Chapter 14
"Hmm.. you're here?" Sambit ng babaeng lumapit kay Claire
Napangiti lang si Claire at akmang tatalikod ng bigla syang hatakin ni Kate.
Ngunit nagulat si Kate ng biglang may nakaumang na kutsilyo sa leeg neto.
Claire: naunahan mo lang ako dati. Wag mo akong subukan, hinde mo ako kilala.
Nakita naman ng boys ang kaganapan kina kate at Claire at gulat sila na Claire ang may hawak na kutsilyo.
"Stray?" Pabulong na sambit ni Ken.
Kate: Hmmm.. mukhang naturuan ka na ng boys.
Claire: hinde pa ako natuturuan sa lagay na to.. you don't know me kate, so watch out bitch..
"That's my Girl!!!" Sigaw naman ni Ken.
Kumindat naman si Claire kay Ken..
Nagkangitian silang dalawa na parang mga bata na nanalo sa bangayan sa kanto.
Lumapit si Ken at niyakap si Claire..sabay bulong "good job pangit"
Claire: Ako pa ba.. Koginawa yata to.
Ken: I'm so proud of you Pangs..
Claire: hinde nyo alam ang kaya kong gawin.
Ken: kailangan ka pa ba talagang itrain?
Claire: malay nyo mas matuto pa ako sa inyo.
Ken: Sino ka ba talaga?
Claire: hmmm.. gusto mo talaga akong makilala?
Ken: Oo naman.
Claire: hahahah. Baliw, ako to, ako lang to.
Ken: Seryoso nga ako pangs.
Claire: seryoso din ako.😂😂
Ken: hmm.. ok, sabi mo eh.. let's drink?
Claire: Ok, pero hinde ako magtatagal.. may anak akong nag hihintay at kailangan ni Trevor pumasok sa office.
Ken: Ok.. mag cocktails kana lang.
Claire: ang boring naman non.. tequila tayo.. para may tama naman.
Ken: May tama kana sa akin?
Claire: Hmmmm.. galingan mo pa ng konti. Baka sakali tatama na..lumilihis pa eh
Pinagmamasdam naman ni Carlos si Ken at Claire.
Hector: Dad, can I ask you something?
Carlos: yes son, what is it?
Hector: mukhang may alam ka tungkol kay ken at Claire..
Carlos: I'm just happy that your brother is happy.. it's time for him to be with someone he really like.
Hector: but dad, i like her first dad.
Carlos: well, lets the best man win na lang.. only claire can decide my son.
Pinagmamasdam ni Hector si Ken at Claire at alam nyang lamang si Ken sa kanya, sa body language pa lang ng dalawa. At may trevor pang naghihintay.
Napansin naman ni Claire na naka tingin si Hector aa kanya kaya nilapitan nya ito.
Claire: wazzup boss?
Hector: Nothing, you seems enjoying ken's company.
Claire: yeah, he's really special you know.. there's something about him na parang I've known him for a long time.
Hector: do you know that he is the best assasssin sa aming lahat?
Claire: I know..
At napangiti lang si claire kay hector..
Hector: paano mo nalaman?
Claire: Koginawa ako remember?
Hector: I like you Claire, matagal na. I've been looking for you since that night.
Claire: hmm.. i like ken. I'm sorry hector, pero yung nangyari sa atin before is just me being naive and young and stupid.
Hector: thank you for being honest Claire.
Claire: I'm really sorry Hector. I know your a great guy. You're a gentleman, you know what I never regret yung nangyari sa atin.
Hector: at least we can be friends.
Claire: Oo naman..
Niyakap ni Claire si Hector.
Hector: pwede ba kitang isayaw?
Claire: Oo naman.
Timing at biglang slow music ang pinatugtog at sumayaw sila Claire at Hector..
Hector: ihahatid ka ba ni bunso mammaya?
Claire: Malamang sya maghahatid sa akin..
Hector: wala syang car dito.. so baka ako rin maghahatid sayo.
Claire: Kahit sino naman maghahatid sa akin wala namang problema.. tiwala naman ako sa inyong lahat.
Hector: Ok, alam mo ba na sa Family mo, ikaw lang ang hinde nakakatakot.
Claire: Paano mo naman nasabi?
Hector: your, dad and your lolo.. they can kill with just snap of their fingers. Thats how dangerous they are.
Claire: really? I wish i could have known them more.. lalo na ang parents ko.
Hector: Alam mo bang assassins din sila?
Claire: May naririnig akong usap usapan, and sabi nga na yun yung reason kaya sila pinapatay.
Hector: sobrang galing ng parents mo.. kaya nga nagtataka kami paano sila naging careless nung araw na yun..and to think kasama ka pa nila that day.
Claire: Hinde nila ako kasama nung araw na yun.
Hector: Huh? Eh sino yung bata na kasama nila?
Claire: Bestfriend ko yun..
Habang sumasayaw sila Hector at Claire, lumapit naman si Justin at nahihiyang nagtanong kay Hector kung pwedeng isayaw nya din si Claire.
Hector: himala ka Justin ah.. sasayaw ka ng babae? Mukhang nag eevolve na talaga kayong lima.
Justin: Never mind na lang kuya.. uupo na lang ako ulit.
Hector: heto na.. isayaw mo na si Claire.. nagtatampo agad eh.
Justin: Thank you kuya Hector.
Saglit na nailang si Claire kay Justin, dahil sa lahat ng boys ito lang ang hinde neto masyadong nakakausap
Justin: Ok lang ba Claire?
Claire: Sure, ok lang.
Justin: Hi Claire.
Natatawa si Claire kay Justin, dahil nararamdaman neto ang panginginig ng mga kamay ni Justin.
Claire: Anong problema mo Jah?
Justin: Wala naman.. nahihiya kasi ako sayo.
Claire: ay weh? Bakit naman nahihiya? Friends naman tayo diba? And hinde ka ba sanay makipagfriends sa mga staff nyo?
Justin: hmmm.. dahil don yun eh. Hinde ka naman kasi ordinaryong staff. Actually Boss ka nga talaga namin. Konigawa ka eh. Lahat kami nagseserve sa Clan nyo. Lalo na sayo kasi ikaw ang susunod sa tagapagmana.
Claire: luh, ang oa na nyan Justin.. empleyado nyo parin ako noh.. boss parin kita.
Justin: pero mas gusto ko yung friends tayo.
Claire: I'm older than you diba?
Justin: I think so, mga 2years ata.
Claire: I can be your ate na pala.
Justin: ayoko..
Claire: Bakit naman?
Justin: Ayoko ko lang.
Claire: Ok, friends?
Justin: friends..btw yung sa training mo, hinde mo na ata need ng help ko eh. Magaling ka naman sa computer eh.. mas kailangan mo sila Josh,Ken at Pablo dito.
Claire: Ok jah..masaya ako na nag uusap tayo, medyo ikaw lang kasi ang hinde ko nakakausap masyado eh.
Justin: pasensya na. Inoobserve ko pa kasi yung mga tao sa paligid bago ako nakikipag usap or nakikipagkaibigan.
Claire: understandable naman.. no worries.
Justin: Upo na tayo.. mukhang tired kana.. kanina ka pa sumasayaw pati si Kuya Hector.
Claire: Sige, join na lang tayo sa kanila.. paalis na din ako mayamaya.
Justin: Ang aga pa ah.
Claire: Maaga din akong susunduin ni Pablo bukas remember?
Papalapit si Claire sa grupo ng mga boys ng hinarangan na naman sya ni Kate.
Kate: hinde ko alam kung anong nakita sayo ng boys at gustong gusto ka nila.
Hinde pinansin ni Claire ang nanggagalaiting si Kate at dumiretso ito sa table na kinaroroon ng boys.
Umupo si Claire sa tabi ni Pablo at kinumusta nya ulit ito.
Claire: Pablo, kumusta pakiramdam mo? Ok ka ba?
Pablo: Oo, nawala yung sakit ng ulo ko sa success ng event kanina. Thank you sa pag oovertime mo.. and sorry if ang dami kong pinapagawa sayo.
Claire: Naeenjoy ko kayang magwork kasama kayo.
Pablo: Mabuti naman kung ganon.. So bukas anong oras kita susunduin?
Claire: Depende sayo..or pwede namang ako na lang ang pumunta sa condo mo. Para hinde kana mahirapan.. send mo na lang ang address mo sa akin
Pablo: ok2x.. I'll send it to you later.
Inabutan ni ken ng shot ni Claire at umupo na rin ito sa tabi.
Ken: ihahatid na kita mamaya.. hiramin ko na lang car ni Dad.
Claire: Ok ken. Salamat.. hinde rin ako magtatagal..
Ken: Hinihintay ka ba ni moon?
Claire: nandoon naman si Trevor..
Ken: So si trevor ang naghihintay?
Claire: Malamang.. hinde makakatulog yun hanggat hinde ako nakakauwi.
Ken: tara shot na.
Claire: ihahatid mo ko remember? So bawal ka ng mag inom ng madami
Ken: Kaya pa mga 3shots.
Claire: sige yung kaya mo lang ha.
Ken: Oo naman. Ako pa ba?
Claire: kampay!
Nagcheers silang dalawa at uminom
Ken: Claire, naalala mo ba nung last time nag usap tayo, diba sabi ko sayo na I like you..
Claire: Yes po, I remember.. why did you ask?
Ken: Napag isipan mo na ba?
Claire: napag isipan ang alin?
Ken: Never mind na lang.. ihahatid na kita, napaparami kana naman ng inom, baka tulugan mo pa ako eh.
Claire: Ok lang naman na matulog ako, hinde naman ako ang driver.
Ken: Subukan mong matulog, iuuwi kita sa condo ko.
Claire: nagbabanta ka ba Felip?
Ken: hinde naman, nagsasabi lang.
Claire: I think i have enough.. lets go?
Ken: Ok, kunin ko lang car key ni Dad.
Saglit na iniwan ni Ken si Claire upang manghiram ito ng kotse kay Carlos, nangbinalikan neto si Claire ay kausap neto si Pablo
Napapakamot na lang ng ulo si Ken.
Agad lumapit si Ken kina Claire at Pablo at niyaya na neto si Claire na umalis.
Ken: Pangit, lets go na.
Claire: Pau, alis na ako. See you bukas.
Pablo: Tawagan kita if on the way na ako.
Bumeso si Pablo kay Claire..
Pablo: Ken, ingatan mo si Madam.
Tumango lang si Ken sa pag sang ayon.
Bago umalis ay nilapitan muna ni Claire sila Stell, Josh at Justin upang magpaalam.
Habang nasa sasakyan sila Ken at Claire, palinga linga naman si Claire sa paligid.
Ken: Kinakabahan ka ba?
Claire: Hinde naman. Bakit?
Ken: pansin ko kasing balisa ka eh.
Claire: ahhh. Baka kasi nakasunod si Kate.
Ken: Nakita ko yung ginawa mo kanina ha.. saan mo natutunan yun?
Claire: at talagang tinatanong mo pa yan? Malamang kay trevor.. sya naman nagtuturo sa akin ng ng self defense eh.
Ken: may ituturo pa ba ako sayo?
Claire: can I ask you something?
Ken: Game, ano yun?
Claire: Ilan na body count mo?
Ken: Wait, what? Paano mo nalaman yang mga ganyan?
Claire: sa mga napapanood ko. Diba may ganon yan?
Ken: ikaw tigil tigilan mo yan ha.. ayaw kong masyado kang naeexpose sa mga ganyan.
Claire: Ay wow, jowa yarn?
Ken: I'm not joking Claire, hinde masarap sa pakiramdam ang pumatay.. Ako naman ang magtatanong.. but its too personal.
Claire: Gaano kapersonal? Kung kaya ko naman sagutin, sasagutin ko
Ken: have you fallen inlove?
Claire: thats cute.. I have love a lot of people, I love trevor, no questions ask. But falling inlove outside my circle.. not yet.. i Thought I have.. pero hinde pala.. how about you?
Ken: I fell inlove with someone like me..
Claire: Really, thats intresting.. assassin din sya?
Ken: Yes, Si Stray, actually kilala sya ni Trevor.. sila ang magkasama.
Claire: Anyare? Have you talk with her? Does she knows that you're inlove with her?
Ken: Hinde mo ako naiintindihan..
Claire: What do you mean?
Ken: I fell inlove with her not as a normal person, I fell inlove with her the way she kills her prey.. diba ang creepy? Nainlove ka kasi magaling syang pumatay ng tao..
Claire: But you still inlove with her right?
Ken: Not anymore, ang hirap na makikita ko lang sya sa twing mya namamatay. Para kaming mga reaper.
Claire: what was her name again?
Ken: Straydog actually. But we call her stray.
Claire: don't tell me sya yung inspiration mo sa gumshi gumshi?
Ken: kinda, but not really.. because I myself is a Straydog. I don't even know where I can from.
Claire: what make you stop loving her?
Ken: Music and you.. maybe?
Claire: Ay, bolero..
Ken: Hinde bola yan, diba vocal naman ako na I like you.
Claire: Ok.. So you don't like stray anymore?
Ken: I like her parin, idol ko yun eh. If we could just ask her na sya na lang magtrain sayo mas ok sana. Pero shes nowhere to be found kasi. Even sila trevor ayaw magsalita. Kasi ayaw nya talagang magpakilala.. as if shes protecting something or someone.
Claire: ganon sya ka mysterious?
Ken: Yes..ganon sya kamysterious.
Claire: Pero if, mabigyan ka ng chance na makilala sya bilang ordinaryong tao at hinde si Stray, gusto mo ba?
Ken: Oo naman, makilala lang naman eh.. uhmm.. ikaw Claire, handa ka na bang pumatay?
Claire: Weh? Bakit ako?
Ken: sa annual council meeting.. paano mo mapapasa ang test kung wala kang mapapatay?
Claire: Seryoso ka? Kailangan kong pumatay?
Ken: Hinde ba sinabi ni daddy sayo yun?
Claire: Hinde..
Ken: kaya ka nga namin itetrain diba?
Claire: Akala ko itetrain nyo ko para protektahan ang sarili ko.. teka ilang months na lang ba bago ang meeting?
Ken: 2 months, sana fast learner ka.
Claire: ikaw ba ang huling magtrain sa akin?
Ken: Siguro, warning lang, si josh seryoso yun. Babalian ka ng buto non.
Claire: Talaga? Ang brutal naman
Ken: Oo, ganon yun.
Nang malapit na sila sa bahay ni Claire, biglang dinahan dahan ni Ken ang pagpaptakbo ng kotse.
Claire: malapit na tayo sa house, bakit bilang naging bente na lang takbo mo?
Ken: alam ko kasing aabutin na naman ng bwan bago ko makita ang kapangitan mo eh.
Claire: Gusto mo bang magstay muna?
Ken: Nandyan si Trevor diba?
Claire: Uuwi si Trevor, may pinapagawa si tito sa kanya.
Pagkatigil nila sa tapat ng bahay ni Claire, agad lumabas si Trevor.
At pinagbuksan sila ng gate.
Agad yumakap si Claire kay Trevor..
Trevor: Miss na miss ah.. higpit ng yakap.. what happen?
Claire: ang dami kong ikikwento sayo.. pero alam kong you need to go. Kasi hinde ka nakapambahay eh.
Trevor: Yes love, akala ko nga makakapagstay ako dito tonight.
Claire: Mag ingat sa pagdadrive boss. Si moon?
Trevor: Syempre tulog na.. I need to go.. I love you..
Claire: i love you too boss..
Kitang kita ni Ken yung yakapan at halikan ni Trevor at Claire.. pero alam nyang walang relasyon ang dalawa..