Chapter 15
Freya's POV
"Mommy?"
"Yes, pumpkin?" tanong ko habang nagluluto ng pancakes para sa almusal niya.
"I'm just curious. How did you and daddy met?" she suddenly asked.
Natigilan ako sa pagluluto nang marinig ko ang tanong na 'yon.
Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba o hindi.
I mean, our love story is complicated as hell...
"Mommy?" muli akong nabalik sa wisyo at kaagad siyang nilingon.
"Uhm, why'd you asked?" I tried to change the topic.
"Nothing. Just curious at all."
"Well," I turned off the stove and turned to her. "I worked for your daddy before as a secretary," simula ko at nilapag sa harapan niya ang isang plato ng mga pancakes.
She looked at me attentively, waiting for the next part of my story.
"Sa New York talaga kami nakatira, anak. He was a friend of mine. Alam mo ba, anak? Your daddy did everything para lang mapapayag niya akong maging girlfriend niya," I smiled while remembering those happy moments. "He even courted my family. 'Yung lolo mo, lola mo, at mga tito mo."
"Then, bakit po galit na galit sila tito kay daddy?" curious ns tanong ni Rafa.
"Your dad... made a mistake, anak. Sobrang nagalit ang mga tito, lolo at lola mo kaya hindi sila natutuwa kapag nakikita siya."
"Is daddy a bad person?"
"No, baby," I held her cheek and softly pinched it. "Daddy is the best person I had ever met. You are lucky to have a father like him." Naluluha kong sabi pero pinipigilan ko lang na tumulo ito.
"Do you love him, mommy?" she whispered.
Ang kaninang napipigilan kong luha ay agad tumulo dahil sa itinanong niya.
"Yes, anak. I love your daddy so much," I answered in a hoarse tone.
"If you love him, bakit hindi po kayo nagbabalikan?" punong-puno ng pag-asa ang kanyang boses.
"Love is not always like that, pumpkin. I love your daddy, that's why I let him go. As much as I love him, I have to let him go for the better," a tear escaped her eye.
Tumayo ako mula sa stool na inuupuan ko at agad nilapitan ang anak ko para yakapin siya.
"Nag-usap na tayo diba? It's better for your daddy and I to go on our separate ways," I mumbled and combed her hair with my fingers. "Wag kang mag-alala, anak. Hindi kita papabayaan. Kahit tayong dalawa na lang ang natitira, hindi kita papabayaan. Mahal na mahal kita, Rafaelle. Lagi mong tatandaan 'yan," I held her chin up and kissed the tip of her nose.
Kahit hindi buo ang pamilya mo, anak, hindi ko hahayaang maramdaman mo na may kulang. I will always be here to be your mommy and daddy.
Kaya natin 'to, kaya natin kahit wala ang daddy mo.
...
"Freya!"
Iritado akong bumangon mula sa sofa at padabog na nagtungo sa front door.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sofa samantalang ang anak ko ay sa carpet nakatulog habang katabi ang mga laruan niya.
Hinayaan ko na lang siya dun dahil malinis rin naman ang carpet at madalas siyang matulog dito lalo na kapag napagod kakalaro.
Baka rin magising siya kapag binuhat ko pa siya at inilipat sa sofa.
"Freya, open the door!" boses 'yon ni Diego na umaalingawngaw sa labas ng bahay.
"Jusko, Diego! Anong oras na, nagsisisigaw ka pa dito sa labas!" mataray kong suway nang buksan ko ang pinto.
"Freya, let's talk," seryoso niyang sabi at lumapit sa akin kaya agad kong naamoy ang alak sa kanya.
"You're drunk. And keep your voice down for pete's sake! Natutulog ang anak mo!" madiin kong sabi habang nakatingin sa kanya.
Konti na lang ay bumagsak na ang talukap ng mga mata niya dahil siguro sa antok at kalasingan pero pilit niyang nilalabanan ito.
"I can't do this anymore," he muttered.
"Do what?"
"This setup! Ayokong linggo-linggo lang nasa akin ang bata."
"Anong gusto mo? Isang buwan? Aba, sobra naman ata 'yan," sarkastiko kong sabi.
"No, gusto ko siyang makasama araw-araw. Siya at ang ina niya," giit niya.
Lasing na nga 'to.
"Anong pinagsasabi mo, Diego?"
"Freya, mahal pa rin kita!" he confessed. "Can't you see that?" halos mangiyak-ngiyak niyang tanong.
"Diego, lasing ka lang. Umuwi ka na sa asawa mo---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang takpan niya ang bibig ko.
"I'm divorcing her. Just please, accept me again," kaagad kumunot ang noo ko at mabilis na tinanggal ang kamay niya sa bibig ko.
"G*go ka ba? Bakit mo hihiwalayan si Lucia? May anak kayo, tanga!"
"That is not the point, Freya! I fvcking love you and I will do everything to make you mine again!" at this point, he's already sobbing.
Ramdam ko na rin ang nagbabadyang mga luha sa mga mata ko habang tinitignan siya.
I bit my lip, forcing myself to not gave in.
"Can't you understand? Hindi na kita mahal," my voice broke. "Matagal na tayong tapos, Diego. Ang responsibilidad mo na lang sa akin ang anak natin," I gulped while trying to hold my tears.
"You're lying. I could feel it. Freya, please," he went down on his knees. "Don't push me away like this," he held my hands as he begged.
"Pinapahirapan mo lang ang sarili mo, tama na," bulong ko habang nakayuko para matignan siya. "Tama na."
He shook his head like a child and hugged my waist.
"Amor, please. Alam kong mahal mo pa ako. Don't push me away. I'm willing to sacrifice everything. My family, my money, my fame, everything. Itatapon ko lahat ng 'yon para sayo. Ikaw lang ang kailangan ko, Freya. Ikaw lang."
Hindi ka marupok, Freya. Hindi ka marupok.
"Nahihibang ka lang," I tried removing his arms around my waist. "Tumayo ka diyan at umuwi ka na! Umuwi ka na sa pamilya mo, umuwi ka na!" I yelled while crying uncontrollably.
"Amor..."
"Get out!"
"Why are you doing this to me?!" he snapped. "Why are you making me suffer?!"
"Suffer?!" I sarcastically laughed. "You think I didn't suffered as well? Simula nung iniwan mo ako, I suffered through hell! Nang malaman kong kasal at may anak ka na, halos mamatay na ako sa sobrang sakit! Sobrang sakit dito, Diego! Sobrang sakit!" I pointed at my heart. "Masakit makitang nasa kamay ka ng ibang babae pero wala akong magawa kundi tanggapin 'yon. Wala eh, talo na ako. Kasal ka na at may anak. Eh ako? Ex mo lang ako. Sa tingin mo ba ay may laban ako kay Lucia?" I sniffled while wiping my tears.
Tumayo naman siya at sinubukan akong hawakan pero mabilis kong inilayo ang kamay ko.
"Give me a chance to fix everything. All your suffering, all your pain, I will heal it. Just give me a chance to make it right. Please."
"Wala nang dapat ayusin pa, Diego. Wala na. Ang anak natin na lang ang asikasuhin mo at hindi ako. Lahat ng nangyari sa atin noon, kalimutan mo na dahil tapos na 'yon. At tayo, matagal nang tapos."
Hindi ko alam pero sobrang naninikip ang dibdib ko sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko.
Parang ako 'yung tinatamaan sa mga sinasabi ko pero kitang-kita ko rin ang sakit sa kanyang mga mata.
"Tama na, Diego. Tama na 'tong paghihirap nating dalawa. The more we bring back the past, the more pain it will bring to us. Kaya tama na, please."
Tama na...
To be continued