Deadline
"Bukas ang deadline ng painting."
Bukas agad? Ang dami naming kailangang ipasa! Kung sino pa talaga ang minor, siya pa ang pasakit!
Napabuntong-hininga na lang ako sa inis at inuntog nang inugtog nang mahina ang ulo sa armchair. Umalis naman na ang teacher namin at nag-recess na ang mga kaklase ko.
Isa pa pala, wala pang nangyayaring election ng class officers, kaya ako pa rin! Halos magtatatlong buwan na kaming pumapasok, pero wala! Wala yatang pakialam ang adviser namin sa amin. Nakaka-stressed kayang maging class representative! Kapag nag-i-initiate ako ng botohan, walang nakikipag-cooperate sa amin.
"Nakakapagod," rinig ko naman kay Natasha.
Since wala na akong ibang makakatabi, wala na sina Yzen at Ava, kami-kami na lang lagi. Apatan naman ang isang helera na pwedeng magkakatabi, kaya kami-kami nina Kai, Natasha, Rose, at ako, ang madalas magkakasama. Kaso, napapadalas ang pag-absent ni Rose. Tulad ngayon, wala siya.
"Wala na naman si Rose?" pagrereklamo ni Kai nang makailang ulit na.
"Sus, nam-miss mo lang at wala kang makaaway," sagot naman ni Natasha.
"Uy! Nag-post si Kuya Josiah, oh? Parang ang ganda nga sa New York."
Si Kai... pwede naman niyang hindi sabihin. Kaya ko nga in-unfriend at in-unfollow ang lalaking iyon sa social media para hindi ko na makita pa.
"Oo nga, 'no? Kaso ayaw ko sa America," sagot naman ni Natasha, habang ibinibida ni Kai sa amin iyong photo ng Kuya Idol niya.
"Saan mo pala gusto? Puntahan natin kapag may trabaho na tayo."
"Sama ako," sabat ko naman.
"Bawal," mabilis na sagot naman ni Kai. Aba!
"May balak ka bang pakasalan si Nat? Ba't bawal akong kasama? Honeymoon niyo ba 'yon o date?" bara ko. Hindi ko rin alam kung saan galing sinabi ko.
Namula naman agad ang dalawa at hindi na nakaimik si Natasha.
"Kapag naging financially stable na ako, ii-spoil ko pa rin siya. Deserve niya maging masaya lagi."
Inaamin ko, na-touched ako sa sinabi ni Kai kahit para kay Nat naman iyon.
"N-Ngayon pa nga lang... simula bata pa tayo hanggang ngayon, spoiled na spoiled na 'ko sa'yo."
"Syempre, tayo lang naman laging magkasama at nagdadamayan."
"Hmm, ayaw niyo pa kasing maging kayo na lang," sabat ko ulit. Third wheel talaga ako rito, eh.
"H-Hindi pa pwede. Sa college pa. I-Iyon ang napagkasunduan namin. Iyon din ang usapan namin ni Mama." Napakagat-labi si Natasha habang pulang-pula pa rin at tumingin na lamang sa sahig sa hiya.
"Oh? I see. May ganoon pala kayong usapan. Akala ko, nat-torpe lang si Kai." Tinawanan ko si Kai.
Natawa rin naman si Natasha. "Hindi mo na pala kailangang humanap ng kaaway. Malakas na ring mang-asar si MJ."
"Hindi ka talaga makakasama sa amin. Gumala ka mag-isa mo," ngunguso-nguso na ni Kai.
Ang sweet nila...
Kapag nakikita ko sila, lagi kong naaalala iyong dating kami ni Josiah. Pero ngayon, parang panaginip lang lahat ng iyon dahil ang bilis nawala. Parang panaginip na paulit-ulit ko lang naaalala.
Aminado na ako sa sarili ko na may what ifs talaga. What if itinuloy nga namin? Gagana kaya? O baka mad-delay lang ang break up namin?
Akala ko, dahil sandali ko lang siya nakasama, eh ganoon ko lang kabilis makakalimutan ang feelings ko sa kanya. Pero sa moving on process ko napagtanto na sobra pala talaga ang pagka-attach ko sa taong 'yon. May mga gabi noon na, sobra akong umiyak dahil miss ko na siya o nasasayangan ako.
Ngayon, may mga oras na napapatanong pa rin ako. Subalit hindi na ganoon kalalim ang mga katanungan. Hindi na ganoon katindi ang emosyon. At sa sobrang ka-busy-han, wala na akong panahon pa para umiyak at isipin siya lagi.
Totoo pala 'yon, na para makalimutan mo ang isang tao, gawin mong busy ang sarili mo. Effective naman siya...
"Nabalitaan mo ba? May issue si Rose?"
Sabay-sabay nakuha ang atensyon naming tatlo ng bulungan sa may likuran namin. Malayo-layo naman sila, pero dahil wala ang iba naming mga kaklase at recess nga, narinig pa rin namin sila.
"Ano namang issue? Hindi, eh."
"Narinig ko lang sa usapan sa baba ng mga teachers sa faculty. Pero umalis din agad ako kasi baka makita ako."
"Eh, ano nga kasi?"
"Lapit ka pa unti, baka marinig nila. Ito naman ay hindi ko pa sure... Kasi nga raw ganito, may lumabas daw na usapan ni Rose at hindi ko narinig kung sinong teacher o teachers. May chat daw na kaya pumasa si Rose sa Grade 11, kasi binayaran niya 'yung teacher na iyon. Bagsak daw kasi, ta's nu'ng pinag-take siya ng removal, bagsak pa rin siya. Kaya nagsuhol na lang daw. Eh, alam mo naman dito, kahit isang subject lang ang ibagsak mo, hindi ka maq-qualify sa Grade 12."
Pasimple kaming nagkatinginan tatlo.
"Hindi ko naman sure, eh. Kaya siguro panay absent, wala nang mukhang maihaharap dahil kumalat."
"Oh, akala ko ba, hindi mo pa sure? Eh, ba't jinu-judge mo agad reasons ng pag-absent niya?"
Oo nga naman.
"Hmm, wala lang. Para kasing totoo. Ba't pag-uusapan sa faculty kung hindi? Palibhasa, nabigyan ka ng laptop kaya kampi ka ro'n."
"Well, mali nga ang ginawa niya. Pero mabait naman siya at hindi mad-define ng isang pagkakamali niya ang buong pagkatao niya. Pwede pa namang itama."
"Iba talaga kapag mayaman. Kapag may pera ka, pwede kang grumaduate nang walang alam."
"May narinig ka ring gano'ng issue?" bulong naman ni Kai.
Agad akong umiling.
Wala. Pero, maraming times na kinamusta sa akin ng mga teachers namin sa personal message si Rose. Nagtatanong pa sila kung nakakausap ko siya. Naitanong din kung may balita raw ba ako kung nagdadaya dati si Rose, at huwag ko na raw ipagsabi na tinanong ako nang ganoon. Eh, hindi ko naman kilala si Rose noon, ngayon ko lang siya naging kaklase.
Kung totoo man nga, bakit tinanggap din ng teacher na iyon at kinunsinti niya? At sino naman siya? Kung totoo man, pareho silang may nagawang mali.
Iyon na pala ang huli naming pag-uusap nang magkakaharap. Iyon na pala ang huli naming pagkikita. Na kung iisipin at dadamhin ay parang kahapon lang nangyari ang lahat.
***
"Aga mong pumasok, ah?"
"Oo, Ate eh. Nagpaalam kasi ako na aagahan ko, para maaga rin ako pwedeng umuwi. Ang dami kasing gawain! Parang second semester agad sa dami," reklamo ko kay Ate Pauline.
"True. Ganyan din kami nu'ng Grade 12. Pwede kayang-kaya mo naman iyan, napakasipag mo kaya! Kami ngang papetiks lang, nalagpasan." Natawa si Ate habang nagpupunas ng table.
"Kumusta naman ang college, Ate?"
Curious lang ako. Kasi kung ganito na kami ka-busy ngayon sa Grade 12 na first sem pa lang, ano pa kaya sa college?!
"Ito, okay naman. Sa college naman, ang mahalaga, ma-survive mo lang siya. Kaya goods na ngayon pa lang, masipag ka na para hindi ka na ma-culture shock sa college. Ang cons, nakaka-drained lang kasi eversince, masipag ka na at paulit-ulit lang ang ginagawa mo. Nakakapagod talaga."
Medyo hindi ko naintindihan ang sinasabi ni Ate. Siguro kapag nandoon na talaga ako, roon ko lang mauunawaan.
"Any tips?" biro ko na lang.
"Dapat nasa tamang circle of friends ka at maging masipag, as always. Kailangan din, magaling kang mag-move on. Pabilisan mag-move on sa college, hindi sa lovelife, hindi sa lessons, kun'di sa scores mo. Iba na talaga magpa-quiz at exam sa college, don't expect na kung ano ang nasa module o PPT, iyon ang lalabas sa quizzes at exams. Kahit gaano ka katalino, may times talaga na babagsak at babagsak ka sa isang quiz. Kaya hindi mo dapat damdamin 'yon kasi marami ka pang kailangang gawain at i-review. Puro rin recitation, nakakamatay na," sabat naman ni Kuya Randy na kararating lang.
Tumango naman si Ate Pauline at ngumiti. Parang iba naman ang pinararating ng ngiti ma 'yan!
"Grabe kayo. Kung gano'n, hangang-hanga talaga ako sa inyo kasi nagagawa niyo pang mag-part time rito kahit ang dami niyong gawain. Ilan na ang oras ng tulog niyo lagi? Grabe kayo," paghanga ko.
Iba talaga ang paghanga ko sa mga working students, lalo kapag college! At the same time, nagtataka kung paano nila nagagawa pagsabayin ang trabaho at pag-aaral. Para na lang siguro silang nagbabakasyon sa mga bahay nila kasi sandali lang silang naroon.
"Kapag weekdays, five hours naman ang tulog namin. Kapag weekends, minsan halos four."
Namilog na lang ang bibig ko.
"Bakit? Ikaw ba?"
"Six hours lagpas naman. Tapos kapag sobrang pagod ako sa weekdays, nakakaidlip ako pagkadating ko sa bahay."
Tumawa naman ang dalawa.
"Loka! Kakaunti lang naman deperensiya!"
"Oo nga. Lamang ka lang naman ng isang oras."
Natawa rin ako. Oo nga, 'no! Pero mas matindi pa rin sila.
Para tuloy kami ngayong nagpapakauntian ng oras ng tulog. Iba talaga kapag tumatanda na. Sana pala, noong pinatutulog ako sa tanghali nina Mama nu'ng bata pa ako, sinunod ko na lang. Tumangkad pa rin sana ako. Ngayon kasi, hindi ko na magawang matulog sa tanghali kahit antok na antok na ako! Biyaya na talaga kapag nakumpleto ang eight hours of sleep.
Nagpatuloy na kami sa pagtatrabaho. Natigil na lang ulit kami nang makita naming may ipinapaskil ang isa pa naming katrabaho.
"Ano 'yon? Announcement? Himala, nakapaskil pa. Hindi sa GC pinarating." Si Kuya Randy.
"Ano 'yan?" tanong ni Ate Pauline pagkalapit namin.
"Uso magbasa, Beh," sagot naman sa kanya ng nagpaskil.
"Magsasara nang tatlong araw? Disinfecting?"
"Bakit?"
"Eh, baka dahil doon sa sinasabi nilang virus ba 'yon? 'Yung nCoV yata?" sahot ni Kuya Randy kahit hindi rin siya sigurado.
"Ah, oo nga. Nabalitaan ko nga 'yon, pero nasa ibang bansa naman siya. Baka pinag-iingat lang tayo," sabat ko naman.
"Don't worry, bayad pa rin naman iyong araw na may pasok dapat kayo na apektado ng disinfection. Rinig ko sa chika sa management."
Ayun! Buti naman. Sayang din ang isang araw, ano? Bukas kasi agad ang gagawin nila, Linggo.
Iniwan na kami ng nagpaskil.
"Buti naman. Isipin na lang, makakapagpahinga tayo, at least nang isang araw."
"Isang araw lang naman," pagrereklamo ko naman.
"Kaya nga," pagsang-ayon naman ni Ate Pau.
"Ay, wait! Break time ko na pala. Iwan ko muna kayo. Punta lang ako locker ko," paalam ko sa kanila.
Bago kumain, chineck ko muna ang phone ko at messages. Lagi naman.
GRADE 12 - ABM 205 (S.Y. 2020-2021)
ABM 205 ADVISER:
Good afternoon, guys. This announcement
is to inform you that the days of Monday,
Tuesday, and Wednesday, next week, will
have no classes. It is for the disinfection of
our school. Aware naman kayo sa news and
keep updated. After disinfecting, resume
naman ulit ang classes. But still, wait for
further announcements. Thank you and stay
safe. Hangga't maaari ay sa bahay muna
kayo, huwag muna maggagala-gala.
( 💖 🤍 💛 13 )
ABM 205 [ GC w/o teachers ]
KakaiNut
YESSSSZZZ!!!!
WALANG PASOK, MAGAGAWA RIN MGA
BWISIT NA DEADLINE
Joyce
True 💀💀
Cardo
Sana gawin nang isang linggo, charot
Sana tagalan yang pagdi-disinfect na ayan.
charot ulet
Iyong akala naming tatlong araw lang, nagtuloy-tuloy at naging isang buong school year na. Hanggang sa maka-graduate kami...
......................................................................................................................................................
Thank you for reading. :)