From : +63907*******
Zoe, si Lester to, friend ni John. Nasa hospital si John ngayon. Commatose siya dahil binugbog siya kagabi ng mga di kilalang mga lalaki. Nawala ang phone ni John kaya dito nalang kita tinext.
paulit-ulit kong binasa yang message ni Lester. Ayaw mag-sink in sa utak ko. Di ako makapaniwala! Kagabi magkatext pa kami tapos ngayon malalaman ko na commatose siya! Kaya di na pala siya nagre-reply sa mga text ko. Nag-iiyak lang ako dito sa kwarto. Wala kasi akong magawa dahil nasa Valenzuela siya samantalang ako ay nandito sa Bohol. 2 years and 5 months na kami pero di pa kami nagkikita sa personal. At ngayon, malalaman ko nalng na Commatose siya? May posibelidad na di na siya magising pero hwag nman sana :'( .. Di ko yata kayang mawala siya sa'kin :'( ...
"Anak...." Si Mama. Di ko napansin na pumasok na pala si Mama sa kwarto ko. Tiningnan ko lang siya at nag-iiyak.
"Halika nga rito." Niyakap ako ni Mama habang hinahaplos niya ang ulo ko.
"Ano ba nangyari ?" Sabi ni Mama. Magkayakap pa rin kami.
"Si John po.. Commatose." .. at humagolgol na naman ako ng iyak.
"Sssshhhhh...." hinaplos niya ang likod ko.
"Mama,wala akong magawa para sa kanya."
"Gusto mo ba siyang makita ?" humiwalay siya sa yakap ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"Opo sana -_-"
"Sige... Bukas na bukas luluwas kayo ng Ate mo papuntang Valenzuela."
"Talaga po ???????" nagning-ning ang mga mata ko nong marinig yun.
"Oo.. Alam namin na balang araw magkikita kayo kaya nag-ipon kami ng pera ng Papa mo para gastosin mo pagpunta dun."
"Salamat po Mama :)." Niyakap ko ng mahigpit si Mama at umiyak.
Nakasakay na kami ng Eroplano ni Ate. Hintayin mo ko John. Malapit na ako. Hindi ko inaasahan na sa ganito tayo magkikita. Sana gumising ka na :'( ..
Pagdating namin sa NAIA, sumakay agad kami ng taxi papuntang hospital kung saan naroon si John. Ang sakit nga ng ulo ko pero bahala na. Mas importante si John.
Hinanap ko agad ang room ni John at nong makita ko na, pumasok agad kami Ate. Nandon silang lahat. Ang mga kaibigan niya, pamilya niya at si Nica, EX niya. Nagulat sila sa pagdating ko except kay Nica na nagtataka.
"Hindi pa po ba siya gumigising ?" tanong ko sa Mama niya.
"Hindi pa anak. Ikaw ba ang Girlfriend ni John?" tanong ng Mama niya.
Tumingin si Nica sa'kin.
"Opo.. Ako po."
"Aahh. Ang ganda mo naman anak." sabi ni Tita.
"Ahehe. salamat po.. Ahmm.. Ate ko nga po pala Tita." sabi ko.
"Hello po :)" tapos nag-beso-beso sila ng Ate ko. FC to si Ate ah -_-
Nakipag-usap lang kami sa family at friends ni John. Si Nica naman, ang sama ng tingin sa'kin. Targetin ko to ng kutsilyo eh ! -_-
"Lapitan mo muna si John anak." sabi ni Tito. Lalabas nalang muna kami.
"Sige po." tapos lumapit na ako kay John.
Lumabas naman sila. Si Nicaayaw pa ngang lumabas pero hinila siya ni Lester palabas. Ano ba problema nang Nica na yun? :3 Duuuuh ! I don't care about her ! Si John ang pinunta ko dito at hindi siya !
"Hubby, ka nga jan. Parang gustong-gusto mo yang pagkahiga mo jan ah! Andito na nga ako sa tabi mo oh! Kaya gumising ka na jan. Pagkagising mo na jan, sabay nating bubogbogin ang mga nang-away sa'yo. Patay sila sa'kin! Kaya gising ka na jan ha ? Kung ayaw mong anuhin kita jan ! hahahahaha xD I Love You So Much Hubby :)" Tapos kiniss ko ang noo niya.
Nagpaalam muna kami sa kanila dahil maghahanap kami ng matutuloyan ni Ate. Si Nica naman agad na lumapit kay John at hinawakan ang kamay nito. Tumaas ang dugo ko sa ginagawa niya !Ang sarap niyang sabunotan palayo kay John. Hoy pag-aari ko yan BRUHA kaya lumayo kaaaaaa!!!!!!! Napansin siguro ni Ate na masam ang tingin ko kay Nica kaya hinila na niya ako palabas.
Bumili kami ng Condo ni Ate. Malapit lang siya sa hospital kaya madali lang na bisitahin si Hubby. Natulog kami ni Ate pagdating namin sa Condo. Pagod na pagod kami sa byahe n0n. Buti nalng at malinis na agad ang condo.