...
3rd year na kami. Wohoooo sa wakas. Konting kembot na lang.
"Biscocho, paula denise" halos maluha luha akong nagpaalam kila honey, mike at thea nung tinawag pangalan ko na kabilang sa section B. Wala akong magawa. Tss :( sobrang lungkot. Yung tipong di na kami magkakasabay magrecess kase magkaiba oras namin. Pero sana kahit sa lunch magkasabay sabay pa rin kami kahit minsan.
...
Nakakalungkot talaga. Nag aaral naman ako mabuti pero bakit sa section B ako napunta. Buti nga magkatabi lang yung room ng section A at section B e. Pwede pa ko sumilip silip sa kanila sa loob pag vacant. Hehe
"Ok class i will be your adviser for the whole year MR. ALBERT ANTIVEROS" nung una naiiinis kami sa kanya kase sobrang pilosopong teacher. Minsan nababastos na rin namin sya, halos walang gumagalang sa kanya. May time nga na gusto nya na gumive-up sa section namin kase worst section daw kami. Malas ko naman kase lagi na lang kasama ako sa sinasabihan ng worst section. Pero proud ako sa taong to kase natiis nya kami. At habang tumatagal naman unti unti na nya kaming napapatino lahat at napapamahal na rin kami sa kanya.
...
Christmas party ata yun ng nag iyakan kami lahat pati adviser namin. Pagpapasalamat , paghingi ng tawad at pagpapatawad ang nangyari bago matapos christmas party.
...
At habang tumatagal din parang unti unti ko n di napapansin na magkahiwalay pala kami ng section nung mga kaibigan ko nung 2nd yr. Kase sobrang dalang talaga namin na mag usap. Kung makapag usap man ,wala pang 5mins kase kapos sa oras. At isa sa naging dahilan ko ng pagngiti ay yung mga bago kong nakilala na kaibigan, sila MARYJANE, RHOAN AT MARYJOY .. puro matataba yang mga yan haha.
Sir albert use to call us 1000 bratz tuwing nakikita nya kami na magkakasamang apat. You know why 1000? Hahaha
. Ako kase payat ako daw yung 1 tapos ung tatlong mataba kong friend sila yung mga zero. Haha. Yun ang history don.
...
...
...
"Huyyyy naninilip k n naman jan!!!" Sigaw sakin ni jane (pero mas sanay ako n natal tawag ko sa kanya, Natal surname nya) nung nakita nya ko na nakasilip n naman dun sa maliit n butas ng pader sa pagitan ng room namin nila honey. Minsan kada tapos ng isang subject dito kami nag sisilipan. Nag uusap sa pamamagitan lang ng mga mata at kumpleto na araw ko, ewan ko lang si honey. Haha.
"Ang ganda nun piggy" tawag ko kay natal yun piggy hehe.
"Alin baga jaan?" Tanong nya at sumilip din sya.
"Yung singkit na babae. Sa front sit" sabi ko sa kanya habang sya nakasilip p rin don sa butas. Di ko alam kung nakita n b nya tinutukoy ko.
"Ay si panie yun e. Tropa ko yun tol. Stephanie garcia name taga bayuin. Haha ganda ng tropa ko noh?" Pagmamalaki nya. Hehe sabagay maganda nga talaga. Aaminin ko crush ko sya. Hehe unti unti ko na rin kase kinalimutan yung pagtingin ko kay honey kase alam ko naman n di maaari. Bukod sa may gusto syang iba, mag bestfriend pati kami.
Binigyan ko lang naman si piggy ng isang makahulugang tingin at ngiti.
...
"Honeybes, kaclose mo yung stephanie?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami. Sabay kase kami ngayun umuwe. Haha. And take note inintay ko sya makatapos maglinis ng room. How gentleman of me. Haha
"Hmmm, medyo lang bakit?"
..
"Ahh wala, mabait ba yon?"
Tanong ko agad
"Oo ata. Eh bakit nga?" Naguguluhan nyang tanong.
..
"Ah wala nga" sabay kamot ko sa batok. "Nung isang beses kase n sumilip ako dun sa butas, sya una napukaw ng tingin ko. Hehe" nahihiya kong paliwanag sa kanya. Ok lang yan bestfriend ko naman sya e. Haha
"Ahhh *smirk. Gusto mo kilalanin ko para sayo bes? Aalamin ko yung mga favorites nya, at mga hates nya. Ok ba yun?:D" mukang naamoy na nya na may gusto ako dun sa panie n un hehe.
"Luh. Wag na honeybes. May classmate ako na tropa nya. Haha dun n lang ako magtatanong. Syempre ayaw ko naman na mapagod ka pa. Love na love kaya kita" sabi ko sabay akbay sa kanya at binilisan na namin ng lakad kase medyo madilim na.
.....
"Bantooooot...." tawagg sakin ni roan martes ng umaga
"Oh agang aga para kang ginigilitan jan?"
"May chika ako sayo bantot tang ina kaaaaa!!!!"
..
"Tang ina mo rin ano ga yon?"
Sya si roan. Roan ellise espeleta. Isa sa mga close friend ko nung third year ako. Sorry po sa bad words, ganyan po talaga kami mag usap nyan. Pero wag nyo po iisipin na masamang tao kami ha. Naging expression lang po talaga namin dalawa yang word na yan. Tsaka po pagpasensyahan nyo na yung tawagan namin ah. Parehas amoy ng ihi. Tawag ko kase sa kanya panghe at tawag nya sakin bantot. Ewan ko ba kung bat yan iisipan namin na gawing call sign. Hehe. Ayaw ko kase nung pasweet na call sign e. Like munch, bunch , and chubaeki pa more
"Hahaha type mo pala si panie?" Nalintikan na sinabi na kaagad ni jane dito. E isa pa naman tong chismosa. Tsss. Napatap na lang ako sa noo ko.
"Sira hindi nagagandahan lang ako"
..."lelong mo. Sus dun din naman punta nun. Haha"
...
"Tae ka hindi nga. Pag nagagandahan type agad?" Pilit na tanggi ko.
...
"Pinsan ko yun e." Sabi nya. Wait . Ano? Pinsan nya? Edi mas mapapakinabangan ko tong baboy na to kesa kay piggy pagdating kay panie. Haha
"Totoo panghe? Wait. Ano mga favorites nya panghe? Or hates? May crush ba sya dito? May boyfriend na ba sya? Mabait ba sya? Di ba sya suplada?" Sunod sunod na tanong ko.
...
"Haha parang biglang nag iba ihip ng hangin" sabi nya at tumingin tingin pa sa kawalan.
"Kala ko ba di mo type? E kung makapagtanong ka parang liligawan mo na e"
...*death glare
"Tutulungan mo ba ko o tutulungan?"
"Haha atulungan nga mandin. Sisiw laang sa akin yun." Kumpyansang sagot nya
"Oh ayan na pala sya bantot. Magpapogi ka dali" di mapakaling sabi nya habang paulit ulit ang pagtapik sa braso ko. Ako naman agad ko iniharap sa salamin pagmumuka ko.
Ayan na sya. Paakyat n sya sa hagdan .. tugs tugs.. tugs tugs..
"Insaaaaaan" parang nakadrugs na tawag nya sa pinsan nya at inakbayan ito. Para talagang baliw tong si roan haha
"Oh *tingin mula ulo hanggang paa at paa pabalik sa ulo. Ano nakain mo at pinansin mo ako dito sa school?"
...
"Ah ay may gusto daw makipag kaibigan sa iyo insan eh.
...
Paula parne na aba. Kala ko ga ay gusto maging kaibigan si insan?" Kinaway kaway naman nya sakin ung kamay nya senyales na pinapalapit nya ko sa kanila.
"Ahh ha-hi" nauutal ako tsss.
Sheyt. Inabot nya pa kamay nya sakin. "Steph na lang. :)" lalo syang gumanda pag nakangiti may dimple pa. At ang lambot ng malaanghel at kumikinang sa kinis nyang kamay. Para ngang ayaw ko nang bitawan pero kailangan.
"Pau na lang " balik ngiti ko sa kanya at binitawan ko na kamay nya.
"Sige steph pasok na kami sa room ikaw din salamat :) tsaka baka maospital pa ko pag nagtagal p ko dito sa harap mo e babye :)" paalam ko sa kanya sabay hila kay roan na nasa tabi ko nakalimutan ko andito nga pala sya.
...
"Booom . Nagets m ba banat nya insaaan? Kung di m nagets mamaya ko na lang explain sayu ahhhhh " tuluyan na kaming nakapasok sa room. Nakakahiya talaga tong baboy na to.
"Ang ingay mong hayup ka. Baka yun e kumalat nakakahiya"
....... sa di kalayuan natanaw ko naman si jane na papasok ng room.
"Hoy natal antanga mo naman. Bat sinabi m agad dine kay roan yung tungkol kay panie. Ay walang piho pa naman ang bunganga nire"
...
"Ahaha para dalawa na kaming matulong sa iyo" loko talaga to. Maya maya kalat n s buong room to.
...
Alam ko na bang-aw" biglang sabi ni jane.
"Ano na naman?" Walang gana kong sagot.
"Diga't malapit na ang js natin?" Sabi ni jane
"Oh what's with that fvcking js?" Sabi ko
"Sira .. isayaw mo!" Walang kwentang ideya ni jane tss.
"Oo nga bantot" sabi pa ni roan
"Mga nananaginip ba kayong dalwa? Isasayaw ko? Eh parehas kami nakagown? Tsura namin non? Buti ga kung porma at gupit lalaki na ako ay hindi naman" eh muka naman talaga kaming shunga pag ginawa ko walang kwentang pinagsasasabing dalwang to. Isipin nyo rin po kaya. Hehe laswa diba.