You and Me

By MaceRed

61 0 0

You and Me This story was created by the creative imagination of the author and based from the experiences s... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47: The Revelation
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77

Chapter 40

2 0 0
By MaceRed

Chapter 40






Isium's POV





"Good morning ma'am!" Bati sa akin ni May ng makapunta ako sa counter.

Ginantihan ko naman ito ng ngiti.

It's Saturday and it's rest time pero hindi eh nagpasya ako pumunta sa resto para tumulong kahit na alas onse na.

"Ma'am may chika ako sa iyo." Nakanguso pa niyang wika sa akin.

Lumapit naman ako ng bahagya sa kaniya.

"Ano yun?" Usisa ko naman. Parang interesting kasi eh.

Nakita ko naman ang pagbuntong hininga nito at bumaling pa sa pinto ng opisina bago tumingin sa akin.

"Si Mayor ho mukhang hindi pa po umuuwe magmula kagabi ganun pa rin po ang suot eh." Nag aalala niyang aniya.

At interesting talaga.

Nung nakaraan ko pa kasi napapansin na parang may problema ang kaibigan kong Mayor kaso dahil nga busy at laging pagod dahil sa training ay laging bagsak ang katawan ko sa kama at mas pinili na lang na matulog kesa ang kausapin sila.

So paano ko napansin kasi number one hindi niya ako kinukulit, number two, isang text lang ang narereceived ko sa kaniya sa araw araw na hindi naman ganoon noon dahil kinukulit ako nito kahit nasa serbisyo ito. At panghuli palaging nasa resto, at dahil doon sa tuwing abala siya rito alam kong may mabigat na problema ito.

Kaya naman ngumiti ako kay May at hindi nagpahalata na nararamdaman kong may problema si Mayora.

"Sige sa office na muna ako. Kayo na muna bahala rito." Paalam ko pa sa kaniya.

"Sige po ma'am!" Nakangiti nitong tugon sa akin dahilan upang ngitian ko rin siya pabalik at tinalikuran na rin at the same time at nagtungo na sa opisina.

Pero bago ko buksan ang pinto ay bahagya pa akong kumatok, paggalang ba.

"Bukas yan!" Rinig ko pang hiyaw niya mula sa loob kaya naman binuksan ko na ito at tuluyan ng pumasok.

"Balita ko dito kana naglalagi. As far as I know naglalagi ka lang rito kapag may mabigat kang problema. So tell me meron ba?" Diretso kong wika pero bago ko siya pasagutin ay inunahan ko siya. "But before answering my question answer this first please..." Tumigil ako sandali at huminga. "So kamusta ka?" Tanong ko saka umupo sa sofa habang siya ay nasa office chair.

"Napakarami mo namang tanong nakakaumay. Okay na okay ako 'no. Atsaka lagi akong andirito kasi free na free ako ngayong week. Period! Tuldok! Huwag kana mag tanong. May pasok ka sa shop magpunta ka dun!" Pagtataboy niya sa akin at talagang tumayo pa para hilahin ako.

"Hoy free din ako ngayon 'no next week pa ang pagdedesenyo ko doon kailangan ko munang patapusin ang intramurals meet. Nakakahastle kaya!" Maarte kong sagot sa kaniya saka binawi ang kamay kong hinihila niya.

"Free ka pala eh. Mag waiter ka dun!" Pagtataboy niya sa akin.

"Teka!" Malakas pero natatawa kong sabi saka tumatayo. Nabeberde ang isip. "Bakit mo ba ako tinataboy may milagro kang ginagawa dito 'no?" Asar na tanong ko sa kaniya na siyang nakapagpalaki sa mata niya.

"Hoy hindi no! I mean wala akong ginagawang milagro dito 'no! Utak mo green!" Asik niya sa akin.

"Psh! Ikaw ang lumabas Mayora kanina kapa nakaupo rito. Kararating ko lang kaya ikaw ang mag waitress dun!" Angil ko sa kaniya.

"Ikaw na dito ako magbibilang ng pera mas magaling ako sa math kesa sa iyo!" Pagmamalaki pang aniya.

"Psh! O sya magpapatalo na ako. I'll respect your decision!" Asik ko sa kaniya na may kasamaang irap saka lumabas narinig ko naman ang mahinang hagikhik nito.

'Napakadaya!

Bago ko suotin ang uniform na pang waitress ay tinext ko si Sore. Matapos isent ang message ko sa kaniya ay nag ready na ako, pinusod ko ang buhok ko upang malinis tingnan, at talagang malinis dahil may kahawanan din ang aking noo.

'May paliparan!

"Hi ma'am can I take your order?" Magalang na tanong ko sa babaeng sa tingin ko ay nasa 40's na habang inilahad ko sa kaniya ang tablet sa kaniya kung saan nandun ang aming mga menu.

Ngumiti naman ito sa akin ng matamis kaya ginantihan ko ito.

"Yes May I?" Aniya tinutukoy ang tablet na hawak ko kaya nakangiti ko itong inabot sa kaniya. "Are you sure na masasarap 'to?" Tanong niya pa.

Kaya naman na pressure ako doon. Kasi first time may magtanong nito sa akin dito. Ganito pala pakiramdam nun yung tipong sasagot kaba ng oo o hindi.

Alam kong masarap ang pagkain dito sa resto, pero hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ay perpekto ang luto. At hindi rin sa lahat ng pagkakataon pare parehas ang taste ng mga tao kaya hindi natin alam kung sasapat ba o makokontento sila sa lasa ng pagkain. May matataas ang panlasa yung bang gusto nilang lumalamang ang alat, tamis at anghang pero may mga tao rin naman na gusto ay yung sakto lang.

"Hey miss!" Aniya at pumitik pa sa harap ko dahilan upang matauhan ako.

Napangiti naman ako ng alanganin sa kaniya.

"Y-yes ma'am!" Sagot ko sa kaniya.

"Mukhang may iniisip ka pa ah. Ganun ba kahirap ang tanong ko sa iyo para mapressure ka?" Tanong niya sa akin.

'Paano niya nalaman?

"Huwag kana magtanong halata sa iyo." Nakangiting aniya. "Ito ng oorderin ko." Aniya at pinindot na iyon nakita ko naman na kanin at adobo iyon. "Gusto ko Ikaw ang magluto." Nakangiting aniya habang ang mga panga ay malayang nakapatong sa dalawang kamay niya.

"Ho?" Hindi ko makapaniwalang tanong pero nanatili lang itong nakangiti sa akin. Kaya naman napalunok ako ng laway ko at napatango sa gusto niya. "Si--sige po, just wait for a few minutes po." Nagaalangan ngunit nakangiti kong wika sa kaniya.

"Okay I'm willing to wait." Tugon niya kaya naman nakangiti ko siyang nilisan.

I guess she's trying to test me.

"Hi!" Bati ko sa mga tao sa kusina. Nagulat naman ang mga ito sa akin dahil bihira talaga ako gumawi rito madalas ay si Mayora at si Sore kapag nandirito.

"M---ma'am nagawi ho kayo?" Nag aalangang pang wika ng isang kusinero dito.

"Oo eh napag utusan ng isang customer ako daw magluto para sa kaniya." Sagot ko sa kaniya.

Natigilan naman ang iba ng sabihin ko iyon.

"K-kaya niyo ho ba ma'am?" Nag aalangan ding sagot ni Sheryl ang dishwasher namin.

"Kakayanin." Nakangiti kong sagot.

Kaya naman inumpisahan ko ng maghanda ng gagamitin sa pagluto.

Luckily at marunong din ako magluto kahit papaano, tamad lang talaga ako magluto kaya hindi nahahasa ang galing pagdating dito.

Tinulungan naman ako sa paggayat ng mga samya at karne ng isa sa chef namin na si Carlo.

"Thank you. Ako na bahalang magluto." Wika ko pa rito dahil kahit papaano naman ay ayokong madissapoint ang customer namin kapag nalaman na nagpatulong ako sa pagluto.

Tamang gayat lamang ng mga samya ay ayos na sa akin iyon.

Nang matapos kami sa paggayat ay pinakuluan ko muna ang karne at nilagyan ito ng konting asin at luya. Ang sabaw kasi nun ang gagamitin kong pangsabaw sa adobo.

Hindi naman na ako pinakialaman nila dahil abala na rin ang mga chef sa pagluluto ng ibang putahe para sa ibang customers namin.

Nang matapos ang ilang minuto ay natapos na rin ako sa pagluluto.

"Chef Jane tikman mo nga baka palpak." Tawag ko pa kay Chef agad naman itong tumalima palapit sa akin.

"Alam ko naman pong marunong kayo eh, sa galaw niyo na lang at paraan ng pagluluto alam kong masarap iyan." Nakangiting puri nito sa akin kahit na hindi pa nito natitukman ang luto ko.

"Sus wag mo na akong bolahin, tikman mo na." Aya ko pa saka ako kumuha ng kutsara at kumuha ng konting sabaw at ibinigay ito sa kaniya.

Napalunok naman ako sa kaba ng dahan dahan niya itong hinihigop. Napapikit pa.

'Maasim kaya? Tanong ko pa sa sarili ko dahil baka napasobra sa suka ang lagay ko.

Nang imulat nito ang mata ay nagsalita na ako agad, inunahan na siya.

"Ano maasim?" Nakangiwi kong tanong.

"Hindi naman ako nangangasim ma'am eh. Perfect!" Aniya at napalakpak pa.

Kaya naman napangiti pa ako at animong kinilig sa sariling gawa ko.

Nang matapos kong ihanda ang order niya ay dinala ko na ito sa kaniya.

"Paumanhin po sa inyong paghihintay." Nahihiya kong wika dahil halos 20 minutes ang naigugol ko sa paghahanda.

"It's okay. Under pressure ka eh. Thank you." Wika niya sa akin matapos kong ihain lahat ng order niya.

"Hmm mukhang mabango ang adobo. Matikman nga." Aniya saka kinuha ang kutsara at marahang tumikim ng sabaw ng adobo. "Malinamnam, yung sabaw ba nung nagpapakulo ka ng karne ang ginamit mong pangsabaw?" Tanong nito sa akin.

"Opo." Nakangiti kong sagot kahit na kinakabahan.

"Hmmm. Okay." Aniya animong judge sa Isang patimpalak sa pagluluto dahil nag cross arm pa ito sa harap ko. Tumingin ito ng mataman sa akin na siyang nakapag pa buntong hininga sa akin. "Pwede ka ng mag asawa!" Masayang aniya at dahil sa masyadong malakas iyon ay napatingin na sa gawi namin ang iba.

Nanliit naman ako dahil doon.

Wala pa nga akong boyfriend talagang sa pag aasawa ako dinuduldol ng mga tao sa paligid ko ke kilala ko man o hindi.

My gosh!

------

Hapon na at nagpapahinga ako sa table hindi na ako pumasok ng opisina nilocked kasi ni Mayora! Putek na yaan!

May ginagawa nga siguro talagang milagro!

Hayst!

"Hey guys!" Malakas na wika ni Jericho kaya naman napatingin ako rito.

Alas tres pa lang kasi at kapag ganito ay either wala o konti lang ang pumupunta dito dahil umaga, hapon at gabi dumadagsa ang customer dito.

"I closed niyo ang resto!" Wika pa ni Ronnel.

Napakunot naman ang noo ko rito.

"Bakit anong meron? Mawawalan kami ng customer?" Mataray kong wika.

"Kami magbabayad!" Mayabang na aniya.

'Tsk ganiyan talaga kapag mayaman eh mayabang! Charot.

"Andito na pala kayo." Masayang wika ni Mayora pagkatapos lumabas ng opisina, napatingin naman ako rito ganun din siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Nagtatanong kung ano bang meron.

Wala kasi akong alam dahil naging abala ako kaya naman haggard ako ngayon ni cellphone ko ay hindi ko magawang buksan.

"Magpalit kana Isium, pawisan kana. Eto oh!" Bigla ay singit ni Ethan saka ako inabutan ng paper bag imbes na tingnan ito ay siya ang tiningnan ko.

'Concerned.

Woh ha!







To be continued.......

Continue Reading

You'll Also Like

202K 6.5K 50
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...
2M 25.3K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
440K 23K 34
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.