Secretly Loving You

By ThewildSheep

32 15 0

Not all friends treat you as a friend too,some are Secretly Loving You. More

AUTHOR'S NOTE
SYNOPSIS
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
XI

X

0 0 0
By ThewildSheep

HINDI sigurado si Johan kung naniniwala ba sa kanya si Pauline.

Pasado alas-nueve na ng gabi subali't di parin siya nakakatulog, ayaw niyang ganito ang sitwasyon nila ng kaibigan.

Ayaw niyang  malamig ang pakikitungo nito sa kanya, gusto niya ay palagi itong masaya at inaasar siya.

Na mi-miss na niya ang mga tawa at kakulitan nito sa kanya.

Gulong-gulo talaga siya kung anong dapat gawin, idagdag pa ang misyon na pinapagawa sa kanya ng mommy nito.

Paano nalang kung di siya magtatagumpay? ipapasauli  ba nito ang perang binigay sa kanya?

Ang laki pa naman niyon, siguradong mahihirapan siya.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga at nagtungo ng kusina para uminom ng tubig.

Nang mapadaan siya sa kwarto ng kanyang mga magulang ay nakarinig siya ng ingay.

Ingay mula sa hinahangaan niyang boses noong bata pa siya, ang paborito niyang anchor woman sa isang sikat na istasyon ng radyo.

Napangiti siya, ang programa nito ngayon ay tungkol sa mga taong sawi sa pag-ibig na nanghihingi ng payo di lamang sa dj kundi pati narin sa mga milyon-milyong tagapakinig nito.

Kaagad siyang nabuhayan ng pag-asa at dali-daling binuksan ang cellphone niya.

Dahil sa makabagong teknolohiya ay napapanood na niya ang kanyang idolo sa youtube live nito.

Gumuhit ang a ngiti sa kanyang labi habang nagsisimulang magtipa sa kanyang cellphone at isinalaysay ang suliranin niya ngayon.

Nang matapos ay pinindot niya ang click at pinadala agad ito sa taong inaasahan niyang makakatulong sa kanya.

Bumalik siya ng kwarto at nahiga sa kama,kinuha niya ang kanyang earphone at nagsimulang pakinggan ang nakakabighaning boses ng kanyang idolong dj habang binabasa ang istorya niya.

Halos kalahating oras matapos nito iyong basahin,nagpatugtog muna ito ng isang requested song at matapos ay nagbasa na ito ng libo-libong comments sa mga nanunuod sa live nito.

Iba't ibang uri ng opinyon ang naririnig niya, may nagsasabing mali ang ginawa niyang pagpayag sa alok ng mommy ng kaibigan at meron ding sumang-ayon dahil talagang kasalanan nam an daw ang  pagtrato nito sa sarili nito at hindi masama na pakialaman inyo ng mommy nito kasi para din naman ito sa kanyang ikabubuti.

Over the thousands of advices from the listeners, only the words that came from the voice he admire was stick on his mind.

"They  say, experience  is the best teacher. And that's really true, why? because people only realize their mistake once they already committed it. So in your part, Mr. Sender, you should do something that will let your bestfriend realize that what she feels for herself was not right, let her see the real her, let her realize that only men and women  were created to dwell on this world."

Ang mga boses na 'yan ang siyang tanging nakaukit sa kanyang pag-iisip hanggang sa tuluyan siyang lamunin ng antok.

***
Nagising siyang may nabubuo ng ideya sa kanyang utak kung ano ang marapat gawin.

Sana lang ay magtagumpay siya.

Kaya mabilis siyang kumilos at inayos ang sarili, tinawagan na niya si Monique at sinabing makikipagkita siya rito.

When he already fixed himself, he immediately leave.

Pagkarating niya doon ay wala pa ito, mga labinlimang minuto siguro ang lumipas bago ito dumating.

"Goodness heaven! i really can't believe that my crushieecakee will finally ask me on a date! my gosh Johan, im not prepared for this eh"

Napabuntong-hininga siya.

Since ganitong plano ang naisip niya kailangan niyang pagtiisan ang kaartehan ng babaeng ito.

"Ahm, take a seat first Mon, seryosong bagay ang pag-uusapan natin" panimula niya.

"Oh gosh! OMG! OMG!  eto na ba 'yun—"

"Please set aside your drama first, hindi tungkol sa'tin ang pag-uusapan natin" pinutol na niya ang kaartehan nito dahil di na siya nakatiis.

Nalukot naman kaagad ang mukha nito.

"So ano palang pag-uusapan natin? i thought liligawan mo na'ko kasi mukhang napaka private naman nitong venue natin, bruhh sayang naman ng ayos ko hays!" bulalas nito.

"I want you to be Pauline's girlfriend—"

Diretsang anya pero di pa man siya nakakatapos ay gulat na reaksiyon na ni Monique ang nasaksihan niya.

He expected this, natural na magugulat ito. Sino ba naman ang hindi magugulat kung bigla kang aalukin na maging jowa ng ibang tao.

"What the fvck are you talking about Franz Johan!?" malalaki ang matang sigaw nito sa kanya.

"Sana pinatapos mo muna ako para hindi ka maguguluhan, ang sabi ko gusto kung maging kayo ni Pauline, i would suggest to her na ligawan ka niya, and please do accept her, remember that it is all scripted, gusto ko lang i pa-realize sa kanya na mali ang pagtrato niya sa kanyang sarili"

"And why would i do that?! sa tingin mo ba ganito na ako ka-uto-uto para sumunod sayo? yes i like you,  but hey, to see my self dating with a lesbo just because i was ordered by my crush to do it?! No fvcking way Johan!" mahabang sagot naman nito.

He sighed.

"Please Monique, im begging you. Alam ko magagawa mo ito, sumunod ka lang naman sa gusto kong mangyari eh, atsaka promise madali lang to, maybe a month or two will be enough"

Napataas naman ang isang kilay nito.

"Ano ba ang nakain mo  Franz Johan  at pinapagawa mo ito sa akin? out of a million girls outhere, bakit sakin?" tanong uli nito.

Sabi na nga ba niya, hindi madaling papayagin si Monique.

Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa, alam niya mapapayag din niya ito sa gagawin nito.

Pinaghandaan din naman niya ito kagabi eh, sana lang gumana.

Alam niyang sa panahon ngayon, lahat ng kilos na gagawin ng tao ay may hinihintay na kapalit.

At iyon ang iniisip niya kagabi bago isagawa ang planong ito, hindi naman pwedeng pera dahil bukod sa wala siya n'on ay hindi rin naman kinakapos sa pera si Monique.

Kaya imposibleng pumayag ito pag pera ang i-aalok niya.

At sa pag mumuni-muni ay isa lang ang naisip niyang gawing kondisyon dito.

He would use his charm.

"Please Monique, just do it" he said matching with his cute facial expression.

"D*mn with your cuteness Johan! muntik na'kong bumigay ha! pero no, hindi parin 'yan enough"

"So you mean pag may iba pa akong kondisyong iaaalok? you would accept my request?" tanong niya, hawak ang munting pag-asa na pumayag ito.

"Uhm  it's a good idea, maybe, just maybe. Anyway spill it."

"I can be your date on our J.S prom"

Pahayag niya dito sa pinanghahawakan niyang alas, sana naman pumayag na ito.

Dahil siya, talagang napipilitan lang siyang i-alok ito dito.

Kung di lang dahil sa misyon niya, he would not sacrifice his own happinness.

Si Pauline sana ang gusto niyang i-date eh, kahit di sya sure kung sasali ba ito.

Nakita naman niyang nagliwanag ang mukha ni Monique.

"Seriously my sugarplum?! oh can't believe what i hear! please do tell it again to me baka naman nabibingi lang ako gosh!!" she exaggeratedly exclaimed.

"No, hindi ka nabibingi Mon, and yes im serious with my offer, basta ipangako mo lang sakin na susundin mo lahat ng ipapagawa ko, and hoping this will remain secret, sana mananatili lang sa atin ang mga napag-usapan natin, understood?" paninigurado niya.

" Of course, i promise in front of my dearest crushieee that soon to be my Prom date, that i, Monique De Vera will shut her mouth and keep all what we have talk as our deepest secret"  anito na parang nanunumpa.

Nakaisip naman ng ideya si Johan sa ginawa nito kaya kumuha siya ng papel at ballpen.

"We better make a letter of  commitment with our signatures and the offenses you have to get if ever you don't keep your words"

"Sigurista, tsk." asik pa nito subalit sinunod din naman ang sinabi niya.

Kumain muna sila bago napagpasyahang umuwi.

Kinukulit pa siya ni Monique na alamin ang rason kung bakit nais nitong maging sila ni Pauline pero hindi siya sumagot.

Hindi maaaring kung kani-kanino lang niya ipagsasabi ang dahilan.

Though kasali na si Monique sa misyon hindi parin maaring sabihin niya rito ang dahilan na inutusan lang din siya.

Hangga't maari ay siya lang at ang mommy ni Pualine ang nakakaalam ng totoo.
















A/N. Huhuhuness  nahihirapan talaga em tapusin ito pero dahil nasimulan ko na tatapusin ko nalang mweehehe, btw kahirap kasi binago ko kasi ang mga scenes kumpara sa nauna, actually grade 8 pa ako nang ginawa ko ang story na'to, sa notebook nga lang, so ayun  dahil bata pa ako noon daming errors at may pagka-jejemon ang dating kaya binago ko huhu sana talaga makayanan ko this haha.

But anyway thank you for reading sana magpapatuloy ka hanggang dulo:")

~ThewildSheep

Continue Reading

You'll Also Like

The Mayor By Dany

General Fiction

14.6M 263K 61
.
27.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
2.1M 95.1K 53
3rd tape
2.4M 81.4K 49
Fairytale Series #1 COMPLETED #Wattys2020 New Adult Dahil sa kagipitan, naging personal doctor si Belle Antonette Flores Del Monte sa halos walang bu...