Behind his dark Aura [ Unedit...

By cryallyouwnt

388K 7.6K 366

Hiara Selene Celestia is an independent woman. She works for herself and for her family. She is a broken fami... More

BHDA
BHDA First
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Cgapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
BHDA Last
cryallyouwnt

Chapter 8

7.1K 141 0
By cryallyouwnt

“Ito ice cream," I handed him a piece of chocolate ice cream that I bought.  “Makakatulong iyan para gumaan ang pakiramdam mo."

Kinuha niya iyon at ngumiti. “I remembered when nanny told me that before."

“Sinabi niya na saiyo iyon dati?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

He nodded and smiled. “Malungkot kasi ako noon tapos nagulat nalang ako nung umalis siya tapos pag balik may dala na siyang ice cream."

Ngumiti ako din ako. “Gumaan ba ang pakiramdamn mo?"

“Yes, because I enjoy eating ice cream." Mabilis na sagot niya at hindi parin nawawala ang ngiti sa labi.

Masaya ako kasi nagagawa niyang alalahanin ang yaya niya ng hindi nalulungkot. Ibang iba kapag mga magulang niya ang pumapasok sa isipan niya. Naiintindihan ko naman kung bakit.

“This is the first time I spent a long time outside." Napabaling ako kay Liam ng muli siyang nagsalita. “Dati palabas palang ako ng pintuan, pasok na pasok na ako kaagad."

Natawa ako sa sinabi niya. Naglalakad na kami ngayon pauwi sa bahay habang magkahawak kamay.

“Ikaw kasi hindi ka nag enjoy." Sabi ko.

“Because I didn't know how to enjoy those times."

“E, ngayon? Alam mo na ba?" I looked at his face because I wanted to see his reaction. Napangiti naman ako ng makita kong nakangiti siya.

Hindi lang labi ang masaya sa kaniya dahil maging ang mga mata niya ay nagsasad ng sayang naratamdaman niya.

“Yes, because you are already there by my side." Sagot niya.

“But your nanny was also by your side before."

Tumigil siya sa pag lalakad at humarap saakin. Doon ko lang napansin na ubos na pala yung ice cream niya.

“You taught me differently, Hiara." Seryoso niyang sabi saakin pero nakangiti parin siya habang nakatingin ng diretso saaking mga mata.

“Paanong iba?" Takang tanong ko dahil hindi ko siya maintindihan.

“I don't know, hindi ko maipaliwanag." Nagkibit balikat siya. “But I really felt different when you were there by my side." Sabi pa niya at parang napa-isip pa. “Maybe because I can kiss you but I can't kiss nanny.

Nagulat ako dahil sa sinabi niya kaya lumaki ang mata ko bago ko siya mahampas ng mahina sa braso.

Napa kurap-kurap pa ako. “Liam!" May diin ang boses ko.“Huwag ka ngang ganyan." Sabi ko sakaniya at pinanlakihan siya ng mata.

He chuckled. “Why? It's true." Sabi niya at hinimas ang braso niyang nahampas ko.

Napangiti naman ako ng makita kong pinipigilan niyang tumawa. May kalokohan din pala ang inosenteng ito.

“Huwag kang maloko diyan, Liam." Tinuro ko pa siya para mas madama niya ang sinabi ko.

“It's true, Hiara." Sabi niya at humarap ulit saakin. “I can kiss you but I can't kiss nanny."

Nagpapadyak ako at napakamot sa ulo. Parang nakakahiya ang sinasabi niya. Isipin ko palang na hahalikan niya ang yaya niya ay kinikilabutan na ako.

Grabe panaman siya humalik.

Muli ko siyang tinignan bago ko siya talikuran naramdaman ko naman ang agad na pagsunod niya saakin.

“Hiara," he called me.

“Bahala ka diyan." Nilingon ko siya at ng makita kong malapit na niya akong maabutan ang napatakbo ako.

Natawa ako ng tumakbo din siya. “Hiara wait for me don't run." I heard him say as he chased me.

“Habulin mo’ko." Sigaw ko bago ako tumawa nang sobra.

Para kaming mga batang naglalaro at walang pakialam sa paligid. Basta makapag laro lang ay ayos na

Buti na ngalang at walang mga tao sa paligid dahil tanghaling tapat na kaya mainit na ang klima.

“Liam!" I screamed when he suddenly grabbed my waist. Naabutan niya ako nang hindi ko namamalayan.

“Got you," bulong niya sa tenga ko at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa bewang ko.

“Okay na Liam bitawan mo na ako." I laughed and tried to remove his arm that was still holding my waist.

Hinarap niya ako sakaniya habang nakakulong parin ako sa mga braso niya. Napahawak ako sa balikat niya ng maiharap niya na ako sakaniya.

“Give me a kiss first," he said seriously. “Before I let you go." Kita ko na bumaba ang tingin niya sa labi ko bago muling binalik ang tingin sa mga mata ko.

Bahagya kong kinagat ang labi ko. “Mamaya na sa bahay." Sagot ko at tumingin sa paligid. Salamat talaga at walang ibang tao.

Palipat-lipat ang tingin niya sa mata at labi ko. Dahil sa hiya ay iniwas ko ang tingin ko sa kanya at muling kinagat ang pang ibabang kabi.

“Don't bite your lips," biglang sabi niya na naging dahilan ng muling pagbaling ko sakaniya.

“Let me go, Liam." Pinilit kong kumawala ulit sa pagkakahawak niya. I breathed a sigh of relief when he let go of me.“Halika na umuwi na tayo." Nauna na akong maglakad at tinalikuran siya.

Sumunod naman agad siya saakin at hinawakan ang bewang ko.

“Kiss me later when we get home... You owe me a kiss."

I closed my eyes tightly. “Oo mamaya na sa bahay." Bigla pa akong nagkaroon ng utang na halik.

Naglakad kami hanggang sa makauwi na kami. Pagpasok palang namin sa bahay ay agad kong tinungo ang sofa at sumalampak doon.

“Napagod ako sa pagtakbong ginawa natin." I said while closing my eyes and leaning on the sofa. I felt Liam sit next to me.

“Are you happy?"

I opened my eyes because of his question. “Ikaw dapat ang tanungin ko niyan." I looked at him.

“Yeah, I'm happy that's why I'm asking you if you're happy too." Hindi pa ako nagtatanong pero may sagot na siya.

“Oo, masaya ako." Hinila ko siya palapit saakin para mayakap ko siya. “I was tired but at least I was happy."

“Me too," sabi niya at halata ang pagod sa boses.

Pinaharap ko ang mukha niya saakin dahil nakatagilid iyon saka ko siya hinalikan ng saglit sa labi. I can see his smile because of that. I also felt that he hugged me tighter and pressed his face to my chest.

“Wala nanaman tayong gagawin dito sa bahay mo.." Bumuntong hininga ako. “Kakain at matutulog nalang ulit tayo."

“Aren't you happy because you're not doing anything?"

“Masaya naman pero mas sanay kasi ako kapag may ginagawa."

Sanay kasi ako sa gawaing bahay dahil bata palang ay tinuruan na kaming magkakapatid. Every day we do housework.

Siguro ganito talaga kapag mayaman. Pwedeng maging hayahay hindi tulad namin na isang kayod isang tuka.

“How old were you when you first worked?"

“I was only thirteen years old at that time." Inalala ko yung unang araw na nagtrabaho ako. I was only thirteen that time.

Yun iyong nag-aaral ako pero wala akong pang baon at pang bili ng mga gamit pang school kaya ako nalang ang gumawa ng paraan para makapasok parin ako sa paaralan.

“Thirteen?" Tumingin siya saakin at hindi makapaniwala. “You are too young to work."

Tumango ako. “Ganoon talaga pag mahirap lang." Nginitian ko siya.

“When I was thirteen years old I was just busy studying." Tinignan niya akonsa mukha. “Wala akong ibang ginagawa kundi ang mag-aral lang."

“Hmm! Swerte ka parin." Hinimas ko siya sa pisngi gamit ang hinlalaki ko. “Saan ka pala nag-aral?" Nagtataka lang ako kasi imposibleng pumasok siya sa school e ayaw niya ngang lumabas ng bahay.

“I only studied at home." Sagot niya at isinandal ang mukha niya sa dibdib ko.

“Pero paano?"

“Nanny hired me a tutors. Teacher iyon sila galing sa private school at sila ang nagturo saakin. Kada taon ay nagpapalit ako ng tutors kaya marami ang mga nagturo saakin.."

Kumunot ang noo ko. “May ganon?" Wala kasi akong alam tungkol sa ganyan. “Pwede pala iyon na sa bahay kalang mag-aaral?"

Tumango lang siya bilang sagot. “Ang galing naman pala." Kumento ko sa nalaman.

“I studied independently, with the guidance of a teacher and tutor. Sa tulong narin ni nanny dahil sinuportahan niya ako."

“Ang galing-galing mo naman pala." Nginitian ko siya at pinisil ang ilong niya natawa naman ako ng makita kong namula iyon dahil sa pagpisil ko.

“I'm so happy," Mahinang sabi niya.

Until now we are still hugging each other. Mahigpit at masarap sa pakiramdam ang yakap niya.

“Why?" I fixed his hair which was messy again.

“Because I managed to get out of the house for a long time. Hindi ako kinabahan at nag-alala noong nasa labas tayo." Bumuntong hininga siya at tumingin saakin bago ngumiti. “It's because of you."

“Don't worry I will always be with you." Pinagdikit ko ang mukha naming dalawa. “Kahit saan ka pumunta ay sasamahan kita."

“Thank you so much, Hiara. Siguro kung wala ka, hanggang ngayon ay kinukulong ko parin ang sarili ko dito sa bahay."

“I really wonder why you weren't like this before when your nanny was there." Pinaglalaruan ko ang buhok niya na kanina lang ay inayos ko.

“Even me too, hindi ko kasi maipaliwag. I am more comfortable with you. Komportable rin naman ako kay yaya pero iba talaga pag ikaw." Ramdam ko ang malalim niyang pag hinga. “I feel better with you."

“Hmm! Maybe you will be able to explain it soon. Baka kasi naguguluhan ka pa ngayon."

Matagal bago siya nakapag salita. “Hindi ko kasi talaga maipaliwanag. But I know that part of the reason is I can hug and kiss you. I feel that someone has truly accepted me."

“Tanggap karin naman ng yaya mo."

“It's not that, nanny is part of the family even before. Nakasama ko na siya noon pa kaya naman talagang tanggap niya ako. Pero iba ka dahil kahit wala ka noon ay tanggap mo ako ngayon."

Naiintindihan ko ang gusto niyang sabihin. What he meant was that I accepted him even though I didn't know him very well. I accepted him even though I didn't know the whole story of his life.

Naiintindihan ko na kung bakit ganito siya saakin at hindi siya naging ganito sa yaya niya...

“You like me, right?" Nagulat ako sa tanong niya pero tumango parin niya. “Now there is someone who really accepts me."

©cryallyouwnt

Continue Reading

You'll Also Like

29.9K 1K 35
[COMPLETED✓] Under editing A boy who is obsessed to her wife. _ "Don't fucking touch my wife or I'll kill you" he said angrily. _ started: 02/24/24 ...
372K 4.5K 54
Alex doesn't have a perfect family but she always hopes of having one. After witnessing how her family is slowly breaking up, Alex joined the Militar...
6M 383K 68
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
8.9K 199 30
When she fell first, but she thought he didn't fall..