Cali
Five years have passed. Limang taon na ang nakakaraan simula ng bangungot na naganap pero pakiramdam ko ay kahapon lang ito nangyari. Nandito ako ngayon sa dati kong University para umattend ng college reunion. Ito na ata ang pinakamalaking reunion na ginanap dito sa University dahil kahit ang mga sa ibang bansa na naka-base ay inimbitahan nilang dumalo at sagot lahat iyon ng University.
Simula kasi ng nangyaring insidente ay hindi na muling nagpakita ang mag-asawang Reed at ang panganay nilang anak na si Kuya Truce ang nagpapatakbo ng University at kompanya nila. Bumalik talaga siya ng bansa para asikasuhin ang mga naiwan ng mga magulang niya. Walang nakaka-alam kung nasaan na sila, masyadong dinamdam ni Tita Reign at Tita Psyche ang nangyari kay Zaniah kaya pinili nilang magpakalayo-layo.
"Architect Gomez, it's nice to finally meet you again." naka-ngiting bati ni Steven sa akin sabay abot ng kamay niya na animo'y parang businessman dahil sa suot na suit.
"Oh drop the formality, Steven. Hindi bagay sayo ang gumanyan, mukha kang tanga." pabirong irap na sabi ko na ikinasimangot niya.
"Grabe ka na ha, dati si Zania---" napatigil ito dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ni Zaniah, maging ako ay ganun din.
Malungkot akong ngumiti sakanya at tinapik siya sa balikat.
"She's in a better place now." naka-ngiting sabi ko kay Steven.
I hope so.
"Nami-miss ko na ang babaeng yun, babalik pa kaya siya? Sana pumunta siya dito ngayon no." nakangiting sabi ni Steven. "Babatukan ko talaga yun, umalis ba naman nang hindi nagpapa-alam." tumatawa tawang sabi ni Steven.
Ngumiti ako sakanya kahit sa loob-loob ko ay gusto kong umiyak at sabihin sakanya na kahit kailan ay hindi na siya babalik. Wala nang babalik na Zaniah.
Hindi nila alam na wala na si Zaniah sa totoo lang. Ang alam nila ay umalis lang ito ng bansa kasama ang mga magulang at hindi na muling nagparamdam pa simula nang umalis din si Archana. Hindi nga ako makapaniwala na nagawang itago ng pamilyang Reed ang lahat ng iyon, wala ni isang balita o lumabas na haka-haka tungkol sa nangyari.
"Hellooo!" naputol ang pag-iisip ko nang may biglang tumalon sa likod ni Steven.
"Aray ko! Tangina naman!" reklamo ni Steven dahil nagusot ang suot-suot niya dahil sa pagtalon ni Dos sa likod niya.
"Hoy, Steven. Architect ka na dapat hindi ka na nagmumura." saway naman ni Ross na bigla lang lumusot sa gilid namin.
"Oo nga, hindi ka na college para magpakita ng masama mong ugali. You should talk and act professional." dugtong naman ni Dos.
"Wow professional, sayo pa talaga nanggaling yan ha. Sino kayang tanga ang tumalon sa likod ko na parang bata" inis na sabi ni Steven na tinawanan lang ng dalawa.
Iiling-iling naman akong nakatingin sakanila habang nagkukulitan.
Zaniah, do you see us from up there? Mas masaya sana kung nandito ka, panigurado ikaw nanaman ang magsisimula ng katarantaduhan dito.
"Uy si idol pala to eh." bati ni Dos na ngayon lang ako napansin. Lumapit ito sa akin at inakbayan ako.
"Nasaan na ang pinaka-idol na Master namin? Hindi pa rin ba umuuwi?" tanong ni Dos.
"Oo nga, miss na namin siya. Ang daya baka isa na siyang magaling na Architect sa ibang bansa at mas mataas na ang sweldo kaysa sa amin ha. Kung isinama niya lang sana ako sa ibang bansa nakahanap na siguro ako ng asawa ngayon." sabi naman ni Ross.
Magsasalita pa sana ako nang biglang may pumasok sa Hall at ang lahat ng mata ay nakasunod sakanya. Ganun din kaming apat at kapwa gulat na gulat pa nang nakilala kung sino ito.
"A-archana." gulat na bulong ko sa sarili habang tinitingnan siya na naglalakad. She's wearing a black tuxedo dress and black stilletto mid heels.
Pati ang kanyang buhok ay may kulay na din, malayong malayo siya sa Archana na kilala namin noon. Kung may isang bagay man na hindi nagbago sakanya yun ay ang kanyang expression. Naka-poker face pa rin ito habang naglalakad. Kasama din nito ang kanyang mga magulang na alam ko ay dito rin gumraduate and ka batch nila ang mga magulang ni Zaniah.
"Si Miss President na ba yan? Gagi, ang ganda na niya lalo." namamanghang sabi ni Dos habang nakatingin kay Archana na sinang-ayunan naman ni Ross.
"Hoy tumigil nga kayo sa kakatitig, mahuli kayo niyan mapagkamalan pa kayong mga manyak." saway ni Steven sakanila.
"Grabe ka naman, manyak agad? Marunong lang talaga kami maka-appreciate ng maganda." depensa naman ni Dos.
Ganyan din ang linya ni Zaniah nang mahuli siya ni Archana na nakatingin sa ibang babae noon eh. Napabuntong hininga ako dahil sa naiisip. Nami-miss ko nanaman siya, wala namang araw na hindi eh. Hindi pa rin ako sanay na wala siya at sa tingin ko hinding hindi ako masasanay.
Napatingin ako ulit kay Archana na kausap ang mga dating SC officers, mukhang masaya ang mga ito na muling makita si Archana. Alam kaya niya ang nangyari kay Zaniah? Yun agad ang pumasok sa isip ko nang titigan ko siya.
"Babe." napalingon ako nang biglang may humawak sa bewang ko.
And yes, kami pa rin ni Izarah. Ayaw akong pakawalan eh, patay na patay pa rin sa akin.
"Nandun si Archana oh, naka-uwi na pala siya? Bakit hindi mo lapitan?" sabi ko kay Izarah na ngayon ay nakayakap na sa likod ko.
"Nagkita na kami niyan last week." sabi nito kaya lumingon ako sakanya at sinamaan siya ng tingin.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" kunot noong tanong ko.
"Hindi ka nagtanong eh." sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.
Nakakagago din kausap ang isang to eh.
"Wala ka namang sinabi sakanya diba?" tanong ko sakanya na ikinailing niya.
"It's not my story to tell, so why would I?" sabi nito na ikinatango ko.
Good, dahil ayokong pangunahan ang pamilya ni Zaniah. Alam ni Izarah ang nangyari kay Zaniah dahil sinabi ko yun sakanya, nalungkot siya syempre dahil naging kaibigan niya din naman si Zaniah.
"Good evening ladies and gentlemen. This is our first GRAND Alumni Homecoming and I hope you guys are having fun trying to reconnect with your friends." panimula ng MC kaya pumunta na kami sa kanya-kanyang table dahil mukhang mag-uumpisa na ang program.
"For our welcoming remarks, may we have here on stage the Vice President of the Lauxshire University Mr. Truce Gabriel Lauxshire-Reed." sabi ng MC kaya pumalakpak ang mga tao dito habang paakyat sa stage si Kuya Truce.
Magkamukha talaga silang dalawa ni Zaniah kaya hindi maipagkakaila na magkapatid sila, para na nga silang kambal kung titingnan. Gwapo din kasi si Kuya Truce pero mas mature nga lang ang itsura nito.
"Good evening everyone. It's been years since you left the portals of this Institution, but I know that your heart never left. Thank you for coming back where you came from. I am truly grateful to welcome you all to this First Grand Alumni Homecoming." sabi ni Kuya Truce at idineliver na ang kanyang speech.
"So before I will end my speech, I know you guys didn't know about this but allow me to introduce to you the President of the Lauxshire University no other than Mrs. Reign Lauxshire-Reed." nakangiting sabi ni Kuya Truce at pumunta sa dulo ng stage para alalayan ang Mommy niya.
Nakita ko din na nakatayo si Tita Psyche sa gilid at nakatingin lang sa asawa na nasa gitna.
Napuno ng bulungan ang buong hall dahil sa sinabi ni Kuya Truce. Kahit ako ay nagulat dahil makalipas ang ilang taon ay bumalik na pala sila Tita Reign.
Ganun pa rin ang mga itsura nito na animo'y hindi tumanda parang mas lalo pa nga silang bumata ngunit isa lang ang nagbago sakanila at yun ay ang kanilang mga mata, wala nang kabuhay buhay iyon at kung tititigan mo ay wala kang ibang mararamdaman kung hindi lungkot at pangungulila.
"Good evening." panimula na bati ni Tita Reign na ikinatahimik ng lahat.
Medyo kinilabutan din ako sa tono ng pananalita nito dahil para siyang terror na professor habang nakatingin sa mga estudyante niya. Nagbago na talaga si Tita Reign hindi na siya ang dating palangiti at masayahing tao.
"After how many years, I know you're all confused and shocked to see me. I'm here in front of you because I want to tell you all we've been through. I was sick and that's the reason why we need to leave the country for my treatment and of course the main reason is to heal from everything that happened 5 years ago." kwento ni Tita Rain habang tahimik lang na nakikinig ang lahat.
Tiningnan ko ang pwesto ni Archana dahil malapit lang din naman sng table nila sa amin, nakita ko sa mukha nito ang pagtataka at parang tinatanong niya din ang mga magulang niya pero wala din silang maisagot sakanya.
"I planned this event not just for the Alumni homecoming, it's also for our homecoming. And this is also for our one and only daughter, Zaniah Leigh Lauxshire-Reed." tumigil sa pagsasalita si Tita Reign at sandaling tumalikod at napansin kong nagpunas ito ng luha.
Dali-dali namang umakyat si Tita Psyche sa stage para samahan si Tita Reign. Ilang sandali pa ay muli itong humarap at tumikhim bago magsalita ulit.
"Who sadly passed away from a tragic event that happened 5 years ago." pagpapatuloy nito sa sinasabi.
Hindi ko na napigilan umiyak nang banggitin ni Tita iyon. Napasinghap at litong lito namang nakatingin ang lahat ng tao at bakas ang gulat sa mga mukha nila. Napuno ng katanungan ang buong hall dahil sa sinabi ni Tita Reign.
"I am aware that this news will come as a shock to each of you, but we have decided not to share it since Zaniah asked us to before she died. And I think now is the right time to tell you guys about it." sabi pa ni Tita Reign.
"You guys shouldn't be sad since we are all here to enjoy. I know Zaniah is in a better place now, she's watching us happily from heaven. So that's all, it's nice to see all of you and please enjoy the rest of the night. Thank you." pagkatapos sabihin ni Tita Reign yun ay agad na siyang bumaba ng stage.
Napatingin ako sa mga kasama ko sa table na kapwa nag-iiyakan na din dahil sa nalaman.
"C-cali, alam mo ba ang tungkol dito?" wala sa sariling tanong ni Dos na hanggang ngayon ay parang hindi pa rin makapaniwala.
Paulit-ulit akong tumango habang umiiyak pa rin. Ang sakit sa puso na makita silang umiiyak dahil wala na pala silang hihintayin.
"B-bakit hindi mo sinabi Cali? Naghintay ako eh, naghintay ako na bumalik siya kasi diba nangako tayo dati nung nag-aaral palang tayo na sabay sabay tayo magiging magaling na Architect? Nag-plano pa nga tayo na gagawa tayo ng sarili nating kompanya diba?" umiiyak na sabi ni Steven na nagpahagulgol na din kay Ross at Dos.
"Master!" iyak na sambit ni Dos at nagyakapan pa sila ni Ross habang malakas na umiiyak.
Tumingin ulit ako kay Archana at nakita kong wala na siya sa table nila ganun din ang kanyang mga magulang.
Inilibot ko ang paningin ko at bumalik na din naman agad ang sigla dito sa Hall, nalungkot din naman sila sa nalaman pero sabi nga ni Tita Reign, alam naming masaya na si Zaniah kung saan man siya ngayon.
______
Archana
I can't believe the things I just heard. No, no, tell me this isn't real. Lord it hurts like hell, please wake me up from this nightmare.
P-please bring Zaniah back. Not my Zaniah, please.
"M-mom, why you didn't tell me?" I asked while crying.
I ran outside the Hall as soon as Tita Reign finished speaking and cried my heart out.
The fact that I won't ever see her again hurts the most. I won't ever hear her voice once more. Never again can I give her a hug or kiss. I'll never be able to hold her again or make her proud. She's gone and she's not coming back ever again.
"A-anak, hindi din namin alam. Bigla nalang nawala ang Tita Reign at Tita Psyche mo nang hindi nagpapa-alam." Mom explained crying while hugging me.
I suffered for 5 years not reaching out to her because that's her request before I left. I even promised her na babawiin ko siya sa pagbalik ko.
"Archana." napatigil ako sa pag-iyak at lumingon sa likod ko.
Only to see Tita Psyche and Tita Reign looking at us with teary eyes.
"Let's go to my office. I'll tell you everything." Tita Reign led us to her office and there she told us what really happened five years ago.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa mga nalaman, magkahalong galit, sakit at lungkot ang nararamdaman ko dahil sa mga narinig.
Z-zaniah died because of me. She sacrificed her own life in order to save mine. I feel useless because I did nothing to save her.
"What happened to Melissa?" I asked while holding back my anger.
"She died." Tita Psyche simply responded.
Serves her right. She did so much to Zaniah that it was actually not even enough. I can't imagine the pain and suffering of Zaniah because of what Melissa did at that time.
"Tita, may I know kung saang sementeryo siya inilibing?" tanong ko kay Tita Reign.
She averted her gaze before answering my question.
"Her body was not found. The investigators said that wild animals may have eaten her. The only thing that was seen was the clothes she was wearing." napatakip ako sa bibig ko dahil sa sinabi ni Tita.
"Oh my god!" gulat na sambit naman ni Mommy na umiiyak pa rin.
I can't imagine the pain that Zaniah's parents feel.
"Sorry kung hindi namin sinabi sainyo ang nangyari, yun din kasi ang habilin ni Zaniah kay Kade bago sila maghiwalay. She wants to protect you Archana at ayaw niyang maka-apekto ang nangyari sa pagtupad mo sa mga pangarap mo. And I think all of her sacrifices was worth it. Look at you, you're a lawyer now. I'm sure Zaniah is very proud and happy for you." I sobbed hearing what Tita Psyche just said.
I did everything to be better for her, but what's the point of it now that she's gone?
My Zaniah. I wish I knew you were going to become a memory. Before you became one I may have held you a little tighter when you hugged me. If I known our last moment together was the last one we would spend together, I would have spent more time loving you.
They say you're in a better place. Is it selfish that I want you to stay?