Chasing The Sunset (To Be Pub...

By vxmpty_cha

5.6K 410 24

Sa paglubog ng araw nagkakilala ang magkasintahang sina Chelsea at Dwight. Naging bunga ng kanilang pagmamaha... More

PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
50
51
EPILOGUE
CHARACTERS

49

49 4 0
By vxmpty_cha

"GRABE ka naman sis! Paano mo nagawa 'yon? May sama ka ba ng loob kay Doc Lance?" mahinang sambit ni Doc Mitzi nang makalabas kami sa Conference Hall.

"Doc Mitzi, ginawa ko lang kung ano sa tingin ko ang makabubuti para sa lahat." sambit ko habang patuloy pa rin sa paglalakad.

"Shocks! Hindi ka ba natatakot, sis? Baka nakakalimutan mong medical director ang binabangga mo!" wika niya, sinasabayan ang paglalakad ko.

"At this point, I'm not afraid of anything, Dra. Santos." saglit ko pa siyang tinapunan ng tingin. Huminto ako nang makarating na ako sa tapat ng opisina ko.

"Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutang ikaw pala si Alison Pineza." ngumisi siya at umirap. "Una na ako, sis!" paalam niya bago umalis.

Aktong bubuksan ko na sana ang pinto ng opisina ko nang biglang sumulpot si nurse Althea.

"Good afternoon, Doc Ali!"

"Hey, nurse Althea, good afternoon. May kailangan ka ba?"

"May invitation letter po tayo galing sa UACM." Ngumiti siya at inabot sa'kin ang maliit na puting envelope.

"Talaga?" usal ko at tinanggap ito mula sa kaniya. Binuksan ko ito at binasa ang nakasulat. "Two representative?" tumaas ang kilay ko.

Nakalagay sa imbitasyon na gusto nilang mag imbita ng dalawang representative doctors dito sa Lazaro para sa one day lecture ng mga fourth year nursing student.

"Alam na ba 'to ni— ng Medical Director?" tanong ko kay nurse Althea.

She shook his head. "Not yet po, Doc Ali, ikaw pa lang po."

"Gano'n ba? S-sige ako na bahalang magsabi sa kaniya tungkol dito. Thank you, nurse Althea."

Tuluyan na akong pumasok sa opisina ko at pagod na umupo sa swivel chair. Bigla na lang sumama ang pakiramdam ko. Para akong lalagnatin. Buti na lang at rest day ko bukas, makakapagpahinga na rin ako.

Uminom ako ng tubig bago naisipang pumunta sa opisina ni Lance. Hawak ko ang invitation letter habang tinatahak ang daan patungo sa opisina ng lalaki.

Nang makarating ako sa tapat ng opisina nito, bahagya kong inangat ang kamay ko at mahinang kumatok. Nakadalawang katok pa ako bago ko marinig ang boses niya mula sa loob.

"Come inside."

Humugot ako ng malalim na hininga. Kumalma ka, Alison! Iaabot mo lang naman itong invitation letter sa kaniya.

Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at binuksan na ang pinto ng opisina niya. Ngunit agad rin akong napatigil sa kinatatayuan ko. Pareho silang napaangat ng tingin sa'kin.

Bahagyang umawang ang mga labi ko kasabay nito ay  nakaramdam ako ng kirot sa dibdib dahil sa nakita. Magkasama silang dalawa sa loob ng opisina ni Lance. Nakaupo ang lalaki sa swivel chair nito habang nakatayo si Doc Juvy sa bandang likuran niya.

Mas lalong dinurog ang puso ko nang mapunta ang tingin ko sa kamay ng babae na nakapatong sa balikat ni Lance habang minamasahe ito.

Tumingin ako kay Lance dahilan para magtama ang mga mata namin. Wala akong nakikitang kahit anong reaksyon sa mukha niya. Siguro... ako lang 'yong nagulat.

"Dra. Pineza, right? Come inside!" sambit ni Doc Juvy habang nakangiti ng abot tainga.

Pait akong ngumiti bago umiling. "Hindi na... pasensya na sa abala..."

Hindi ko na hinintay pa na magsalita siya ulit. Lumabas na ako ng opisina nito. Pagkalabas ko ay agad na nagsiunahan sa pagtulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Pero agad ko rin itong pinunasan. Gusto ko lang naman malaman ang katotohanan, pero tangina bakit kailangan kong masaktan!

Ginusto mo 'to, Alison, kaya panindigan mo!

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagpunta sa mga kwarto ng mga pasyente ko para bisitahin ang mga 'to.

Pinasuyo ko na lang din kay Althea ang invitation letter para iabot ito kay Lance. Hindi ko na kasi kinakaya. Pagod na rin akong magpanggap.

Namalayan ko na lang na nakatulog na pala ako sa lamesa dito sa'king opisina. Dala na rin siguro ng pagod at masamang pakiramdam.

Marahan kong idinilat ang mga mata ko bago nag-inat ng katawan. Natuon ang paningin ko sa lamesa sa'king harapan. Bahagyang tumagilid ang mukha ko nang makitang may nakapatong ritong meds at iced coffee.

Kunot-noo ko itong kinuha at tiningnan. Tumaas ang kilay ko nang mapagtantong ito ang paborito kong iced coffee. Frappucino.

Agad kong inilibot ng paningin ang bawat sulok ng aking opisina ngunit ako lang naman ang tao rito.

Kanino naman kaya galing ang mga 'to?

Nang tingnan ko ang meds, parang may kung anong paru-paru ang nagwawala sa tiyan ko nang makita ang nakadikit ritong note.

Take this meds. Pagaling ka.

Nakagat ko ang pang ibaba kong labi nang maisip na baka galing 'to kay Lance. Ngunit agad ko ring pinilig ang aking ulo sa'king isipan. Malabong mangyari 'yon! Kasi una sa lahat, may girlfriend na siya, at ikakasal na sila.


***


"GOOD morning po, Doc Ali!" bungad sa'kin ng isang intern nang makapasok ako sa ground floor.

I smiled. "Good morning."

Pumasok na ako sa elevator at pinindot ang floor number ng office ko. Tahimik lang ako hanggang sa makarating ako sa mismong floor.

Diretso lang akong naglakad palabas ng elevator. Wala akong duty ngayon. Ang totoo niyan ay sumaglit lang ako rito sa ospital.

Napahinto ako sa paglalakad nang biglang sumulpot si Doc Mitzi sa gilid ko.

"Good morning, Doc Ali!" bati niya habang inaayos ang suot niyang white coat. "Siya nga pala, may good news ako sa'yo, sis!"

Humarap ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. "Good news?"

"Exactly! Dahil sa'yo, hindi na matutuloy ang pagbabawas ng mga empleyado dito sa Lazaro Hospital!" Matapos niyang sabihin 'yon ay mahina siyang tumili.

Napamaang ako nang marinig ang sinabi niya. "Seryoso ba?" gulat kong usal.

"Mhm-mm!" tumatango-tango niyang sabi. "Kalat na kaya ang tsismis tungkol diyan! By the way, I have to go sis, see you around!" Nagmamadali niyang sambit bago umalis.

Saglit ko pang prinoseso ang sinabi niya. Nakaramdam ako ng kaunting saya. Masaya akong napapayag ko si Lance sa naging suhestiyon ko kahapon.

Nagtungo ako sa nurse station para hanapin si nurse Althea. Nakita ko rin siya kaya agad akong lumapit sa kaniya.

"Excuse me, nurse Althea?" tawag ko sa kaniya.

Napalingon siya sa'kin at agad na ngumiti nang makita ako. "Doc Ali! Good morning po,"

"Pwede ba kitang makausap saglit?" tanong ko.

"Sige po, Doc." sambit niya at naglakad palabas ng station.

Nakangiti siyang huminto sa harap ko. Tumikhim ako bago siya nginitian pabalik.

"Gusto ko lang sanang itanong kung sa'yo ba galing 'yong coffee at meds na nasa table ko kagabi?"

Napansin ko ang pagkunot ng kaniyang noo. "Ho? Naku po Doc, hindi po 'yon galing sa'kin. 'Tsaka maaga po akong nag out kagabi."

"Gano'n ba? Uhh... wala ka bang napansin o nakitang may pumasok sa opisina ko?"

Umiling siya. "Wala po talaga, eh."

"Sige, thank you for your time, nurse Althea—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang may sumingit na malalim na boses mula sa'king likod.

"Dra. Pineza."

Natigilan ako nang mapagtanto kung kaninong boses iyon. Dahan-dahan ang ginawa kong paglingon. Napatingin ako sa suot niya na mas lalong nagpaangas ng kaniyang dating.

Nakasuot ito ng white coat at nakasabit sa kaniyang leeg ang stethoscope. Nakapamulsa ang isa nitong kamay habang may dalang patients chart ang kabila.

Unti-unti kong inangat ang aking tingin sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang pagbilis ng kalabog ng dibdib ko. Napalunok ako kasabay ng pag awang ng aking labi nang makita ang mukha niya.

It is the first time I saw him wearing eyeglasses, and he's so freaking handsome!

"D-doktor Lazaro?" pigil ang hininga kong sambit.

"Hmm? How do you feel right now?" tanong niya habang nakatingin sa'kin ng diretso.

Bakit pakiramdam ko parang may malalim na ibig sabihin ang tanong niya?

Agad na nangunot ang noo ko. Paano niya nga pala nalaman? Nakita niya siguro ang naging reaksyon ko kaya naman nagsalita ulit siya.

"Nurse Althea have told me that you're not feeling well yesterday. Ayos ka lang ba?" aniya.

"O-okay na ako... salamat sa pagtanong," nauutal kong sambit dala na rin siguro ng kaba na nararamdaman ko ngayong kaharap ko siya.

"That's good." He smiled. "Anyway, do you still remember my sister?"

Tumango ako. Alam kong si Doc Kristel ang tinutukoy niya.

"She's back in the Philippines. She heard about your promotion, that's why she decided to invite you for a dinner." sambit niya dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"D-dinner?" gulat kong usal.

"Yes. Bukas ng gabi, sa bahay namin. Make sure that you're already there before eight."

Continue Reading

You'll Also Like

5.8M 284K 65
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
54.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1.3M 91.2K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
1.1M 44.9K 101
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞