Paisley Shae Nevares's POV
" Umalis ka para kitain si Veronica? " bungad na tanong ni Daddy dahilan nang pagkainis ko. Makapagsalita siya ay para bang sigurado ang pangbibintang niya.
" Hindi po " sagot ko, ayoko talaga sa lahat ay pagbibintangan ako. Bakit ba gan'yan siya, gusto kong magsalita pero natatakot ang na kapag nagsalita ako ay magkagulo na talaga kami.
" Mahal naman " saway ni Mommy at pinapakalma si Daddy. Kami na lang lima sa table namin kaya nagagawang magsalita ng ganito ni Daddy, nagsisimula nang umuwi ang mga bisita pero hindi ko pa rin nakikita si Veronica
" Te umupo ka na " mahinang utos ni Yanna sa'kin at hinila ang kamay ko para umupo.
Mukhang matatapos ang araw na'to na puro iyak ang ganap ko. Ganda naman ng regalo nila, pinapaiyak pa talaga ako.
" Bakit ka gan'yan, akala mo ba hindi ko malalaman na hindi mo pinapasok dito sa Mansion si Veronica " kunot-noo kong tinignan si Mommy, hindi ko alam kung tama ba ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya.
Tumayo ako at hinarap si Daddy
" Hindi niyo po pinapasok si Veronica? " tanong ko at pilit pinapakalma ang sarili dahil hindi ako pwedeng umiyak at magalit sa dami ng bisitang nandito.
" Oo " sagot niya dahilan para bumagsak ang luhang hindi ko na mapigilan, wala na akong pake kung makita ako ng mga tao na umiiyak. Ramdam ko ang kamay ni Yanna sa likod ko, habang si Mommy ay galit na tinignan si Daddy nang nakitang umiiyak ako.
" Ba-bakit niyo po gi-ginawa ito? " nauutal kong sabi, hindi ko na napigilan ang sarili kong humikbi.
Hindi ko na kaya 'to, paano niya nakakayang gawin 'to sa'kin... Alam niyang masasaktan ako kapag nalaman ko pero ginawa niya pa rin.
Wala akong nakuhang sagot, kaya mapait ko siyang tinignan bago tumalikod para umalis.
Hindi nila pinapasok sa Mansion si Veronica, pwes ako ang lalabas ng Mansion para makita siya.
" Hindi ka aalis " seryosong utos ni Daddy pero hindi ko siya pinansin at tuloy lang ang lakad palabas ng Mansion. Alam kong pipigilan ako ng mga guard kaya kailangan kong makalabas agad at makita si Veronica.
Binuksan ko ang phone ko para tawagan si Veronica.
" Te, 'wag kang umalis " pigil sa'kin ni Yanna pero hindi ko siya pinansin at mabilis na lumakad kahit hirap na hirap na ako sa heels ko, idagdag pa ang nanghihina kong katawan dahil hindi pa rin ako tumitigil umiyak.
Sa likod ako ng Mansion dumaan para hindi ako mapansin ng mga guard dito, bahala na kung anong mangyayari basta aalis ako sa Mansion.
" Ve-veronica " humihikbi kong tawag ng sagutin ang tawag ko.
" Anong nangyari? Bakit ka umiiyak? " bakas sa tono niya ang pag-aalala kaya lalo akong naiyak.
Yawang buhay naman oh.
" Pu-puntahan mo a-ako sa li-likod ng Ma-ansion " halos hindi ako makapagsalita ng ayos dahil sa pag-iyak ko.
" Nandito na ako " sagot niya sa kabilang linya kaya dali-dali akong lumakad hanggang sa nakita ko siyang papasok sa maliit na gate.
" Anong nangyari? " hindi ko siya sinagot at agad siyang niyakap. Kumalma kahit paano dahil niyakap niya ako pabalik.
" Nag-walk out siya nang nalaman niyang hindi ka pinapasok ni Tito rito sa Mansion " sagot ng nasa gilid ko, hindi ko alam na sinundan niya pa rin pala ako.
" Shhhh, tahan na baby " pagpapatahan niya at pinunasan ng palad niya ang mukha kong luhaan, ngayon ko lang napansin na nadumihan ko ang suit niya. Yawa sa sobrang busy ko sa pag-iyak ay hindi ko napansin ang suot niyang tuxedo na lalong kinaangas at pogi niya.
Pinaghandaan ng baby ko ang birthday ko tapos hindi nila papasukin sa Mansion, lalo tuloy akong nainis at naaawa rin para kay Veronica. Sa nakikita ko sa kaniya ngayon ay lalo akong hindi papayag na paghiwalayin kami.
" So-sorry " paghingi ko ng tawad at lalong hinigpitan ang yakap sa kaniya.
" Baby, 'wag kang magsorry wala ka namang kasalanan " aniya at sinimulang hagurin ang likod ko para mapatahan.
" Umalis na kayo, baka pagnakita kayong magkasama ni Tito ay lalo siyang magalit " utos sa'min ni Yanna habang tinutulak kami palabas sa Mansion, bakas sa mukha niya ang pag-aalala at takot na baka makita kami.
" Thank you te " pasalamat ko at niyakap siya, ang swerte ko sa kaniya dahil nagagawa niya akong suportahan kahit na natatakot siya kay Daddy.
" Sige na te umalis na kayo " ulit niya pa at nagmamadaling pasakayin ako sa kotse ni Veronica, kaya pumasok ako sa kotse at agad naa nagseatbelt.
2 HOURS LATERRRR...
" Baby! " agad kong minulat ang mata ko ng tawagin at marahan na tinapik ang braso ko.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, dahil siguro pagod ako kakaiyak. Inilibot ko ang tingin sa labas ng kotse, hindi ko alam kung nasaan kami pero nakuha ng atensyon ko ang magandang bahay na nasa harap namin.
" Nandito na tayo sa bahay ko " aniya at lumabas para pagbuksan ako ng pintuan ng kotse niya. Inalalayan niya akong lumabas, hanggang ngayon pala ay naka heels ako. Kaya pala sumasakit na ang paa ko.
" Happy birthday baby " bati niya at walang paalam na binuhat ako ng pa bridal style.
" Ibaba mo nga ako! " utos ko sa kaniya at mahinang hinampas ang braso niya para ibaba ako, pero hindi niya ako pinakinggan at lumakad papasok sa bahay niya. Inilibot ko ang tingin sa bahay niya at ang ganda halatang bagong gawa ito hindi pa kasi kompleto ang gamit at ang iba ay nakabalot pa.
Gulat ko na lang ng lumakad siya sa hagdan ng walang kahirap hirap, nahihiya ako at kinikilig at the same time. Narating namin ang kwarto at marahan niya akong inilapag sa kama, taka ko siyang tinignan ng pumunta siya sa side table at may hinahanap.
" My gift for you " lapit niya sa'kin sabay bigay ng maliit na box, na excite ako bigla kaya agad kong binuksan ang box ni hindi ko na siya napasalamatan dahil curious ako sa laman ng box.
Tumambad sa'kin ang kumikinang na silver inifinity ring, sa sobrang saya ko ay hindi namalayan na umiiyak na pala ako dahil hindi ko inaasahan na singsing ang ibibigay niya sa'kin.
" Umiiyak ka na naman " aniya at ngiting piinunasan ng palad niya ang mukha ko.
" Thank you " pasalamat ko at niyakap siya.
Ang kaninang lungkot at galit ko ay napalitan ng saya dahil sa kaniya.