ALLEA'S POV
"There's nothing to continue." I pushed him. "Wala naman tayong ginagawang kung ano."
"Oh really?" He smirked. "Wala nga ba, Allea?"
Muli kong naramdaman ang pag-init ng aking mukha nang dahil sa sinabi niya.
I hate how he can make me feel like this!
"Yeah, wala." Tinabig ko siya. "Uuwi na ako."
I made my way to the exit, but I immediately stopped when I heard him laugh.
What the f*ck is funny? Is he laughing at me or what?
"Uuwi ka na?" tumatawa niyang tanong sa akin. "It's raining heavily, Allea."
I turned around and raised an eyebrow. "So? I have my car." I crossed my arms. "Wala akong pake kung gaano pa kalakas 'yang ulan na 'yan. Uuwi ako."
Tumalikod na ako at pinihit ang doorknob.
Bigla naman akong nakuryente nang hawakan niya ako sa aking palapulsuhan at hatakin paharap sa kaniya.
"No, you're not going anywhere." His voice was cold yet serious. He stared into my eyes and I saw how serious he was. "Kung gusto mo na talagang umuwi ngayong gabi, patilain mo muna ang ulan. I won't let you go home in this kind of weather."
Umuulan ba talaga o ginag*go niya lang ako?
Napatingin ako sa bintana at nakita kong umuulan nga at napakalakas din nito at Mukhang puti na nga lang din yata ang makikita ko sa daan.
Delikado ngang umalis ngayon.
Pero bakit hindi ko man lang naramdaman na umuulan na pala? Ganoon ba ako ka-distracted kanina para hindi mamalayan ang pag-ulan?
"Fine, hindi muna ako aalis ngayon, papatilain ko muna ang ulan." Ibinalik ko ang aking tingin kay Raven.
Ngumiti naman siya at bahagyang ginulo ang aking buhok. "Good girl."
What? Good girl?
"I'm not a dog, Raven." Itinabig ko ang kaniyang kamay.
Tumalikod na ulit ako at pinihit na ang doorknob.
"Saan ka naman pupunta? Akala ko ba hindi ka aalis ngayon?"
"Manghihiram ng damit," tipid kong sagot at saglit siyang tinapunan ng tingin.
Naglakad na ako palabas ng lodge kahit na hindi ko naman alam kung saan ba ang daan palabas dito.
Napahinto rin naman kaagad ako nang maisip kong baka wala na sila sa pool dahil nga malakas ang pag-ulan ngayon.
Pero kung wala na sila ngayon sa pool nasaan naman kaya sila?
Naagaw ng aking atensyon ang maiingay na boses ng mga tao. Sinundan ko ang kanilang mga boses hanggang sa makarating ako sa may terrace ng lodge at natagpuan ko silang nakaupo sa sahig at nakabilog.
Malawak ang terrace at may bubong din kaya naman nagkasya silang lahat at hindi rin sila nababasa ng ulan.
Napansin ko naman ang deck of cards at mga bote ng mga alak sa gitna nila, at mula pa lang sa mga nakikita ko ay mukhang naglalaro sila ng drinking game.
"Allea! Raven! Dali na! Sali na kayo!"
Nanlaki ang aking mga mata nang tawagin nila kami. Wait? Kami? Ako lang naman ang mag-isang pumunta rito, ah?
Lilingon pa lang sana ako sa aking likuran nang may pumatong na coat sa aking balikat.
Kahit hindi ko na tingnan kung sino 'yon ay alam ko na kaagad kung sino ang gumawa no'n.
Well sino pa nga ba ang gagawa no'n?
Hindi na ako nakaimik pa nang bigla akong hatakin ni Raven papunta sa mga kaklase at ka-batch namin. Naupo kami sa space na inilaan nila para sa amin.
Pagkaupo ko namin ay agad na hinubad ni Raven ang suot niyang jacket at inilagay 'yon sa aking binti.
At doon ko lang naalala na wala pala akong suot na shorts o kahit ano.
Sh*t talaga!
"Ang sweet naman! Baka langgamin kami, ah?"
Nagtawanan naman sila.
"Damit ba 'yan ni Raven?"
Sabay-sabay kaming napalingon sa nagtanong. Bigla ring bumilis ang tibok ng aking puso nang dahil sa kaniyang tanong.
Sh*t talaga!
Humagikhik naman si Trisha at doon pa lang ay alam kong wala na siyang matinong sasabihin. Nasa kaniya na rin ang atensyon naming lahat kaya naman mas lalo pa akong kinabahan.
"Katatapos lang kasi nilang ma-"
"Ano'ng nilalaro n'yo?" agad kong putol sa kaniyang sinasabi.
Sa akin naman sila napatingin.
May isa namang sumagot sa akin at ipinaliwanag ang mechanics ng larong kanilang nilalaro pero hindi na ako nakinig dahil wala naman akong balak na makipaglaro sa kanila.
Hinanap ng aking mga mata si Chescka dahil siya naman talaga ang pakay ko rito kaya nga lang ay hindi ko siya makita. Nakakainis nga dahil 'yong mga asungot 'yong nakita ko imbes na si Chescka.
"Guys! Start na tayo!"
Napalingon kaming lahat sa babaeng sumigaw. May dala siyang isang tray ng mga shot glass at pati ang kaniyang mga kasama ay may dala ring mga shot glass.
At bakit parang game na game pa 'tong si Cheskca sa lalaruin nila?
"Oh? Allea?" Bahagya pa siyang nagulat nang makita niya ako. "Sasali ka?"
Magsasalita pa lang ako ay agad nang umepal ang lalaking katabi ko.
"Siyempre,"
Sinamaan ko naman siya ng tingin.
Lintek talaga 'tong lalaking 'to!
Nagsimula na ang drinking game at hindi ko naman makuha ang atensyon ni Chescka dahil kahit anong kalabit niya sa akin ay hindi niya ako nililingon.
Kurutin ko kaya siya?
Nagkakatuwaan sila sa laro samantalang ako naman ay hindi makapaniwala sa larong nilalaro nila.
What kind of f*cking game is this?!
Bubunot ng isang card ang taong tatapatan ng boteng pinapaikot nila. I mean okay naman it looks pretty normal, pero 'yong mga nakasulat kasi sa cards sobrang nakakagulat. Sobrang wild kasi lalo na 'yong iba.
"Chescka." Muli kong kinalabit si Chescka na nasa aking tabi lamang.
Mabuti na lamang at lumingon na rin siya sa wakas.
"Yes?" Tumaas ang kaniyang kilay habang may ngiti naman sa kaniyang labi.
"Puwedeng makahi-"
"Alfred!"
Sabay kaming napalingon sa sumigaw.
Tumapat ngayon kay Alfred ang pinapaikot nilang bote kaya naman kumuha siya ng isang card at binasa 'yon.
"Kiss the person you like to kiss right now or drink three shots."
Para namang mga baliw na kinikilig sina Faye at ang mga alipores niya.
Sandaling napatigil si Alfred at laking gulat ko nang mapunta sa akin ang kaniyang paningin.
What the heck? Ako ba ang tinitingnan niya o assuming lang ako?
Ilang segundo pa siyang tumitig sa akin at sigurado na talaga ako na sa akin siya nakatingin.
Tinaasan ko siya ng kilay ngunit umiling lang siya at nagsalinna ng alak sa shot glass na kaniyang hawak. Diretso niyang ininom ang alak na nasa shot glass at nang maubos niya 'yon ay muli siyang nagsalin ng alak sa kaniyang shot glass at uminom. Muli niya iyong inulit at mapait na ngumiti sa amin.
Nagkaroon naman ng awkward silence nang dahil sa kaniyang ginawa at nang tingnan ko ang mukha ni Faye ay masasabi kong hindi na maipinta ang kaniyang mukha ngayon. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano basta hindi ko talaga maintindihan ang mukha niya ngayon.
Basta sure ako na may mag-aaway mamaya.
Mabuti na lang talaga ay may nagmabuting loob na paikutin ang bote kaya naman nabawasan ang awkwardness kahit papaano.
Kaya nga lang sa akin tumapat ang bote.
Ang malas ko naman yata ngayong araw!
"Allea! Kuha ka na ng card!" sabi sa akin ni Chescka.
Tiningnan ko naman silang lahat at nakita kong naghihintay sila sa akin kaya naman kinuha ko na ang card na nasa pinakataas at halos malaglag ang aking panga nang mabasa ko ang nakasulat.
Ito ang sinasabi kong mga wild na dare!
"Ano sabi?" excited at hindi mapakali na tanong sa akin ni Chescka.
No way I'm doing this sh*t!
Sumilip si Chescka sa card na aking hawak at siya na ang nagbasa para sa akin.
"Sit on someone's lap for five minutes or drink five shots?!" pasigaw niyang pagbasa.
"I'm not doing this," wala sa sarili kong sabi.
Ayokong gawin 'yon at hindi rin naman ako puwedeng uminom dahil paano ako makakapagmaneho kung iinom ako?!
Lintek talaga!
"I'll take the consequence na lang."
Sabay-sabay kaming napatingin kay Raven na kumuha ng isang baso at sinalinan 'yon ng alak. Pinuno niya ang baso at diretsong ininom ang alak na laman no'n. Napatulala tuloy kami sa kaniyang ginawa.
"Allea can't drink," wika niya pagkalapag ng baso. "She shouldn't drink right now."
Nagkatinginan naman silang lahat at mahina ring humagikhik si Trisha nang dahil sa sinabi ni Raven.
Isa na lang talaga at masasapak ko na siya.
Nagpatuloy sila sa paglalaro at habang umiikot ang bote na nasa aming gitna ay mahina akong bumulong kay Raven.
"Bakit naman baso ang kinuha mo? Sabi five shots lang naman," bulong ko sa kaniya.
He smiled at me. "They're just the same."
The same? Paano naman naging same ang five shots at isang baso?!
Hindi ko na lang siya pinansin.
Nagpatuloy lang ang kanilang paglalaro at sa tuwing tumatapat sa akin ang bote ay laging si Raven ang sumasalo ng mga consequences.
Puro ba naman kasi mga wild na dare ang napupunta sa akin.
Nakakainis lang din dahil kanina ko pa talaga gustong umalis dito kaso hindi naman ako makasingit sa atensyon ni Chescka.
Hindi ko na matandaan kung gaano ba sila katagal na naglalaro hanggang sa halos iilan na lang ang hindi pa nalalasing. Kahit kasi ang dalawa kong katabi lasing na rin yata.
Tumapat ang bote kay Raven kaya naman kumuha siya ng isang card at binasa ang nakasulat doon.
"Drink your body count," basa niya sa nakasulat sa card bago inilapag sa sahig ang card.
Lahat sila ngayon ay nakatingin kay Raven at naghihintay sa pag-inom niya pero nagkibit-balikat lang sa kanila si Raven.
"What?" natatawang tanong ni Raven sa kanila. "I'm still a virgin so I don't have a body count."
Nanlaki ang aking mga mata at hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya. Pansin ko rin na halos lahat ng kasama namin dito ay nagulat sa sinabi niya.
Siya? Walang body count? Maniwala?
"Maniwala?!" sigaw ni Trisha na lasing na. "Kanina nga nag-ano kay-"
"Tara na!" taranta kong sigaw at hinawakan si Raven sa kaniyang braso kasabay ng aking pagtayo. "Lasing ka na. Tara, alis na tayo rito."
Hinatak ko na si Raven paalis na mukhang lasing na nga talaga. Paano ba naman kasi gumegewang-gewang na sa paglalakad, hindi na nga niya yata kayang tumayo ng tuwid.
Napatingin ako sa aking suot na relo at nakita kong malapit na palang mag alas dos ng umaga. "Kaya mo bang pumunta sa kuwarto mo mag-isa?" tanong ko sa kaniya.
Nakayuko siya at nakapikit ang mga mata. Marahan siyang tumango.
"Sige na, bumalik ka na sa kuwarto mo. Uuwi na ako." Binitawan ko na siya, bagay na pinagsisihan ko.
Natumba siya sa akin at dahil nga mas malaki at mabigat siya sa akin ay hindi ko siya kayang alalayan. Parehas tuloy kaming natumba, mabuti na nga lang at may pader sa likod ko kung hindi talagang sa sahig kami matutumba.
Napaupo ako at napasandal sa pader samantalang si Raven naman ay nakadagan sa akin.
Malas ko naman ngayong araw!
"Raven!" Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat at pilit siyang inilalayo sa akin. "Tumayo ka! Ang bigat mo!"
"Okay," mahina niyang bulong at unti-unting tumayo. Nakapikit pa rin ang kaniyang mga mata at mukhang lasing na lasing na talaga siya.
Marami rin naman kasi talaga siyang nainom kanina lalo na't sinasalo niya ang mga consequences ko.
Nakokonsensya tuloy ako.
Tumayo na rin ako at hinawakan ang isa niyang braso at ipinatong iyon sa aking balikat. Humawak ako sa kaniyang baywang at inalalayan siya papunta sa kaniyang kuwarto.
Mabuti na lang ay hindi naka-lock ang pinto ng kaniyang kuwarto kaya naman nabuksan ko na 'yon kaagad. Pagkapasok namin sa kaniyang kuwarto at inilapag ko na siya sa kaniyang kama. Nakapikit pa rin ang kaniyang mga mata at hindi ko nga maintindihan kung tulog na ba siya o ano.
Hinihingal akong tumalikod sa kaniya at kinapa ang susi ng aking kotse.
Sh*t! Damit nga pala ni Raven ang suot ko ngayon.
Napatingin ako sa aking paligid kaya nga lang ang hirap maghanap ng mga gamit ngayon dito dahil dim lights lang ang nakabukas at hindi ko alam kung nasaan ba ang mga switch dito.
Nahagip ng aking mga mata ang pinaghubaran kong damit na ngayo'y nakakalat lamang sa sahig.
Tsk! Nagmukha pa tuloy akong ahas! Si Raven naman kasi parang tanga kanina!
Pinulot ko 'yon at napansin kong tuyo na ang mga 'yon.
Kinapa ko ang bulsa ng aking pantalon kaya nga lang ay wala iyong laman.
Nasaan na 'yong susi ng sasakyan ko?!
Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang yumakap sa akin mula sa aking likuran.
Sino pa nga ba ang gagawa no'n?
Dalawa lang naman kami ni Raven ngayon sa kaniyang kuwarto at talagang matatakot ako kung hindi siya ay yumakap sa akin.
"What the f*ck are you doing?" inis kong tanong at pilit kong kinakalas ang pagkakayakap niya sa akin.
"What are you looking for?" mahina niyang tanong at isinubsob ang kaniyang ulo sa aking leeg bagay na agad na nagpainit sa aking buong sistema. "Are you looking for your phone?"
Sh*t! 'Yong phone ko nga pala!
Bakit ba nakakalimutan ko na ang mga bagay-bagay ngayon?!
Kinalas naman ni Raven ang isa niyang kamay mula sa pagkakayakap sa akin at naramdaman kong may kinukuha siya sa kaniyang bulsa.
"Dial your phone." Ibinigay niya sa akin ang kaniyang cellphone.
Kinuha ko naman 'yon at tulad nga ng kaniyang sinabi ay tinawagan ko ang aking cellphone gamit ang cellphone niya.
Narinig ko ang pagtunog ng aking ringtone mula sa bedside table ng kaniyang kama at doon ko rin nakita ang aking bag.
Nilagay ko 'yon doon kanina?
"I'm going to throw up."
Kumalas na si Raven mula sa pagkakayakap sa akin at dumiretso siya sa banyo.
Pumunta naman ako sa bedside table niya at kinuha ang aking bag na hindi ko natatandaan na inilagay ko roon.
Sandali ko munang inilapag ang aking mga damit sa kaniyang kama at kinuha ang aking bag.
Pinatay ko na rin ang tawag at inilapag ang kaniyang cellphone sa bedside table niya nang may mahagip na bagay ang aking mga mata.
Isang lumang pocket watch.
Gamit ang isa kong kamay ay pinulot ko 'yon at pinagmasdan.
Matagal ko na 'tong nakikita kay Raven. Simula high school kami ay lagi niya na 'tong dala na madalas nga ay nakasabit ito sa kaniyang pantalon.
Mukhang luma na ito at hindi ko alam kung bakit parang napakahalaga nito sa kaniya.
Bigla naman akong nagulat sa malakas na pag-flush ng inidoro mula sa banyo kaya naman nabitawan ko ang hawak kong pocket watch, at nanlaki ang aking mga mata nang mabasag ang salamin nito matapos mahulog sa sahig.
"What's that?!" natatarantang tanong ni Raven pagkalabas niya sa banyo.
Kinakabahan naman akong napalingon sa kaniya, parang nalunok ko rin ang aking dila at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa kaniya.
Binuksan niya ang mga ilaw at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita niya ang pocket watch niya sa sahig at ang mga bubog ng salamin nitong nabasag.
"W-what did you do?!" His eyes were full of anger. I never saw him like this. "Tell me you didn't do that on purpose!" He yelled at me.
Is he mad at me?
Galit ba talaga siya sa akin? Ganoon ba talaga kahalaga para sa kaniya ang pocket watch na 'yon?
Kung galit siya sa akin then I can take this opportunity para magalit talaga siya sa akin at layuan niya na ako.
"Yes, I did that on purpose," I lied.
His eyes burned with anger as he gritted his teeth. "Leave."
=END OF CHAPTER 24=