Kabanata 3
Turned
Sabay-sabay nga kaming kumain sa cafeteria. Busangot pa ang mukha ni Kuya kasi kasama namin ang kaibigan niya. Hindi ko nga alam kung bakit ganoon nalang ang kanyang reaction. Kaibigan niya naman 'yon.
Nang matapos kaming kumain, nauna akong bumalik sa room kasi magsisimula na ang klase. Ganoon pa rin, nakinig ako sa professor namin. Pagkatapos, sumunod ang ibang subject at nagkaroon ng matinding diskusyon sa aralin.
Pagkatapos ng klase, nauna akong lumabas ng campus. Naghihintay lang ako sa labas kasi hindi pa yata tapos ang klase ni Kuya. Nakasandal ako sa pader ng entrance gate ng lumabas ang team ni Hydilyn. Mabilis akong tumalikod kasi baka paglaruan na naman ako.
Hindi nga nagkamali kasi naramdaman ko nalang bigla ang kalabit ni Hydilyn sa akin. Pinikit ko ang mata at napahinga bago tuluyang humarap sa kanila. She was smirking.
"Hello, nerd. Kanina napag-isip naming gumawa ng party bukas ng gabi. Invited ka. I want you to be there." aniya sa nakangiting labi.
Wala akong nasagot kasi umalis sila. Party? Invited ako sa party na ginawa nila? Bakit naman kaya? Hindi naman ako mahilig sa mga ganoon tsaka siguradong magtatanong si Papa sa akin.
Dumating si Kuya na pansin ang problemado kong mukha. Kunot ang kanyang noo habang pinagmamasdan ako.
"What's the problem?" he asked.
Ngumiti ako at pinakita sa kanyang walang problema.
"Wala, Kuya. Uwi na tayo." sagot ko.
He sighed heavily. Tumango siya bago inayos ang scooter niya. Binigay niya sa akin ang helmet ko at sumakay na sa kanyang likod. Umalis kami at doon natapos ang klase sa araw na ito.
"I want you to stay away from Amadeus." si Kuya sa kalagitnaan ng biyahe namin.
"Bakit naman, Kuya?" tanong ko.
He sighed.
"He's a jerk. Baka paglaruan ka no'n." aniya sa nababahalang boses.
Paglaruan? Bakit naman? Tsaka kaibigan naman siya ni Kuya kaya bakit niya naman gagawin sa akin 'yon?
"Mukhang mabait naman siya, Kuya. Siguro ganoon lang ang expression ng kanyang mukha pero mabait naman." tugon ko.
He shook his head.
"Hindi mo pa siya kilala ng lubusan, Cyrish. I know him because he's my classmate from the very beginning." sagot ni Kuya.
Napabuntong-hininga ako. Ano naman kayang mali doon? Tsaka hindi naman siguro kami magkikita palagi ni Kuya Amadeus?
"Sige. Hindi naman kami palaging magkikita no'n."
Nakita ko ang reaksyon ng mukha ni Kuya sa side mirror. Problemado at hindi mapakali.
"Is that what you think? Well guess, palagi ka no'n pupuntahan." sagot ni Kuya Keno.
Siguro nga tama ang kapatid ko sa kanyang sinabi kahapon kasi nung pumasok kami kinabukasan, nagulat ako ng makita si Kuya Amadeus sa classroom namin. Suot ang kanilang uniform, halos matulala ang mga classmates kong babae sa kanya. Sobra ang hiyang nararamdaman ko kasi bakit siya nandito? Tsaka anong ginagawa niya dito?
"What brings you here, Amadeus?" sa malanding boses ni Hydilyn.
Kuya Amadeus cleared his throat before turning his head on me. Mas lalo akong kinabahan sa nagtatakang mukha ng mga kaklase ko.
"I'm here to fetch Cyrish. Kakain kasi kami ng lunch ngayon. Tapos na ang klase niyo diba?" he said casually.
Rinig na rinig ko ang singhap ng mga kaklase ko. Hydilyn look at me like some ghost to see. She was surprised and shock. Ganoon rin ang iba kong mga kaklase.
"W-what?" Hydilyn said shockingly.
Kuya Amadeus cleared his throat for once again.
"I'm here to get Cyrish. Stop asking me." sa malamig na sagot ni Kuya Amadeus.
Napalunok ako bago hirap na hirap na tumingin sa bisita namin.
"A-ah... sabi kasi ni Kuya hindi kami sabay kakain ngayon." palusot ko.
Kumunot ang noo ni Kuya Amadeus at napunta sa akin ang buong atensyon niya.
"That's alright, tayong dalawa nalang ang sabay kumain. Come on, sa labas tayo kakain." he said while smiling.
Oh God! Kuya Keno will kill me for sure! He warned me to avoid Kuya Amadeus. Tsaka teka, kahapon lang naman kami nagkakilala nitong si Kuya Amadeus ha. Bakit pakiramdam niya, matagal na kaming magkakilala? Bakit ganoon siya? Tsaka hindi ako sanay na lumabas upang kumain.
"Ah, huwag na, Kuya Amadeus. Sa cafeteria lang ako kakain." nahihirapan kong sagot.
He sighed. Ngumiti siya at tumango.
"Alright. Sunduin kita before lunch." aniya bago kumindat sa akin.
Naghuramentado ang puso ko ng gawin niya 'yon. Para saan ang ginawa niyang pagkindat? Tsaka bakit nga kami kakain ng sabay? Paano ko siya iiwasan kung siya naman mismo ang lumalapit sa akin?
Natigil ang pag-iisip ko ng maramdaman ang tubig sa mukha ko. Nagising ako sa diwa at nakita si Hydilyn, nakasimangot habang hawak ang mineral water niya na binuhos sa mukha ko.
"You slut! Sabi ko na e! Nasa loob ang kulo nitong pangit na higad! Pa-nerd nerd lang pero lintek, si Amadeus pa ang nadali!" she said hysterically.
Basa ang mukha at notebook ko. Kinuha ko ang panyo at pinunasan ang mukha.
"See guys? She's a slut bitch! Kunwari pang mahinhin na Maria Clara ang dating pero gosh, hitad pala!" she added.
Hindi ako sumagot. She claimed that I'm Kuya Amadeus girl. It's not true. Kahit naman sumagot ako at itama ang paratang sa akin, they will not believe me. Sa mundo ngayon, kung sino pa ang tama, siya pa ang nagiging mali sa mata ng mga perpektong tao.
God create us to help each other, not to hate or belittle one each other. And it's only him, who can judge us. But society nowadays, scream like they were always true. Kaya kung magsasalita ako ngayon at ipaglalaban ang sarili ko, it will always useless.
"Ang pangit ng type ni Amadeus. Look at her, ugly slutty wearing a thick eyeglass. Baka past time lang ni Deus?" narinig kong pag-uusap ng mga istudyante sa hallway.
Pupunta ako ng banyo upang palitan ang damit ko. Nabasa rin kasi sa ginawa ni Hydilyn kanina. Pumasok ako sa loob ng cubicle at sinarado ang pinto. Buong akala ako ay mag-isa lang ako sa banyo pero nung matapos akong magpalit ng damit, hindi ko na mabuksan ang pinto.
Mabilis akong nakaramdam ng takot dahil closed ang buong cubicle. Walang dadaanan sa taas kasi high wall ang cubicle. I tried to open the door again, pero naka locked sa labas.
"B-buksan niyo ang pinto! Please!" I beg.
Nagsimula ng tumulo ang luha ko sa takot na nararamdaman. I heard a laugh outside.
"Just stay there, slutty bitch. Dadalihin mo pa si Amadeus ha!" it was Hydilyn voice.
She locked me here. Kasama niya ang mga alipores niya. Mas lalo akong natakot ng marinig ang pag-lock nila sa main door ng banyo.
"B-buksan niyo ang pinto! K-kuya Keno! P-papa! Tulungan niyo ako!" I shouted while crying.
Nanginginig ako sa takot habang unti-unting nanghihina sa paghahampas ng pinto. It was useless because they can't hear. Sarado ang mga pinto. For one last chance, I shouted my family's name before everything turned black.
---
© Alexxtott