Chapter 4
Aba, akalain mo na paglabas naming sa capilla eh hindi na naulan. Ayos! Makakauwi na ako!
Pero Hawak pa rin ng kwago ;yung kamay ko. Peste naman kasi itong t'yan ko. Amfufu. (Injerness, nakalimutan ko na yung atraso niya at ang kanina ko pang pinagdadrama.)
Hindi ko na lang namalayan na nasa tapat na kami ng 7Eleven. Pagpasok naming binitawan na niya ang kamay ko at iniwan ako sa may pintuan.
Walang hiya! Diretso agad sa lalagyanan ng para sa hotdog sandwich, parang walang kasama ah!
"Hoy!"
"Ano na naman? Pakainin mo na kaya 'yang sawa mo."
Grr! Ang yabang! May atraso kaya siya!
"Sus, if I know! Ikaw ang may alaga. Hinila mo lang ako dito para hindi ka mahalata na matakaw ka."
"Whatever!"
Naman! Ang hilig talaga ng kwago na ito mag-whatever. Dinaig pa si Angelina eh!
"Tabi nga d'yan kwago, at papakainin ko na ang sawa ko."
"Anong tawag mo sa akin?"
"Sikreto! Walang clue" Hahaha.
"Ewan ko sa'yo."
Susyalan ang kwago, winalk-outan ako. Hahaha!
"Hoy, bayaran mo 'to! May atraso ka pa."
"Oo na."
Pagkabayad niya, balak ko na siang iwan. Ayaw ko ng makita ang pagmumukha nitong lalaking ito.
Nasa may pintuan na ako ng, "LECHENG ulan! Dumali na naman."
"Kababaeng tao ang inam magmura."
"Oo na!"
Kakabanas naman eh. Naaalala ko na naman ang atraso nya. Hay.. Ayan, tinapos na naming 'yung kinakain namin. Habang nakaupo dito sa loob ng 7Eleven, hindi ko na pinansin si kwago.. Magsawa siya! Haha.
Pagtingin ko sa orasan, "HOLY KAMOTE! Patay ako sa ina kong machine gun ang bunganga!"
Nagitla ang luko sa tabi ko. Buti nga sa'yo.
"Ay, sorry. Uhm, sige una na ako. Yari na ako sa ina kong amazona eh. Hindi na kita sisingilin sa atraso mo. Baka masalvage na ako eh."
"Sandali, may payong ka ba?"
Uy, concern! Hahaha! 'Yan nawawala na talaga ang galit ko sa kanya.
"Oo nga pala! Wala! Hahaha! Sus, ayos lang 'yan. Malayo 'yan sa bituka. Sige una na talaga ako."
Lumabas na ako ng 7Eleven at saktong paglabas ko, grabe! Mas lalo pang lumakas ang hangin with matching ulan pa. Yari na ako nito! Hay bahala na!
Bibilang ako ng 3. Sa pangatlo susuong na ako!
1...
2...
3—!
Hala! Muntikan na akong matumba. Bigla ba namang may humawak sa braso ko.
"Anong-" sabay tingin ko sa likod ko.
Aba, si kwago.
"Bakit?"
"Oh.." Binigay nya sa akin ang isang payong..
"ano to?"
"Eh di paying." Pilosopo!
"Alam ko. Ang ibig kong sabihin eh para saan 'yan?"
"Baka kakainin mo." Breathe in breathe out!
"Injernes! Ang tino ng tanong ko ah tapos pinipilo-"
"Gamitin mo muna."
Bakit ba lagi na lang nya ako hindi pinapatapos sa pagsasalita ko?
Then, suddenly biglang nag-sink in sa utak ko yung sinasabi nya.
"Ano?"
"Sabi ko, gamitin mo." Ano ba yan! Wala man lang kaekspe-expression 'yung face niya. Sayang pa naman. Mas cute pa naman siya kapag natawa siya. At saka mas maganda 'yun sa blue eyes niya.
Hala!
Anong cute? Baka nakakata-cute! Hahaha!
"Ah. Eh paano ka?"
"Sus, sabi nga dyan ng isang bata eh malayo sa bituka 'yan. Atsaka malapit lang naman ang bahay ko. Hindi tulad mo na mukhang sa bundok pa ang punta."
Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinasabi nya o hindi! Para kasing pinaparating nya na taong bundok ako..
"Siya, siya, salamat."
Pasakay na ako sa jeep nung maalala ko, "HOY! KWAGO!"
Lumingon si kwago!
Inamin na siya ang kwago! Hahaha!
"Anong-?" Taasan ba naman ako ng kilay. Sus, sisterrette talaga siya.
"Anong pangalan mo?"
Ang pangit nung expression niya. Parang nagitlang pusa eh. Hahaha!
"AIDAN. Aidan ang pangalan ko."
BEEEEEPPPP!
Hala si Manong Jeepney driver eh umeepal.
"Sandali lang po! Wait manong! Super wait lang!"
Himala at nakinig si Manong kahit na ang lakas na nung ulan. Nilapitan ko si kwago este si Aidan. Takang-taka si kwago at napansin ko..
Aba! Susyalan! Lahat sila nakatingin sa amin!
Ano kami nasa teleserye?! Hahaha!
Anyways, nilapitan ko nga si kwago.
"Iexsha."
"Huh?"
"Ako nga pala si Iexsha. And nice meeting you." Sabay flash ng aking killer smile! Charing!
Nakipag-kamay ako sa kanya nun.
"Bye!"
Nakasakay na ako sa jeep at nakikita ko pa rin siya na nasa labas pa rin ng 7 Eleven. Buti naman at may bubong pa 'yun.
"KWAGO! SALAMAT SA PAYONG AT PANYO HA?! AT SA SUNOD NATING PAGKIKITA, LAGOT KA TALAGA SA AKIN! TANDAAN MO ANG PAGMUMUKHAKONG ITO! PATAY KA TALAGA SA AKIN!" Sigaw ko sa kanya.
At dun ko napansin, kahit malayo na siya, at kiita ko pa rin naman siya, nakita ko siyang ngumiti! Ang gwapo! Hahahaha!
INAMIN!