Mischievous Kiss: I Found You

By kissesandmakeups

107 1 0

Hiraya Naru always hated why she's drawn to Aries Naoki Kagayama, the popular guy in school. This isn't the c... More

Mischievous Kiss: From Me To You
Playlist
Episode 00: Aries
Episode 01: This Is Not My Life
Episode 02: In Kagayamas'
Episode 03: Rudeness
Episode 04: Signs
Episode 06: New Character
Episode 07: Black Hole
Episode 08: Sea Gulls
Episode 09: Mischievous Kiss
Episode 10: Nameless
Episode 11: Into The Unknown Emptiness
Episode 12: When You're Gone
Episode 13 (Last Episode): I Found You

Episode 05: 100th place

3 0 0
By kissesandmakeups

Ang bilis dumaan ng mga araw. Sa isang iglap nasa school ako o hindi kaya ay sa kwarto kasama si Aries at nag-aaral. Sa sobrang bilis madalas na rin sumakit ang ulo ko. Umabot sa sa punto na kung saan nagsusuka ako.

"Buntis ka ba?" Tanong ni Leo nang mahuli akong nagsusuka. Nakatayo siya at may hawak na naman na libro. Study-freak. Wala si Papa. May lakad rin ang mag-asawa, may meeting outside ata. CEO ang Papa nila Aries ng kompanya, hindi ko lang alam kung ano. Pero malaking kompanya siguro iyon dahil sobrang yaman nila. Sa sobrang laki nga ng bahay nila nagtataka ako kung bakit wala silang katulong. But then again, we are inside the fiction world.

"Buntis agad?" Buti naman at nakakapagsalita ako ng malaya ngayon. At buti naman, mabagal na ang pagdaan ng oras. Naloloka na ako sa biglaang pag te-teleport ko. Kathang-isip lang ako pero napapagod rin ako.

"Tsaka ang bata mo pa para malaman ang tungkol sa pagbubuntis." Inirapan niya ako nang sabihin ko iyon. May pinagmanahan. Iniwanan ko na siya sa kusina at naglakad nang walang direksyon. Nakarating ako sa likurang bahagi ng bahay at nakakita ng mga lumulutang na mga bagay; flower pot, libro, upuan. Sa mga abnormal na nangyayari sakin, hindi na ako nagulat sa nakita. Siguro lumulutang sila dahil wala naman sa scene ang mga bagay na iyon.

Dumeretso ako sa paglalakad when I saw a black hole in the wall. And my instinct says na hawakan ko ang bagay na iyon. And when I did, para akong hinigop nito. Nakakatakot! What if it devoured me? Tumakbo ako palayo hanggang sa kusina. I was catching my breathe when I saw Aries standing in front of the refrigerator. And he's staring at me with an eyebrow raised. May bitbit siyang isang baso ng malamig na tubig. Tubig! Sorry, aagawin ko muna sayo 'yan.

I gulped it and thanked the saints after. Hindi ko alam kung anong iniisip niya pero alam kong any minute ay may sasabihin na naman siyang masakit.

"Mang-aagaw!"

Hindi pala galing kay Aries ang masakit na salita kundi galing kay Leo.

"Pati tubig ni Kuya, inaagaw mo na rin!" Dagdag niya. Bata lang yan, Hiraya. Pigilan mo ang sarili mong mabato siya ng tsinelas. Pigilan mo ang sarili mong isupalpal sa mukha  niya ang dalang libro. Gusto ko siyang asarin, kase hindi niya naman to matatandaan, diba? Pero hay, napagod ako sa pagtakbo. Sino na naman kasing hindi matatakot at kakaripas ng takbo palayo sa black hole na nasa hallway?

"Ibabalik ko nalang," umakto akong isusuka ko ang tubig sa baso and saw how Leo's face grimace, he mouthed, 'nakakadiri'. I laughed when I saw how miserable and frustrated he looks. He marched away and left me laughing.

"Tigilan mo nga, 'yan." I heard him say. Umalis na rin siya pagkatapos. Ang suplado talaga kahit kelan. Pati ba naman pagtawa ko, bawal rin?

Pero ano nga kaya yung black hole na nakita ko?

Nasa school ako at kasama sina Nicole at Jane, sa rooftop exactly. Ah, hindi naman nila siguro ako iiwan gaya nung nakaraan, diba. Kasama namin si Kenneth. Buti naman wala ang mga alipores niya.

"Malapit nang exams, kumustang paghahanda mo?" — Nicole.

"Okay lang, naman." Which I don't mean. Gabi-gabi, dumudugo ang ilong ko for too much information at wala man lang ka reaksyon-reaksyon si Aries upon seeing the blood gushing from my nose. Not that I expect him to care pero bilang tao lang naman, diba? He should get me some tissue o hindi kaya ay panyo pero wala! Tinataasan lang niya ako ng kilay at tatalikod palabas sabay sabing, "Nakakadiri ka."

Kung hindi palang ako aware, malamang nasaktan na ako ng sobra-sobra. Buti nalang at namamayani ang inis sa puso ko kesa sa pagkahumaling sa kaniya. Ewan ko ba sa character ko, bakit gustong-gusto niya pa rin si Aries kahit na ang gago ng taong iyon?

"Kaya pala ang ligalig mo mag-aral these days." — Kenneth.

"Kasama ko kasi lagi si crush." — Ako sabay tawa. Yuck.

"When you say crush, you mean??"

"Bakit lagi kayong magkasama?"

Nang dahil talaga sa pagkahumaling ko kay Aries, nabibisto ko na ang sarili ko. Ngumiti ako ng hilaw. Matatago ba ng ngiting to ang kaba ko? Kaba na baka malaman nila na nakatira kami ni Aries sa iisang bubong? Kaba na kapag nabisto ako ay palalayasin na ako?  Tsaka kahit na hindi sabihin ni Aries sakin na sekreto lang ang pakikitira namin, hindi ko pa rin iyon ipagkakalat no. I hate him. Although ang nasa puso ng karakter ko ay sinasabi na kinikilig siya just for the thought na Aries and I live under the same roof.

"Wala ka bang dalang pagkain, Kenneth?" Hope this will divert their attention. Pero asa pa ako, diba. Buti nalang at lumitaw ang To be Continued sa hangin. Nakahinga ako ng maluwag doon.

"Sagutin mo muna ang tanong ko, Raya. Bakit lagi kayong magkasama ni Aries?" Kenneth's face is so serious. This is the first time that I saw this side of him. Although wala na kami sa eksena ay pareho pa rin pala ang patutunguhan ng pag-uusap na ito.

Kung sasabihin ko ba sa kaniya, matatandaan niya ba? Malamang, hindi. Ayokong mawindang siya. Siguro mas mabuti kung siya na mismo ang makaalam.

"Mas mabuti siguro —"

Nakaramdam ako ng sakit sa ulo.

"Ito, salamat sa pagturo mo sakin." Inabot ko sa kaniya ang box na may laman na cupcake.

"I clearly told you to never approach me lalo na kapag nasa school tayo." With that, Aries left, leaving me disappointed and on the edge of crying.

Natumba ako. They asked if I'm okay and I can't utter a word. Ang sakit ng ulo ko. Sa boung storya ba, lagi nalang ba akong sasaktan ni Aries?

The next thing I knew was, nasa clinic ako at nag-iisa. Hindi ako nagising dahil kusang bumukas ang mata ko. Kundi, dahil sa nag-iingay na nasa kabilang bed ata. Marami sila, mga tatlo siguro,  puro mga lalaki. At base sa pag-uusap nila, andito lang sila para magpahinga. Mula sa pagkakahiga ay umupo at lowkey nakinig sa pinag-uusapan nila.

"Ganyan simula pa nung una si Aries."

"Oo nga, nung inaya ko nga siyang magbasketball ay hindi man lang siya nagpa-unlak."

"Kelan kaya natin siya makakalaro?"

"Ewan, malabo na siguro."

Wala naman akong eksena ngayon, diba? Might as well answer their questions. Hinawi ko ang kurtinang naghihiwalay sa amin. Napasigaw sila nang nakita ako. Gulat na gulat lang ah. Ngumiti ako sa kanilang tatlo. Mga naka PE uniform silang lahat at medyo pawisan.

Binalewala ko ang pagkagulat nila.

"Mataas ang tingin niya sa sarili niya kaya hindi siya makikipaglaro sa inyo." I paused, "Ever." Sabat ko sa usapan nila. I need to let them know that Aries is a bad person, the antagonist.

"Friendly naman siya, sobrang seryoso lang sa pag-aaral — teka! Ikaw yung nasa TV!" Halata ang gulat sa mukha niya. At ano, TV?

"Kayo yung nasunugan diba?" I frowned. Ang tagal na nun, bakit natatandaan niya pa? Bumalik na naman tuloy ang takot ko. Siguro kung hindi agad kami nakalabas ng bahay ay — let's not go there. Tapos na iyon.

"Ikaw ba yung kinikwento nila na nanghamon kay Aries?"

"Siya nga ata, 'yun."

Sumimangot ako lalo. Sikat pala ako sa school. Sikat, hindi dahil iniidolo kundi dahil pinag-uusapan ng negatibong bagay. Marami palang oras ang mga mag-aaral para paglaanan pa ng oras na pag-usapan ang buhay ko.

"Hindi ako iyon." Sagot ko nalang. Mukhang hindi sila kumbinsido pero wala akong pakialam. "Anyway, magkaklase ba kayo ni Aries?" Tanong ko. Tumango naman silang tatlo. 

I wickedly smiled and fish the alas in my pocket.

"Siguro naman magbabago na ang isip niyo tungkol kay Aries Kagayama."

Then I left their chamber and went back crawling to my bed. Ngayon lang hindi fast paced ang oras, sasayangin ko pa ba? Of course not! I need to sleep my ass off. But when I'm about to close my eyes, I'm already standing at the stairs, holding a cute pink pocket notes and murmuring the keywords.

Gusto ko pang matulog!

"Nasaniban ba si Hiraya?" Rinig kong bulong ng kaklase kong babae. Right, hindi nga pala studious ang character ko dito. Nadagdagan pa ang mga bulungan nila na parang hindi naman bulong dahil bakit naririnig ko? Ang lame talaga ni author kahit kailan. Gusto ko silang pagbabatuhin ng libro pero hindi ko magawa dahil kontrolado na naman ako!

Nag start na ang exam at pati ako ay nagulat sa sarili ko dahil ang bilis kong masagutan ang mga tanong. Super helpful ng tinuro ni Aries, I'll give him that. How should I thank that brat? — Ah, I get it now. Bilang pasasalamat ay bibigyan ko siya ng cupcake na naka box at may ribbon pa talagang kulay pink! But just like in what I saw, hindi niya ito tatanggapin.

Bakit na naman kase feeling ng character ko na magiging close na kami ni Naoki Aries Kagayama after those sleepless nights studying together.

Pero dumaan na ang isang araw at hindi parin nangyayari ang bagay na iyon. Instead, nakatayo ako sa bulletin board at hinahanap ang pangalan ko. Nag simula ako sa pinaka ibabaw pero nabigo akong makita ang pangalan ko. Pero kalabisan naman ata ang paghahanap ko sa pangalan ko doon. Taga Class F nga pala ako, Failed Class sabi nga ibang sections. Ano nga bang purpose nito? Is it to prove myself from hearing him say na bobo ako to everyone or to have our names written on the same paper?

Kahit kailan talaga, hulog na hulog talaga ako sa antipatikong iyon. Kahit na walang kwenta ay kinikilig ako. Nakakainis! Pero siguro hindi ganito ang nararamdaman ko kung hindi ako aware. Haay, pang ilang pagsisisi na ba yan?

I automatically searched for my name and found it on the last page. Number 80. I smiled, and I am genuinely happy about it. Pero biglang nawala ang ngiti ko nang dahan dahang nabura at pangalan ko sa number 80. Hindi maari! Nawalan ako ng pag-asa nang tuluyan na itong nabura. Malungkot akong ngumiti nang nakitang nasa ika-isandaan na nakasulat ang pangalan ko.

Nakatakda nang mangyari ito. At ano pa nga bang magagawa ko? Walang iba kundi tanggapin ang nangyari.

Mag da-drama pa sana ako pero biglang may humila sa kamay ko.

"Kahit kailan hindi ko pinagdudahan ang kakayahan mo, Hiraya Naru!" Niyakap niya ako ng walang paalam. Tinulak ko siya. Gumagawa na rin kami ng eksena sa kumpol ng mga mag-aaral.

"Salamat sa pagtitiwala." Sagot ko nalang. Salamat naman at wala na ako sa eksena. Hindi ko na siya napigilan nang dinala niya ako sa convenience store sa harap ng school at nilibre ng ice cream.

"Naubos na ang allowance ko kaya ice cream lang muna." Nahihiya siyang ngumiti. Kung si Kenneth lang talaga ang main lead, makakaya ko pang pakisamahan kesa sa antipatikong iyon

"Bakit ba kase ang naubos ang allowance mo?"

"Ah.. binili ko ng consoles." Sagot niya. Mga lalaki talaga, ang hilig maglaro.

"Kasalanan mo, kaya magdusa ka." Sabi ko at pinilayan na ang cone ng ice cream. Huli kong narinig ang tawa niya bago ako nalipat sa ibang lugar. Nasa pathway ako papunta sa cafeteria at may hawak na kulay rosas na maliit na kahon. Nakatayo si Aries sa harapan ko at bored na bored ang mukha.

Inabot ko sa kaniya ang box na may laman na cupcake. "Ito, salamat sa pagturo mo sakin."

Teka, ito na ba ang eksena kung saan paiiyakin na naman ako ng lalaking to?

Inirapan niya ako.

"Or maybe an apology gift." Kusang kumunot ang noo ko sinabi niya. Gusto ko man siyang tanungin pero walang salitang lumalabas sa bibig ko.

"After you spread that pic— don't approach me again." Kinuha niya ang kahon sa kamay ko at tinapon ito sa pond na nasa gilid ng pathway. Splash. Automatic na tumulo ang luha ko. Umalis na rin siya pagkatapos na galit na galit.

Pinunasan ko ang luha at huminga ng malalim. Wala akong alam sa sinasabi niya pero sigurado akong hindi ito ang lumabas na pangitain kanina. Ngumiti ako. Sa wakas, may nabago na rin.

Continue Reading

You'll Also Like

395K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
10.1M 500K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
48.9K 1.8K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...
170M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...