Val's POV
"Sure ka ba kaya mo umattend ng meeting ngayon?" Tanong ni Jane.
"Oo importante itong meeting na to Jane." Sagot ko.
"Wala ka kasing tulog Val eh! Halatang halata sayo na pagod ka. Baka bumigay katawan mo ng wala sa oras." Pag aalala niya.
"Okay lang ako Jane. Wag ka mag alala sakin. After ng meeting magpapahinga naman ako agad." Giit ko at nginitian ko siya.
"Sigurado ka ah?" Paninigurado niya.
Tumungo tungo lang ako as a sign na oo.
Bumuntong hininga siya at inaya na niya ko papunta sa conference room.
Nandito na pala sila lahat pagkarating namin.
Kami na lang pala hinihintay.
Agad din naman kami nagstart sa meeting.
Habang nasa kalagitnaan kami ng discussion nakakaramdam ako ng hilo.
Pinipilit ko na makinig sa nagdidiscuss sa harap ko pero nandidilim na ang paningin ko.
Bigla na lang ako na tumba sa kinauupuan ko.
Buti naisalo ako ng isa sa kameeting namin.
"Val!" Sigaw ni Jane.
Naririnig ko na tumatawag na sila ng paramedics.
"Val? Naririnig mo ba ko? Response ka." Utos sakin ni Jane.
Di ko na magawang sumagot pa at tuluyan na ko na walan ng malay.
Jane's POV
Hindi ko na hinintay ang medics na makapunta.
Inutusan ko na ang mga tao dito na buhatin si Val para masakay ko sa kotse dahil dadalhin ko na siya sa hospital.
'Pakabagal talaga ng medics dito mapalitan nga!'
Kasama ko ngayon ang secretary ni Val papunta sa hospital.
"Oh! Diba! Sabi sayo magpahinga! Pero dahil matigas ang ulo mo ano napala mo!" Sermon ko.
"Wag ka nga maingay! Kala mo naman naririg ka niya. Magdrive ka na lang dyan!" Sigaw ni Ash.
Btw girlfriend ko na siya.
Secret na lang yun paano naging kami.
Buti na lang walang traffic kaya nakarating agad kami sa hospital.
Inasikaso naman agad si Val.
Syempre pag hindi agad to inasikaso baka mawalan sila ng trabaho.
Habang inaasikaso si Val tinatawagan ko si Zoey.
Buti at nasa office lang siya kasama ang asawa niya at nakababa agad.
"Okay naman siya. Sadyang bumagsak ang immune system niya. Need niya ng proper na pahinga at tamang oras ng pagkain." Giit ni Zoey.
"Tigas kasi ng ulo niyan! Masyadong workaholic! Salamat Dr. Zoey ah." Ani ko.
Ngumiti lang si Zoey at tinignan saglit si Val bago umalis.
Halos tatlong oras din walang malay si Val bago gumising.
"Ano nangyari? Bakit nasa hospital ako?" Bungad agad niya pag gising niya.
Agad naman umalis si Ash para tawagin si Zoey.
"Paano matigas ulo mo! Ayan bumagsak immune system mo. Sinasabi ko sayo wag abusuhin ang sarili kaya ayan." Pinagsasabihan ko siya.
Pero walang emosyon siyang nakatingin sakin.
Magsasalita pa sana ako kaso dumating na si Ash at Zoey kasama ang mga nurse para icheck si Val.
Umupo na lang ako sa may bakanteng umupan at hinayaan na lang silang gawin kung ano mang gagawin nila.
Rinig ko na pinapagalitan din ni Zoey si Val habang nireresitahan siya.
Habang naguusap sila nakaramdam ako ng gutom.
"Bili lang ako pagkain para makakain na tayo ah." Paalam ko kay Ash.
"Sige dalian mo ah." Aniya.
Hinalikan ko ang ulo niya bago lumabas.
Paglabas ko laking gulat ko dahil papasok si Andrew.
'Bilis naman kumalat ng balita.'
Hindi naman kami close kaya nginitian ko lang siya at tuloyan ng umalis.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pag oorder bigla tumawag sakin si ate Cal.
"Hell-"
"BAKIT HINDI MO AGAD SINABI NA NASA HOSPITAL NGAYON KAPATID KO?!" Bungad niya sakin.
'Makasigaw naman! Halos mabingi na ko.'
"Eh ate nataranta na kami kaya hindi na namin na sabi." Pagdadahilan ko.
"Papunta na kami ni Ran dyan. Anong room number?" Tanong niya.
Sinagot ko ang tanong nya at nagpaalam na ko na ibababa ko na ang tawag dahil okay na ang order ko.
Buti na lang marami na inorder ko dahil darating sila.
Pagbalik ko agad din ako sinalubong ni Ran.
"Tita!!" Sigaw niya sabay yakap sakin.
Muntik pa nga mahulog mga dala kong pagkain dahil sa kanya.
Inabot ko muna kela ate Cal ang mga dala ko bago ako siya binuhat.
Nakipaglaro lang ako saglit sa kanya bago ko nilapitan si Val.
"Ano? Sige lang abusuhin mo lang sarili mo." Sermon ko sa kanya.
Tinawanan niya lang ako.
Nag usap lang kami saglit about sa nangyari tsaka ko naisipan kumain.
Habang nakain napansin ko si Andrew na nakikipag laro kay Ran.
Dali dali ako kumuha ng pagkain at lumapit kay Val.
"Tignan mo yun." Saad ko sabay turo kela Andrew at Ran.
"Bakit? Ano meron?" Pagtataka ni Val.
Val's POV
"Wala lang napaisip lang ako." Giit ni Jane.
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Ano yun?" Tanong ko.
"Paano kung magkadaddy si Ran." Patuloy niya.
"Tarantado." Mura ko sa kanya at tinalikuran siya.
"Huy! Seryoso! Malapit na mag aral si Ran. Ano na lang sasabihin niya sa mga kaklase niya na wala siyang tatay?" Explain niya.
Hindi ko siya hinaharap.
"Tigilan mo ko Jane. Parang hindi mo bestfriend asawa ko." Inis ko sa kanya.
"Ito naman nag susuggest lang!" Depensa niya.
Hindi ko na siya pinansin at nagpahinga na muna ako.