Damang-dama ko ang mga mura niyo kay Valentine. Ako na ang umaako. Haha! Vote and comment para sipagin ako mag-UD. :)
==========
Chapter Twenty Four
Fighting Fate
Valentine's POV
ANG deretso kong pag-iisip ay nasasapawan na ng sobrang takot. No'n lang ako natakot sa buong buhay ko at wala akong ideya kung bakit hindi ko magawang kumalma.
"Magiging okay siya, 'di ba?"
Nagbuntonghininga lang si Kierre sa tanong ko.
"Sumagot ho kayo, please!" Yuan said with bloodshot eyes. "We don't know yet. We will try to revive her."
Umakyat na sa ulo ko ang galit at kwinelyuhan si Kierre. "Hindi niyo alam? Paanong hindi niyo alam eh kayo ang mga pinakamakapangyarihan dito! Try? Susubukan niyo? Kaya nga ginawa ang magic para gawing posible ang mga imposible! Royalties kayo! Akala namin magaling kayo?! Say it! Say it that she's alright, that she's safe, that she's alive! Sabihin niyo sa'kin ngayon!" kinakapos kong hiningang panghahamon sa kanya. Kung hindi lang ako nanghihina dahil sa paglangoy kanina'y baka nasuntok ko pa siya.
"Val, tama na! Royalties sila! Ano ka ba?" pag-awat ni Daniel.
Dinuro naman ako ni Ellie. "Alam mo? Hindi rin naman siya magkakaganito kung hindi dahil sa 'yo! We should have not entrusted her to you!"
Nabingi ako sa paninisi nila, pero ang tanging iniisip ko lang ay ang kalagayan niya.
"Val, I know you're just worried, pero ginagawa namin ang makakaya namin at isa pa, nanghihina ka rin. Kailangan mo ring magamot," kalmadong sabi ni Kierre.
"If you're telling me that you're doing your best, bakit nandito ka? Heal her! Heal her now! Huwag n'yo akong alalahanin. Siya ang pagtuonan ninyo ng atensiyon!" I was shouting ill words to the two head guardians, and I couldn't even hold myself back.
Ikinuyom ko ang mga kamao ko at humugot ng malalim na hininga para maibsan nang kaunti ang poot ko, hindi sa kanila kung hindi sa sarili ko.
Nagmadali na silang pumasok sa silid kung nasaan si Tine at gustong- gusto kong sumunod. Gusto kong pumasok doon. Gusto ko siyang makita.
"Pain is the strongest emotion to feel." Naalala ko ang mga sinabi niya sa akin noon. 'And seeing someone dearest to your heart slowly fading away from you is the strongest pain to feel,' dugtong naman ng isip ko.
Unang beses ko pa lang nakita si Tine sa Golden Pavilion, hindi na siya naalis sa isip ko. Hindi ko man alam kung anong papel ang gagampanan niya sa buhay ko, basta ang alam ko lang ay magiging importante siya sa akin.
Nang malaman kong kaibigan siya ni Yuan ay lalo akong nagkaroon ng pagkakataon para makilala siya. Pagkakataong akala ko noon ay hindi ako magkakaroon, na hanggang tanaw na lang ako sa malayo. Kaya nga nasagip ko siya noon sa Gwendro. Lagi ko siyang ginagabayan hindi pa man niya ako kaibigan. I admit to be her full-time stalker.
Sa totoo lang, noong na-injure siya sa Elemental Dome ay bahagya akong hindi nagsabi ng totoo. Hindi naman talaga nakagagamot ng pasa at sugat ang halik ko. Totoong may power of touch ako, pero mga kamay ko lang talaga ang nakapagpapaalis ng sakit. I was so close to her and thought it was a perfect time.
Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit ganoon na lang kalapit ang loob ko agad sa kaniya. Parang kilalang kilala ko agad siya. She was like someone I have always known from the past.
Kaya magpahanggang trainings ay ginagawa ko pa rin iyon. I kissed her wounds not because she believed it was a cure but because I wanted to make her feel that someone's willing to protect her. Na mawala man ang lahat sa kaniya, pero ako, mananatili lang akong nasa tabi niya . . . palagi.
The first time she called my name in history class to tell me she was thankful because I saved her from drowning, that's when I knew that she's really special to me. Lalo pang umigting ang nararamdaman ko para sa kaniya nang mapalapit kami sa isa't isa.
Maraming gumugulo sa isipan ko noon. Maybe this was just a fleeting moment, that I was just after the chase, that she was just another eye of attention to me kaya sinubukan ko siyang layuan. I tried to ignore her and create a distance between us, but I failed. Hindi ko natiis! Naglaan pa ako ng oras para paghandaan ang sorpresa ko para sa kaniya noong birthday niya at humingi ng pangalawang pagkakataon para maging friends kami.
Hindi ko mapanindigan ang pag-iwas ko. Sa tuwing sinusubukan kong lumayo, tinatraydor ako ng sarili ko.
That's when I assured myself that it's not just the chase because she was much more than that. I couldn't even explain why but I just did. Gusto ko na siya—gustong-gusto.
Pero noong nakaraan lang, nagambalang muli ang isip ko. I was assisting Bethany and Adam in Sefriegen when they told me about two of their classmates. Pinagsabihan daw ang mga kasamahan nila nina King Darius na itigil ang kung anumang namamagitan sa kanila.
Ang magkasintahang pinag-uusapan nila ay isang wizard at isang guardian. Ni minsan hindi pa pumasok sa isip ko ang tungkol doon.
Na bawal pala magkaroon ng relasyon ang isang wizard at guardian.
Inusisa tuloy ako ng dalawa dahil napapansin nila ang closeness namin ni Tine. Napaamin nila ako na gusto ko nga siya, pero pinangaralan nila ako na kung maaari ay tigilan ko na dahil walang mabuting maidudulot 'yon.
Tinanong pa nila ako kung gusto rin daw ba ako ni Tine, pero wala akong masagot dahil hindi ko rin naman alam lalo na at may isa pang lalaking malapit na malapit sa kaniya—si Yuan.
I remembered Bethany's words, "Kung gusto mong malaman, pagselosin mo. I'll help you. We should try and see if we'll work out. We're both guardians, malayang malaya tayong dalawa. Kung wala siyang feelings for you, then move on and let's try if we'll work." Kinindatan pa niya ako non at confident na makakatulong nga. She just offered herself to me to be a rebound.
I was so confused, but I still decided to distance myself from her for the second time. Nakumbinsi ako ng dalawa at napangunahan din ako ng takot na kung sakali ngang magkaroon kami ng relasyon, paghihiwalayin lang kaming dalawa. Kaya habang maaga pa, mabuti pang tuldukan ko na kaysa mas lumalim pa. Maaaring mas masaktan ko pa siya.
Proven wise, nang maabutan niya kami ni Bethany ay wala akong nakitang pagseselos sa kaniya. Kahit pa sinabi ni Bethany na kami na. Siguro nga ay hindi ako ang gusto niya.
Gayunman, heto ako at bumaligtad na naman ang mundo ko. Hindi ko na alam ang pipiliing desisyon. I wanted to prevent her to have a complicated life with me, pero ayaw ko rin naman siyang mapalayo sa akin. She's my fighting fate, but I was not sure if I was to her.
• ˚ •˛•˚ * 。 • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •
LUMABAS na sina Lindrenne na hindi ko mabasa ang itsura. "Kumusta po? Ano po'ng nangyari?" tanong ni Yuan. Ginising na rin ni Dan ang dalawa.
"She's alive, for now . . ."
Nag-echo sa utak ko ang sagot ni Diamond at para akong nabunutan ng itak sa puso. Pinapasok niya kami sa silid at agad siyang hinanap ng mga mata ko.
"She's okay now, but her breathing's still not normal. Hindi rin natin alam kung kailan siya magigising. Matagal siyang nanatili sa chamber na 'yon, pero hindi namin maintindihan kung bakit buhay pa rin siya."
Napakuyom ako ng aking kamay dahil parang hindi maganda ang sinabi ni Diamond.
"Don't get me wrong, Valentine," sagot niya sa kaniyang nabasa sa isip ko. "Ang punto ko lang, imposible 'yong mangyari. Tatapatin ko na kayo. Para sa katulad niyang fire ang element at nalubog underwater lalo sa gano'ng katagal na oras, it's hard for her to survive. Lalo na kung pakana ito ng Dark Sorcery. Pero nang dalhin n'yo siya rito, ilang healing recovery spells lang, na-revive siya agad. Natagalan lang kami dahil inalam pa namin ang mahikang bumabalot sa kaniya kung mayroon man, pero wala. This is strange."
"Pero bakit po ilalagay siya doon ng kalaban hindi para kitilan ng buhay?" tanong ni Yuan. "Ginawa lang siyang pa-in para panakot sa lahat?"
Diamond sighed. "You could say that. Hindi natin alam ang iniisip ng kalaban. It looks like the water chamber made her weak, but it kept her alive."
"Mayroon ring ibang estudyanteng nasa ibang silid naman. They were frozen. Natagpuan sila sa iba't ibang parte ng Fortress High. Marahil ay ginagawa ito ng kalaban dahil alam nilang malapit na ang tournament." dagdag ni Kierre.
Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Nakokonsensiya ako dahil nasigawan at nainsulto ko siya kanina.
"Ibig sabihin ay mayroon na ngang kalaban," ani Sage.
"I'm afraid yes. I'm sorry this happened to your friend. Pang-ilang beses na nga ba ito?" sagot ni Queen Shayne.
"Pero paano nga ba napunta si Cristine doon? Paano siya nailagay ng kalaban doon? At mukhang sa lahat ng napahamak, iba ang kaso ng kaniya. Siya lang ang napunta sa misteryosong lawa," tanong ni Queen Gwyneth.
"May boses na kumakausap sa kaniya," I finally spoke. "Isang araw habang nagte-training kami, may tumatawag daw sa isip niya. Hindi ko alam kung sa ibang mga araw ay naririnig pa rin niya 'yon, pero malakas ang kutob kong ang boses na iyon pa rin ang may kagagawan nito."
"You mean to say she's being controlled by that voice?" pagtataka pa ni Queen Gwyneth.
I nodded as an answer.
"We'll investigate this. For now, let her rest. Pasensiya na, pero mukhang hindi na siya makakalaban pa sa gaganaping tournament bukas," ani Diamond.
Palabas na ang Royalties sa silid nang magsalita ako. "Sandali lang . . ."
Agad naman silang humarap at yumuko ako bilang paggalang. "Salamat. Maraming salamat."
Tumango sila bilang sagot at tuluyan nang lumabas. Naiwan sina Kierre at Lindrenne.
"Take a rest, too, Valentine," sabi ni Kierre na mukhang malungkot ang mga mata bago lumabas.
Bakit ang bait pa rin niya kahit ang sama ng inasal ko sa kanila? Lalo tuloy akong na-guilty.
Nilapitan naming magkakaibigan si Tine na mahimbing na natutulog sa kaniyang kama. May nakakabit sa kaniyang aparato. Kinakausap siya nina Ellie kahit tulog at tahimik ko lang silang pinakikinggan. Magkatabi kami ni Yuan dito sa isang sofa.
"Val, okay ka lang?" tanong ni Yuan.
Bahagya akong nagtaka sa tanong niya. "Hindi pa. Lalo na ngayong pakiramdam ko ay napabayaan ko siya. Ikaw ba?"
"You love her, don't you?" aniyang nakapagpatigil sa akin.
Ilang saglit pa akong natahimik bago umimik. "Pero ikaw rin naman . . ." Alam kong ang sinabi ko ay tila naging instant pag-amin ko na rin kay Yuan.
"Sabi na nga ba. The way you reacted last night and how you shouted at the guardians proved it all. Then you followed Dan and me despite knowing that fire's also your weakness. 'Yon ang unang beses na nakita kitang umiyak. Binabalewala ko lang noong una ang mga napapansin ko, pero kagabi, nakumpirma ko."
I was caught off guard. Hindi ko napaghandaan ang confrontation na ito.
"Pero mahal mo siya kaya nagpaubaya ako. To be honest, I was really confused with my feelings until last night happened. Takot na takot ako, Yuan. I'm scared of losing her." Pagkasabi nito ay napayuko ako at pinagsalikop ang dalawa kong kamay.
"You have feelings for her deeper than mine. Yes, I like her now . . . but you . . . you love her. Magkaiba 'yon."
"Ano'ng gusto mong iparating?" takang tanong ko. Hindi ako makapani- walang nag-uusap kami tungkol dito.
"You can pursue her. Kung pinipigilan mo lang ang sarili mo nang dahil sa 'kin, niloloko mo lang ang sarili mo, Val. Bro codes? Uso pa ba 'yon? Well, I won't say may the best man win, pero oras na saktan mo siya, hindi ako magdadalawang-isip na agawin siya sa 'yo," seryoso niyang sabi.
Nagimbal ako sa kaisipang 'yon. Madali nga lang palang sabihin na magpaubaya ka, pero kapag mismong nasa sitwasyon ka na, napakahirap. Maisip ko pa lang na aagawin niya sa akin si Tine ay natatakot na ako.
"You can't . . ."
"I can, Val, and I will really get her from you when you hurt her. Just reminding you, ako ang nauna."
Umigting ang panga ko sa kaniyang ipinamukha sa akin, pero tatatagan ko ang loob ko. Sisiguraduhin kong ako ang wakas.
Nang hindi ako nakasagot ay inakbayan ako ni Yuan. "Sana hindi ito makaapekto sa pagkakaibigan natin kahit mahirap. Hindi naman natin kasala- nang nagkagusto tayo sa iisang babae." Ngumiti na siya sa akin na naniningkit pa ang mga mata.
Behind his smile, I knew that he was somehow sad. Sino ba naman ang lubusang magiging maligaya kung alam mong 'yong taong gusto mo, pinapangunahan mo nang manatili sa piling ng iba . . . at sa kaibigan mo pa?
"Hindi ako tuluyang nagpapaubaya, Val. Gagawin ko ang gusto ko. Oras na malaman ko na ako ang gusto niya, aangkinin ko siya. Pero kung ikaw naman ng pipiliin niya, I will accept it. Besides, I can still protect her even if we won't end up being together."
Nasasaktan man akong marinig ang malungkot na boses ni Yuan, pero hihilingin ko pa ring sana ako ang gusto ni Tine, na ako ang pipiliin niyang makasama at mahalin.
"If she's happy, I'm happy," sabi ni Yuan bago umalis.
Iyon na nga, Yuan. Hindi ko alam kung kanino siya masaya.
Sa'yo o sa'kin.