Louisse
Sakit nya magsalita, ha? Pero, tama naman sya. Sapol na sapol ako sa mga sinabi nya. Nagpapasalamat ako na narinig nya mga sigaw ko. Kung hindi, baka nakuha na ako ng unggoy na yon! Takot na takot ako sa nangyari. Sya pa lang ang nagtangka sa akin ng ganon.
Naligo na ako ng umalis si Bea.
Feeling ko ang dumi dumi ko. Dalawang beses ako nagsabon at shampoo.
Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako ng pambahay.
Pinatuyo ko na ang buhok ko at humiga na. Napagod ako sa nangyari. Nakaka drain.
Ang lakas lakas nya. Di man lang nakapalag si Marci. Isang suntok nya tumba na si Marci.
Parang di pambabae ang lakas nya. Para syang lalaki.
Siguro dahil nagjo jogging sya everyday.
Teka, Nagjo jogging din naman ako. Di naman ako ganon kalakas.
Malakas lang talaga sya.
Nakatulog na ako na si Bea ang nasa isip kp.
Maddie : Hoy! Bakit tulala ka dyan?
Louisse : A-ah, huh?
Maddie : First time mong matulala, ah!
Louisse : Ano ka ba, may iniisip lang!
Maddie : At ano naman yon?
Louisse : Kilala mo si Marci?
Maddie : SIno yon?
Louisse : Nakilala ko lang sa bar.
Maddie : So?
Louisse : Nasa condo ko sya last Sunday.
Maddie : O, tapos!
Louisse : We were flirting with each other. Nong paalis na kami para mag lunch, he became aggressive. He wanted to do it with me.
Maddie : Then?
Louisse : He forced himself on me.
Napalaki ang mga singkit na mga mata ni Maddie. At napasapo sa baba nya ang kamay nito.
Louisse : Syempre, ayoko. Nagpupumiglas ako at sumigaw na. He was so aggressive na talaga. And then came, my princess in shining armor!
Maddie : Princess?
Louisse : Yong neighbor ko sa condo. Nakaawang na kasi ang pinto ng unit ko kasi nga palabas na kami. Pumasok sya at sinunggaban si Marci. Isang suntok lang ayon bagsak!
Maddie : Ginawa nya yon? Who is she?
Louisse : Si Bea.
Maddie : Aba! Ang bait naman nya! At matapang! Kahit babae sya, pinagtanggol ka pa rin.
Louisse : Kaya nga. Pinakain pa nya ako. May dala kasi syang foods. Pabalik na sya sa condo nya ng marinig nya yong sigaw ko.
Maddie : Alam mo, Louisse? Baka sign na yan na tumigil ka na sa ginagawa mo. Wake up call mo na yon.
Napabuntunghininga na lang ako.
Nasa office kami ni Maddie ngayon. May pinapagawa si boss sa akin. Kaya tutok na tutok ako sa mcbook ko.
May special project na pinapagawa sa akin. Very important client daw ito.
Bumalik na si Maddie sa station nya.
Nakatingin ako sa glass wall, nag iisip ng magandang concept para sa commercial ng isang company, ang DL Inustries.
Binabasa ko ngayon ang pamphlet about sa company. Hmn. Pino promote nila ang work life balance. Pag well rested at happy daw ang mga employees, mas gaganda ang performance at output nila. Tama nga naman. May insurance/investment company, banks, construction at media/film company sila. Conglomerate na yata ito.
Pro employee sila. Hmn. I will present yong iba't ibang business nila, then kung bakit sila successful.
Yon. Yon na lang.
Naging busy na ako sa laptop ko.
Twelve na pala.
Maddie : Lunch, Louisse!
Louisse : You go ahead na Mads! I am in the middle of something. Baka makalimutan ko ang idea.
Maddie : So, di ka maglu lunch?
Louisse : Buy me a sandwich na lang and cafe mocha, please! Thanks!
Maddie : Oo na!
Umalis na si Maddie. Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko.
Seven p.m. na ng tumigil ako.
Yes! Konti na lang! Niligpit ko na mga gamit ko at umuwi na.
I am so tired. Nag take out na lang ako ng food at umakyat na sa condo.
Naligo muna ako at nagbihis.
Nagdi dinner ako habang nanonood ng tv.
Maganda ang commercial na yon! I am watching news kasi kaya may mga commerials.
Nag isip pa ako ng mas magandang idea para sa commercial na ginagawa ko.
Fiftieth anniversary ng DL Indutries, kaya sila nagpagawa ng short commercial.
Siguro, last scene yong magsasalita ang President nila.
Boss Oliver : Louisse, are you ready?
Louisse : Y-yes sir!
Oliver : Relax! Kaya mo 'to! Let's go na. Pumasok na tayo sa conference room!
Dala dala ko ang mcbook ko at ilang folders.
Wala pang tao sa conference room. Nag set na ako ng laptop ko.
Nagpapa practice na ako sa mga sasabihin ko sa isip ko lang.
Mayamaya ay isa isa ng pumasok ang taga DL Industries.
Diyos ko! Kinakabahan na ako.
Teka lang. Kilala ko yong huling pumasok at umupo sa kabisera!
Bea?
Arnel : Let's start, guys!
Tumingin naman sa akin si boss Oliver at tinanguan ako.
Louisse : G-good morning, everyone! I am going to present the commercial about your company! We will feature each company you have and a..........
Thank God! Dirediretso na ang pagsasalita ko.
Pumalakpak naman sila ng matapos ako.
Arnel : That's good, Louisse!
Louisse : Thank you, sir Arnel.
Bea : Wait.
Napatingin kaming lahat sa kanya.
Arnel : Yes, Bea!
Bea : Let's add something catchy. Let us show the founder of this company. How he started it from scratch.
Arnel : That's a godd idea, Bea.
Louisse : Okey po. I'll just add that to the commercial. I have to ask for his pics.
Ced : I'll email it to you, Louisse.
Louisse : Thank you.
Arnel : So that's all?
Louisse : Yes.
Arnel : Okey. We have to go na, guys!
Nag shake hands naman kami sa isa't isa.
I hug Bea instead. Medyo nabigla pa nga sya. I just smiled at her.
Lumabas na sila sa conference room. Naiwan kami ni boss Oliver. Niligpit ko na mga gamit ko.
Oliver : Good job, Louisse!
Louisse : Thank you, boss!
Lumabas na rin kami sa room.