Sa sobrang inis ko ay hindi muna ako umuwi.
Iniliko ko ang sasakyan sa Mall. Hindi ang Mall na malapit lang sa kompanya ni Zach. Mas malaki kasi ito at pakiramdam ko ay mas makakapag relax ako.
Iginala ko ang paningin ko, parang nahihilo ako sa dami ng tao. Shit naman, sale pa yata ngayon kaya ang daming tao.
Kumalam ang sikmura ko kaya naghanap hanap ako ng pwedeng kainan. Parang gusto ko ng fries kaya pumunta ako sa isang fast food.
Agad akong pumila para umorder.
"Masayang araw Ma'am, ano pong order nila?" tanong sa akin ng babae sa counter.
"Uhm.. 2 large— no. Make it three large fries. One spaghetti and pineapple juice." sabi ko. Siguro naman pag nakakain na ako ay makakapag isip na ako ng maayos.
"372 po, Ma'am." sabi nya. Agad naman akong nagbayad.
Mabuti na lamang ay nakuha ko agad ang order ko at di ko na kailangang maghintay pa.
Agad akong umupo sa bakanteng upuan.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng may magsalita.
Parang nangyari na ito noon. Dejavu.
"Ms. pwede bang maki share? Tatlo kami. Wala na kasing vacant tables eeh" sabi nya. Nanlaki ang mata ko ng makilala ang babae. Ito din yung babaeng naki share sa kin dati! May anak pa nga syang cute na babae eh. Ano nga bang pangalan nya? Ayy ewan. Basta sya iyon.
"I hope that my daugther meets you again someday, Ellise."
"you again?" ngiti nya.
I smiled back pero alam kung hindi iyon umabot sa mata ko. Ewan ko ba.
"Dad! Here's mommy oh!" sigaw ng bata sa di kalayuan. Kaya lumingon ako na dapat ay hindi ko na lang ginawa.
Parang napako sya sa kinatatayuan nya ng makita ako, ganun din ang naging reaksyon ko. Dad? Bakit sya tinawag na Dad ng batang hawak hawak nya? Parang literal na hindi ako makahinga. Anong ibig sabihin nito?
"hey, Love." napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko.
Love? She called him Love. Oh my God.
"L-lauren." dinig kong tawag nito sa pangalan nito. So she's Lauren? I suddenly feel my insecurities again. She's.. She's beautiful.
So it's true. Totoo nga ang nasa isip ko. I smiled bitterly. Kaya pala.
"Daddy, c'mon let's sit." sabi ng cute na bata habang hila hila ang dulo ng damit ni Zach na ako pa mismo ang naglaba at nagplantsa.
Dahan dahan syang lumapit sa pwesto namin at sya namang pagtayo ko. I'm sorry. Hindi ako masyadong martyr para manatili pa dito.
"m-miss? A-ayos ka lang ba?" tanong ng ponyetang si Lauren. Tumingin ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay.
"Palagay mo?" sabi ko sa sobrang inis na nararamdaman ko.
Mabuti na nga lamang ay ganun lang ang lumabas sa bibig ko at di mura. Nakita ko naman kung paano mawalan ng kulay ay maganda nyang mukha.
"Ellise!"dinig kong tawag nya sa pangalan ko. Sya pa ang galit?
Nangingilid na ang luha sa mata ko pero pinilit ko pa ding makaalis doon ng hindi ito pumapatak.
I already texted him a while ago, telling him that he's a Liar. Wala man lang syang ginawa?
Dali dali akong naglakad kasabay noon ang pagpatak ng luha ko. Wala akong pakealam kung pinagtitingin ako dahil sa mukha akong tangang lakad takbo habang umiiyak. Ang sakit. Ang sakit sakit.
Nakakahiya naman pala sa kanila. Ako pa pala ang eksena sa masaya nilang pamilya. Ako pala ang panira. At hindi sya.
May anak sila? Bakit hindi man lang nya sinabi sa akin? Bakit kailangan pa nyang magsinungaling para lang makita sila. Sana tinapos na lang nya kung anong meron sa min para hindi ako nagmumukhang tanga!
Bakit kailangan pa nyang magsinungaling?
Dali dali akong sumakay sa sasakyan ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Parang nawalan ako ng kakayahang mag isip dahil sa nangyayari.
Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan.
Tapos na. Ngayon pa lang alam kung tapos na kami. Talo na naman ako. Ako na naman ang talunan.
Hilam ng luha ang aking mga mata. Mabuti na nga lamang ay maluwag ang kalsada kaya mabilis akong nakarating sa condo ko.
Para akong bata na sumalampak sa sahig at umiyak ng umiyak.
Zach
"Ellise!" tawag ko sa pangalan nya. Fuck!
Dali dali kong inilapag ang tray sa lamesa. Damn.
"I'm sorry, baby. I need to go. Babawi ako next time, ok? Promise." Sabi ko sa anak ko na ngayon ay nakatingin lang sa akin. I kissed her on her cheeks at umalis na. I can even hear Lauren calling out my name, pero hindi ko na lang pinansin. Kailangan kong mahabol at makausap si Ellise. Fuck. I can't even text her. Lowbat ang cellphone. I'm not even sure kung natanggap ba nya ang reply ko sa kanya kanina and I'm praying na hindi. Damn. That's a fucking lie.
.
.
.
I went first to my condo unit, nagbabakasakaling pupunta sya doon.
I opened the door and went straight to my room. She's not here. Damn.
Lumabas ulit ako at dali daling umalis.
Sa pad nya, pwedeng nandun sya. So I drove fast to her condo unit.
Pagdating doon ay agad kong ni-type ang passcode.
Wala sya sa sala.
Pumunta ako sa kwarto, wala din sya. Where is she?
"what are you doing here?!"
I looked at her.
"Ellise. Please. Listen to me first." simula ko. Umling sya.
"Listen to wha?! sa mga kasinungalingan mo? Please. Nakakasawa na." sabi nito. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko.
"Pwede bang umalis ka na, huh? Kung nakokonse—
I hugged her. Mahigpit na mahigpit. I lied cause I don't want to lose her.
Pinipilit nyang makawala sa yakap ko. Pero mas lalo kong hinigpitan.
"S-Savannah is my daughter.." Simula ko. I heard her cried.
"I'm sorry. I didn't tell you. Kelan ko lang din nalaman. I-I don't know how to tell you. N-natatakot ako, Lisse. I'm so damn scared na baka iwanan mo ko kapag nalaman mong may anak ako. May a-anak ako kay l-lauren."
Patuloy lang sya sa pag iyak. It's breaking my heart. I don't want to saw her crying because of me.
"G-ganun ba? G-ganun ba kakitid ang tingin mo sa kin? Kaya mas pinili mong magsinungaling at pagmukhain akong tanga?! Ganun ba?"
Umiling ako. What have I done?
Bakit ko ba iniisip na iiwan nya ako. Si Ellise na napaka maintindihin, si Ellise na mahal na mahal na mahal ako. Bakit ang tanga tanga ko.
"Kaya ba palagi kang late ka ng umuwi? Dahil makikipagkita ka sa kanila? Dapat sinabi mo... Sana sinabi mo para naman alam ko kung saan ako lulugar. Para alam ko kung maghihintay pa ba ako o matutulog na lang."
"You even cancelled your meetings." puno ng hinanakit nyang sabi. I'm so fucking stupid!
"Masaya ka ba? Masaya bang pagsinungalingan ako? I asked you. I asked you kung nasaan ka. You told me thay you're in a meeting, but the truth is you fucking cancelled all your meetings! You are a liar. Oh god, bakit minahal kita? Bakit ikaw pa?" Napabitaw ako ng sinabi nya iyon.
"I hate you. I don't want to see you. Please go home. Please. Leave me alone. I need time to think. At hindi ko iyon magawa kapag nandito ka!" I was shocked sa mga lumalabas sa bibig nya. Sinagad ko na ba sya? Sa puntong pati pagmamahal nya sa akin ay pinagsisisihan nya?
"n-no." mahinang sabi ko. Selfish may it seem, pero hindi ko sya kayang pakawalan.
"I'm sorry—
"I'm sorry too, Zach.Please. Leave. Bumalik ka na sa kanila, sa anak mo. Kay Lauren."
"Are you b-breaking up with me? No
You can't." hindi makapaniwalang tanong ko.
Umiling sya at nagsimula na namang pumatak ang luha.
"I-I don't know. I-I need time. We both need it. Ayoko ng ganito. Please."
Tumango ako.
"I will give you that time you needed. Pero hindi ganong katagal. I'm sorry, I just.. I just can't. I love—
"You love me? Then why did you lied?!"
"Because I'm scared. Hindi ko kayang mawala ka sa kin. Kung kailangan kong magsinungaling ng matagal gagawin ko, basta manatili ka lang sa tabi ko!—
"You're selfish." sabi nya. Yeah. I am.
"Ellise." I helplessly called her name. Natatakot ako sa mga susunod nyang sasabihin.
"I love you. Pero kailangan muna kitang pakawalan. We both need time to think. Hindi ko na kasi alam kung pano pa ko magtitiwala sayo. You lied. You always do.At natatakot ako na baka magising na lang ako isang araw, ni isang salita mo hindi ko na kayang paniwalaan at ayaw kong mangyari iyon, so please."
My tears fall. Wala na.
Niyakap nya ako. At ganoon din ang ginawa ko. I love her.
"H-how old is she?" tanong nito.
"f-four."
She nodded.
"I saw her before. She got her eyes from you." sabi pa nya.
Bumitaw sya at hinarap ako. She wiped my tears.
"Fours years is long Zach. bumawi ka sa kanya." I don't know what to say. She's amazing.
I sighed.
"I will. And I'll be back after two weeks. Please? Don't. Don't break up with me cause I won't let you anyway." sabi ko. Hindi ako papayag.
"Don't say no. Dalawang linggo lang ang kaya kong ibigay, Ellise. Hindi ko kaya na wala ka pa sa tabi ko kapag natapos na iyon." I said before kissing her. This isn't goodbye. I will get her back no matter what.