LOVE 1: THE BEGINNING OF FOREVER
"Suarez! Bumalik ka! Wag mo kong iiwan! Parang awa mo na. Hindi ko kayang wala ka! Suareeeeeeeezz!!!"
"Camille, gising! Gumising ka! Binabangungut ka nanaman." narinig kong tinig ni Ate Gabriella
Muli nanaman pala akong nanaginip. Isang panaginip na nagumpisa sa kasiyahan na kasama ko siya.
"Napanaginipan mo nanaman ba siya?" tanong sa akin ni Ate Gabriella nang makaupo na ako
"Oo. Bakit ganun? Masaya naman kami, pero bakit bigla nalang siyang kinukuha ng isang liwanag at unti-unti siyang nawawala. Bakit kailangang mawala pa siya?" sa pagsabi ko nun muli nanamang dumaloy ang luha ko.
"Tama na Camille. Alam kong masakit, pero kailangan nating tanggapin na iniwan na niya tayo. Wala na siya." nakikita ko ang lungkot sa mga mata at bawat salita na binibitawan ni Ate Gabriella
Gaya ko, alam kong napakasakit din sa kanila ang nangyayari ito.
Humagulgul na ako sa labis na sakit na nararamdaman ko.
Sumisikip ang dibdib ko.
Nahihirapan na ako.
He said that he will spend his forever with me.
He said that he will never leave me.
Pero nasaan na siya ngayon?
Bakit nawala nalang siya bigla?
Bakit niya ako iniwan ng ganito?
Ano bang nagawa ko para kunin siya sa akin ng ganito kabilis?
Bakit kung kailan masaya na kami tsaka naman siya mawawala?
Nangungulila ako sa kanya.
Nadudurog ang puso ko sa bawat araw na hindi ko siya nakakasama.
Masakit pero kailangan ko na bang tanggapin na
HINDI na SIYA BABALIK?
***
CAMILLE's POV
*yawn*
=.O bukas ng kaliwang mata
O.= bukas ng kanang mata
kusot kusot kusot
eh???????? Pag gising ko isang gwapong nilalang ang nasa harapan ko.
Natutulog at nakayakap sa akin.
"Ang gwapo talaga ng fiance ko. :)" pinadaan ko ang hintuturo ko mula sa kanyang mata hanggang sa dulong ng ilong
"*sigh* Hindi ako makapaniwala na engaged na talaga tayo. Parang kahapon lang nag-aaway tayo tapos ngayon katabi kita dito. Parang panaginip."
"Hindi ka nananaginip. Totoo ito." eh? Biglang nagsalita tong inaakala kong tulog.
Nagtataka ba kayo kung bakit kami magkatabi sa pagtulog? Wag kayong shrek. Diba kagabi birthday ko at engagement party namin?
Ayun naglambing ako na dito na siya matulog sa kwarto ko, pinagbigyan niya naman ako at pinayagan naman kami ng parents namin, tutal daw ikakasal na rin naman kami.
Loko nga tong si Suarez ay este DhieKo, pinagtripan ba naman ako kagabi, kinabahan ako ng bongga akala ko totoong gusto niya ng gawin yung alam niyo na. Yung anu, basta alam niyo na yun. Nakakahiyang sabihin eh. >.<
"Gising ka na?"
"Medyo. Narinig kasi kitang nagsalita. Ang ingay mo naman kasi."
"Maingay? Bulong lang nga yun eh."
"Hindi yun bulong. Maingay ka lang talaga." tss kagigising lang niya pero nang-aaway nanaman.
"War freak ka talaga. Hindi ba pwedeng goodmorning mahal muna?"
"Hindi ako ganyan kasweet."
"Tss. Pwes dapat maging ganyan ka kasweet sa akin." sabay pisil ko sa magkabila niyang pisngi
"Ayoko." sabay hawak niya sa dalawa kong kamay at inalis mula sa pagkakapisil ko. Gusto ko lang naman na maging sobrang sweet niya sa akin ( _._)
"Ayaw mo? Edi wag! Aish!" tatayo na sana ako sa kama nang bigla niyang iharang ang mga kamay niya sa akin.
Niyakap niya ako. Nilingon ko siya at para siyang ewan na nakapikit tapos nakangiti.
"Tuwang tuwa ka talaga sa tuwing naaasar mo ko."
isang seryoso pero mapangasar na lalaki, yan ang fiance ko.
"Napakasarap gumising sa umaga na ang babaeng pinakamamahal mo ang una mong makikita, kahit na pa may muta at tuyong laway pa siya."
Eh? >_< agad naman akong napahawak sa mukha ko at sa mata. NAKAKAHIYA! Pilit kong inaalis yung pagkakayakap niya sa akin para makapunta ko sa c.r pero hindi ko maalis yun, sa halip bigla nalang niyang iniangat ang ulo niya at tumingin sa akin.
Hindi ko magawang magsalita dahil nahihiya ako. Naisip kong hindi pa pala ako nagtoothbrush man lang, baka bad breath ako. Ewwww!
Ngumiti naman siya bigla at sinabing "Napakaganda mo talaga. Mas maganda ka pa sa umaga mahal ko." pagkatapos ay unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko, kahit nahihiya ako, pumikit nalang ako at hinintay na dumapo ang labi niya sa labi ko.
This is definitely one of the sweetest kiss we shared. :) Wala pang toothbrush yan! Hahaha
*Tok Tok Tok*
"Iha, gising na ba kayo? Kung gising na kayo bumaba na muna kayo para makapag breakfast, mamaya niyo na ako gawan ng apo." tsss. Si Mommy talaga. Mas excited pa sa amin.
"Gising na po. Yes Mom, bababa na po kami nito."
"O sige. Baba na ha."
Napatingin naman ako dito sa lalaking kaharap ko. Ayan at napapangiti.
"Anung iniisip mo? Don't tell me may iniimagine kang something bad?"
"Bad? Bad bang matatawag na imaginin ang magiging honeymoon natin."
"KYAAAAAAAAAH! Shut up Suarez!" sabay hampas ko sa kanya. Namanage ko pa talaga siyang hampasin kahit na nakayakap siya.
"Alam ko na pag natetense ka nakakalimutan mo kong tawaging dhie. *insert small laughs here*" tama siya, pag tense ako at nagpapanic o kaya naman pag galit, Suarez talaga ang natatawag ko sa kanya kahit pa alam ko na balang araw magiging Suarez na rin ako. Bakit ba? Cute kaya pag galit na tawagin sa surname ang boyfriend mo. Parang under lang pakinggan. Try niyo! Haha
"Oo na. Tayo *stand up* na tayo."
"Pwede kayang sabihin sa Mommy mo na extend pa tayo ng 1hour?"
"Ano to time lang sa internet shop?"
*pinitik ako sa noo*
"Aray ko naman dhie!"
"Hahaha. Good morning talaga." nag-unat pa talaga siya at bumangon na. Pinagmamasdan ko ngayon ang likuran ng lalaking malapit ko ng mapangasawa. Iniisip ko lang na araw-araw kaming ganito. KYAAAAAAAAH! Kinikilig na ako! >////////////<
"Tumayo ka na rin dyan bago pa ko humiga ulit dyan at sige ka baka hindi na ako makapagpigil na---"
"WAAAAAAAAAAAHHHH!" sumigaw talaga ako at nagtatakbo papasok sa c.r. Nakakahiyang maisip yun. Naririnig ko siya na tumatawa sa labas. Lokong yun, nakuha pa akong tawanan.
Humarap ako sa salamin tsaka ko nakita tong kwintas na suot ko. Ito ang regalo niya sa akin kagabi. Actually, couple necklace to. Tuwang tuwa ako dahil may kasama na ang couple bracelet namin. ^_____^ Pakakaingatan ko tong 1st ever birthday gift niya sa akin. Symbol of our true love.
Tapos na akong maghilamos at magtoothbrush. Paglabas ko, wala na siya. Mukhang nauna na siyang bumaba. Hindi man lang ako hinintay? =___=
"Oh eto na pala ang aming unica iha." sabi ni Dad ng makitang palapit na ako
"Goodmorning dad."
"Goodmorning din anak." naggood morning na rin ako kay Mommy, Lolo, at Lola.
Umupo ako sa tabi ni dhie na naguumpisa ng mag almusal.
"Hindi mo man lang ako hinintay." sabay siko ko sa kanya kaya napatingin siya agad sa akin
"Sorry Mhie, next time bubuhatin pa kita pababa." nagtawanan tuloy ang parents ko sa sinabi niya
"Maayos naman ba ang tulog mo Gabriel?" tanong ni Mom sa fiance ko
"Maayos naman po." sagot niya habang ako kumakain lang. Nakakagutom kaya.
"Pinagod ka ba ng prinsesa namin?" tanong ni Lolo na halos maibuga ko na yung kinakain ko ng marinig ko yun
"*cough* *cough*"
"Ayos ka lang ba iha?" tanong ni Lolo
"Mukhang nahiya po yata siya sa tanong niyo." sabi ng nakangiting fiance ko
"Mukha ngang nahiya siya. Iha, sa susunod wag mo papagurin si Gab para naman maaga kayong nagigising."
"Lolo naman!"
"Oh bakit? Pinagsasabihan lang naman kita."
"E kasi lolo, wala naman pong--" itutuloy ko pa sana yung sinasabi ko ng mapansin kong lahat sila nakatingin sa akin at parang hinihintay talaga ang sasabihin ko. Napayuko nalang ako. Mahinang tumatawa naman tong katabi ko.
"Mahina ka pala iho. Gusto ko pa namang mag ka apo na sa tuhod." pagbibiro ni lolo kay Gab
"Lolo naman eh!"
"Ano ba iha? Nagsasabi lang ako ng totoo." si lolo talaga
"Tumigil ka na nga dyan. Tignan mo at pulang pula na ang apo natin." sabay hampas pa ni lola kay lolo
"Wag po kayong magalala. Sa susunod po gagalingan ko na." may patawa tawa pa siya
"Suarez naman!"
"Bakit Mhie? Ayaw mo bang magkaroon na tayo ng mga bouncing baby boys and girls?"
"Oh mukhang gusto na rin naman ni Gab. Mabuti yan habang maaga." tumatawa na silang lahat. Sina Mommy and Daddy naman di man lang ako ipagtanggol sa pangaasar ni lolo.
"Ihhh Lolo! Kumain nalang tayo pwede ba?"
"Pulang pula ka na iha."
"Lolo, please kumain ka na. Nagpapatawa ka nanaman."
"Hindi ako nagpapatawa. Seryoso ako. Kaya naman Gab, pagbutihan mo. Okay?" lakas mantrip ni Lolo ( _._)
"Opo. Kung gusto niyo po gabi-gabi na akong matutulog dito o kaya naman po mag live in na kaya kami?" baliw din tong fiance ko na sinasabayan ang trip ng Lolo ko >//////<
"Mukhang mas magandang ideya yan."
"Lolo!!!!"
"Hahaha! Oo na titigil na kami."
"Pinagtatawanan niyo ko. Pati ikaw! Hmmm," sabay turo ko kay Gab
"Kumain ka na Mhie. Alam kong gutom ka. Napagod ka kasi kagabi."
"Suarreeeeeeeeezzzzz!" oo na tense ako kaya ganyan ang tawag ko sa kanya.
Kahit na napagtripan ako ng pamilya ko ngayong araw na to, ayos lang yan dahil masaya naman.
Isa talaga kaming one big, happy family.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++
(Ate Mille's Note: Napaaga ng bonggang bongga ang pagpost ng Love 1. Naoverwhelm po kasi ako sa mga nangungulit na magupdate na ako. ^______^
Alam kong namiss niyo si Suarez at Camille, kaya naman Let's get ready to rumble! ^______^
Maging loud readers tayong lahat! Okay?