingi lang din siya sa'kin ng paumanhin dahil narinig niya na may grupong kalalakihan ang pilit na nangungulit sa akin doon.
Bago pa man ako maka-alis sa gym, nakasalubong ko pa sa daan si Kaeson Leox Mondejas.
Akala ko may sasabihin siya sa'kin pero nagulat ako nang dinaanan niya lang ako.
Sungit.