Alyssa: Yaaawwwnnn...
Kiefer: Good morning Hon!
Sinusubukan pang gisingin ni Alyssa 'yong sarili niya nung narinig niya 'yong boses ni Kiefer at nakita niya 'tong nakangiti sa kanya.
Alyssa: Good morning! Kanina ka pa ba gising?
Kiefer: Mga one hour siguro.
Alyssa: Ano pang ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa bumabangon?
Kiefer: Mas masarap ka panoorin matulog eh. Ang ganda mo, para kang anghel.
Alyssa: Ewan ko sa 'yo Kief! Ang aga-aga mo mambola.
Kiefer: Hindi kaya kita binobola. (after a few seconds) Lika nga dito, payakap.
Kiefer pulled Alyssa towards him and hugged her habang nakaunan 'to sa dibdib niya with her left arm around him as well.
Kiefer: Alam mo, pag sinabi kong maganda ka, maganda ka. Hindi 'yon bola. Besides, bakit pa kita bobolahin? Kelangan pa ba?
Hindi sumagot si Alyssa pero naramdaman ni Kiefer na humigpit 'yong yakap nito sa kanya.
Alyssa: Hon?
Kiefer: Hmmm?
Alyssa: Wala kang training today diba?
Kiefer: Wala. As far as I'm concerned, we can stay in bed the whole day and do more of what we did last night.
Biglang napatingin si Alyssa kay Kiefer and when she saw him wiggling his eyebrows at her suggestively, she stuck her tongue out at him.
Alyssa: Asa ka!
Kiefer: Grabe, tablado 'ko agad? Hindi mo man lang ako binigyan ng false hopes, kahit konti.
Alyssa: So gusto mo 'yong pinapaasa ka?
Kiefer: Kung ikaw naman 'yong magpapaasa sa 'kin, ayos lang.
Sasagot pa sana si Alyssa ng napansin niya 'yong pa-simpleng ginagawa ni Kiefer under the comforter. Tinignan niya 'to ng masama at hinampas sa may tiyan.
Kiefer: Aray! Bakit ka namamalo?
Alyssa: Kung ayaw mong mapalo, wag mong pagapangin 'yang kamay mo kung saan-saan.
Kiefer: Magdamit ka kasi kung ayaw mong nate-tempt akong hawakan ka.
Alyssa: O sige, pumikit ka, magbibihis ako.
Kiefer: Waaaag...'to talaga hindi na mabiro. Okay na 'yong ganyan. Willing naman ako magpatukso sa 'yo eh.
Inayos ni Alyssa 'yong kumot para matakpan 'yong sarili niya tapos umupo siya at tinignan ng seryoso si Kiefer.
Alyssa: Ano bang nangyayari sa 'yo? Pinagbigyan lang kita kagabi, naging manyak ka na.
Kiefer: Hindi enough 'yong kagabi, tinakam mo kaya 'ko ng six months. Tapos mamaya niyan, paghintayin mo na naman ako ng six months bago mo 'ko pagbigyan ulit.
Alyssa: Six months? More than six months na since nung nagkabalikan tayo ah.
Kiefer: Hindi counted 'yong time na buntis ka. Bawal ka nun eh.
Alyssa: Ahhh... (ngumiti) Wag ka mag-alala Hon. Maghintay ka man, it's not going to be another six months.
Natawa si Alyssa nung nakita niyang nagliwanag 'yong mata ni Kiefer.
Alyssa: Hahaha...mga five months lang!
Kiefer: (sumimangot) Ang sama mo.
Kinurot ni Alyssa si Kiefer sa magkabilang pisngi.
Alyssa: Ang cute mo talaga. Nagjo-joke lang ako.
Kiefer: So pwede tayong mag-one round?
Alyssa: Sabi ko joke lang 'yong five months, pero wala 'kong sinabi na mangulit ka ng one round.
Kiefer: Kung ayaw mo ng one round, anong gusto mong gawin? Bakit mo tinatanong kung may training ako?
Alyssa: Kasi po, kung wala kang training today, dalawin natin sina Ella. Gusto kong dalhin 'yong mga bata para ma-meet na nila si Veejay.
Kiefer: Ayaw mong mag-stay na lang dito sa bahay? Babalik na si Yaya Sheryl galing sa day off niya diba? Pwede niyang alagaan sina Aki at Kia habang nakakulong tayo dito sa kwarto.
Alyssa: Ayaw mong makita si Von? Pwede kayong mag-Xbox habang nagke-kwentuhan kami ni Ella.
Kiefer: Aly, hindi ko nami-miss si Von. Nagkikita kami tuwing training tsaka pag may game.
Alyssa: Sige na, please?
Kiefer: Sige na nga. Hindi naman kita matitiis eh.
Alyssa: Yey! Thanks Hon!
Nginitian ni Alyssa si Kiefer bago niya inayos ulit 'yong kumot na nakatakip sa kanya. She was about to leave their bed nung pinigilan siya ni Kiefer.
Kiefer: Saan ka pupunta?
Alyssa: Sa kusina, magluluto ng breakfast.
Kiefer: Wag na, dito ka na lang.
Alyssa: Dali na Kief, bitawan mo na 'ko para makapagluto na 'ko.
Kiefer: Kiss mo muna 'ko.
Alyssa: Ayoko nga, hindi pa 'ko nagtu-toothbrush eh.
Kiefer: Hindi kita bibitawan hanggang hindi mo 'ko kinikiss.
Hahalikan lang dapat ni Alyssa ng mabilis si Kiefer, but the moment their lips touched, Kiefer pulled her towards him until she was already on top of him and she could feel every inch of his body against hers. Alyssa broke their kiss and smiled at Kiefer.
Alyssa: Ikaw ah, para-paraan ka.
Kiefer: Siyempre pag gusto maraming paraan.
Hinigpitan ni Kiefer 'yong pagkakayakap niya kay Alyssa at inumpisahan niya 'tong halikan sa leeg, pababa sa balikat.
Kiefer: Pumayag ka na Hon. One round lang, promise.
Alyssa: T-teka Kief, paano 'yong mga bata? Baka magising na si -
Aki and Kia: Waaahhh! Waaahhh!
Alyssa: Ayan na nga, gising na sila.
Bumitaw ng bahagya si Kiefer kay Alyssa, he rested his head against the pillow and stared up at the ceiling in frustration.
Kiefer: Mga Anak naman eh!!! Nabitin si Daddy!
Alyssa: Hahaha...next time na lang Kief. (umupo ng maayos) Let's get dressed, hinahanap na tayo ng kambal.
Mabilis na nagbihis sina Kiefer at Alyssa tapos pinuntahan nila 'yong kambal and brought them to the kitchen. They secured them in their high chairs at magkatulong 'yong dalawa na naghanda ng breakfast. Pagkatapos magluto, masaya silang kumain at nagkulitan habang pinapakain din nila sina Aki at Kia ng Cerelac.
Alyssa was observing Kiefer while they were eating and later on even while he was clearing the table. Sobrang ganda ng mood ni Kiefer na hindi niya maintindihan kung bakit. Hindi naman sa masungit 'to pag-umaga, pero iba kasi talaga. Iba na nga 'yong ngiti niya, hindi pa mawala.
Alyssa: Hon, why are you in such a good mood?
Kiefer: Bakit, masama ba?
Alyssa: Hindi, pero nakakapagtaka.
Lumapit si Kiefer kay Alyssa, he placed his arms around her waist and pulled her closer.
Kiefer: Good mood ako kasi hindi tayo awkward. Nung may nangyari sa 'tin last time you couldn't even look me in the eye, tapos ngayon, nagkukulitan na nga tayo, may bonus pang Aki at Kia.
******
Alyssa: Mga Anak, this is Vince Jared, you can call him Veejay. Baby siya nina Ninang Ella at Ninong Von niyo.
Kandong ni Alyssa si Kia tapos si Aki naman nakaupo sa tabi niya. Medyo behave pa 'yong dalawa, palibhasa kakadating lang nila sa bahay nina Ella kaya nakikiramdam pa sila.
Ella: Say hi to Aki and Kia, Veejay. Masanay ka ng makita sila kasi you and Aki will be bestfriends, parang si Daddy tsaka si Ninong Kiefer. Tapos si Kia, she's going to be your girlfriend. Liligawan mo siya when you grow up, okay?
Alyssa: Hahaha...baliw ka Besh! Ano 'yang pinagsasasabi mo sa anak mo?
Ella: O, bakit gulat na gulat ka? Hindi mo na ba naalala 'yong usapan natin nina Denden nung college about pairing up our future kids?
Alyssa: Seryoso ba kayo dun? Akala ko usapang lasing lang 'yon.
Ella: Ewan ko sa 'yo, basta 'ko, seryoso 'ko dun. Ipu-push ko 'yong KiJay kahit ayaw mo.
Alyssa: Uy, wala akong sinabing ayoko ah.
Ella: Eh anong inaarte mo diyan?
Alyssa: Wala, basta wag mong ipaparinig kay Kiefer 'yang pagpe-pair sa mga bata. For sure magfi-freak out 'yon.
Ella: Hala si Daddy, masyadong takot maging bayad utang 'yong prinsesa niya.
Alyssa: Oo noh. Hindi ko nga alam sa isang 'yon kung bakit takot na takot.
Binaba ni Alyssa si Kia sa kama para mas libre siyang makagalaw at makahabol kay Aki. Nag-umpisa na kasi 'tong gumapang kaya kelangan mabantayan at baka malaglag sa sahig.
Alyssa: Nga pala, nakakausap mo ba si Denden lately?
Ella: Dumalaw sila ni Nico dito last week, pero other than that, not really. Bakit?
Alyssa: Sabay silang dumalaw?
Ella: Oo, nagulat nga din ako kasi ang sabi ni Denden wala na sila ni Nico.
Alyssa: Kamusta sila? Awkward ba?
Ella: Naku Besh, wala ni katiting na awkwardness. Para ngang hindi sila nag-break eh. (after a few seconds) Although to be fair to them, nung naging sila, hindi din naman malaki 'yong pinagbago from the time na friends palang sila.
Alyssa: Napansin mo rin pala 'yon. Sabi kasi ni Kiefer I'm just reading too much into things kaya in-ignore ko na lang.
Ella: Wait, what do you mean? Ano 'yong tinutukoy mo na napansin ko din?
Alyssa: Na nung sinasabi nilang sila na, nothing's really changed. It's as if magkaibigan pa rin lang sila.
Ella: So you're saying na hindi talaga naging sila? Bakit naman nila sasabihin kung hindi totoo?
Gumapang si Aki papunta kay Alyssa, at bago sumagot kay Ella, kinuha muna niya si Aki at inupo ng maayos sa lap niya.
Alyssa: Hindi ka ba nagtataka? All they've done in front of us is hold hands and hug. Never sila nag-kiss sa harap natin. At ayaw din nilang ikwento kung paano naging sila.
Ella: Baka nahihiya lang sila kasi ang tagal nilang pinanindigan na mag-bestfriend lang sila tapos biglang tama pala tayo na may something nga?
Alyssa: Ewan, basta hindi ko maalis 'yong pakiramdam na meron silang hindi sinasabi sa 'tin tungk -
Alyssa stopped in mid-sentence at sabay silang napalingon ni Ella sa pinto nung unti-unti 'tong bumukas at nakangiting pumasok sina Kiefer at Von.
Ella: May kelangan kayo Babe?
Von: Wala, na-miss lang namin kayo.
Lumapit si Von kay Ella para halikan 'to habang si Kiefer umupo sa tabi ni Alyssa. Hinalikan din ni Von si Veejay tapos hinuli niya si Kia na gumagapang sa kama at kinarga 'to.
Von: (tumingin kay Kia) Ang galing na gumapang ni Kia ah. Enjoy ka ba dito sa 'min? Dito ka na lang para may kalaro 'yong future boyfriend mo.
Biglang tumayo si Kiefer at kinuha si Kia kay Von.
Kiefer: Hoy Paps! Magkaibigan tayo pero hindi ko gusto 'yang pinupunto mo. Future boyfriend ka diyan! Ayoko, hindi pwede!
Von: Hahaha...'to naman, ang OA maka-react. Ano bang masama kung maging si Veejay at si Kia paglaki nila?
Kiefer: Tinatanong mo talaga kung anong masama? Ni ayoko ngang paligawan 'to tapos gusto mo pang magka-boyfriend?!
Hindi napigilan ni Von na lalong matawa sa inaasta ni Kiefer. Sina Alyssa at Ella naman, nagkatinginan lang tapos pa-simpleng umurong si Alyssa palapit sa kaibigan.
Alyssa: (bumulong) Sabi ko sa 'yo Besh magfi-freak out si Kiefer eh.