______________________________________
Maki Carson
______________________________________
MAKULIMLIM ang kalangitan ng matapos linisin at ayusin ang paaralan.
Isang araw na ang nakakalipas ng mangyari ang pag atake sa Hermedillia School of Sorcery. Maraming nasira, nasugatan at namatay.
"Ngh..."- iyak ni vaughn habang nakayuko saking tabi.
Sa balikat nito ay nanduon si zuku at umiiyak din.
Pinagmasdan ko ang katawang nakabalot ng itim na tela. Sa loob nun ay ang walang buhay na katawan ni yael.
Mula sa likuran, nakatayo naman ang mga estudyante habang nakikiramay sa nangyari. Ang mga gurong nasugatan ay nasa klinika at hindi makalabas dahil madami silang natamo.
At ang punong-guro naming walang ginawa sa insidente ay hindi man lang nagpakita.
Tsk. Kapag nakita ko ang pagmumukha nun ay baka kung ano pang magawa ko sa kaniya.
"M-mahinang nilalang..."- umiiyak na bulong ni caden habang patuloy sa pagpunas ng kaniyang luha.
Si silas naman ay nasa gilid lang, nakayuko at tahimik. Hindi ko makita ang mata niya dahil sa buhok nitong nakasangga.
Ngunit nagulat ako ng may pumatak na butil ng luha sa lupa.
Bagama't ilang linggo ko pa lamang nakilala si Yael Thiago Esquivel ay masasabi kong mabuti siyang tao kahit na minsan kakaiba siyang kumilos at magsalita.
Nagpapasalamat ako dahil tinulungan niya kami ni vaughn sa mga estudyanteng umaaway sa amin. Nagpapasalamat ako na niligtas niya ang mga gaya kong estudyante at sinigurado ang kaligtasan nila.
Oo, kakaiba siya at minsan may kabaliwan ngunit may mabuti siyang puso.
Mas lalong napaiyak ang dalawa ng buhatin na nila ang katawan ni yael at pinasok sa isang mahabang kahoy.
Tumingala ako ng unti-unti kong maramdam ang patak ng ulan mula sa kalangitan.
Napakaswerte mo talaga, alam mo ba yun? Madami ang may gusto sayo at umiyak sa pagkamatay mo. Pati ba naman ang kalangitan ay nakikiramay sa pagkawala mo? Haaa..
Saan na kami ngayon hahanap ng isang tulad mo?
Panigurado masaya ka na diyan. Tsk.
Huminga ako ng malalim at pinigilang huwag maluha.
"Tara na."- tapik ko sa mga balikat nila ng magsipasukan na ang mga estudyante sa loob ng mas lumakas ang patak ng ulan.
______________________________________
Esme Perez
______________________________________
"Agh..."- dahan-dahan akong napaupo ng maramdaman ko ang katawan kong nananakit.
Bumungad saking mata ang asul na paligid. Walang kalaman-laman at hindi ko batid kung malawak ito o masikip.
"Welcome!"
Napaigtad ako ng may magsalita.
"H-hello?"- nagtataka kong saad.
"Can you state your name, please?"- parang robot na saad nito.
"Y-yael...este Esme. Esme Perez."- napapailing kong tugon.
"Wait a moment please."
"Anong nangyayari? Ba't nandito ako? Ha? Nasa totoong katawan na ako. Namatay ba ako?"- sunod-sunod kong tanong habang napapahawak sa sarili ko.
"Esme Perez. Travelled inside the Book entitled 'The Greatest Magic User'. Your soul has transferred to one of the side character and antagonist named Yael Thiago Esquivel."- paliwanag nito makalipas ng ilang minuto.
"P-patay na ba ako?"- kinakabahan kong tanong.
"Yes. You died at the battle between Krofton Deveraux."- mabilis niyang tugon.
"Ano ng mangyayari sakin kung ganun?"- tanong ko.
Atsaka sino ba tong nagsasalita? Nasan ba ako?
"You have two options. One is that you may now go back to your real world."- saad niya na kinagulat ko.
"Ha?! So ibig sabihin makakabalik pa ako?! Bakit hindi mo sinabi sakin to nung una pa lang?"- gulat kong sigaw.
"It's because you have to accomplish your purpose inside the novel. Your character is meant to die in the first place but because you changed the storyline, going back to your real life has delayed. And now that you died, you are now free."
"Kung alam ko sana edi hindi ko na ginawa lahat ng yun. Bakit hindi mo kase inexplain sakin to nung una pa lang?"- naiinis kong singhal sa kawalan.
"...."
"Hello?!"
"I'm sorry, I forgot to instruct you because I was busy."
"Ano?!"- napatayo ako sa galit. "Nakalimutan mo? Ha...haha.... nakalimutan mo?!"- sigaw ko at nagdabog-dabog.
Hahaha! Edi sana nakabalik na ako sa sa totoo kong buhay noon pa lang! Diyosko! Ang dami kong pinagdaanan sa loob ng nobelang yun tapos sasabihin mo I'm sorry?!
"Waaaahhhh!"- frustrated akong napaiyak.
"Ehem. I mean it's also a good thing for you, no? You enjoyed your luxury life there compared to your life in the real world."- rason pa nito.
Natampal ko na lang ang noo ko at napaluhod sa sahig.
"So, ano ng mangyayari sa kwento ngayong namatay ako?"- naalala kong tanong.
"Of course the story still continue. The very reason of this story to exist is because there is an antagonist, no? He will found out about the antagonist and both of them will fight. Typical hero stories."- komento pa nito.
"Haaa...."- napahilot ako saking sentido sa mga naririnig ko.
Ibig bang sabihin nito, hindi na nila ako kailangan? Paano na lang yung planong ginagawa namin? Paano kung hindi nila mahanap ang kontrabida? Paano kung masaktan sila? Si zuku? Sinong magpapakain sa kaniya? Ano na lang mangyayari sa mga yun ngayong wala na ako?
"Ano naman yung isang option?"- tanong ko at napahalukipkip.
"You may go back to the book and continue your role there."
"Ano?"- agad akong napaayos ng upo. "So pwede akong bumalik?"
"You can but in one condition. You have to die again once the story ended."- seryoso nitong wika.
"Kung ganun, sa second option ako. Babalik ako dun."- desidido kong imporma.
"Are you sure?"- paniniguro nito.
"Sigurado ako."- walang pag-aalinlangan kong saad.
"May I ask your reason?"
Natigilan ako sa narinig.
Ano nga ba ang rason ko? Dahil gusto ko pang enjoyin yung buhay kong masagana duon? O dahil nag-aalala ako sa kanila?
Kapag pinili ko ang option one edi masasayang yung hirap ko sa paghahanap sa kontrabida. Alangang iiwanan ko na lang sila sa ere kung una pa lang ay ako ang nagpauna sa planong ginawa ko? Atsaka isa pa, hindi nila yun makakaya ng wala ako. Kailangan kong masiguro na hanggang mag ending, buhay ang mga alaga ko.
Ngumisi ako at nagpamewang.
"Hindi ko pa tapos ang nasimulan ko kaya babalik ako para tapusin yun."
"Ah...bago pala ako bumalik, kailangan ko munang pumunta sa totoong mundo ko."- imporma ko.
"Why?"
"Dahil may titignan lang ako saglit. Hindi ba pwede?"
"Hmm...since you saved many lives during your stay in the novel, I can grant your wish."
Napangisi ako sa narinig.
HAHAHAHAHA! Malalaman ko na din kung sino ang kontrabida sa nobela!
"For only 20 minutes."- mabilis niyang dagdag.
Napasimangot ako. "30 minutes."- dagdag ko.
"25 minutes."
"35 minutes."- laban ko habang nakatingala sa kawalan.
"Why is it getting longer?"- puna niya.
"40 minutes!"- pinal kong laban at tinaas pa ang kamay.
"You said earlier, 30 minutes is enough!"- reklamo niya.
"Ows? Gusto mo bang magreklamo ako sa ginawa mo saking pambabawela nuong napunta ako sa kwentong yun? Nakalimutan pala ha?"- pananakot ko dito.
Natahimik ito ng ilang saglit at napabuntong hininga siya.
"Fine. You have 40 minutes. Do not bargain anymore!"
"Yown!"- ngiti ko.
Paniguradong magugulat ang mga lokong yun pag nabugay ako! Excited na akong makita ang mga reaksyon nila! HAHAHAHAHAHA!
~ vis-beyan28
MelancholyMe