Chapter 6
Tahimik kong ginagamot ang sugat ni tita sa labi.Wala na si Tito Francis ngayon kaya naman nalapitan ko na si tita Elena.
"Is she sleeping?"
Tanong nya na ang tinutukoy ay si Lucy.Ngumiti lang ako at tumango.
"I love them so much"
Naiiyak na wika nya habang tahimik akong nakikinig.
"I love my family...i love my son...i love my daughter so much"
Mahinang sabi nya.Natigilan ako ng marinig ang sinabi nya.May kapatid si Lucy?Pero ang alam ko only child lang sya.Paanong nangyari yon?
"Pero malupit ang tadhana sakin kaya nauwi ako sa ganitong sitwasyon na hindi dapat nararanasan ni Lucy ang masasakit na bagay na ito."
Malungkot na sabi nya habang nakatulala sa kawalan.Bumuntong hininga naman ako saka inayos yung first aid kit.
"Lucy have a brother po?"
Curious na tanong ko kay tita na maluha luhang tumango kaya naman napalunok ako ng hard.
Alam kaya ni Lucy yon?
"But he's gone and Lucy don't know about it.I don't want her to be hurt by knowing that"
Matapos ng naging usapan namin ni tita Elena ay na pag desisyunan kong umuwi na pero dumaan muna ako sa isang convinient store kasi nagugutom na ako.Anong oras nadin kasi at di pa ako nag hahapunan.Bumili lang ako ng cup noddles saka ng tinapay bago naupo dun sa table pero nagulat ako ng makita ko ron si Cj na may limang can of redhorse na wala ng laman sa table.
"Cj"
Tawag ko sa pangalan nya.Nilingon nya ako at ganon nalang ang gulat ko ng makita ang namumula nyang mata na parang kakagaling nya lang sa iyak.
"Fuck!"
Mahinang mura nya saka isinuot yung hood nya.Akmang tatayo na sya pero pinigilan ko sya.Inilagay ko sa harap nya yung cup noodles para mahulasan sya.Bumili pako ng isa saka ako naupo sa harap nya.
"Kumain ka para mahulasan ka Carson"
Utos ko saka ngumiti sa kanya na parang ayos lang ang lahat kahit na nag aalala talaga ako sa sitwasyon nya.Nalulungkot talaga ako kasi alam ko may pinag daraanan syang mabigat ngayon at nakaubos nga sya limang can ng redhorse.
Alam kaya ng parents nya ito?
"Bakit parang ang unfair sakin ng lahat?Deserve ko ba lahat ng pain?"
Tanong nya habang namumungay na ang mga mata.Hindi ako nag salita sa halip ay nakikinig lang ako sa pag ra rant nya para maramdaman nyang kahit sobrang gulo na may isang ako parin na handang makinig sa kanya.
"Sa school gusto ako ng karamihan pero wala akong kaibigan maliban sayo.Sa bahay mahal daw nila ako pero they never let me find who i was really are!"
Garalgal na ang boses nya kaya nag iwas nalang ako ng tingin para di sya gaanong makaramdam ng awkwardness.Umiiyak nanaman kasi sya ngayon and i don't know what to do.
"Gusto kong maramdaman na mahal ako ng isang tao pero hindi sa paraang mararamdaman kong may kulang sakin."
Kasabay ng pag bagsak ng mga luha nya ay ang pag bagsak ng malakas na ulan.Bumuntong hininga ako kasi ang dami kong nakitang kakaiba sa araw na ito at ipinagpapasalamat ko naman na nalalagpasan ng maayos iyon.
"Bakit ikaw yung laging nandyan sa tuwing mararamdaman kong may kulang sakin?Bakit ikaw yung parating dumarating kapag pinapamuka sakin ng mundo kung gaano ako ka wasted?"
Natigilan ako sa sunod sunod nyang tanong.Nilingon ko sya at gayon ang gulat ko ng makita ang patuloy na pag agos ng luha sa kanyang mga mata.Napalunok ako ng hard kasi diko maintindihan yung biglaan kong nararamdaman.Para akong nasasaktan sa nakikita kong mga luha nya basta ang bigat sa pakiramdam.
"Kasi ikaw rin yung nandyan nung panahong nangangailangan ako ng iintindi sa sakit na nararamdaman ko."
Nasabi ko nalang sa kanya.
"Baka tayo talaga yung para sa isa't isa"
Yan ang huling narinig ko sa kanya bago sya mawalan ng malay.Napadami yung inom nya kaya eto at passed out sya.Kinuha ko ang phone nya at tinawagan ang number ni Garson pero unattended.
Lumalalim na ang gabi kaya hindi rin ako pwedeng hindi uuwi.Tinawagan ko nalang si Tatay Noel para sunduin kami at thanks talaga kasi dumating agad sya.Pinag tulungan namin syang buhatin papasok sa sasakyan kasi wala parin syang malay.
"Boyfriend mo ba iyan ha iha?"
Tanong ni Tatay Noel sakin at kaagad naman akong umiling.
"Classmate ko lang po sya hehe"
Kabadong sagot ko bago nilingon si Cj na tulog na tulog.Wala naman ang parents ko kaya okey lang na dun sya matulog sa bahay.Nakarating na kami at agad namin syang dinala sa guest room.Iniwan na kami ni tatay Noel don kasi may lagnat daw si nanay Ester aasikasuhin naman nya.Bumuntong hininga ako saka pumasok sa cr don upang kumuha ng towel na basa para ipunas kay Cj na tulog na tulog.Kumuha rin ako ng extra tshirt dun sa cabinet.Nilapitan ko siya at ginising pero useless kasi mahimbing ang tulog nya.
"Nalintikan na"
Bulong ko kasi hindi ko sya pwedeng hayaan na matulog ng di nag papalit man lang ng tshirt.Kahit labag sa loob ko ay pinilit ko syang tanggalan ng jacket at punasan ng towel na basa.Pinilit ko rin syang ibangon para makapag bihis ng ayos kaso natigilan ako ng bigla nya akong yakapin.
"Please don't leave me.This time seems like i only have you"
Mahinang bulong nya sakin.
"Oo hindi"
Sagot ko sa kanya saka tinanggal ang pagkakayakap nya at binihisan na sya.
"Mahal mo pa ba si Garson?"
Natigil ako sa tanong nya at saka sya tiningnan pero nakapikit sya.Inalalayan ko sya sa pag higa saka tinanggal ang sapatos nya.
"Mio mahal mo pa ba sya?"
Tanong ulit nya.Lumapit naman ako at naupo sa tabi nya.
"Why do you wanna know?"
I asked then tinupi ko yung jacket nya.
"Because i want to get rid your feelings for him.....sakin nalang sana yung feelings nayan kasi ako naman talaga yung nauna"
Pagkasabi na ng linyang yon ay bigla syang bumangon at hinawakan ako sa batok bago bigyan ng matamis na halik.Napapikit ako sa gulat at di alam kung anong reaction ang dapat kong ilabas.Gumalaw ang labi nya sa labi ko kaya napa mulat ako at nag tama ang paningin naming dalwa pero tumagal lang yon ng ilang segundo dahil tuluyan nasyang natumba pahiga sa kama.Nanlambot naman ang buong katawan ko kasi nawala na ang first kiss ko.Napatitig ako sa lalaking tulog na tulog habang nakahawak ako sa labi ko.Napakurap pa ako at hinampas ang sarili ko para sana magising pero hindi kasi gising naman ako.
Nandito ako sa kwarto ko ngayon,Iniisip yung nangyari kanina sa bahay nila Lucy pero sumagi nanaman sa utak ko yung kiss kaya naman nag talukbong ako ng kumot at natulog na.
Sana makalimutan ko yon bukas.
Kinaumagahan ang haggard ko kasi hindi naman ako nakatulog ng ayos.Agad akong naligo at inayos ang mga gamit ko sa school saka bumaba para mag luto ng breakfast.May lagnat si nanay Ester kaya ako nalang muna ang mag luluto sa ngayon.Kumuha lang ako ng eggs,Bacon,hotdog saka nag gawa ako ng java rice.Nag timpla narin ako ng coffee para don sa lalaki sa taas at ako naman ay gatas lang sa umaga.Inayos ko na yung table kasi anytime baka bumaba nasya at gaya ng inaasahan ay nandito nasya sa may dining table.
"G--goodmorning"
Bati nya sakin.Tumango lang ako at iminuwestra ang table.
"I'll get you some clothes upstair,Anyway sayo yung coffee dyan.Inumin mo habang nasa taas ako"
Paalam ko saka nag madaling tumaas sa guest room.Binuksan ko yung kabinet at nag hanap don ng black trouser for men saka white tshirt para sa kanya.May new undergarments din kami kaya naman pwede nya iyong gamitin.Bumaba ako at inilagay yon sa sofa.
"You prepared all of this?"
He asked while sipping his coffee.
"Yes!Anyway may clothes dun sa sofa kung di ka maarte you can wear that at kung maarte ka ay umuwi kana bago ka pumasok sa school"
Sabi ko sa kanya na ngingiti ngiti lang na akala mo nanalo sa lotto.
"You look like my future wife......A caring wifey"
Ramdam ko naman ang pamumula ng pisngi ko sa sinabi nya.Tumingin ako sa kanya na masayang kinakain yung hotdog.Inirapan ko naman sya at kumain na.Tahimik lang kaming pareho na may paminsan minsang question and answer.
"Ako na mag wa wash ng dishes"
Sabi nya pero umiling ako.
"I can do it.Maligo kana baka malate pa tayo.Teka wala kabang hang over?"
Tanong ko habang nililigpit yung natirang ulam.
"Uh wala na masarap yung kape eh"
Nangunot ang noo ko sa sinabi nya pero nag tuloy lang ako sa pag huhugas ng pinggan.Umakyat na sya para maligo at ako naman nung matapos ay pinuntahan si nanay Ester sa kwarto nya para kamustahin.Nakita ko si Tatay Noel na nasa tabi lang ng asawa habang nag babasa ng dyaryo.
"Oh iha ihahatid naba kita?"
Tanong nya sakin.
"Nako hindi na po.Mag ko commute nalang po ako.Kamusta na po si Nanay?"
"Napakataas ng lagnat nya.Nag text na ako sa parents mo na baka mamayang tanghali ay dalhin ko sa ospital si Ester para matingnan sya ng doctor."
Nag aalalang sabi ni Tatay Noel saka nilagay sa noo ng asawa ang bimpo na basa.
"Mag iingat po kayo mamaya Tay.Get well soon kay nanay"
Sabi ko bago tuluyang lumabas ng silid.Naabutan ko si Carson na nag susuklay ng buhok nya.
"Let's go"
Sabi ko sa kanya na ngumiti lang sakin saka sumunod.
"Commute tayo,May lagnat si Nanay Ester di ako maihahatid ni tatay Noel."
Sabi ko bago isara ang gate ng makalabas kami.
"Abt last night----"
"Ayan na ang taxi let's go"
Sabi ko saka naunang sumakay sa taxi.Ang totoo naiilang ako sa kanya pero lasing lang sya kagabi kaya nya lang nagawa yon.
"About last night.....anong nangyari?"
Agad ko syang nilingon dahil sa tanong nya.So ibig sabihin wala syang matandaan?Edi tama nga lasing lang sya kaya nya yon nagawa.
"Nothing just sleeping handsome"
Naisagot ko nalang sa kanya na medyo natigilan saka ngumiti na akala mo may sinabi akong kung ano.
"So i'm handsome?"
Parang baliw na tanong nya sakin kaya naman inirapan ko lang sya saka ngumiti bago mag salita.
"Feeling ka naman dyan beh"
Asik ko sa kanya saka tumingin nalang sa labas ng bintana.Nag asaran pa kami ng bahagya at nung nakarating kami sa school ay syempre sinalubong ako ni Lucy pero sinamaan nya muna ng tingin si Carson ng makita nya ito.
"Why he is with you?Sabay kayo?"
Takang tanong nya na inginuso ang nauunang mag lakad na si Cj.Bumuntong hininga naman ako bago sumagot sa mapag hinalang si Lucy.
"He slept in my house last night."
Nanlaki ang mga mata nya sabay turo sakin na para bang pinag dududahan ako.Inirapan ko naman sya saka nag tuloy sa pag lakad.
"It's not like what you think okey?I saw him at the convinience store last night and he was drunk.He passed out.I tried to called Garson but absolutely his unattended that's why i got him in my house"
Mahabang kwento ko sa kanya na hindi parin makapaniwala sa nangyari.Natahimik sya saka lumingon sakin.
"I smell something fishy"
Sabi nya sakin kaya naman agad nanlaki ang mata ko saka inamoy ang sarili kong hininga.Napasampal ako sa noo ko ng malimutan kong mag toothbrush ulit ng matapos kumain.
"Sorry i forgot to--"
Nahihiyang wika ko pero nag salita agad sya
"Tanga hindi yan!!Kundi si Carson!I smell something fishy about his action lately!"
Mapag suspetsyang wika nya saka pinag singkitan si Carson nakakaupo lang sa designated seat neto.Nag punta rin kami sa upuan namin at don nag tuloy sa chikahan.
"What about his action tho?"
Tanong ko sa kanya bago batiin si Amari na nag babasa ng libro.
"I coudn't figure it out medyo blur but i think he likes you"
Nasamid naman ako sa sinabi ni Lucy kaya dali dali kong kinuha tung tumbler sa bag ko at uminom.
"Tamo nasasamid kapa,May gusto ka ba sa kanya?"
Tanong nya sakin.Inambahan ko naman sya ng pakyu sign bago humarap sa unahan at di sya sinagot dahil hahaba nanaman ang usapan.Dumating na ang teacher namin sa Physical educatiom and discusion lang for today tas sa friday ang actual activity ng dinidiscuss ni sir.
"Friday dala kayo ng swimming attire.Lahat ng diniscuss ay gagawin nyo ng actual.Okey class goodbye"
Sabi nya bago lumabas ng room.Sumubsob naman ako sa desk para makaidlip sana kaso nangibabaw ang boses ni Samantha.
"Alam nyo ba binigyan ako ni Honey ng bracelet.Look oh ang expensive"
Rinig kong pag yayabang ni Sam sa kung ano mang binigay sa kanya ni Garson.Wala naman akong pake kasi lahat naman ng ginagawa sa kanya ni Garson eh nagawa na sakin.Inulit lang sa kanya kaya cheer up kung iiyak sya sa huli joke.
"Mahal na mahal ka ni Garson no?"
Dinig kong sabi naman nung isa naming classmate.
"Ofcourse he did.May promise kaya sya sakin na ako na ang babaeng dadalhin nya sa altar"
Medyo nasaktan ako sa sinabing yon ni Sam pero ipinag sa walang bahala ko nalang kasi kung dadamdamin ko ay paniguradong mahihirapan lang ako.Dumating na ang isa naming teacher at nag discuss na kaya natahimik kami upang makinig.Matapos non ay pumasok na ang adviser namin kasi may announcement daw sila.
"Okey class we have many activities we will do this coming november and i need your cooperation because i want this section to build memories together and embrace every moment we have.I will write the schedule of the activities"
Sabi nya saka nagsulat sa bored.Tahimik naman akong nakamasid sa sinusulat nya.
Sep 26 Tourna of all sports
Nov 15 naman ay camping.
Nov 20 Field trip
Nov 25 foundation day
"Anyway ang intimate dance ay ipepresent ni Mioni at Garson since last year kayo ang nanalo sa regional. Ngayon gusto ko kayo ulit ang lumaban para sa school natin"
Nakangiting announcement ni sir na sobrang proud pa kaya naman tumayo ako upang sabihin na hindi ko magagawa ang gusto nya.
"Yes ms.Salvacion?Any violence reaction?"
He asked then crossed his arm and wait for my answer.
"I--i i cant sir"
Naisagot ko nalang sa kanya na tumaas ang isang kilay.Rinig ko naman ang bulungan ng mga kaklase ko pero hindi ko na iyon pinakinggan.
"And why is that?"
Curious na tanong ni sir habang pinag lalaruan ang chalk.
"Because Garson and Mioni br-----"
Nag sasalita palang si Samantha ay sumingit na agad si Garson na may patayo effect pa.
"We can do it sir"
Inis ko syang tiningnan at tinaasan ng kilay pero ngumisi lang sya bago humarap kay sir na hindi malaman kung kanino titingin saming dalwa.
"I said i can't"
Inis na pero kalmadong sabi ko.
"Why?Can't get out of me?"
Pangaasar nya kaya nag sigawan ang mga kaklase namin.Nasulyapan ko naman si Samantha na ang sama ng tingin sakin.
"Why don't you choose Samantha as your partner?"
Hamon ko sa kanya na natigilan saka nilingon si Samantha na maluha luha na.
"Why her?"
Takang tanong nya sakin.Inis naman akong ngumisi kasi tanga ba sya?Malamang girlfriend nya.
"Because she's your girlfriend stupid"
Sagot ko kaya nag kantyawan na sa loob ng room at pati si sir ay parang natutuwa sa nakikita nya.Tiningnan ko naman ang reaction ni Samantha pero nakatungo na sya.
"Quiet class.I know may personal issues kayo to each other but please set it aside kasi competition yon at gusto ko na manalo ang school natin kasi sa intimate dance tayo nakilala at i want it to be more meaningful and challenging to everyone so please you both do it for our school.Keep nyo muna mga personal things nyo okey?At sayo ms.Samantha i hope it would be fine na ang boyfriend mo at si...si Mioni ang napili ko as partner both of them ay magaling kasi"
Mahabang sabi ni Sir samin at kay Samantha na ngumiti lang saka tumango.Padabog naman akong umupo sa chair ko.Letche naman bat ako kasi?Break time na ngayon parang tinatamad pakong tumayo pero wala akong choice kundi pumunta sa canteen para bumili ng food.Palabas na sana ako ng harangin ako ni Garson sa may pinto ng classroom namin.
"What!?"
Inis na tanong ko sa kanya na nakapamulsang nakatayo sa harap ko.gwapo este lintek
"Yung video presentation gawin na natin mamaya"
Pag papaalala nya sa gawain namin.Nag isip muna ako bago tumango sa kanya at lagpasan sya.
"Wait"
Pigil nya sakin.Nilingon ko naman sya ng slight.
"Ano?"
"I want us to do the intimate dance for our school since we love-----"
"Okey"
Sagot ko nalang saka naglakad papunta sa canteen kasi gutom na ako.Hinanap ko si Lucy pero di ko sya makita kaya nag lakad pako ng konte at natanaw ko si Amariam pero binunggo sya ni Samantha kaya natapon ang lahat ng pagkain na dala nya sa mismong uniform nya.
"Wtf are you!?"
Sigaw ni Samantha kay Amari na tahimik lang na nakatingin sa kanya.
"Look what you've done!!Natapon ang pagkain ko and because of you bitch!!"
Tinulak nya si Amari pero nasalo naman agad ito ni Lucy na salubong ang kilay na pinag masdan si Samantha na galit na galit ang pustura.
"Problema mo?"
Lucy asked while covering Amari at her back.Tumaas ang isang kilay ni Samantha saka ngumisi na akala mo sya talaga yung natapunan kahit sya naman yung nag simulang bumunggo.
"Yung tatanga tanga mong----"
Hindi na natapos ni Sam ang sasabihin ng mag salita ang ayaw mag paawat na si Lucy.
"Mas tanga ka.Ikaw bumangga tas sya sisisihin mo.Asan utak mo neng!?"
Kalmadong usal ni Lucy kay Samantha na namula na sa galit.Hindi sya nakaimik agad kaya naman tumalikod na sila Lucy at Amari para umalis na sana pero kinuha ni Samantha yung isang bottle of water saka yon binuksan bago ibinuhos kila Lucy.Nagulat naman ako kaya hindi agad nakakilos.Lumingon si Lucy at tama ang naging conclusion ng utak ko na susugurin nya si Sam at sasabunutan.Nag kasakitan ang dalwa na pilit inaawat ng karamihan pero ayaw paawat lalo na si Lucy.
Sinabunutan at sinampal nya si Samantha na parang wala ng bukas na sa wari ko ay ibinubuhos nya ang galit sa ama kay Samantha.Wala sa sariling kumilos ang paa ko para awatin sila pero natigil ako ng makita si Lucy na itinulak ni Sam saka ito tumama sa edge ng lamesa.Nawalan ng malay si Lucy kaya naman mabilis kong nilapitan si Samantha at binigyan ng ultimatum na sampal.
"Wala ka Samantha......tablado kana"
Ayon lang ang nasabi ko bago lapitan si Lucy na nag durugo na ang parte ng ulo na tumama sa lamesa.
"Tulong!!!!Ano ba huwag kayong tumingin lang dyan!!"
Sigaw ko sa kanila kung kaya't agad nag response ang mga lalaki na buhatin si Lucy saka itakbo sa school clinic.Agad syang inasikaso ng mga nurse don at may tinawagan naring doctor para matingnan ang ulo ng kaibigan ko.
Tinawagan ko naman si tita Elena pero cannot be reach kaya naman sinubukan ko pang tumawag sa kasambahay nila pero ang tatay nya ang sumagot.Takot ko namang ikinuwento ang nangyari at any time from now ay darating na si tito Francis.Umiiyak si Amari sa gilid ko kasi natatakot sya na baka sya ang mapagalitan pero ipinaliwanag ko sa kanya na wala syang kasalanan kaya huwag na syang umiyak at matakot.At this point nang hihina ako kasi wala pang malay si Lucy baka mamaya ilipat na sya sa hospital para mas ma obserbahan.Tiningnan ko naman ang paparating na si Samantha kasama si Garson.
"I---i--i sh she okey?"
Nauutal na tanong nya sakin.Ngumisi lang ako saka inginuso ang walang malay na si Lucy.
"What happened?"
Tanong naman ng walang alam na si Garson habang nakaalalay sa namumutlang si Samantha.
"Why are you asking me?Why don't you ask your girlfriend!?!Come on ask her nang malaman mo naman ang totoo bago ka manise ng ibang tao"
Inis na wika ko saka hinawakan si Amari at hinila palayo sa clinic.
I hate the both of the....Bias
(I don't know if tama grammar ko hehe pag pasensyahan nyo nalang basta maisulat ko yung nasa imagination ko)