KEN
Naglalakad ako ngayon sa hallway habang tinatawagan si Fritz. Kanina ko pa siya hinanap at kanina ko pa tinatawagan ang phone niya pero hindi niya sinasagot. Kaya naman papunta ako ngayon sa classroom dahil baka nandoon pa siya.
Palapit pa lang ako sa pintuan ng room nang makarinig ako ng ringtone, which I think ay nagmumula sa loob. I sighed the moment I step inside. Nasa tainga ko pa rin ang cellphone ko habang tinatawagan si Fritz at naglakad ako palapit sa table kung saan nandoon nakalapag ang phone niya. Obviously, naiwan na naman niya 'yong cellphone niya.
"He's such a careless when it comes to his phone," iiling-iling kong wika at kinuha ang cellphone niya. I stopped calling him when I stunned as I saw his wallpaper.
"Thank God! I thought I already lost my phone!" Nilingon ko siya na kapapasok lang habang bakas sa kaniya na nakahinga siya nang maluwag nang makita niya ang phone niya. "Thanks, Ken!" He was about to grab his phone from me but I took my hand away.
"Bakit nasa wallpaper mo si Klay?" I asked directly to him.
Bahagya naman siyang nagulat at nagpanic kaya mabilis niyang inagaw sa akin ang cellphone niya. "I-It's nothing, okay?" depensa niya.
Nginisian ko siya nang nakakaloko. "Don't tell me, may gusto ka rin kay Klay?" natatawa kong tanong. Bigla naman siyang nag-iwas ng tingin. "I knew it."
"So what, kung gusto ko nga si Klay? May masama ba ro'n? Ikaw rin naman, ah? Gusto mo rin siya."
"Meaning to say, lima pala tayong nagkagusto kay Klay. Pero bakit hindi ka umamin sa kaniya?" seryosong tanong ko.
"Para saan pa? Alam ko naman na umpisa pa lang wala na akong pag-asa. Isa pa, minsan hindi naman kailangan sabihin mo pa ang nararamdaman mo para sa isang tao to save the relationship na mayroon kayo."
"You mean, the friendship?"
"Gano'n na nga. Mahirap na, baka magbago sa 'kin si Klay kapag nalaman niyang may feelings din ako sa kaniya. Ayokong ma-awkward siya sa 'kin. Wala na ngang chance, mawawalan pa ako ng kaibigan."
Napaisip ako sa sinabi niya. "Well, you have a point. Tama ka. Mas mabuti ngang hindi na umamin kesa ang mabasted pa," sang-ayon ko.
"Kaya ba hindi ka rin umamin sa kaniya kasi natatakot kang mabasted?" tanong niya naman sa akin.
Bumuntong-hininga ako at napaisip nang bigla kong maalala 'yong nangyari kagabi.
-
{ FLASHBACK }
Hindi ko na nagawa pang igalaw ang mga paa ko mula rito sa kinatatayuan ko, habang nakatanaw kina Xander at Klay. Hindi sila malayo at hindi rin sila malapit mula sa akin, ngunit sapat na para marinig ko ang pinag-uusapan nila. Hindi ako nakaalis agad kanina gawa ng curiosity ko sa kung ano ba talaga ang dahilan ni Xander para gawin lahat ng iyon. Subalit hindi ko lubos inasahan ang mga nalaman ko.
"Ngayong nalaman mo na ang totoo, Klay. Will you still let me stay in your life? Or you've changed your mind and realized that I'm no good for you? Just tell me... I'm willing to stay away from you... If you want me to."
Pinagmasdan ko nang mabuti si Klay at mukhang siya ay hirap ding unawain ang mga nalaman niya.
Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. Iyong mga past and unusual actions niya kapag nandiyan si Klay ay para bang may kakaiba... I now understand everything.
"Fidel..."
"Just tell me, Klay. Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sa 'yo, e. Just tell me how you feel."
May kung ano sa akin na umaasa pa rin kay Klay... Ngunit, nagawa ko pa ring ngumiti nang dumampi ang mga labi ni Klay sa pisngi ni Xander na siyang ikinagulat nito.
Hindi naman na ako lubos na nagulat at nagtaka. Dahil malinaw naman sa akin kung ano talaga ang nararamdaman ni Klay para sa kaibigan ko. And I don't think nagbago 'yon dahil lang sa mga nalaman niya ngayon.
"W-What was that mean?" gulantang na tanong ni Xander.
"It's getting late na. Ihatid mo na ako pauwi," turan lang ni Klay sa kaniya at naunang umalis. Naiwan namang tulala si Xander, ngunit mayamaya lang ay lumitaw rin ang ngiti sa mga labi niya.
{ END OF FLASHBACK }
-
I took a deep breath one more time as I looked at Fritz who's now waiting for my response.
"It's not about I'm afraid of being rejected, it's about Klay's happiness," I answered smiling.
-
KLAY
Dumiretso ako sa isang bakanteng table at naupo ro'n saka ko tinext sina Jaina at Kelly na nandito na ako sa canteen.
"Klay..."
Isang babae ang biglang lumapit sa akin at kung hindi ko siya tinitigan nang mabuti ay hindi ko pa siya makikilala.
"Hannah?" tunog hindi makapaniwala ang boses na sambit ko. Naninibago na naman kasi ako sa kaniya.
"Ahm. Is it okay to sit here with you?" nahihiya niya pang tanong.
"Ha?" Tumango-tango ako. "Oo naman. Walang problema. Upo ka."
"Thanks." Umupo siya sa tapat ko kaya nagawa kong pagmasdan ang hitsura niya. "Why? Is there a dirt on my face?" inosenteng tanong niya na humawak pa sa magkabila niyang pisngi.
Umiling-iling naman ako. "Ahh, wala. Wala naman. Naninibago lang talaga ako sa 'yo. Hannah... Ikaw ba talaga 'yan?"
Bigla naman siyang natawa nang mahina. "Klay, of course it's me. I'm Hannah."
"Pasensiya niya. Hindi lang kasi talaga ako sanay na nakikita kang ganiyan. Na walang make-up at hindi naka-ayos. Nasanay kasi ako na alam mo na..."
"I understand, Klay. Naalala ko lang kasi 'yong sinabi mo noon no'ng nandoon ako sa bahay ninyo."
"Alam mo. Mas okay ka pa lang tingnan kapag walang make-up."
"W-What?"
"Kako, ang amo mo tingnan kapag wala kang make-up. Mukha kang anghel."
"Ahh, 'yon ba? Tama ka. Sinabi ko nga sa 'yo iyon. Pero hindi ko naman in-expect na... talagang magiging simple ka ng ganiyan."
Yumuko siya at natawa nang mahina. "Gusto ko lang kasing ipakita sa 'yo na kaya kong magbago. Na hindi na ako 'yong evil Hannah na nakilala mo noon. Saka... nagustuhan ko kasi no'ng pinuri mo ako that time."
Nailang ako nang bahagya sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya, pero mukhang sincere naman siya. Bukod do'n, mas bagay talaga sa kaniya ang hitsura niya na simple lang dahil nagmumukha siyang inosente at maamo. I couldn't help but smile genuinely.
"Mas okay nga kapag ganiyan, eh. Kasi mukha kang approachable. At least, kahit papaano hindi ko na iisipin na ikaw 'yong Hannah na bully na nakilala ko noon," nakangiti kong litanya.
"Sa totoo lang, kaya lang naman kita binully noon dahil insecure ako sa 'yo. Bagay na hindi ko maamin sa sarili ko and I'm so sorry for that. But look at you now, mas lalo kang gumanda. Nahihiya tuloy ako sa 'yo."
"'Wag kang mahiya sa akin. Ako pa rin naman 'to si Klay. 'Yong binully mo noon," natatawa kong saad na siyang ikinatawa niya rin.
Later on ay nagyaya siyang bumili kami ng pagkain habang hinihintay sina Jaina at Kelly. No'ng una ay tumanggi pa ako pero wala na akong nagawa dahil mapilit siya.
"Whoa! Sakto gutom na gutom na talaga ako!" Kelly exclaimed when she sat down next to Hannah. Mukhang gutom na nga talaga siya dahil agad siyang sumubo ng pagkain. "Ang dami naman nito, libre mo ba 'tong lahat, Klay?" tanong niya sa akin habang ngumunguya.
"Hindi. Siya ang nanlibre sa atin," nakangiting sagot ko nang tumingin ako kay Hannah.
"Huh? Si—" Natigilan siya nang makilala niya si Hannah. "Hannah?! Anong ginagawa ng babae na 'to rito?!" galit na tanong niya sa akin.
"Kelly, kumalma ka nga. Gusto lang naman niyang sumabay sa atin na kumain. Wala naman sigurong masama ro'n, 'di ba?"
"Klay, nahihibang ka na ba? Nakalimutan mo na ba lahat ng ginawa ng babaeng 'to sa 'yo? Ha?"
"Kelly. Naiintindihan kita, okay? Pero pakinggan mo muna ako. Nagbago na si Hannah. Hindi na makukulong ang mommy niya. Nagkausap na sila ni Mama at okay na ang lahat. Kaya 'wag ka ngang OA riyan."
"Ano? Pero bakit? Bakit hindi ninyo pinakulong ang mommy niya? Paano kung nagpapanggap lang ang bruhang 'to?"
Sinulyapan ko si Hannah na biglang tumahimik at napayuko. "Kelly. Wala naman sigurong masama kung bibigyan natin sila ng second chance. Isa pa, mukhang nagbago naman na si Hannah."
Hindi naman sumagot si Kelly at sinulyapan lang si Hannah saka naiiling na sumubo ulit ng pagkain.
"Hey, girls!" Bigla namang dumating si Jaina at naupo sa tabi ko. "Kanina pa ba kayo nan—Hannah?" Tulad ni Kelly kanina ay mukhang nagulat din si Jaina nang makita niya si Hannah. "What is she doing here?" mariin at seryosong tanong ni Jaina habang nakatingin lang kay Hannah.
"Ahm, gusto niya lang makisabay sa atin na kumain. Actually, libre niya nga 'tong lahat e," sagot ko.
"I don't care kung siya ang bumili ng mga pagkain na 'to. Ayokong kasama natin siya sa iisang table." Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya kay Hannah.
"I-I'm sorry. Aalis na lang ako, Klay. Thank you pala sa time mo. See you."
"Teka!" mabilis kong pigil kay Hannah nang akma siyang aalis. "Hindi ka aalis. Dito ka lang."
"Klay?!" Salubong ang mga kilay na bumaling sa akin si Jaina.
"Jaina, okay na kami ni Hannah. Nagbago na siya. Kaya puwede bang kalimutan na lang natin 'yong mga nangyari noon?"
Naiintindihan ko si Jaina. Batid ko rin na matagal nang may tensyon sa pagitan nilang dalawa, hindi ko lang alam eksakto kung anong dahilan.
"Okay, fine. Kung hindi siya aalis... Ako ang aalis." Bigla siyang tumayo at humakbang palayo.
"Jaina!" tawag ko sa kaniya dahilan upang huminto siya.
"Klay, let her be. Naiintindihan ko naman siya. Noon pa lang hindi na talaga kami magkasundo. Actually, she's my—"
"Hannah!" biglang sigaw ni Jaina at lumapit sa amin. Naningkit ang mga mata niyang tumitig kay Hannah. "Will you excuse us? May kailangan lang kaming pag-usapan ni Hannah."
Hindi ako agad nakasagot kaya lumingon sa akin si Jaina. Tumango na lang ako sa kaniya bilang pagpayag. Nauna naman siyang umalis saka tumayo si Hannah. Tumingin pa muna ito sa akin bago tuluyang sumunod kay Jaina.
Hindi ko alam kung anong pag-uusapan nila. Pero sana hindi sila mag-away. Maayos na ang lahat kaya sana naman hindi na magkagulo pa. Sana maging okay na rin silang dalawa.
-
HANNAH
"Jaina!" I keep calling her name while I'm walking after her. Hanggang sa huminto siya sa gilid ng building.
"What are you planning to do, huh?!" she yelled out of anger.
"Why? What's wrong? May mali ba sa ginawa ko? Mali bang makipag-ayos at bumawi ako kay Klay?"
"Makipag-ayos? Bumawi? Do you think I will believe you?! Tell me, what are you planning to do this time, huh?!"
I sighed. "Jaina. It doesn't really matter to me whether you believe me or not. I want to prove to Klay that I'm regretful."
"Really? At balak mo pa talagang sabihin sa kaniya na step sister kita?" she then grinned.
"Anong masama ro'n? She's your best friend. She deserves to know kung ano ang connection natin sa isa't isa."
"The hell with that connection you're talking about! Eversince, never akong naging proud na step sister kita. So, don't you dare tell her about it. Otherwise, I'll make sure na mapapalayas kayo sa bahay and you and your mom will lose everything!" pagbabanta niya bago siya umalis palayo.
Naiwan akong umurong ang buntot. As much as I wanted to tell Klay about my connection to Jaina... ayoko ring mag-take ng risk para sa amin ni Mommy.
Apparently, Jaina can control everything. She's the real daughter while me and my mom were just like a futile display that will never be noticed by her dad.
-
KLAY
Sinilip ko muna ang wrist watch ko bago ako nagtuloy-tuloy sa paglalakad, hanggang sa natanaw ko ang isang lalaki na nakasandal sa kotse niya na may suot na shade.
"Hey, Klay!" Kumaway siya sa akin at inalis ang shade mula sa mga mata niya. He's hot.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse kaya pumasok ako agad. Umikot naman siya at sumakay sa driver's seat.
"Saan mo gustong pumunta?" he asked.
"Kahit saan," tipid kong sagot. Nilingon ko naman siya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"You know what? I'm so happy right now. I'm so happy dahil finally, alam mo na ang lahat. Noong una, lagi akong natatakot na baka kapag nalaman mo ang totoo ay iwasan mo 'ko o masyadong kagalitan. But look! Here we are. Still happy with each other's company."
Napangiti ako sa sinambit niya. Ang totoo ay hindi pa talaga totally nag-sink-in sa utak ko ang lahat. Pero unti-unti ko na rin namang na-a-absorb.
Basta ngayon... I'm happy. I'm happy with him. Sa katunayan, wala namang nagbago no'ng nalaman ko ang lahat. Kung meron man, siguro ay iyong nadagdagan pa ang feelings ko para sa kaniya.
***
- CheerlessAngel