Reyna ng Kamalas-malasan Seas...

By cyclonicflash

179K 6.6K 866

Nang malaman ni Erahlyn Rodriguez ang kanyang tunay na pagkatao, unti-unti niyang naramdaman na siya'y nakuku... More

His Unlucky Queen
♕ [1]
♕ [2]
♕ [3]
♕ [4]
♕ [5]
♕ [6]
♕ [7]
♕ [8]
♕ [9]
♕ [10]
♕ [11]
♕ [12]
♕ [13]
♕ [14]
♕ [15]
♕ [16]
♕ [17]
♕ [18]
♕ [19]
♕ [20]
♕ [21]
♕ [22]
♕ [23]
♕ [24]
♕ [26]
♕ [27]
♕[28]
♕[29]
♕[30]
♕[31]
♕[32]
♕[33]
♕[34]
♕[35]
♕ [36]
♕ [37]
♕ [38]
♕ [39]
♕ [40]
♕ [41]
♕ [42]
♕ [43]
♕[44] Kevin Mercado
♕[45]
♕[46]
♕[47]
♕[48]
♕[49]
♕ [50]
♕ WAKAS

♕ [25]

3.2K 123 13
By cyclonicflash

♕ [25]

Day 1




Labidoo <3 :


Wanna go out later?



Nagising ako sa tunog ng cellphone ko at halos manlaki ang mata ko sa nabasa kong text mula sa kanya. Kinusot ko ang mata ko at biglang napabangon nang mapansin kong alas-otso na pala ng umaga.



Ako :


May class pa ako ngayong umaga.



Ngiting-ngiti ako habang nagtitipa sa i-rereply ko sa kanya. Kahit wala pang hilamos at toothbrush ay mas inuna ko pang reply-an ang text niya! Hindi naman niya ako maaamoy kaagad, e.


Napatingin ako sa salamin at pinagmasdan ko ang mukha kong may laway-laway pa sa mukha. Halos magdidikit na ang buhok dahil sa natuyo kong laway. Pero hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil feeling ko ang haba ng buhok ko at ang ganda ko. Ikaw ba naman i-text ng isang Rex Garcia at yayaing lumabas, ewan ko nalang kung hindi ka pa rin kiligin.


Ang sarap pala sa feeling kapag.. nagigising ka sa tuwing umaga at pagtingin mo sa phone mo may text na siya kaagad sa iyo. 'Yong feeling na isang text niya lang buo na kaagad ang araw mo. At 'yong feeling na kahit hindi ka na mag-exercise ay parang ang taas ng energy mo na para bang gusto mong sumayaw ng Watch me nae nae sa harapan ng bahay n'yo like yeah! Ang tindi. Tinamaan nga ata ako.


Ganito pala 'yong feeling na may nagpapahalaga sa iyo, may nagtatanong kung kumain ka na ba, nakauwi ka na ba, sinong kasama mo, may kasabay ka ba at may gustong makipagkita sa iyo. Ewan, ang saya sa feeling. Parang nasa heaven na ako. At hindi lang normal kasi.. si Rex Garcia pa ang nagsasabi n'yan sa akin.



Bago pa man ako makalabas ng kwarto ay muling tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko kaagad ang cellphone ko.. at ngumiti muna ako bago tingnan ang cellphone ko. Alam kong siya-



Pero natigilan ako dahil hindi pala sa kanya galing ang text na 'to. Napatagilid ang ulo ko dahil nahihirapan talaga akong basahin ang text na 'yon.



+63928******* :


h3y, nHanDiTo nuAh 'kqam3h sXa lHabAszx n6 gHat3'. <3



Sumakit ang ulo ko. Muntikan ko na maibato ang cellphone ko! Letse. Ang ganda-ganda ng gising ko tapos sisirain lang ng mga ganitong text? Nagmadali akong lumabas para tingnan kung sinong nasa gate namin.. kung sino ang mga jejemon na nasa labas namin.. pero napailing ako nang makita ang pasilip-silip na mga mukhang timang sa tapat ng bahay namin.


Bigla pa silang kumaway sa akin. Napapasok ako bigla sa loob ng bahay at napahawak sa ulo ko.


Susme! Mas okay pa atang nandito si Kuya, e. Kaysa naman 'yong ganyan ang susundo sa akin tuwing umaga. Mga mukhang timang na jejelords na may hikaw pa sa tenga plus kulay tae ang buhok plus tirik-tirik na parang manok plus blank space pa 'yong ngipin nila! Gosh! Nakakarinde. Nasira na kaagad ang araw ko. Akala ko talaga maayos as in may standard pumili si Kuya ng bodyguards, e. Pero hindi pala!


Dalawang araw na nila akong sinusundo rito sa bahay pero noong una ay nagawa ko pang tumakas sa kanila. Halos mahimatay ako dahil hindi ko akalaing ganyan ang susundo sa akin. Ayoko pang pagkatiwalaan ang mga mukha nila at palagi silang nakangiti sa akin. Naiirita ako. Maski si Rex ay hindi nagagawa pang sundan ang kotse na sinasakyan namin para siguraduhing ligtas ako.



"Ang aga-aga nakakuno-Oh tuknene. Sino bang hindi mababadtrip kapag ganyan ang nakikita?" sabay tawa ni Yaya habang nakasilip siya sa bintana. Noong una, ayoko talaga mag-bodyguards pero natuwa na rin ako sa ideya kasi nakakapagkita pa kami ni Rex. Dagdag mo pang shunga 'tong mga kinuha ni Kuya na bodyguards na walang pakialam kahit dumaan si Rex sa harapan nila. Mga tukmol kasi eh.


Tumunog ulit ang phone ko.. at umasa na naman akong si Rex 'yon pero hindi pala. Si Kuya pala ang nag-text.



Kuya :


How's the bodyguard? Naalagaan ka ba nila ng maayos? Hinahatid-sundo ka ba nila? Mababait ba?



Napakunot ako sa noo sa mga tanong ni Kuya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa tanong niya.



Ako :


Kuya, bakit ganoong bodyguards ang kinuha mo? Nagawa mo silang pagkatiwalaan sa lagay na 'yon samantalang si Rex na ang gwapo ay hindi mo mapagkatiwalaan? Like srsly. #nasaananghustisya



Pagkatapos kong i-send 'yon ay pumunta na ako sa CR para maligo. Iniisip ko pa rin kung paano na naman ako makaka-survive ngayong araw dahil sa mga kumag na 'yon. Sila nga ata ang dapat alagaan at hindi ako.


At kung aalahanin ko ang nangyari, muntikan na akong mapagalitan ni Kuya dahil ang tagal kong dumating sa sasakyan noong nakaraang sundo niya sa akin. Mabuti nalang ay hindi niya alam ang room ko kundi.. baka pinuntahan niya ako at wala siyang matatagpuan Erah doon dahil kasama ni Rex.


Nagpapasalamat rin ako sa motor niya dahil mabilis kaming nakabalik at hindi pa nagtataka si Kuya. Naalala ko ang itsura ni Rex habang binabasa ang nakasulat sa puno. Para siyang matatawa, matatae at maiiyak! Halu-halong emosyon.



Sinulatan ko kasi 'yong puno ng Team ERex at tinanong niya pa sa akin ang ibigsabihin noon. Pero s'yempre, hindi ko sinabi sa kanya at nagyaya na akong umuwi! Ganti ko lang sa kanya dahil pinag-isip niya rin ako dati ng ibigsabihin ng boo-brain.


"Erah! Erah!! Isang oras ka na dyan! Male-late ka na naman!" hinahampas na ni Yaya ang pintuan ng CR. Kaya nagmadali na akong maligo at nag-ayos na rin ako ng sarili ko.



Pagkalabas ko sa bahay, sumalubong na kaagad sa akin ang The Kupalz para kunin ang bag ko. Kala mo naman pagkalaki-laki nitong bag ko para bitbitin nila sa akin, e.



"No Thanks, Kumagz." sabi ko sa kanila at naghampasan untugan naman ng kanilang mga ulo. Hindi na rin sila magtataka kung kumagz ang tawag ko sa kanila dahil ilang araw ko na rin silang tinatawag ng ganyan.



Binuksan na nila ang sasakyan para sa akin at sumakay na ako. Nagsiksikan naman sila sa unahan habang nag-uusap ng kung ano mang salita. Nag-suot nalang ako ng earphones para hindi ko sila marinig.


Natigilan nalang ako sa pakikinig ng kanta dahil may nagtext sa akin. Sakto naman siya kaya abot langit na naman ang ngiti.



Labidoo <3 :


What time is your out? I'll wait you.


Agad naman akong nag-reply na 2:30 ang uwian ko pero napansin kong nakatitig na sa akin ang tatlong kupalz. Napataas ang kilay ko sa kanilang tatlo.





"Hohihu, naka-ngiti po kasi kayo, eh."


"Ngayon lang po namin nakita 'yan. Hohihu"


"Palagi kasi kayong nakasimangot sa aming tatlo. Hahehi."


Hindi ko maintindihan kung bakit kada-salita nila may tawa silang tunog ewan, e. Hindi nalang ako nag-react sa kanila dahil baka kung ano pang masabi ko. Madulas pa akong at sabihing sinong tao ang hindi mapapasimangot kapag mukha nila ang nakita sa umaga.


Napansin ko nalang 'yong dalawa na para bang nagda-dubmush doon dahil tumunog ang kantang Twerk it like Miley. Pa-zoom in.. zoom out pa at palipbite lipbite pa! Ay jeskelerd.


Nagmadali na akong makababa sa sasakyan at sinira ko ito ng pagkalakas-lakas. Pero laking gulat ko noong napansin kong nasunod sila sa akin kaya napaharap ako.



"Oh? Bakit kayo sumusunod? Balik na kayo doon. Magdubmush nalang-



"Bilin po kasi si bhouxzcz-



"Ako diba binabantayan n'yo? Sa akin kayo makinig. Sunduin n'yo nalang ako ng 6:30" at pagkasabi kong 'yon ay bumalik na sila sa sasakyan. Mga shunga talaga. Onting tulak lang, sumusunod kaagad. Kumaway naman sila sa akin bago umalis ang sasakyan. Sa katunayan ay 2:30 ang uwian ko.. pero dahil nga magkikita kami ni Rex ay 6:30 ako nagpasundo.



Bago ako pumasok ng room ay binasa ko muna ang message ni Rex na hihintayin niya ako sa kabilang gate.. doon sa pinagkakitaan namin noong isang araw. Ngiting-ngiti akong naglakad papasok sa room.


Medyo kinakabahan ako pumasok dahil 'yong prof ko ngayon..ay 'yong may hawak ng ID ko. Buti pinayagan ako pumasok noong Guard dahil sinabi kong na kay Ms. Puchini 'yong ID ko. Kilala naman si Ms. Puchini bilang prof na mahilig manguha ng ID kapag hindi niya nagustuhan ang estudyante.


Mabuti nalang ay wala pa siya roon. At hindi ako late. Pinagtitinginan ako ng mga ka-block ko pagkapasok dahil hindi nila siguro makalimutan 'yong insidente noong isang araw.



"Ang lakas mong pumasok sa klase ni Ms. Puchi ah." medyo natawa ako sa tawag niya kay Ms. Puchini. Kahit ang iba kong kaklase Ms. Puchi rin ang tawag. Bigla kaming natigilan sa pagtawa nang dumating si Ms. Puchini at nagmadali kaming tumayo na halos madala na ang upuan para i-greet siya. Gusto niya kasi 'yong ganoon. Siya ang kataas-taasang Reyna.



Naging maayos naman ang takbo ng klase. May iilang estudyante pa rin siyang nakuhanan ng ID sa salang hindi nakikinig sa kanya at nakatunganga lang daw sa kanya. Minsan, hindi ko rin maintindihan. Hindi naman siya nagtatanong kaya wala kaming magawa kundi tumunganga. Kaya ako? Kunwari nagsusulat ako ng notes habang nagsasalita siya.. pero puro Rex.. Rex at Rex lang sinusulat ko sa binder ko.



Palabas na sana si Ms. Puchini nang bigla ko siyang tinawag. Oo, ang lakas ng loob ko. Gusto ko na kasing makuha ang ID ko. Kahit ang pangit ng itsura ko roon ay tine-treasure ko 'yon.


"Ms. Puchi.." mahinang tawag ko sa kanya. Natigilan siya sa paglalakad pero hindi siya lumingon sa akin. 'Yong isang mata niya ay nakasilip lang ng kaonti sa akin.



"I mean, Ms. Puchini. P'wede po bang.."



"Bawal." napailing nalang ako. Nagdire-diretso siya sa paglalakad habang nasunod pa rin ako. Hindi pa nga ako tapos magtanong, bawal na kaagad? Napapahawak nalang ako sa ulo ko. Jeskelerd. Mas malala si Ms. Puchi sa The Kumagz.



"'Yong ID ko po.. noong isang araw pa po 'yon, e. Sabi n'yo.. pwedeng na siyang kuhanin ngayon?" medyo nanginginig kong tanong sa kanya. Humarap siya sa akin at may kinuha na nakaipit sa notebook niya.


Hinagis niya sa akin ang tatlong ID ng babae.



"Look for your ID." nanginginig ang kamay ko habang hinahanap ang ID ko sa tatlo. Napailing ako dahil wala roon. Nanlaki naman ang mata niya at hinawi ang bangs niya. May pagka-dora kasi ang hairstyle niya.



"Imposibleng wala--



"Wala po talaga, e." kinuha niya ulit ang ID na hawak ko at tiningnan rin. Pagkatapos noon ay tumalikod siya sa akin bago nagsalita ulit.



"I'm going to look for it." sabay umalis na. Base sa mukha niya ang pagtataka kung bakit wala roon ang ID ko. Pero pinapakita niya pa rin sa akin ang masungit niyang side. Napakibit balikat nalang ako.. at pumunta na sa mga susunod na class ko. Maayos naman ang naging takbo kaya walang problema.



Dumiretso na ako sa kabilang gate pagkatapos noon at hinintay si Rex sa may gilid ng mga puno. Nakasandal lang ako roon at itetext ko na sana siya nang may biglang tumakip sa mata ko.


Pinilit kong alisin ang kamay niya pero hindi ko maalis. Masyado itong malaki.



"Hey.." rinig kong bulong niya at dahan-dahang inalis ang kamay niya sa mga mata ko. Ngumiti naman ako pagkaharap ko sa kanya.



"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Hinanap ng mata ko ang motor niya pero wala akong nakita.



"Wala 'yong motor mo?" pagtatakang tanong ko. Nilagay niya naman ang kamay niya sa bulsa niya tapos umiling.



"I bought my car. Baka mahirapan ka sa motor." ngumiti siya sa akin at inalok ang kamay niya. Nanginginig pa akong kinabit ang kamay ko sa kamay niya. Nahihiya rin ako dahil medyo pinapasma ang kamay ko.



"Rex, nakakahiya." bulong ko sa kanya. Pinagtitinginan kasi kami ng mga estudyanteng dumadaan pero wala siyang paki. Parang siya 'yong Rex Garcia talaga na nakilala ko noon na walang paki kundi ang sarili niya.



Hinigpitan niya pa lalo ang pagkakahawak sa akin.. at tiningnan ako.



"There's nothing wrong with this. Kinahihiya mo ba ako?" sabay hagikgik niya. Napailing naman ako at feeling ko namumula ako! Gosh, Rex Garcia! Ang gwapo mo!



"Basa na ata kamay k-



"I don't care. I want to hold your hand." sabi niya sa akin. Medyo malungkot naman siyang humarap sa sasakyan niya sabay napatingin sa kamay naming dalawa.



"I don't want to.. let go. but.. how can I open the car's door for you?" napakamot ang isang kamay niya sa kanyang ulo. Pero halos manlaki ang mata ko noong hinalikan niya ang kamay ko! Feeling ko ako si Maria Clara. Shet. At parang ayokong hugasan ang kamay ko!! Letse!! Bakit ang tamis ni Rex?!



Bigla akong napatulala.. at feeling ko lumilipad ako sa ere.


"Get in, boo-brain." pangiti-ngiti pa niyang sabi sa akin.



Habang nagda-drive naman siya ay pasilip-silip sa akin.. at biglang hahawak sa kamay ko na talagang kinakagulat ko.



"Where do you want to eat?" tanong niya sa akin. Napakibit balikat lang ako dahil nahihiya naman akong mag-suggest.



"Seriously, Erah. Common. Where?" tanong niya ulit sa akin. Hindi ko talaga alam kung anong isasagot ko.



"Inasal?" tanong ko sa kanya. Nanliit ang mata niya sa akin.


"Jollibee?" mas lalo itong nanliit kaya natawa ako. Anong problema?


"Mcdo?" isa pang suggestion ko. Pero ganoon pa rin ang reaction niya.


"Chowking?" halos lahat nasabi ko na at halos lahat na rin ng nasabi ko ay nadaanan na namin.


"Sorry ha? Hindi talaga kasi ako mahilig sa mga restaurant na pangmayaman at pangsikat, e." sabi ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin.



"Talaga?" tumango ako sa kanya.. at bigla ulit nanahimik. Maya-maya ay humarap ulit siya sa akin.



"Give me places you want to visit." sabi niya sa akin. Napaisip naman ako ng mga lugar. Gusto ko sana sa Visayas or Mindanao pero saka na 'yon! Hindi pa nga ako nakakapunta sa Tagaytay tapos hahangarin ko na 'yong iba.. Oo! Tama.



"Sa Tagaytay. Alam mo 'yong Skyranch? Wala lang. Hindi pa ko nakakarating." Gusto ko lang mag-picture don. Tska malamig kasi, e." tumango lang naman siya at umimik. Hinayaan ko nalang.



Hanggang sa laking gulat ko dahil tumigil sa isang restaurant na parang nasa gitna kami ng dagat. At feeling ko ang layo ng narating namin! Hinawakan niya ulit ang kamay ko.. at hiyang hiya ako dahil nakaschool uniform ako. Parang ang elegant kasi noong restaurant tapos ganito ang suot ko.


"What's wrong--It's okay." sabi niya habang napansing napapatingin ako sa uniform ko.



"Bakit dito tayo inabot? Ang layo, Rex." sabi ko sa kanya. Umupo kami doon sa gitna at parang may pagkaromantic ang place. May ilaw-ilaw ang paligid ang kitang-kita ko pa rin ang dagat. Napakatahimik pa ng lugar.



"Ang ganda dit-



"Yeah. Harbor View." sabi niya sa akin. Napatango lang naman ako dahil first time ko 'to marinig. Napaisip rin ako na baka puro isda ang kinakain dito dahil nasa gitna ng dagat. Parang naiiyak ako kasi nakikita ko pa ang masasayang isdang tumatalon sa gilid tapos maya-maya ay kakainin ko sila. Parang nakakalungkot. Matatapos na kaagad ang buhay nila.



"Bakit hindi nalang tayo nag-Jollibee? Or Mcdo? KFC? Chowking? Inasal? Masarap naman doon, e. Nagpakalayo pa tayo, Rex." inabot sa kanya noong waiter ang menu at tiningnan niya 'yon. May kung ano pa silang pinag-usapan pero hindi ko 'yon naintindihan. Pinapili niya pa ako pero dahil wala akong alam sa menu nila kaya sinabi kong kahit ano nalang.



"I want this dinner to be memorable one. Our first dinner together. And my day 1 of courting you, Erah."


Biglang nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi niya.. pero mas lalo akong nilamig dahil sinuot niya ang jacket niyang itim sa akin!






Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 40.4K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
1.9M 15.3K 87
It's so good to love someone so much it hurts, right?
29.8M 610K 64
Published under Pop Fiction. Available at bookstores/convenience stores nationwide for 195php. Taglish. Completed. Two kindred hearts from two differ...
2.3M 77.9K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...