Stolen Love - Rafael Aldama

By jhelly_star

40.5K 781 17

SWEETEST FALL SERIES #1 How can you love someone even when he or she can't love you back? Are you that so in... More

Stolen Love
SIMULA
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
WAKAS

35

715 17 0
By jhelly_star

--

--




Pasulyap sulyap ako sa table ni Rafael na kasama ang mga kaibigan niya habang kumakain. Nasa harapan ko lang sila kaya madali lang akong nakakasilay.

Napansin ni Trisha ang pagtingin tingin ko sa likuran niya kaya nilingon niya rin tuloy 'yon. Nang makita kung sino ang tinitignan ko, ngumisi siya at tumingin ulit sa akin. Nagtaas siya ng isang kilay.

"Miss na miss?"

Hindi ako sumagot at binagsak ang tingin sa plato ko.

"Huh? Sino?" takang tanong ni Mikael sa tabi ko.

Humalakhak si Trisha. "Wala!"

Kumunot ang noo ni Mikael pero nagpatuloy sa pagkain. Muli akong nag angat ng tingin kay Rafael. My heart pounded when I caught his eyes on me. Seryoso ang kanyang mga mata. Kinuha niya ang kanyang mineral water at uminom habang hindi pa rin inaalis sa akin ang mariing titig.

Hinarangan ni Trisha ang vision ko.

"Kung miss mo, ba't 'di mo lapitan?"

Bumuntong hininga ako.

"Sino ba 'yan?" tanong ulit ni Mikael.

Hindi siya pinansin ni Trisha. "Ikaw ang umalis kaya ikaw dapat ang bumalik, 'diba?"

"Hindi 'yon gano'n kasimple..."

"Bakit naman? E, gusto ka pa naman niya, ah?"

Eto na naman siya. Hindi naman siya sure.

"Hinihintay ka lang niyan lumapit!"

"Sino ba 'yang pinag uusapan niyo?" inip nang tanong ni Mikael.

"Shh! Para sa amin lang 'to, couz! Mamaya ka na."

Nakita kong may isang babaeng lumapit kay Rafael. Nagtinginan agad sa kanila ang mga tao. Everyone immediately whispered to each other. Natigilan din ako.

Dahil sino ba namang hindi mai-intriga ngayong nandito si Alyana at nilalapitan si Rafael.

Napalingon si Trisha nang marinig din ang commotion. Pati si Mikael napatigil sa pagkain at tumingin sa harapan.

"Oh, shit..." narinig ko si Trisha.

"Oh? Si Alyana Sison 'yan, ah? Fiance ni Architect. Ganda pala sa personal!" si Mikael na namangha.

Para akong nanlamig. Hinawakan ni Alyana si Rafael sa mga balikat kaya napalingon sa kanya ni Rafael. Alyana smiled widely and suddenly crouched to kiss his cheek. Iniwas ko agad ang tingin ko bago pa man lumapat ang labi niya sa pisngi ni Rafael. Tumayo ako. Narinig ko ang tilian ng ibang nakakita sa ginawa ni Alyana. Dinala ko ang tray ko at umalis sa aking upuan.

"Tapos na ako..." paalam ko sa dalawa kong kasama at umalis na agad kahit wala pa man silang sinasabi.

Nilapag ko ang tray ko kasama ng ibang marurumi at pagkatapos umalis sa canteen. Ewan ko. Bitter na kung bitter pero ayaw kong makita silang gano'n. Kung noon kaya kong pagtiisan ang sweetness nila, ngayon hindi na.

Parang nangyayari lang ulit ang lahat. Sila... ang mga taong sumusuporta sa kanila... sikat... at ako... nangangarap na naman ng imposible.

Sumakay ako sa elevator. Balak ko nang bumalik sa opisina ko para abalahin nalang ang sarili sa mga trabaho. Tutal marami ulit dumating na trabaho sa akin kanina, tapusin ko nalang agad ngayon. OT ulit ako gaya ng plano.

Pasara na ang elevator nang may biglang pumigil. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko nang makita si Rafael. Dinikit kong maigi ang likod ko sa dingding ng elevator dahil sa kaba at takot sa riin ng titig niya sa akin.

Bakit siya nandito? Umalis siya sa canteen? Paano si Alyana?

Pumasok si Rafael at sumara ang elevator. Nagwawala na ang puso ko sa loob loob. Pinindot niya ang fifth floor. Kabado ay tumayo ako nang maayos para lumapit sa numbers. Pinindot ko ang second floor. But then, Rafael also pressed it at nawala.

"S-Second floor lang ako..." sabi ko.

Mariin ang titig niya. Lumapit siya sa akin at mas lalong nagwala ang puso ko. Umatras ako. He stepped towards me until I was against the wall of the elevator. Pinatong niya ang dalawang kamay niya sa dingding, locking me.

"Bakit ka umalis?" tanong niya.

Tinitigan ko siya. I can see his jaw clenching. Pero dahil hindi ko kayang tagalan ang titig niya ay nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ko.

"I-Ikaw? Bakit ka umalis?" balik ko ring tanong.

Hindi siya sumagot.

"B-Bakit mo iniwan si Alyana?"

Hindi pa rin siya sumagot. Pilit kong nilalabanan ang kaba ko. Nangingibabaw sa akin ang bitterness na dapat ay sa akin lang naman pero ngayon lumalabas na dahil sa ginagawa niya.

Natanaw ko na nasa fourth floor na kami.

"Second floor lang ako..." ulit ko at sinubukang kumawala sa nakaharang niyang braso pero hindi niya inalis 'yon.

Nagkatinginan ulit kaming dalawa.

"You're not going back to your office..." he whispered.

"A-Ano?"

His eyes dropped on my lips. Para na talaga akong aatakihin sa puso. Bumukas ang elevator. Mabilis niya akong hinawakan sa kamay at hinila palabas.

"S-Sandali. Rafael!" tawag ko pero nagpatuloy siya sa paghila.

Mabuti nalang walang tao dahil halos lahat ay nasa canteen! Isang malaking pintuan ang binuksan niya at pinasok niya ako roon. He closed the door and let go of me. Hinarap niya ako.

My heart pounded so fast. Lalo na noong nagkatitigan kaming dalawa. Hindi ko alam kung kanino opisina 'tong pinasok namin pero may pakiramdam akong sa kanya 'to.

"A-Anong ginagawa mo?" kabado kong tanong.

"Bakit ka umalis?" inulit niya lang ang tanong.

Huminga ako nang malalim at pilit tinatagan ang loob. "T-Tapos na akong kumain."

Lumapit ulit siya. Hindi talaga ako mapakali kapag malapit siya! Bakit ba parang hindi pwedeng mag usap sa kanya nang malayuan?

"Liar..."

Napasandal ako sa isang shelf doon na punong puno ng mga libro. Kinulong niya ulit ako roon. Hinarang niya ang isa niyang kamay sa gilid ng ulo ko at ang isa naman ay sa may baywang ko.

"B-Bakit ka ba nandito? Bakit mo iniwan si Alyana?" matapang kong tanong.

His head tilted and his eyes narrowed at me. His lips rose for a small smile. Para akong natutunaw sa titig niya.

"You want me to be there instead, then?"

"B-Bahala ka..."

"Hmm? Shall I go back to her?"

Unti unti akong dinalaw ng inis. Kung gusto niyang bumalik doon edi bumalik siya! Bakit ba siya umalis at dinala niya pa ako rito? Tapos ako ang tatanungin niya?

"Do you want to go back, too?" tanong niya.

Hindi ako sumagot at naiisip lang si Alyana na naghihintay sa kanya sa canteen. O baka sumunod 'yon sa kanya rito. Tapos 'yong mga tao kanina na kinikilig sa kanila. Suportado na naman sila ng lahat. Sabagay, bagay naman sila, e.

"Maybe yes? After all, your boyfriend is there..."

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Boyfriend? Ngumisi si Rafael. Tinulak ko siya pero hindi manlang siya gumalaw.

"B-Bumalik ka nalang do'n!"

"So, it's true? That's your boyfriend, huh..."

"W-Wala akong boyfriend!"

He smirked more. "Good, then..."

Nainis lang ako lalo. Tinulak ko siya nang tinulak sa sobrang inis ko. Naiisip ko pa rin silang dalawa ni Alyana at kung paanong totoo nga ang kumakalat na rumors na pinagkakasundo silang dalawa. Nandito si Alyana kaya ibig sabihin lang no'n ay totoo nga 'yon! Hinalikan pa nga siya sa pisngi!

Sabi niya hindi siya magmamahal ng iba habang kami pa! Pero hindi naman na kami ngayon kaya sige! Okay lang!

Hindi ko alam kung bakit parang tinutusok ng punyal ang puso ko. My eyes burned which frustrated me more! Tinulak ko ulit siya pero dahil wala namang nangyayari, tinakpan ko nalang ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay.

Para naman akong tanga, e! Dito pa talaga ako iiyak! Ayaw kong makita niyang umiiyak ako nang dahil lang sa kanya! Dapat hindi talaga ako pumayag na sumama rito, e! Dapat pinilit ko pa kanina na sa second floor lang ako at hindi nagpadala sa nararamdaman sa kanya!

Pilit inalis ni Rafael ang mga kamay ko sa mukha. Dahil mas malakas siya ay nagtagumpay siya sa gusto niya kahit nagpupumiglas ako. Kinunot ko ang noo ko sa irita pero hindi maka angat ng tingin sa kanya dahil tumutulo na ang aking mga luha. Hawak niya pa rin ang mga kamay ko sa ibaba.

Bakit ngayon pa?

He went closer to me and his nose lingered on my cheek. Dinaanan ng kanyang ilong ang linya ng luhang lumandas sa aking pisngi.

"Why are you crying?" he asked softly.

Sinubukan kong kumawala sa kamay niya pero hindi ko magawa. Masyado siyang malakas kahit isang kamay niya lang ang may hawak sa dalawa kong kamay.

Ngumuso ako at gustong pahiran ang mga luha pero hindi ko magawa dahil hawak niya nga ang mga kamay ko.

"Bakit hindi ka nalang bumalik kay Alyana?" sinagot ko siya ng isang tanong din.

Hindi siya sumagot. He's busy tracing my cheek using his nose. Sinubukan ko ulit siyang itulak.

"Do'n ka nalang! Suportado naman kayo ng lahat, e! Magpapakasal na kayo!" shit!

Nagkatinginan kaming dalawa. Tinulak ko siya. Lumayo siya pero sobrang lapit pa rin niya sa akin. Binitawan niya ang mga kamay ko at pinunasan ang mga luha ko pero iniwas ko ang mukha ko at ako na mismo ang nagpunas no'n.

"How about you? Sasagutin mo ba 'yong nanliligaw sayo na 'yon?"

"Hindi nanliligaw sa akin si Mikael."

Tinitigan niya ang buong mukha ko na para bang kinakabisa niya ang mga nagbago roon.

"Are you sure? You two seems close..."

"Hindi niya ako nililigawan at hindi ko rin siya boyfriend! Ikaw? Fiance mo si Alyana. Bumalik ka nalang kaya sa kanya?"

"You want me to go back to her even when you really don't..."

Natahimik ako. Ramdam ko ang pamamaga ng mga mata ko  He placed his hand on my waist and suddenly pulled me closer to him. Napahawak ako sa kanyang mga balikat. Nagkatitigan kaming dalawa. He looked at me with so much darkness in his eyes.

"You spit lies so well..."

His face came closer to mine. Nagtama ang ilong naming dalawa. Parang nakalimutan ko agad ang kung ano man ang kinagagalit ko. Bumilis ang paghinga ko sa ginagawa niya.

Umawang ang labi ni Rafael habang nakatitig sa labi ko. Para siyang uhaw at gustong tumikim. He moved closer and he was about to kiss me when a knock on the door made me jumped.

Mabilis kong tinulak si Rafael nang magising sa kalasingan at para bang nanghina, umatras siya sa tulak ko. He looked at me darkly while I looked at the door just beside the shelf. Inayos ko ang sarili ko.

"Sir? Can I come in?" boses 'yon ng isang babae.

Shit! Nangyari ba talaga 'yon?

"Come in," napatingin ako kay Rafael nang sabihin niya 'yon.

He's still looking at me intently. Kumalabog ang dibdib ko. Bumukas ang pintuan at pumasok ang isang babae. May hawak siyang folder at nang makita niya ako ay natigilan siya.

"Oh, sorry to disturb you, Sir. I just want to give you this folder," tumingin siya kay Rafael.

"Just put it on my table, Rita," Rafael said while still looking at me.

Mabilis siyang sinunod ng babaeng sa palagay ko ay secretary niya. Tumikhim ako at nagmamadali nang umalis nang hindi nagpapa alam kay Rafael. Hindi niya naman ako pinigilan at hindi rin naman ako magpapapigil!

Continue Reading

You'll Also Like

3.8K 144 51
(Seyon Series#1) Isa lang naman ang gusto ni Patricia, at yun ay ang mapansin siya ng taong matagal na niyang mahal. Lahat ay nagawa na niya para map...
4K 409 38
All she wants is to get his elusive love so when the opportunity came ay hindi na siya nagdalawang-isip pa na isagawa ang plano-ang akitin ito sa kah...
3.2K 380 10
Simple lang ang patakaran ng single at pagod nang mag-mingle na si Tovielle Fuentes, a.k.a. Tofu, para maiwasan na mangyari sa kanya ang sumpa ng mga...
729K 22.8K 43
R18 | MATURE CONTENT He was the kind of man mothers warned their daughters about. The kind who could get a woman's panties wet just with a look, the...