Kabanata 9 : Masaya lang Dapat
El Casa
Days Later
"Good evening, Sir." bati ng isang magandang babae sa grupo ng mga lalaking pumasok sa vicinity ng El Casa.
"This way Sir." sabi naman ikalawang babae sa grupo.
"Sandali, titingin muna kami ng babae sa Casa." sabi ng isang lalaki sa ikalawang babae na hindi mo aakalain na isa lamang itong usherrete dahil sa ganda nito na maihahalintulad sa isang modelo.
"Sorry Sir, lahat po ng kliyente o mga bisita ay dederetso sa El Emperio Bar." sabi ng ikalawang babae na ikinatingin ng grupo sa isa't isa.
"Bakit?" sabi ng ikalawang lalaki na may halong pagtataka sa tanong na iyon.
"Ngayon po ang Big Event ng Casa sa bar." sabi ng ikalawang babae na ikinangisi ng lalaking nakatayo sa pinakadulo ng grupo.
.....................
Flashback
Days ago
Malit Beach Resort, PH
"King, may sulat ka at mukhang invitation." sabi ni Prince Renan.
"Kanino galing?" sabi ni King Jan Carl habang nakadapa sa bench sa may dalampasigan ng Malit Beach Resort sa tagong isla ng Pilipinas.
"Walang nakalagay pero inamoy na ito ng sniffing dog okay naman ang sulat. Kinilatis na rin ng mga tauhan natin at Clear naman." sabi ni Renan sa half brother.
Napakunot noo si Jan Carl sa hawak na envelope na kulay pula ni Renan. Kararating lang ni Jan Carl galing Palasyo kung saan siya ang nakaupong hari. Ang araw na iyon ay ninakaw lang niya para makapagrelax sa dami niyang ginagawa sa Palasyo mula ng maupo siya.
"Kunin mo na, sayo kasi nakapangalan." sabi ni Renan ng titigan lang ni Jan Carl ang sulat.
Inabot ni Jan Carl ang sulat saka ito tumingin sa kapatid.
"Puwede ka ng umalis." sabi ni Jan Carl na ikinangiti ni Renan dahil mula ng naging hari si Jan Carl lalo itong naging maingat na kahit silang mga kapatid at pinsan nito ay nahihirapang lumapit dito.
"Okay." sabi ni Renan saka ito umalis.
Pagkaalis ni Renan napatingin si Jan Carl sa paligid saka ito umupo mula sa pagkakadapa sa bench.
Pinagmasdan ni Jan Carl ang sobre na halatang mamahalin, amoy pa ang mamahaling scent ng naturang sisidlan.
"Baka indecent proposal na naman." sabi ni Jan Carl sa sarili dahil mula din ng maupo siya at magpakilala maraming naghahangad na maging asawa niya mula sa iba't ibang matataas na tao sa buong mundo.
Napahingang malalim si Jan Carl trenta y tres anyos na siya edad na maaga pa para maging hari pero tila tinadhana talaga sa kanya ang pag-upo ng maaga sa trono dahil ang ama niya ay lumisan na sa mundo kaya naman lahat sa Palasyo nakaatang sa kanya.
Ang Canmore Palace ay nakatayo sa Middle East, isang moslem country na mayaman sa ginto at langis. Maliit na bansa na may malaking kayamanan kaya naman maraming gusto umangkin sa lugar pero ang lugar napanatiling matayog, matatag at ligtas ng kanyang mga ninuno.
Binuksan ni Jan Carl ang sobre at sa pagbukas nito kinuha niya ang papel sa loob na halatang mamahalin din. Sa pagkuha nya at paglabas ng papel napakunot noo muli siya ng makita ang nakalagay.
"Big Event. You are invited." basa ni Jan Carl sa nakalagay at mula doon nakasulat ang petsa, lugar at oras.
"Iyon lang?" sabi ni Jan Carl sabay baliktad ng card para masigurong wala ng ibang nakasulat pero sa pagbaliktad nga malinis na ang papel.
"Aissst! Niloloko na naman ako ng babaeng iyon panigurado." sabi ni Jan Carl sabay higa nito sa bench habang hawak ang card.
Alas sais pa lang ng umaga sa beach na iyon pero ang araw mataas na ang sikat, hindi naman masakit sa balat kaya masarap magbilad. Kasama pa na mabango ang hangin sariwa at amoy ang malinis na karagatan ng isla. Ang lugar na iyon ay lihim niyang binili sa pamamagitan ng dummy sa bansang yaon.
"Langyang bansot iyon. Ano na naman kaya ang balak? Baka perahan na naman ako." sabi ni Jan Carl saka ito napangisi.
"Haysss! Hindi na. Marami na akong naibigay sayo. Sobra na iyon, tapos ang nagawa ko lang kiss o kaya haplos. Hay naku! Para akong bumili ng dilis na kinain ko tapos hanggang leeg lang. NO satisfaction ika nga." sabi pa ni Jan Carl habang hawak pa rin ang card.
"Bakit ako pupunta? Tsss! Hari na ako, kaya ikaw ang pumunta sa akin." napangising sabi ni Jan Carl sabay taas ng card para pagkatitigan.
"You are invited. Langya, so ako lang ang invited?" naiiling na sabi ni Jan Carl.
"Sabagay, mapera ako kaya sa akin pa lang buhay ka na. Tsss! Hindi pala sayo lang dahil iyong pera kong kinukuha mo at nakukulimbat nakakabuhay ng mga kagrupo mo. Hay naku! Ilang taon akong nagbigay ng malalaking tip sayo, at nakiknabang doon ang kagrupo mo. Para akong may anak dahil sa ginagawa mo sa akin." sabi ni Jan Carl.
"Tama na ang panloloko mo. Tapos na ako sayo, hawak ko na ang palasyo kung saan maraming babae." sabi pa ni Jan Carl sabay titig sa card na nakahang sa ere habang nakataas ang mga kamay niya.
"Ang liwanang naman." sabi ni Jan Carl ng tumapat ang mata niya sa sinag ng araw kaya naman iniharang niya ang card na may size lamang na ¼ na bond paper.
"Big Event. You are invited." basa uli ni Jan Carl ng mapatigil ito ng sumakto ang papel sa pagtakip niya sa sinag ng araw.
"Sandali." sabi ni Jan Carl saka nito sinakto ang papel sa sikat pa ng araw at ilang sandali pa nanlaki ang mga mata nito ng makita ang silhouette ng isang babae na nakahubad. Nakahubad at nakatagilid ito, kita ang magandang hulma ng katawan.
"Gagang babae iyon, aakitin pa ako ng silhouette ng iba." inis na sabi ni Jan Carl ng biglang humangin ng malakas na ikinabitaw niya sa card.
"Uyyyy! Sandali akin iyan." napasigaw sa pagkagulat na sabi ni JanCarl na tila inagaw ng hangin ang invitation card niya.
Mabilis na tumayo ang binata saka nito hinabol ang invitation card na ninanakaw ng hangin.
"Asar, kahit hangin sa Pinas magnanakaw." sabi ni Jan Carl sa inis nito na hindi na nakapagsuot ng tsinelas dahil ang salarin na hangin mabilis na pinupuslit ang pag-aari niya.
"Arrghhhh!!! Astraea kahit ang hangin sa bansa niyo kapanalig mo. Magnanakaw!" sigaw na inis ni Jan Carl na mabuti na lang private ang beach resort na iyon dahil kanya nga iyon, pag-aari niya.
Tumakbo si Jan Carl habang nakatitig sa invitation card na hinahangin.
"Langya! Iyong nagbigay nito may sumpa. Sumapi yata ang ondin na iyon sa card na ito." sabi ni Jan Carl habang tila ang hinahabol nito ay tao.
"Ang bilis!" inis na sabi ni Jan Carl dahil ang card tila nagpapahabol tulad ni....
"Astraeaaaaa!" inis na sabi ni Jan Carl ng biglang tumigil ang ihip ng hangin at pinalitan ng malamyos na buga nito.
Napahinto sa pagtakbo at paghabol si Jan Carl ng bumagsak ang card sa buhanginan ng dalampasigan.
"Manang mana ka sa gumawa sayo." inis na sabi ni Jan Carl habang papalapit sa card pero sa malamyos na buga ng hangin bahagyang gumalaw ang card na tila may buhay ito.
"Ano bang bansa ito ang daming impaktang namumuhay at kung saan-saan sumasapi at ngayon sa Invitation card na ito." sabi ni Jan Carl habang naglalakad at sinusundan ang card sa paggalaw nito ng dahan-dahan sa buhanginan gawa ng hangin.
"Astraea." napahingang malalim na sabi ni Jan Carl ng tila ang sinusundan niya ay ang dalaga dahil ang card tila naglalakad at may sariling buhay habang iniihip ng malamyos na hangin sa buhanginan ng dalampasigan.
"Hayss! Hindi na ako pupunta diyan. Hindi na puwede." sabi ni Jan Carl na napabuntung hininga at sumeryoso habang sinusundan pa rin nito ang card na tinatangay ng hangin.
Napahinto sa paglalakad si Jan Carl na ikinahinto din ng card kaya napakunot noo si Jan Carl.
"Tsss! Para kang si Astraea." napangising sabi ni Jan Carl saka ito muling naglakad na ikinaihip muli ng hangin kaya ang card muling tila naglakad sa baybayin na ikinangiti ni Jan Carl.
"Okay. Last na paghabol ko na sayo." sabi ni Jan Carl saka ito mabilis na naglakad pero bigla muling humangin ng malakas at tinangay ang card ng hangin.
"Ahhhhh!!!! Bakit ganito ang bansang ito? Ang daming elemento?" inis na sabi ni Jan Carl saka na naman tumakbo para habulin ang card.
"Uyyy! Huwag ka sa tubig pumunta." sigaw ni Jan Carl ng mapunta sa tubig ang card.
Mabilis na tumakbo si Jan Carl bago anurin ang card ng tuluyan ng tubig palayo.
"Aissst! Dinasalan ka siguro bago ka ibinigay sa akin ng ondin na iyon." sabi ni Jan Carl sabay kuha sa card pero napatigil ito ng unti-unting sumilay ang nakatagong mensahe sa card ng mabasa ito ng tubig dagat.
"Ayos ha. May pagka-witch talaga ang babaeng iyon." sabi ni Jan Carl ng mamangha sa dahan-dahan pagsungaw ng lahat sa card.
"Ito na ang huli, at ng reyna ay tatabi sa karapat-dapat ng isang gabi."
"Ohhhh! Nice game again." sarkastikong sabi ni Jan Carl ng mabasa ang nakatagong mensahe at ng mapatingin siya sa parteng baba ng card napangisi siya sa nabasa.
"Diligan mo ako."
"Buset na babaeng ito." inis na sabi ni Jan Carl ng mabasa ang nakasulat.
"....basain pala ha." sabi ni Jan Carl at sa pagkapikon nito sa ilang ulit na pang-iinis sa kanya ni Astraea nilublob nito ang card sa tubig alat.
"Iyan basang basa ka na. Napaka witty mo. Ahhh hindi pala, maharot kang bata ka." sabi ni Jan Carl at ng basang basa na ang papel hinango niya ito sa pagkakalubog sa tubig dagat saka iyon tiningnan muli pero muli itong nagulat ng masilayan ang lahat.
"Boo!" mahinang basa ni Jan Carl sa sulat sabay ng mabilis nag pintig ng puso niya dahil ang papel tila may kapangyarihan dahil sa paglubog niya kanina ng card sumilay muli ang isang imahe.
"Ilan kaming binigyan mo nito?" napatiim ng bagang na sabi ni Jan Carl sa isip dahil ang imahe ay ang malinaw na silhouette na nakita niya kanina sa card sa pagtaas niya sa pagtutok dito sa sinag ng araw kanina.
Si Astraea naka-side view ito at hubad na siyang nagmamay-ari ng silhouette.
Napahingang malalim si Jan Car habang tinititigan ang imahe ni Astraea malinaw kasi ang larawan habang nakatagilid ang katawan nitong hubad. Kita ang matambok nitong puwetan at ang kabilang bahagi dibdib nito. Mabilog, katamtaman ang laki at proud na nakatayo. Ang maimpis na tiyan ng dalaga at ang likuran nito na makinis ay malinaw na nakikita sa larawan.
Napalunok si Jan Carl saka nito tinago ang card. Bumalik si Jan Carl sa bench kung saan siya nakaupo kanina.
"Asar! Kailangan makuha na kita bago ako umalis. Ang dami ko ng perang iniluwal na napunta sa wala lang." sabi ni Jan Carl habang naglalakad sa buhanginan papunta sa bench
Nang makarating sa bench napatingin ito sa sobre na umilalim ng bahagya sa buhanginan. Yumuko si Jan Carl at kinuha ang sobre saka iyon pinagkatitigan.
"Baka may nakalagay din dito. Lokong bata iyon, nagkakalat ng porn pictures niya." sabi ni Jan Carl saka ito tumayo bitbit ang sobre at pumunta sa dagat.
"Asar! Ilan ba kaya kaming binigyan mo nito?" inis na sabi ni Jan Carl habang ang isang kamay ay nasa loob ng beach shorts nito at nakahawak sa card na naroroon nakatago.
Ang isang kamay ni Jan Carl na may dalang sobre ay inilublob nito sa tubig dagat saka nito inihango at ng makita ang card namula ang mukha nito sa nasilayan.
"Maharot ka talaga." sabi ni Jan Carlna na banaag ang galit at pagkapikon sa mukha nito.
"Ang isang kasiyahan ay darating sa huling gabi na ating pagsasamahan."
Basa ni Jan Carl sa isip na may nakalagay pang tumatawang emoji katabi ng bawat mga salita.
"Namumuro na ito sa akin." sabi ni Jan Carl dahil ang imaheng nag-appear sa sobre kasama ng mensahe ay ang nakabukakang larawan ni Astraea habang wala itong suot na, nakaupo at ang tanging tumatakip sa kaselanan nito ay tuhod na nakatakip sa dibdib at ang kamay nito na nakatungkod sa pagitan ng mga hita na tumatabing sa pagkababae nito.
"Asar! Pinandigan ang pagiging reyna ng mga puta ng Casa at kinunsinti ka ng lahat sa lugar na iyon." inis na sabi ni Jan Carl.
"Pero teka? Sino-sino kaya kaming pinadalhan mo nito." ikatlong ulit na sabi ni Jan Carl sa isip.
..................
Present Day
"Big event?" sabi ni Prince Frederick
"Yes Sir. Kaya lahat po ng bisita ay tumungo po agad sa bar dahil lahat po ng escort ay nasa bar." sabi ng ikalawang babae.
"Nasaan si Astraea?" sabi naman ni Prince Byron.
Napatingin si Jan Carl sa pinsan, kaedaran ito ni Astraea at ito ngayon ang apple of the eye ng dalaga sa mga Prinsipeng umaaligid dito.
"Sir, lahat po ay nasa bar na kabilang si Queenie." sabi ng babae
"Ganoon ba. Okay sige papunta na kami." sabi ni Prince Byron.
Napatingin ang grupo sa lalaki na nasa pinakadulo.
"King, sa bar na daw tayo." sabi ni Frederick na ikinatango ng lalaki saka ito pinagitnaan ng mga kasama nitong mga Prinsipe.
....................
El Emperio Bar
Dressing Room
"Maaga pa, sisimulan na ba natin?" sabi ni Burn habang nasa dressing room ang grupo ni Astraea.
"Last night na ito kaya agahan na natin." sabi ni Astraea.
"Okay ka lang?" tanong ni Alex sa pinsan na si Astraea habang nasa harap ito ng salamin at nag-lalagay ng make-up. Kanina pa kasi ito nagmamadaling mag-umpisa.
Napangiti si Astraea, pinuntahan siya ng grupo ng malaman ng mga ito na maaga siya dumating at ilang araw na siya sa Casa natutulog para sa pag-eensayo.
"Ang totoo malungkot ako." sabi ni Astraea sabay tingin sa grupo sa malaking dressing room na iyon na laan para lamang kay Astraea. Pinagawa iyon mula ng umupo siya bilang tagapamahala ng Casa na kahit si Amon ang may hawak pinaubaya nito sa kanya ang pamamahala ng bar at ng mga escort. Nahawakan din ni Suri ang bar na iyon pero ilang taon lang ang pagkaupo ng kapatid niya.
"Nandiyan pa rin naman ang Emperio." sabi ni Hades.
"Oo nga pero iba pala kapag last day na." sabi ni Astraea.
"Nagsisisi ka ba?" sabi ni Burn.
"Nagsisisi? Hindi ko alam. Ayoko isipin. Pero ganoon pala 'no? Kapag napalapit ka na at napamahal sa lugar lalo na ibang kasiyahan ang hatid nito sayo iba ang kalungkutan na madadama mo kapag mawawala na." sabi ni Astraea.
"Huwag na tayo magdrama, baka masira ang event." sabi ni Brook.
Napangiti si Astraea pero napalunok ito para pigilan ang pagluha.
"Ganito din kaya ang nararamdaman nila Lolo Orion at ng mga ama natin? Alam niyo iyon, mahirap sabihin gusto mong ilagay sa ayos ang sitwasyon at iyong pakiramdam mo, pero may side ng puso mo na nalulungkot. Ayaw mo man maramdaman pero nagsusumiksik." sabi ni Astraea.
"Babalik din naman tayo at ang sabi ni Aj aalisin at lilinisin lang natin, kasi tama naman siya may mga nakakapasok dito at ginagawang mata ang mga escort o ang mga sarili nila bilang kliyente ng Casa na hindi natin mapipigilan dahil sa pera na pumapasok at binibigay nila." sabi ni Aidan.
"Nandoon na ako, alam ko naman." sabi ni Astraea sabay tingin muli sa salamin.
"Huwag ka ng malungkot, dapat masaya tayo sa gabing ito." sabi ni Luna.
"Tama, dapat maging masaya tayo dahil matutulog na tayo after nito." sabi ni Astraea.
"Basta ako, tiwala ako na tama ang plano ni Kuya Aj. Mag-i-stick ako sa kung anong naiisip niya kasi para sa akin mas makakatulong ang magaganap sa ating lahat." sabi ni Shiloh.
"Kahit na wala ng papasok na malaking pera sa account natin?" sabi ni Viggo.
"Oo. Kasi hindi naman ito gagawin ni kuya AJ kung wala siyang tiwala sa atin at hindi habang buhay aasa tayo sa El Casa. Tama si Kuya Aj kailangan natin ng sari-sariling trono para hindi tayo bumagsak lahat. Dahil kung aasa tayong lahat sa Emperio magiging mabigat ang pagbulusok natin dahil sabay-sabay tayo mawawala." sabi ni Shiloh.
"Tama si Shiloh. Tandaan natin ito ang big night kaya dapat magsaya tayo." sabi ni Haco.
"Sakto. Nandito tayo para sa huling gabi." sabi ni Umiko.
"Ito ang pinakamaningnig sa lahat at dapat matuwa ang mga ama at lolo natin na sa huling gabi ng pagbabagsak natin sa ginawa nila." sabi ni Uno.
"Siraulo." sabi ni Lake.
"Hahaha! Ang ibig kung sabihin, mas magandang magsara ng maningning kaysa magsara dahil laos na o bankrupt." sabi ni Uno.
"Sabagay. Sige, alisin natin ang lahat ng lungkot para maging masaya ang lahat." sabi ni Astraea saka ito tumayo at tumingin sa lahat.
"Simulan natin ang pinakamahaba, pinamaganda at hindi makakalimutang gabi ng Emperio." nakangiting sabi ni Astraea.
"Ganyan nga, maging masaya lang tayo. Bawal ang malungkot, puwede umiyak pero luha ng kasiyahan. Dahil sa kuwento natin dapat masaya ang lahat." sabi ni Shiloh.
"Group hug na." sabi ni Lazlo saka nagyakapan ang lahat.
"Masaya lang dapat." sabi ni Luna.
"Masaya lang dapat!" sabay sabay na sigaw ng lahat.
............
March 5, 2023 2.55pm
Fifth Street
Good night muna, busy ang mudra
............
Any amount will be accepted, tnx
G-Cash : 09153205730 - Jai Kim Chua