REWRITE THE STARS OF DREAM

By MysCarlime

758 630 0

Si Syxine Wright na isang baguhang writer ay paulit- ulit na mananaginip sa isang tao lamang. Isang panaginip... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: BOOK SIGNING
CHAPTER 2: CHOICE
CHAPTER 3: COUSIN
CHAPTER 4: SOMNOLENT
CHAPTER 5: MALE LEAD
CHAPTER 6: ENCOUNTER
CHAPTER 7: REQUISITE
CHAPTER 8: COFFEE MATTER'S
CHAPTER 9: SIZZY
CHAPTER 10: UNLOOKED-FOR
CHAPTER 11: FALCONET
CHAPTER 12: ALIMENTATION
CHAPTER 13: USERNAME
CHAPTER 14: IMPERFECTION
CHAPTER 15: REBOUND
CHAPTER 16: TRANSFEREE
CHAPTER 17: PROFESSION
CHAPTER 18: PRESS
CHAPTER 19: TAN-GO-KO
CHAPTER 20: DISSENSION
CHAPTER 21: RISK
CHAPTER 22: SACRIFICE
CHAPTER 23: BE SURPRISED
CHAPTER 24: VALIDITY
CHAPTER 25: PUZZLE
CHAPTER 26: ASSURED
CHAPTER 27: GREEN FLAG
CHAPTER 29: TROUBLE
CHAPTER 30: HOPE
EPILOGUE

CHAPTER 28: CELEBRANT

15 13 0
By MysCarlime

Gusto ko ng 'mercury' pero
may "U" sa gitna.

JORDAN POV'S

Ang pagkakaroon ng simpleng pamilya at pamumuhay ang mayroon ako noon pero ngayon, hindi ko na sila kasama dahil may sari-sarili na silang pamilya.

Ang mommy ko ay nasa France kasama ang ate ko at ang asawa niya, si daddy naman ay wala na dahil namatay siya dahil sa isang car accident, at ang bunso ko namang kapatid na si Chelster ay busy rin sa trabaho niya.

Hindi kami magkasundong dalawa dahil nag-away kami sa iisang babae noon na parehas naming crush, halos isang taon lang ang agwat niya sa akin kaya't maaari niya ring maligawan ang babaeng crush ko noon... Pero ngayon, hindi na ako makakapayag na agawin niya sa akin si Zin kaya't gagawin ko ang lahat para mahalin niya ako.

"Magandang araw po." Pagbati ko sa pamilya ni Syxine.

Kanina pa sila nakatingin sa akin kaya't nangangawit na ako sa hawak kong pasalubong para sa kanila pero kahit ganun ay kailangan kong tiisin. Kailangan kong ipakita sa kanilang malakas ako, 'yung tipong kaya kong ipaglaban ang anak nila sa kahit na sino.

Kumaway sa akin ang maliit na bata, siya iyong hindi nakakapagsalita kaya't gumagamit lang siya ng hand gesture or sign language upang maunawaan ang gusto niyang sabihin.

Kaya pala palaging nagha-hand sign sa akin si Zin dahil nakasanayan na niya.

Kumaway rin ako sa kanya at nag-hand gesture na 'ang ganda mo'. Napangiti siya at nabigla ako nang yakapin niya ako.

Ang cuteeeee! Parang little Syxine lang.

"Pumasok na kayo." Saad ng papa nila.

Sumunod na ako at pumasok sa hindi kalakihang bahay nila. May dalawa silang kwarto, maliit na sala, at kusina na may mahabang lamesa.

Masasabi kong ito na ang isa sa pinakamasayang araw sa akin dahil parang pakiramdam ko ay nagbalik ako sa dati naming bahay na may buong pamilya na masayang nagkukwentuhan at nagkakasama.

Dito sa bahay nila ay hindi nila ako itinuring na artista dahil hinayaan nila akong magpakilala at magkwento sa kanila sa kung ano ang buhay ko. Nakipaglaro rin sila sa akin ng checkers at nagpunta sa bukid nila upang manguha ng mangga.

Sobrang saya talagang pumunta rito sa pamilya ni Syxine. Kapag magpapakasal at titira kami sa iisang bahay kasama ang mapapangasawa kong si Syxine ay dito na ako titira dahil mararamdaman mo talagang hindi ka iba sa maraming tao.

SYXINE POV'S

Lumipas ang dalawang buwan na wala kaming ginawa ni Jordan kundi ang magpabalik-balik sa probinsiya namin. Tuwing linggo ay doon kami pumupunta at kinabukasan ay umuuwi.

"Happy birthday, Zin." Pagbati sa akin ni Jordan paggising ko.

April 25

Ngayong araw na ito ang birthday ko at siya ang pinakamagandang regalong natanggap ko ngayong umaga.

"Thank you." Niyakap ko siya ng ilang segundo bago hinalikan sa labi.

"Nga pala, nasaan ka kagabi? Hindi kita napansin na umuwi." Malungkot na saad ko sa kanya.

Hindi kasi siya umuwi kagabi tapos makikita ko siya na kasama ko na ngayon, tss.

"Umuwi ako kaso naabutan kitang tulog kaya hindi na kita ginising." Saad niya pero hindi ko siya pinansin. Pumihit ako nang higa upang talikuran siya. "Galit ka ba?" Naramdaman ko siyang yumakap sa akin.

"Give me space, baka antukin tayo falconet."

"Galit ka yata e."

"E ano naman kung galit ako? Basta lumayo ka at baka antukin tayo."

"Sorry na, Zin." Paghingi niya ng tawad habang hinahaplos ang braso ko.

Umupo ako at humarap sa kanya, ganun din ang ginawa niya. "Ang daling sabihin ng sorry di'ba?... Pero 'yung pagme-message sa akin kung nasaan ka at kung anong ginagawa mo ay mahirap?" Pagtatanong ko pero umiling lang siya. "Huwag mo akong ituring na parang girlfriend mo lang. Hindi naman mahirap ang mag-update ah... Siguro hindi mo naiisip kung anong mararamdaman ko... Kung nag-aalala ba ako? Kung naghahanap ba ako sa'yo? Kung namimiss na ba kita? Kung mahal pa ba kita?... Masyado kang kampante kasi alam mong hindi ko kayang magmahal ng iba... Ganun nga akong tao... Tama ka... pero sana naman suyuin mo ako!" Mariing sabi ko sa kanya. "You are my first boyfriend and to the last kaya't sana mahalin mo ako at ituring na asawa mo!" Galit na sabi ko pero napangiti pa siya. "Hindi ko gusto na oras-oras kang mag-update pero ang gusto ko lang ay sabihin mo sa akin kung nasaan ka at kung anong ginagawa mo para alam ko. Paano kapag may nagtanong sa akin kung nasaan ka? Anong sasabihin ko?... Paano kapag ginawa ko 'yun sa'yo, matutuwa ka ba?" Mahabang reklamo ko sa kanya. Nakakainis siya! "Hindi ako apps, pero ina-update ako!" Mahinang bulong ko.

"Hindi!"

"Pwes huwag mong gawin!... Huwag mong iparamdam sa akin ang ayaw mong iparamdam ko sa'yo!"

"Opo, sorry na." Niyakap niya ako na siyang dahilan ng pagluha ko.

Sobrang saya sa pakiramdam na sabihin ang gusto mong sabihin sa isang tao. 'Yung galit mo, 'yung inis, 'yung pagtatampo, at kung ano-ano pa. Nasabi ko na rin! Dati ay through writing lang ang nagawa ko para sabihin ang gusto ko pero ngayon ay verbally na, naging vocal na ako. Ang saya pala, hehe.

"Sorry ah, hindi ko na uulitin. Ayoko na maramdaman din 'yun. Pakiramdam ko nga ay kumikirot ang puso ko ngayon." Saad niya habang pinupunasan ang luha ko.

"Tss, karma 'yan... Deserve mo naman e." Pinisil ko ang ilong niya. "Nga pala, may pupuntahan tayo di'ba?" Nagulat siya sa tanong ko at natatawa ko naman siyang pinagmasdan.

"Hyst! Napanaginipan mo na naman?" Tumango ako bilang sagot kaya't napasuntok siya sa kama. "Nakakainis naman... Bukod sa ang hirap mong mahalin ay ang hirap ding magtago ng sekreto sa'yo."

"Wala naman akong masyadong napanaginipan e. Nakita ko lang na sumasayaw daw tayo kasama ang buong pamilya ko."

"'Yun lang?... Hindi mo alam kung saang lugar?" Tanong niya habang nakangiti nang todo.

"Oo, sayang nga e. Next time sabihin mo kung saan ah."

"Tss, maligo ka na nga." Saad niya at hinila ako sa kama.

Maya-maya lang ay naligo na ako at pagkatapos n'on ay may ibinigay sa akin si Jordan na dress na pink na susuotin ko raw. Kakulay iyon ng suot niyang polo shirt. Makalipas ang ilang oras ay narito na kami ngayon sa beach hotel sa San Juan, Batangas kung saan idaraos ang party ko na hinanda niya.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday, Zin!" Masayang pagkanta ng pamilya ko at ng mga kaibigan ko pagkarating namin.

"Thank you, thank you sa inyong lahat." Masayang saad ko at hinipan ang kandila.

"Yown! Inuman na!" Sigaw ni Owen at Renzo.

Lumipas ang maraming oras na puno ng kasiyahan sa araw na ito. Nagkwentuhan, nagkaroon ng mga palaro, at nagsayaw.

"Ito lang ang nasa panaginip ko." Saad ko kay Jordan habang sumasayaw kami na parang nasa isang prom.

"Mas okay na rin 'yun para wala kang masyadong alam sa mga balak ko."

"Tss, dapat kasi ay sabihin mo kung saan ito para makapunta agad ako."

"Surprise nga ito, Zin."

"Hehe thank you... Thank you for making me happy on my birthday." Masayang sabi ko.

"Thank you rin kasi hinayaan mo akong makasama ka sa araw na ito."

"Syempre, ikaw lang naman ang gusto kong makasama e."

Pagkatapos ng sayawan ay nagpunta na sila sa kani-kanilang mga kwarto hanggang sa kami na lang dalawa ang natira sa labas. Balak muna naming dito na magpalipas ng gabi dahil marami na rin silang nainom.

"I love you, Zin." Malambing na bulong sa akin ni Jordan habang naka-back hug siya sa akin.

Narito pa kami sa tabing dagat dahil gusto muna naming mag-star gazing at manood ng magandang tanawin.

"I love you too, falconet." Bulong ko rin sa kanya na siyang dahilan ng pagyakap niya nang mahigpit.
"Huwag kang masyadong madikit... Baka mapaaga ang pagtulog natin."

"Bakit? Ayaw mo pa bang matulog?" Tanong niya.

"Oo naman." Humarap ako sa kanya. "Gusto ko pang angkinin ang labi mo." Tila nagulat siya sinabi ko.

"Seryoso ka ba?"

"Oo naman... Pwede na ba?"

"Bakit tinanong mo pa ya---" agad ko na siyang hinalikan.

Sh*t!

Dahil sa epekto ng alak ay malakas ang loob kong sabihin ang gusto ko... Pero masaya ako dahil pakiramdam ko ay wala akong ibang inaalala kundi sa kung paano ko iiwasang halikan ang labi niya.

***

ICONIC LINE'S

SYXINE: Give me space, baka antukin tayo falconet.

SYXINE: Huwag mo akong ituring na parang girlfriend mo lang.

SYXINE: Huwag mong iparamdam sa akin ang ayaw mong iparamdam ko sa'yo!

SYXINE: Tss, karma 'yan. Deserve mo naman e.

SYXINE: Gusto ko pang angkinin ang labi mo.

***

Written on: July 6, 2023.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 30.5K 52
Dice and Madisson
311K 13K 42
Pangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italy...
360K 12.2K 29
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...