Hold Me Tight

By mhiezsealrhen

3.7K 65 5

Alicia Vanessa is someone who wants to prove something, to people, to her family. She's very private. Nobody... More

DISCLAIMER:
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8

CHAPTER 5

218 4 1
By mhiezsealrhen

Show business has been my dream. I remembered praying about it. Sabi ko pa nga, kapag nakapasok na ako sa industriya, I will be the happiest. I was. It was a dream come true. I can still clearly remember the exact feeling when I passed the audition for my first role. Sayang-saya na ako sa dalawang linya. Ang nasa isip ko lang ay basta may exposure. Ilang pelikula ang inextrahan ko. Hindi pa madalas makuha atleast natupad ang pangarap kong mapanood sa telebisyon.

Ilang beses kong pinanuod ang unang interview ko. I memorized the questions and my answers. Kitang-kita ang kinang sa mga mata ko. I answered as honest as possible. Sobrang inosente ko. Makikita mo talagang hindi niya alam ang pinasok niyang industriya. She thought show business is all limelight. It was beyond that.

My happiness was short-lived. Unti-unti akong minulat ng katotohanang hindi 'yon kasing dali ng pagngiti sa camera, pag-arte, pagsagot sa mga interview questions. Those are just the basic of being an actor. Nakita ko ang tunay na kalakaran ng industriya. It's not as dreamy as it may seems. Hindi madali. Hindi naging madali.

Akala ko kapag nakapasok na ako, dire-diretso na. Lalatagan ka nalang ng trabaho. Mamimili ka nalang ng gusto mong gawin. Hindi pala. Hindi ganun. You have to do something to be on the spot light. You have to maintain or it is  best to level up where you are. Araw-araw mong papatunayan ang sarili mo. Hindi ka pwedeng makampanti sa posisyon mo kasi sobrang dali lang sakanilang maghanap ng pwedeng ipalit sayo. Mabuti sana kung papalitan ka lang, minsan sisirain at uubosin ka hanggang sa tuluyan ka nang mawala sa liwanag. That is my fear entering show business. It is still my fear. At hanggat nasa industriyang ito ako, mananatili ang takot kong 'yon. Kaakibat ng pangarap ko ang takot ko.

I wanted to become someone in show business. Gusto kong may mapatunayan. I wanted the spotlight so bad that I was blinded by it. I did things to be at my place right now. May isinakripisyo ako. May pikit mata akong ginawa para sa tagumpay na tinatamasa ko ngayon. May kinailangan akong lunukin para sa titulong nasa akin ngayon. Kaya hindi ko kayang basta nalang iwan ang industriya dahil malaki ang nawala sakin para matamasa ang kung anong mayroon ako ngayon. I sacrificed a lot for this fame. This fame is just the compensation of what I sacrificed, kaya hindi ko bastang maiiwan ang trabaho kong ito. Buhay ko ang ipinuhunan ko dito.

Matagal ng binawi ng pangarap kong ito ang kasiyahan. Working in the industry is not as fulfilling as the first time. Dati masaya na ako sa isa o dalawang linya, ngayon hindi ko na maramdaman iyon kahit ako ang bida. Hindi na rin siya nakakaenjoy kapag paulit-ulit na. Hindi ko alam kung kailan ako nagsawa sa pangarap ko. Ang alam ko lang matagal na akong hindi masaya sa ginagawa ko pero hindi ko magawang iwan. Hindi pa nakakatulong na maraming tao ang nakikisawsaw sa mga isyu. Wala ring kalayaang magsalita. Maghihintay ka sa sasabihin ng management kung may dapat kabang gawin o wala. Maraming hindi pwedeng gawin. It's suffocating and limiting. I can't be who I am. Inalis ng trabaho ko ang totoong ako. I can only be myself when I'm with Henrico.

Pinunasan ko ang mga luhang hindi ko namalayang tumulo na pala galing sa mga mata ko. Sinubok na pala talaga ako ng panahon. Pinatatag na rin kahit papano. I can now face the people I loathed the most. Kaya ko na silang ngitian. Hindi na ako nanginginig sa takot habang kausap sila. Parang walang nangyareng nakihalubilo ako sakanila. Hindi ko masabing utang ko sakanila kung nasaan man ako ngayon dahil buhay ko ang naging puhunan ko dito. They may have pulled some strings, but that's it. Kung may papasalamatan man ako sa kasikatan ko ngayon, sarili ko 'yon. You did great, Vania! You've come this far.

The only person that makes me sane is Henrico. He's my source of life, he keeps me going, he motivates me. Without him, I'm just a robot trying to function.

Napakiusapan ni Tita Berna ang Management na makompleto ko ang isang linggong bakasyon ko. Natuwa ako do'n. I spent my two remaining days with Henrico. Sinulit namin ang natitirang mga araw dahil hindi ko sigurado kung kailan ulit kami mabibigyan ng pagkakataong magkasama.

We can do the usual, I'll sneak out and spend time with him. Pero mabilis lang kapag ganun. Tuwing break lang. Hindi sapat saming dalawa 'yon. We both know how much we crave for one another.

"I'll text and call you.." I assured him. Tumanggi akong ihatid niya dahil na rin sa mga issue namin. Nagpadala ng sundo si Tita B kaya doon na ako sumakay. Malalim na ang gabi at didiretso na ako sa taping ko.

"You always say that." ngumiti ako at marahang hinawakan ang mukha niya.

"Phones are not allowed sometimes." he groaned. "But I can always pull some strings right? Stop giving me that look. I will fulfill my promises, okay?" bahagya kong inangat ang sarili ko para halikan ang mga labi niya. Nakaupo na ako sa loob ng sasakyan habang siya ay nasa pintuan at bahagyang nakayuko sa akin.

"I will hold onto your words, Vania." tumango ako. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga bago ako pinatakan g halik sa noo.

"Take care. Text and ease me when you arrive safely."

"I will." it was so hard stopping myself from getting out of the car and staying with Henrico in the Hacienda. Pinigilan ko lang ang sarili ko.

Nanatili siyang nakatayo at nakatanaw sa kotseng lulan ko hanggang sa hindi ko na siya makita. I heave a sigh and close my eyes tightly. It's going be a long day for me...

Sa sasakyan na ako natulog. It was uncomfortable pero wala na akomg choice. Mahaba ang byahe at sakto lang ang dating namin sa Manila para sa taping namin ni Vael. Nagising lang ako nang makaramdam ng gutom. Kinain ko ang hinandang pagkain sakin ni Henrico. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti. He's the sweetest! What would I do if I don't have him in my life. Can't probably see life this way if he isn't part of it.

"Stop enunciating that I was in Henrico's Restobar. I seriously don't know such thing exist. You can ask Tita Berna. Pumunta siya sa bahay ni Mama and she saw me there." nawawalang pasensiyang sabi ko. Pagdating na pagdating ko ay ito agad ang salubong sakin ni Vael. Hindi pa nga ako tuluyang nakakapasok sa venue ng taping pinaulanan niya na ako ng galit niya. Pagod ako sa mahabang byahe at kulang sa tulog! The least thing that he can do is to save his questions!

"Give me that anger of yours kung napatunayan mong ako nga 'yon!" I breathed in. Pilit kong kinalma ang sarili ko kahit gusto ko na siyang sigawan sa inis.

"I'm sure it was you. Kilalang-kilala kita. Umamin ka na kasi, Vania. You and Henrico are in a relationship." he's hopeless. Bakit ako sakanya aamin? I don't owe him anything.

"Ipagpipilitan mo talaga 'yan? That guy left show business because he doesn't want to be in the spotlight. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ipinagpipilitan niyong may relasiyon kaming dalawa." nauna na akong naglakad. Gusto ko na siyang takbuhan dahil naririndi na ako.

Vael is also one of the reason why my dream is suffocating already. Hindi niya na ako binibigyan ng pagkakataong huminga. Akala niya ata porket love team kami ay nakatali ako sakanya. I have life outside the limelight! Outside the fucking loveteam!

"You were seen together. Nalulusutan niyo lang but I know better." seryoso at siguradong sabi niya. I stopped walking and looked at him.

"You're imagining things, Vael. I surely getaway with those issues because those were unexpected meeting with Henrico. He was just humble and gentleman enough to offer some foods. He would do that to everyone. Nagkataon lang na ako ang nandun." I no longer know to explain. Sarado ang utak niya at may pinaniniwalaan na siya.

"Vania." gusto ko agad tumakbo kay Tita Berna pero nagpigil ako. Vael is seriously draining me to hell.

"Malayo palang rinig ko na ang bangayan niyo. You two need to build intimacy. Kailangan mamaya." mahinahong sabi ni Tita Berna. I heave a sigh. I don't think I can do that. After all the words he threw to me, I don't think I can even fake my smiles.

"Are you still mad about the issue, Vael? Nakalimutan na ng mga tao, sana ikaw din." I smirked. Sumama ang tingin sa akin ni Vael dahil do'n. Tiningnan ko lang siya nang may paghahamon.

"Palagi mong pinagtatakpan ang alaga mo. Kapag nasira ang pangalan ko dahil sayo, Vania..." sinadya niyang putulin ang banta. I just raised him a brow. Empty threats.

"Wala akong pinagtatakpan, Vael. Vania was with her Mother the whole week. Nakita ko dahil nandun ako. Kung hindi mo pa nababasa 'yung statement ni Henrico about the girl in disguise, you still have time to scroll on your phone. Do your thing. Hindi 'yung sinasabon mo si Vania sa mga walang basehan mong salita." that made Vael walk out.

Nakahinga lang ako ng maayos nang nasa sarili ko na akong dressing room at kaming dalawa lang ni Tita B ang tao.

"You better be not involved with Henrico, Vania. Vael is just worried that the issue might ruin your teleserye." umirap ako.

"He's not worried about it, Tita B. He's worried about his career."

"He may be annoying most of the time but he helped you clean some of your issues. I hope you return the favor by not being acquainted with Henrico. Palamigin niyo muna. Sunod-sunod ang isyu niyo kaya marami na ring naniniwalang may relasyon talaga kayo. Mag-ingat naman kasi kayo. Don't go to public places. You being in Valentino was too risky already. Your disguise did not help at all. Halatang ikaw talaga. Hindi ko alam kung saan nakahanap si Henrico ng kasing katawan mo para pagpanggapin. Please, Vania, huling isyu niyo na muna." tumango ako. I can feel her genuine concern about my welfare. Ramdam ko rin ang pagod niya sa mga problemang hatid ko.

Naiintindihan ko lahat ng sinabi ni Tita B. Mag-iingat kami lalo. I can't risk my relationship with Henrico. Siya nalang ang pahinga ko sa nakakapagod na mundong ito.

Tumigil kami ni Tita B sa pag-uusap nang magsipasukan na ang team ko. No one knows about my relationship with Henrico but Tita Berna. Mahirap magtiwala sa mga taong nasa pareho kong industriya. Maraming mabilis mabayaran para magsalita. Only my manager and our trusted friends know about my relationship with Henrico. Alam din ni Mama pero wala itong pakialam. Gusto lang niya ng pera kaya pinagtatakpan ako kapag kailangan. If she expose me, who will fund her vices. Malaki ang nakukuha niya sa akin and shutting her mouth is the least thing she can do.

Nagsimula na ang taping. Vael is a great actor. I give him that. Despite our misunderstanding, he still manages to be in character. Puring-puri siya sa set kaya pinagbuti ko rin ang pag-arte ko. I want us to be professional enough to conceal our personal issues. Nagpadala ako sa halik sakin ni Vael. Pinantayan ko ang binibigay niya. I gave the best kisses and expressions needed for the take.

Napangiti ako nang pumalakpak ang Direktor at puriin kaming dalawa ni Vael.

"Keep up the good act, Vael, Vania. It was a great take." puri niya. We were given a break kaya agad akong nilapitan ng make up artist ko para iretouch. Ganun din si Vael.

Nalingunan kong pinupunasan ng make-up artist niya ang mga labi niyang nabahiran ng lipstick dahil sa halikan naming dalawa. Ininom ko ang tubig at nireview ang script. Naramdaman ko ang ginawang paglapit ni Vael.

"You're a great kisser. I wonder who you practice at." I glared at him. Daming niyang sinasabi.

"I've been in the industry for years, Vael. Ilang lalaki na ang pinares sakin. I think I kissed enough to be this good?" ngumisi siya. Ugh! I wanted to wipe that smirk off of his face.

"I'm sure Henrico is a good kisser." I gave him my deadpanned look. He knows how and when to insert Henrico. Mukhang masyado siyang invested sa aming dalawa ni Val para kada mabigyan siya ng pagkakataon ay ipapasok niya ito sa usapan.

"Did you kiss him? You're pretty confident, e." narinig ko ang pagtawa ni make-up artist ko. Sinamaan siya ng tingin ni Vael kaya natahimik ito.

"Malapit ko ng isipin na may gusto ka kay Henrico. You keep on mentioning him, Vael. Give him a break, hmm? Nananahimik ang tao." dahil tapos na akong iretouch ay iniwan ko na si Vael. I had to do that. Kailangan kong iabsorb ang script ko at isabuhay ang tauhang pinoportray ko sa teleseryeng ito.

Natapos ang shoot namin sa araw na 'to na panay ang banggit ni Vael kay Henrico. Hindi na siya nagsawa. Pinipilit niya talaga. Dalawang linggo kaming mag-sho-shoot at kapag naiisip ko 'yon ay pagod na pagod na ako. Kung ako lang siguro ang kukunan mas mas magaan sana para sakin kaya lang halos lahat ng scene ay kasama si Vael at hindi nakakatulong ang panay banggit niya kay Henrico. He's pissing me off!

"Too bad, you can't communicate with your lover for two weeks." 'yon pa ang kinakasama ng loob ko. I promised Henrico. Ni hindi ko na nga ito natext na nakarating na ako dahil sinalubong agad ako ng mga tanong at galit ni Vael.

"You need to get checked, Vael." sabi ko at nilampasan na siya para pumasok sa kwarto inallocate para sa akin.

Pagod akong umupo sa kama at nag-isip ng gagawin para makausap si Henrico. Baka bigla nalang 'yon pumunta dahil hindi ako nagpaparamdam. Dammit!

Continue Reading

You'll Also Like

469K 8.1K 52
When your happiness only refers to one thing, acceptance. What can you do to get the acceptance you want? How far can you fight? Handa ka bang tangga...
33.9M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
3.9M 120K 70
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
25.4M 732K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...