Honey
Ala una na ng madaling araw, pero tila wala pa ring balak na dalawin siya ng antok. Paulit-ulit nag-pi-play sa utak niya 'yong asar na mukha ni Ali kanina na bitin sa makeout session nila. Naasar din naman siya dahil pareho lang silang nabitin, pero mas obvious 'yong pagkabadtrip nito na hindi man lang ineffort-an itago. Si Manang Lora naman kase! Panget ka-bonding!
Sa mga sumunod na araw ay halos ginawa niyang salas at kusina lang ang Makaslag at Maynila. Makailang ulit siyang nagpabalik-balik dahil sa kagustuhan ng Chairman Mendez na makipagmabutihan siya kay Jameson. Hindi niya alam kung anong mga kasinungalingan ang inimbento ng baliw na 'yon at nakarating sa kanyang ama na nagkakamabutihan na raw sila.
Paanong nagkakamabutihan sila eh ni hindi niya nga ito kinakausap ng tao sa tao? Sa tuwing nagkikita sila ay katakot-takot na mga pang-iinsulto ang ginagawa niya rito para lang matauhan na wala siyang interes sa gusto nilang mangyari. Dahil kahit ano pang gawin nitong pagpapakabait, hinding-hindi siya magpapakasal sa isang psychopath!
"What if bawasan mo ng slight ang kasungitan mo kay Jameson? Malay mo mapakiusapan mo pa 'yung tao na siya na lang mismo ang magkusang umatras?" suhestiyon ni Madelle.
Narito sila sa opisina nito dahil katatapos lang niya ulit makipagkita kay Jameson.
"What if itikom mo na lang 'yang bibig mo kung wala ring magandang sasabihin?"
"I'm just giving you an idea, okay?"
"Then it's not a good idea." Inirapan niya ang kaibigan at saka nag-scroll ng kung anu-ano sa phone niya. "This setup is making me sick already. Gusto ko nang bumalik sa Makaslag!"
Nakasimangot itong sumandal ng pabagsak sa kinauupuang sofa. Makahulugan namang ngumiti si Madelle.
"Miss mo na 'yung lalake mo ro'n, 'no?"
"Yes, I miss him so much. Happy? " pilosopo niyang sagot.
"Five months ka nang pabalik-balik sa bundok na 'yan. Hindi ka pa ba napapagod?"
"Napapagod! Sino bang gustong bumyahe lagi ng kulang limang oras para lang kitain ang mukha ng impaktong Jameson na 'yon? Kung hindi sana siya umepal, edi 5 months na sana akong mapayapang namumuhay sa Makaslag!"
"Makaslag na naman. Hay nako babae ka. Ipagdasal mo lang na hindi madiskubre ng Papa mo ang tungkol d'yan sa pinupuntahan mo at ako na ang nagsasabi sa 'yo, yari ka."
"Am I stupid to let him know?"
"Of course not, pero kilala mo si Chairman. Kaya niyang alamin ang ginagawa mo once na nakatimbre siya."
"No, he won't find it out," kumpyansang sagot niya.
"Ikaw bahala."
She was acting tough in front of Madelle kahit na ang totoo ay nag-aalala siyang mangyari nga ang sinasabi nito. Kaya rin siya nagtitiis na sumunod sa pakikipagkita kay Jameson para hindi siya mahalata ng Chairman na may pinagkakaabalahan siya sa malayo. She doesn't care about this before dahil pwede naman siyang lumipat sa ibang lugar kung sakaling madiskubre ang pinagtataguan niya. Pero ngayong tumagal na siya sa Makaslag, may parte sa kanya na ayaw umalis sa lugar na 'yon.
Makaslag Village is now her secret haven.
Nagpalipas siya ng gabi sa apartment ni Madelle dahil may party pa siyang kailangan daluhan bago bumalik sa Makaslag. Imposibleng malusutan niya ito dahil alam niyang binabantayan siya ng kanyang ama. Bakit ba kase may mga magulang na pati lovelife ng anak ay kailangan pakialaman!
"Ayusin mo naman 'yang itsura mo. Ang ganda-ganda mo tapos mukha kang sa lamay pupunta," puna sa kanya ni Madelle pagkasakay sa sasakyan na maghahatid sa kanya sa party.
"Mukha ba 'kong willing pumunta?"
"Alam kong hindi, pero kailangan mong umayos."
"Whatever. Sige na alis na 'ko."
"Ingat!"
Kumaway siya sa kaibigan at saka muling napabuntonghininga pagkaandar ng sasakyan. Kailangan lang naman niyang magpakita saglit do'n tapos makakaalis na siya. Pwede na siyang mag-drive pabalik sa Makaslag bago mag-hatinggabi.
Pagdating niya sa party ay naagaw agad niya ang pansin ng halos lahat ng madaanan. It's a celebration party of the Ledesma family, pero bukod tangi ay nakaitim siyang dress na hanggang ibabaw ng kanyang tuhod. Maraming kapwa babae na naman niya ang hindi napigilang humanga sa ganda niya, samantalang halos malaglag naman ang panga ng mga lalakeng sunod din ang tingin sa kanya.
"You look breathtaking, Honey," sabi ni Jameson nang makita at nilapitan siya nito.
"Pwes sana malagutan ka na ng hininga sa ganda ko. Baka do'n matuwa pa 'ko sa 'yo," pagsusungit niya.
Gayunpaman, hindi na naman ito mukhang apektado sa masasamang pananalita niya.
"Palabiro ka talaga."
"Oh no, hindi ako nagbibiro," seryoso niyang sinabi.
Jameson just smiled and offered her his arm. Nakasuot ito ng puting tuxedo na sumasalungat sa itsura niya ngayong gabi.
Wala siyang choice na kumapit sa braso nito dahil narito ang Papa niyang nakamasid sa kanila. She couldn't commit any mistakes kung ayaw niyang mabulilyaso ang sikretong pinagagagawa niya. She stopped walking nang may makasalubong silang waiter na may dalang mga alak at saka siya kumuha ng isang baso.
"Honey..." pagtawag sa kanya ni Jameson.
"Will you stop calling my name? You're creeping me out," iritable niya saad. Inirapan niya ito at saka ininom ang alak sa hawak na baso.
"Okay, sorry. Baka lang malasing ka 'wag kang masyadong uminom."
"Wala kang pake. At tingin mo ba magpapakalasing ako nang ikaw ang kasama ko? Malay ko kung ano pang gawin mo sa 'kin."
Tahimik na hinayaan na lang siya ni Jameson na ubusin ang laman ng baso niya. Sa totoo lang ay mas naiinis siya sa pinapakita nitong ugali sa kanya ngayon kumpara sa ugali nito na nakilala niya noon. The Jameson Ledesma she knew before did not have this kind of long patience, kaya mas natatakot siya sa tumatakbo sa utak nito ngayon.
The party went well kahit sobrang bored niya the whole time na pinapakilala siya sa kung kani-kaninong bisita. As if naman na interesado siyang kilalanin ang mga ito. Ni isa nga yata sa mga pinakilalala sa kanya kanina ay wala siyang natandaan na pangalan.
"Hatid na kita. Honey, it's late already."
"Ayaw..." lasing na sagot niya at itinaas ang palad niya sa harap ni Jameson. "I can go home myself."
"You're drunk, you can't drive."
"I have my driver, duh? Anong akala mo sa 'kin...poor?"
Gumegewang-gewang siyang lumakad papunta sa parking. Nakasunod sa likuran niya si Jameson at sakto ay nakita niya ang driver ng Chairman.
"Oh! I told you I have a driver!"
"Ma'am Honey?" tawag sa kanya ng tauhan ng ama.
"Di ba ikaw mag-uuwi sa 'kin?"
"Sasabay po kayo, ma'am?"
"Of course! Bakit, ayaw mo ba 'kong kasabay?"
"Hindi po sa gano'n, ma'am. Sige po pasok na po kayo."
Nagmamadaling pinagbuksan siya nito ng pinto sa backseat at nakita niyang kinausap nito si Jameson. Tapos ilang sandali lang ay nagpaalam na ito sa kanya. Hay buti naman!
Inutusan niya ang driver na ipag-drive siya pauwi dahil ibang sasakyan naman ang gamit ng Chairman. Sa dami ng mga nakabuntot na sasakyan palagi sa ama niya tuwing lumalabas ito ay hindi na mapapansin kung mabawasan man ng isa.
"Ibaba mo 'ko d'yan." Tinuro niya ang madilim na gilid ng kalsada.
"Po? Ma'am, wala pong ibang dumadaan na sasakyan dito."
"Basta...ibaba mo 'ko d'yan," wala sa sariling pamimilit niya. Walang nagawa ang driver sa utos niya at pagkatapos ay pinaalis niya na ito.
Madilim ang lugar na kinaroroonan at tanging isang poste lamang ang nagbibigay liwanag dito. Hindi rin ito daanan ng mga pampublikong sasakyan kaya bihira lang din na may dumaan, lalo't late na ng gabi. Kinuha niya ang cellphone at hinanap ang pangalan ni Ali. Limang minuto yata bago niya ito nakita dahil hilong-hilo siya.
[It's late. Why did you call?]
Napipikit siyang ngumiti at tuluyang umupo na sa sulok ng poste.
"It's not late...yet. Ikaw po?"
Sandaling natahimik si Ali sa kabilang linya bago ito muling nagsalita.
[Lasing ka ba?] tanong nito na itsurang nakakunot na ang noo.
"No no no no. Hindi ako lasing, ah. Hindi ako nalalasing. Promise, crossed my heart."
Wala sa sarili na dinala niya ang kamay sa tapat ng dibdib at kinrusan ito.
[Where are you? Are you still in the party?]
Umiling siya. "Wala na po."
[Got home already?]
"No din po. Nag-aabang pa 'kong sasakyan pauwi d'yan."
[What? Where the hell exactly are you?]
"Sa may poste ngaaaa. I have no car 'coz I don't remember where I left it. I'm going to commute."
[Stop being stupid, hindi ka marunong mag-commute. Nasaan ka?]
"Hehehehe. Guess where? I'll give you clue. It's so dark here," mapaglarong sagot niya pa rito.
Napatakip siya ng mata nang may nakasisilaw na sasakyan ang huminto sa kanyang harapan.
"Hi, miss? Kailangan mo ng tulong?"
Her palm was still covering her eyes but she managed to peek at what's in front of her.
"Can you turn down your light? You are dazzling meee."
Humina ang ilaw sa harapan niya at nakita niya ang dalawang lalaki mula sa kulay puting kotse. Rinig niyang tumatawa ang mga ito pero dahil sa nanlalabo niyang paningin ay hindi niya maaninag ang kanilang mga mukha.
[Who the fuck are you talking to?]
Bumaba ang dalawang lalaki mula sa sasakyan at lumapit sa kanya. Nakitawa na rin siya kahit hindi niya alam kung bakit sila tumatawa.
"I don't know basta na lang nila 'ko kinausap and now they're getting near me."
Saglit niyang inilayo ang phone sa tenga niya nang kausapin siya ng mga ito. Inalok siyang ihahatid sa pupuntahan niya basta sumama lang siya.
[Don't you fucking dare ride in that car, Honey! Do you hear me?!]
"Oo naririnig kita! Ang lakas ng boses mo nabingi yata ako." Inaantok na hinawakan niya ang kanyang tenga. "Umalis na sila. Tumatakbo pa nga."
[How sure are you that they really left?! God—Mendez!]
"Totoo nga umalis na sila! Tignan mo man!"
Parang tanga na pinakita niya sa screen ang paligid niya kahit wala namang video ang pag-uusap nila. Nakanguso niyang ibinalik ang cellphone sa kanyang tenga.
"I told them kase I wasn't alone...na kasama kita...and then I asked them if they can't see you because I can see you. Tapos ayun...they ran fast."
[Don't turn off your phone and don't end this call until I get there. Do you hear me?!]
"Oo nga naririnig kita! Ang kulit mo naman, eh."
Tumango na lang siya sa mga sumunod na sinabi nito dahil bumibigat na ang talukap ng kanyang mga mata. Pero maliban kay Ali na kausap niya ay may narinig pa siyang ibang boses na kasama nito.
[Boss, bakit ka lumiko?! Sa'n tayo pupunta?!]
She's too sleepy to mind who's with him, pero mariin siyang binilinan ni Ali na 'wag matutulog. Wala na siyang gaanong maintindihan sa mga sinasabi nito mula sa kabilang linya, maliban sa nasa Maynila daw sila ni Leo.
What? Did she hear it right?
As much as she wants to ask more ay wala na siyang sapat na lakas para mang-usisa. Hindi rin niya alam kung papaano siya mahahanap ng mga ito gayong siya mismo ay hindi niya alam kung nasaan siya. Pero bago pa siya tuluyang makatulog ay isang nakasisilaw na liwanag ulit ang huminto sa harapan niya. Muli siyang napatakip ng mata at galit na sinigawan ito.
"Hindi nga ako sasakay sa car niyo, okay?! I'm with someone and I'm telling you I'm not alone! You can't just see him, but I can!"
She kept explaining na may kasama siya at pilit pinapaalis ang mga ito, while the two guys in front of her couldn't believe her state.
"Malala na 'to, Boss."
"Open the backseat."
She only stopped whining when she heard their voices and knew right away it was Ali and Leo. Umangal lang siya nang binuhat at isinakay siya ni Ali sa backseat dahil gusto niyang sa harapan maupo. Pinagpilitan niyang gumapang hanggang sa mapunta siya sa front seat.
"Ikaw na sa likod," sabi ni Ali kay Leo na kaagad nagreklamong pumwesto sa likuran.
"Inom-inom kase 'di naman kaya!"
Sinuotan siya ni Ali ng seatbelt bago ito umikot palipat sa driver's seat. Pagkasakay nito ay tumagilid siya ng upo para mapagmasdan si Ali. Pilit na inaninag niya ang mukha nito pero dahil madilim, tanging ang salubong na kilay lamang nito ang nakikita niya.
"Why are you here in Manila?"
"Pasalamat ka na lang na nandito kami. Dami pang tanong," masungit na pagsagot ni Leo sa likuran.
"Nakakaisang tanong pa lang ako, ah? Paano naging madami 'yon?" masungit din niyang pagtugon dito.
Hindi maganda ang pakiramdam niya pero hindi ibig sabihin ay magpapatalo na siya sa insektong Leo na 'to.
"You'll stop fighting or I'll throw you both outside."
–
Pagtingin niya sa orasan pagkagising ay tanghali na pala. Hindi na nga niya maalala kung papaano siya nakarating dito. Bumangon siya nang nakahawak sa sumasakit na ulo at tinignan kung may kasama siya.
Nasaan nga ba siya? Nilibot niya ng tingin ang paligid at hindi naman ito ang bahay nila. Nagtuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa kitchen. And there he saw the back of a familiar man busy cooking.
Napangiti siya nang mapagtanto kung sino ito. The irritatingly over-gentleman Ali.
Hindi muna siya nagsalita at pinagmasdan lang muna itong abala sa ginagawa. Ini-imagine niya pa lang ang senaryong ito kahapon kaya siya nagmamadaling makabalik sa Makaslag, pero ngayon ay heto na ito sa harapan niya. Tatlong araw niya pa lang hindi nakikita ang lalakeng 'to, pero parang kulang-kulang na ang bawat araw niya. She slowly brought her hand on her chest when suddenly her heart beats fast.
Is this still normal?
Lumakad siya palapit sa nakatalikod na si Ali at dahan-dahang pinalibot niya ang mga braso mula sa likuran nito. She felt his body stiffened, but she just leaned her cheek against Ali's broad back.
"Are you sober now?"
"Yes... But my head still hurts."
"Take a sip of the soup I cooked to get rid of it."
"How did you find me last night?"
Tumingala siya para salubungin ang mga mata nito.
"I can find whatever I wanna find."
"Really? So mahahanap mo ako sakaling mapahamak ulit ako?"
"You're not planning to put yourself in danger again, right?"
She chuckled and let go of him. Umupo siya sa dining table at nakapangalumbabang tinignan si Ali.
"Bakit? Mag-aalala ka ba kapag napahamak ako?"
"Of course," mabilis na sagot nito. "Gusto mo bang hayaan na lang kitang mapahamak?"
"'Wag kang ganyan. Pag ako na-fall sa 'yo, you'll have to be responsible." Nangingiting tinakpan niya ng mga kamay ang kanyang mukha. Natatawa si Ali na ipinaghain siya.
"That's impossible... You will never fall for someone like me."
"Why not?"
"You don't know me very well yet."
"What if wala akong pake?"
Natigilan ito sandali at napatitig sa kanya. Hindi niya mahulaan kung anong iniisip nito dahil katulad pa rin dati, wala siyang mabasang kahit ano sa mga mata ni Ali. Parang may napakataas na pader sa paligid nito na humaharang sa kanya para ilapit ang sarili.
"I think it's best if you don't cross the line between us. You've already become important to me and I don't want to hurt you."
"Napakaseryoso mo naman! S'yempre joke lang 'yung sinabi ko! Anong tingin mo sa 'kin...bobo?"
Natatawa niyang inabot ang bowl ng soup palapit sa kanya. Yumuko siya rito at hindi na muling nag-angat pa ng tingin kay Ali.
"Good," he answered heartlessly. What a jerk.
Umupo ito sa katapat niyang upuan at nagsimula ng kumain ng inihanda nitong almusal. Samantalang si Honey, nananatiling nakayuko pa rin at hawak ang mga kubyertos sa magkabilang kamay. Humugot siya ng isang malalim na paghinga.
"Pero kung sakali..." mahinang panimula niya at mapait na ngumiti. "Kung sakali na maging bobo ako isang araw...gusto kong ipaalala mo sa 'kin na matalino akong babae. Can you do that for me, Ali?"
She looked up at him just to see how emotionless his eyes were had been on her.
"Even if I have to remind you every day how smart you are, I will do it just so you don't get hurt again."
Jerk.
***
Angel's note: advance chapters are available to read on Patreon. Please send a message to my FB page Missflorendo for assistance. Thank you.