Tsk. Isang nakakabaliw na araw toh oh. Grabe kahit ngayong friday tambak ang assignments. Talagang with s, sess. Choz. Eh kaya lang tinamad na ako gumawa kaya update muna. Tamang tama at may wifi ngayon sa bahay kaya ayan na! Comment naman kayo jan. Inaapi ako ng nanay ko na wala daw nagbabasa ng story ko. Pero alam nyo bang kahit sa isang chapter na may nag basa o tumingin naapreciate ko yon kasi masasabing may nakaka appreciate ng gawa ko. Tss. Enough of the drama. Let's rock with the true story.
Chapter 20: Attacked
Bj's POV
"This city was form bacause of the will of a debonair. Blah blah blah blah." nakapangalumbaba lang ako habang nakikinig sa regent namin ngayon. Antok na antok ako.
Napaisip lang ako. Kung siguro hindi ginusto ng mga bampira makisalamuha sa mga tao aantukin pa rin kaya ako?
Napabuntong hininga na lang ako.
Inaantok talaga ako. Kaya pinikit ko ang mga mata ko at naglakbay papuntang ibang mundo.
Bigla kong naisip yung nangyari sa test. Kapag isa kang cross breed na vampire maaring hanggang dalawa o tatlo ang kapangyarihang taglay mo.
Nakaramdam ako ng pagkalabit sakin.l pero di ko to pinansin. Si Angelo lang yan at mangungulit.
"So what is the reason why the vampires already can go or hang out under the sun Mr. Bryant James Heteo?" narinig kong sabi ng regent namin ngayon.
Napadilat ako bigla dahil sa tanong nya at napasmirk behind ma minddd (insert slang accent)
Tumayo ako at kampanteng sumagot.
"Uhmm. Kasi nung unang panahon nangarap ang bampirang nagngangalang Bryant Austin Wilkerson na mapalapit sa mga tao dahil sa isang propesiya. May kakayahan syang debonair at dahil sa paghahangad ay nakaggawa sya ng paraan upang makalabas ang mga bampira sa dilim at makapanayam ang mga tao. Ginawa nya ang orasyon na kung tawagin ay Harelacus. Na kung saan kailangan ng dugo ng tao at bampira. Ginawan ito ng isang komplikadong orasyon. Pero ang pagiging parang tao ng mga bampira ay may kapalit. Sila ay hindi na ganung kalakas sa dati nilang kapangyarihan nuong sila'y nakatago pa sa dilim." mahabang paliwanag ko. Napatingin ako kay Onyx na nakatingin. Ng magtama ang paningin namin ay nginisian ko sya at umiwas na lang sya ng tingin.
"uhuh. Tama. Maari ka bang magbigay ng mga halimbawa na pagbabago sa atin?" tanong nung teacher.
Napasimangot ako. Ano toh? Grade 1? Recitation.
"Nakakakain na tayo at hindi na kailangan ng dugo para mabusog. Ang mga sugat ay humihilom pa din ngunit ang mga malalalim na sugat ay nangangailangan ng gabay na inumin ang dugo. Yun na ang gamit ng dugo sa panahon ngayon. Nakakapaglakad at nakakapagbabad na tayo sa araw. At higit sa lahat ang dating patay na katawan ay nagkaroon ng buhay."
Tumango ang regent at sumenyas na pinapaupo na ako.
"Tama ulit. Nagustuhan ko ang sinabi mong nagkaroon ng buhay. Kung normal tayong bampira noong nakaraang ilang siglo ay maaring mga manhid ang mga katawan natin na kahit maputol ang mga braso at katawan ay wala tayong mararamdaman." panay singhap ang nangibabaw sa room. Ano ba naman yun naiimagine ko tuloy na kung nakikipaglaban ako eh biglang naputol ang braso ko edi masakit. Pero yung walang nararamdaman? Korni nun men. Borimg ang life pag ganun walang thrill.
"So kahit college na kayo may assignment ako sa inyo." sabi nung teacher at lumakad papuntang table sa harap at may kinuha sa bag. May nilabas syang isang tube na may gumagalaw sa loob.
"Assignment na daw. Ibig sabihin? Mag uuwian na?"
"Halah. Sana para magdota tayo."
"Sige 5v5."
Naririnig kong usapan ng mga kaklase ko.
"Ok. Kung iniisip nyong uwian na pwes hindi. May pupuntahan pa tayo."
"Awwwwwww." mga reklamo ng kaklase ko
"San tayo pupunta ma'am?" tanong naman nung isa sa unahan. Di ko yun kilala. Ang tahimik kasi tsaka masyadong grade conscious.
"Sa area boundaries." sabi ni ma'am ng nakangiti
"Talaga ma'am?! Manghuhuli tayo?" Tumango si ma'am
"So nakikita nyo tong nasa loob ng bote na to ay isang flaguei o ang bacteria na galing sa isang high class fiend."
High class fiend?
"May mga kumakalat na balita na may mga bagong halimaw ngayon na gumagala kung saan anyo tao sila. Nakakapagsalit at nakakagalaw ng gaya sa tao pero sa oras na makita nila ang target nila lumalaki ang kanilang bunganga at yun ang pinangkakain ng biktima nilang tao."
"So prepare yourself. We're leaving." sabi ni ma'am. Nagtayuan na ang mga kaklase ko kaya tumayo na rin ako. Sinakbit ko ang bag ko at pumunta na sa gawi nila Ade at Bale na mga nag aayos.
"Babe, bakit dala mo pa yang bag mo?"
"Huh? Bakit?"
"Di na yan kailangan. Parang hunting season lang naman. Kaya makakaabala yan sayo pag nasa laban na."
"Required ba na makahuli ang bawat isa?"
"Hindi naman. Okey lang na hindi bawat isa. Pwedeng partner kayo." tumango ako. Bumalik sa upuan ko at nilapag ang bag ko. Pagkalapag nakita kong palabas na rin sila ng room kaya tumuloy na rin ako palabas.
"Since malayo boundaries magteteleport tayo." sabi nung teacher namin habang naglalakad kami.
Tumigil kami sa isang tapat ng pader. May lumapit na lalaki sa Regent namin ngayon.
"Mr. Dimmen."
"Gregorio." balik bati ni ma'am sa lalaki.
"Ehhh! Ang gwapo ni Sir Lester!"
"Oo nga. Kelan kaya natin siya magiging regent?"
"Ang seswerte naman ng mga nasa lower level Teacher sya."
"Oo nga."
Narinig kong mga usapan ng mga babae sa paligid. Kahit sila Steff at Ade nagwagwapuhan dun sa teacher. Tss.
"So class, nagprisinta si Mr. Dimmen na sya ang magdadala satin sa boundaries kaya be ready." sabi nung teacher na ngiting ngiti. Pati ba naman teacher?!
Pinagdikit dikit kami at may binigkas na eklabu yung Dimmen na yun. At sa loob ng isang sigundo ay napunta kami sa isang mapunong lugar
Naglibot ako ng tingin. Masyadong mabigat ang aura sa lugar na toh. Para bang isang maling galaw mo may aatake sayo.
"This is the Eripmav Boundaries. This place is prohibited because once you cross along the line you'll death." at pagkasabi nya nun biglang may lumiwanag na guhit sa lapag. Siguro yun yung line boundaries. Napatingin ako sa Dimmen na yun at nakapikit. Tss. Sya pala may gawa. Tumingin na lang ako sa kabilang bahagi at napatingin ako kay ade na nakatingin dun sa teacher na yun. Tss!! Akala ko ba ako ang gusto nya. "Di nakakapasok ang mga fiend by walking across the line kaya by air lang siguro ang paraan. This city is protected by young lady Adellaide ang the council." sabi nya at bumunyong hininga.
"So para may thrill ang drill natin for today maghihiwalay hiwalay tayo. Every one of you ay madedistribute sa ibat ibang part ng boundaries. So enjoy your drill!" nakangising sabi nung regent namin at biglang umilaw ang lupa na nasa tapat ng paa namin at sa isang iglap napunta kami sa isang lugar. Katulad ng sabi napunta kami sa ibang lugar. Wala akong kasama.
Pinakiramdaman ko ang paligid. Merong aura na malapit. Pinagmasdan ko muna ang paligid at may nakita akong line. Yun siguro ang boundary. Di sya masyadong halata dahil sa mga damo. Tumakbo ako at nagpunta sa pinakamalapit na aura na nararamdaman ko. Nang makita ko na ang hinahanap ko ay binunggo ko sya at pumaibabaw ako sa kanya.
"Ackk--!! Fucking shit!!" narinig kong sabi ng, ni ade?!
"Goshh! Sorry hindi ko alam. Akala ko." sabi ko at umalis sa pagkakaibabaw nya. Aminin, ang awkward nung nasa ibabaw ako. -_-
"Geezzz. Ganyan ka naman eh. Di ka kasi nakikinig! Di makakapasok ang fiend sa loob ng line!!" galit na galit na sabi nya sakin.
Hinawakan ko sya sa braso at niyakap. Napansin ko kasing namumula ang mata nya.
"Calm down Ade." pagcalm down ko sa kanya. Ang bilis ng tibok mg puso nya.
Magsasalita na sana sya ng biglang may bumagsak sa pagitan namin.
"Ackk--!! Fucking shit!!" sabay pa namin na sabi ni Ade. Na kung kanina ay sya lang.
"Grrooowwwwlllll!!!!!!!" sabi nung--isang fiend!!
Tumalon ito papunta sakin at kinalmot ako ng mahahabang kuko nya.
Mabilis akong kumilos at umilag ako. Gumulong ako papuntang kanan. Nakita kong sumugod din si Ade
Triny nasyang kalmutin ng fiend pero nakaiwas sya. Pinahaba nya ang kuko nya at tinangkang kunin ang puso nito pero tumalon ito nang pagkataas taas. Mabilis akong tumakbo papunta kay Ade pero di pa ako nakakalapit ay may nalaglag na sa harap ko ang panibagong fiend.
Kung ganun galing sila sa taas.
Tumalon ako sa pinakamalapit na puno. Umakyat ako ng umakyat hanggang maabot ko ang pinakatuktok at duon ko nakita ang lahat.
Ang mga fiend na nakalagay sa air balloon.
ANO TOH? MODERN TYPE NG PLANT VS ZOMBIE??!!