Alexi's POV
Yakap-yakap ko ang baywang ng husband kong si Andrus habang pilit na kinakalma ang galit sa mukha nito.
Hindi parin mapawi ang inis at pagkairita sa mukha ni Andrus pagkatapos ng pag-uusap na iyon sa harapan mismo ng hapag-kainan. Sa tinagal-tagal ng aming pagsasama nito ay unti-unti ko ng nakikita o nasisilayan ang kung anong ipinapahiwatig ng lahat-lahat ng mga emosyon na bumabalot sa mukha ng husband ko.
At sa ngayon, kitang-kita ng mga mata ko ang pagkairita nito sa mismong ginawa ng sariling pamilya o madaling sabihin ay ng Ina nito, bagay na hindi ko rin maunawaan kung bakit ito ginagawa ni Mrs. Saavedra.
Ang buong akala ko ay maayos na ang lahat. Na wala ng ni anomang hadlang sa amin at ng pamilya nito, pero dahil sa pangyayaring ngayon ay unti-unti ding nabalot ng pagtataka ang aking puso.
Hindi ba ako gusto ng Ina ng lalakeng pinakasalan ko?
Nang akmang ibubuka ko ang aking labi para pawiin ang nag-uumapaw na pagkairita sa guwapong mukha ng husband kong si Andrus, tinig ni Mr. Ambrose Saavedra ang siyang umagaw sa aming atensyon dahilan para malunok ko kung anomang bagay ang ninanais kong sabihin rito.
At sa tagpo ding iyon ay napansin ko ang mabilis na pagbabago ng emosyon sa mga mata ng husband kong si Andrus. Nabahiran ito ng hindi lang pagkairita at napalitan ng maliit na galit na hindi man lang nito ninanais itago sa sariling Ama.
"Alexis, gusto kang makausap ni Veronica."
May pag-aalala sa mga matang pinakatitigan ni Andrus ang Ama nito, kapansin-pansin rin ang mabilis na pangkunot ng noo sa pagkakabanggit palang ni Mr. Ambrose Saavedra sa pangalan ni Mrs. Saavedra.
"No, Dad..." Kunot ang noo na turan ni Andrus bago mabilis na iniharang nito ang katawan sa mga mata ng Dad nito sa akin.
Muling nagtama ang mga nagbabagang mga mata ng dalawa na animo'y walang may nais na matalo sa isa't-isa bagay na ikinabahala ko ng husto. Natatarantang bahagyang hinaplos ko ang braso ni Andrus para maibsan ang namumuong tension bago pasimpleng ngumiti at yumukod sa Ama ng husband ko at nagsabing.
"Andrus, I think---"aniya ko na hindi pinatapos ni Andrus.
"No, wife."
"Subukan mon balewalain ang iyong Ina, Andrus. Ako ang makakaharap mo."mariin at walang emosyon na turan ng ama nito.
Sa mga sandaling ito ay damang-dama ko na ang kaninang bahagyang tension sa paligid, ngayon ay tuluyang napalitan ng tila ba napakabigat at malamig na aurang mabilis nanunuot sa aking kalamanan, maging ang tahimik na si Butler Wu na ngayon ay nakatayo sa tabi ng Ama ni Andrus ay kinakitaan narin ng bahagyang pagbabago ng expression sa mukha nito. Mababanaag ang maliit na pagkabahala sa matandang mukha ng Butler habang nakatitig sa mag-amang Saavedra.
Nung mapansin kong ninanais ni Andrus ang muling magsalita sa harapan ng Ama nito ay agad ko itong mabilis na pinigilan sa pamamagitan ng marahang paghawak sa braso nito bago magbigay ng isang matamis na ngiti para pawiin ang anomang tension na nag-uumapaw sa dibdib ng husband ko. Hindi makakatulong ang maiinit na salitan ng mga salita sa kung anomang sitwasyon na kinasusuongan namin ngayon. At nasisiguro kong hindi magugustuhan ni Mr. Saavedra ang mga salitang bibitawan ngayon ng husband ko kung kaya ay kinailangan kong gawin pakalmahin muna ito upang maiwasan ang nagbabagang tension sa dalawa.
"Andrus. Gusto ako makausap ng Mom mo. At sa nakikita ko ay walang masama doon. Sige na, bitawan muna ang palad ko, pupuntahan ko na ang iyong Ina."
Mahinahong sabi ko sanhi upang bumaling sa akin si Mr. Ambrosio ng may mapang-unawang titig sa mga mata nito. Sa totoo lang ay wala akong nakikitang mali o kakaiba sa Ama ni Andrus. Wala ni katiting na pandidiri o pagtutol sa mga mata nito bagay na nagbigay sa akin ng isipin na wala itong maling pagnanais para sa pagsasama namin ng anak nitong si Andrus.
"Good. Maiwan ko muna kayo--- at Alexis? Nasa harden ang wife ko, puntahan mo nalang at naghihintay siya doon."
"Yes Dad."
Ito ang huling mga salitang binitawan nito sa akin bago seryoso ang mga matang bumaling sa husband kong si Andrus at nagsabing.
"At ikaw, mag-uusap rin tayo."
Seryoso ang mga matang saad nito bago kami iniwan, na siyang rason para madama ko ang unti-unting tension na nagsisimulang muling bumalot sa katawan ng husband kong si Andrus.
Alam kong labag sa kalooban ni Andrus ang pag-uusap namin ng Ina nito dahil narin sa nangyari sa hapag-kainan at sa pagtanggap nito sa dalagang si Tontawan. Ngunit gaanoman ang pagnanais nitong ilayo ako sa pamilya nito,dama ko or naniniwala akong may rason sa kung bakit ginawa ito ni Mrs. Saavedra. Nung araw na pumasok ako sa pamilyang ito, damang-dama ko ang malugod na pagtanggap nito sa akin, kaya hindi ako mabilis na magbibigay ng isipin sa kaunting pagbabago sa kilos nito. Marahil nga ay may dahilan ang lahat ng ito at sa pag-uusap naming ito ay nasisiguro kong malalaman ko ang lahat.
"Lexie wait---"
"Andrus, please?" Malamlam ang mga matang pinakatitigan kong mabuti ang lalakeng kaharap ko habang paulit-paulit na hinahaplos ang braso nito, ninanais kong maramdaman niya ang katotohanan sa sasabihin ko at ang makuha ang pagtitiwala nito. Alam kong sa paningin ni Andrus ay isa akong Ger at wife nito, pero hindi ibigsabihin nito ay mahina na ang tulad kong Ger. Ger man o babae ay may kakayanan parin kaming humarap sa anomang problemang aming kakaharapin. Marahil ay masarap ang sumandal sa ating mga partner/asawa, pero mas maiging matutunan natin ang paminsan-minsan ay magawang tumayo sa ating mga paa, hindi lang para sa pagsasama ninyong mag-asawa kundi para narin sa sarili mo. Nang sa gayon ay makita ng asawa mo na may kakayanan kang tumayo at manindigan sa tabi niya.
"Hubby, please... huwag ka na munang pumagitna sa kung anomang hidwaan meron kami ng dalaga sa Tontawan Family. Pangako. Hawak-hawak ko ang sitwasyon. Ako na ang bahala sa sitwasyon naming iyon."
Marahang sabi ko sa kaniya bago maingat na hinawakan ang kamay niya na siyang rason para makitaan ko ng paglamlam ang kaniyang mga mata.
Ilang sandali muna akong pinakatitigan ni Andrus bago ko napansin ang pag-iwas ng mga mata nito.
"Fine. Wifey--- pagbibigyan kita. Pero hindi ako nangangako na hinding-hindi makikialam. Gawin mo ang lahat-lahat ng iniisip mong hakbang pero huwag mong kalilimotan ang pag-iingat. You can go ahead and do whatever you want. Tawagin mo lang ako kung kinakailangan mo ng tulong."
Sa mga salitang ito, pakiramdam ko ay parang sasabog sa halo-halong emosyon ang puso ko. Ang marinig ang mga salitang ito mula sa labi ng lalakeng minamahal mo ay malaking pampagaan ng dibdib ko. Ngunit isang bagay ang mabilis na bumabagabag sa aking dibdib.
Paano kung hindi nito nagustuhan ang mga magagawa ko?
Go ahead and do whatever I want?
"Talaga hubby? Magagawa ko kung anoman ang ninanais kong gawin sa babaeng 'yon? What if, What if napagtanto mo na hindi pala ako ang taong inaasahan mo? Andrus kapag nagkataon ba ay magsisisi kang pinakasalan ako?"
Sa isiping magbabago ang pagtingin ni Andrus sa akin, naghuhurumintado sa takot at pait ang puso ko.
Sa sinabi kong ito ay isang malamlam na mga mata ang ipinukol ni Andrus sa akin bago ako niyakap ng mahigpit at ubod ng pagmamahal na hinagkan sa aking noo at nagsabing.
"Hindi kinakailangan ng wife ko ang maging mabait sa lahat. Ayaw ko ng sobrang kabaitan nakakasura na'yon. Kung ano ka, matatanggap kita, dahil ikaw ay ikaw. At iyon ang mahalaga, kung kaya huwag kang matakot na ipakita sa akin sa kung sino ka at kung ano ka talaga. Kung gusto mong maging masama. Ako na ang gagawa nun para sa'yo. Tanggap kita Alexis. walang ibang po-protekta sa iyo kundi ako. Talikoran ka man ng lahat, puwes, akong husband mo ang tatalikod sa kanilang lahat. Kung saktan ka ng lahat dahil sa pagiging totoo mo. Ibabalik ko sa kanila ang sakit na naranasan mo. Huwag mong pakaisipin ang iisipin ng ibang tao. Sa akin mo ituon ang mga mata mo. At ako lang ang pakatitigan mo dahil sa'yo lamang nakatuon ang mga mata ko. Alexis, buong buhay kong patutunayan ito sa'yo kung kinakailangan. Tandaan mo...mahal kita."
Mahal kita.
Paulit-paulit na nag-umigting ang mga salitang ito sa utak ko. Damang-dama ko narin ang pagbilis ng pagtibok ng aking dibdib na para bang ninanais nitong tumalon palabas sa aking dibdib. Pakiramdam ko ngayon ay nagsimulang uminit ang gilid ng aking mga mata dahil sa mga emosyong nag-uumapaw sa kaibutuuran ng aking dibdib.
Ngayon ko lamang naramdaman ang ganitong emosyon dahil sa isang tao. Ngayon ko lang din narinig ang mga salitang ito mula sa isang tao. Ni minsan ay hindi ko ito naramdaman kay Vincent noon bagay na mabilis na tila ba lumulunod sa aking puso dahil sa napakasayang damdamin na ito.
"Ma-mahal din kita Andrus. Mahal na mahal..."Mariin at naluluha ang mga matang kong tugon sa kaniya sabay yakap ng mahigpit sa balikat nito.
Gawd!!
Mahal na mahal ko na talaga ang lalakeng ito. Salamat nalang talaga at isang Andrus Saavedra ang napili kong pakasalan noon.
Sinong mag-aakala na sa isang maling pagmamahal ko kay Vincent Logan noon ay makikilala ko ang isang Cold-blooded ng Saavedra Family? Kung babalikan ko ang mga araw na'yon, masasabi kong wala akong pinagsisihan na iniwan ako sa ere ng ex-fiance ko. Sa ngayon ay masaya akong nangyari ang lahat ng iyon.
Dapat na ba akong magpasalamat kay Krystal?
Siguro sa pagkakataon na ito ay Oo. Nararapat akong magpasalamat sa ginawang pang-aagaw nito sa ex-fiance ko dahil nakilala ko ang lalakeng ngayon ay yakap-yakap ng puso ko.
--------------
Ilang sandali lamang. Sa loob ng study room.
Kasalukuyang magkaharap ngayon ang mag-amang Andrus at Ambrose Saavedra. Madarama ang matinding tension at mabigat na aurang bumabalot sa paligid dahilan upang bahagyang manginig sa takot ang katawan ng mga taong nasa loob ng silid na iyon.
Sa parte naman ng mga taong pinagkakatiwalaan at nakakikilala sa mag-ama ay masasabing ng mga ito na normal na sa dalawang katakot-takot na nilalang na ito ang ganitong aurang nag-uumapaw sa dalawa sa tuwing mag-uusap. Kung kaya ay magalang na yumukod si Sebastian at ang taohan ni Mr. Ambrosio Saavedra na nagngangalang Sion bago magkasabay na umalis sa kinatatayuan at tinungo ang pinto at lumabas mula sa study room.
"Dad. Hindi ko gusto ang ginawa ni Mom." Ito ang paunang salitang nagmutawi sa labi ni Andrus pagkatapos ng ilang sandaling malamig na katahimikan sa kanilang mag-ama. Sa totoo lang ay normal na sa kanilang mag-tatay ang ganitong pag-uusap. Isang tension na napakabigat sa ibang maaring makakasaksi, pero para sa kanila, normal lang ito. Ganito ang nakasanayan ni Andrus sa Dad niya at ganito rin siya pinalaki ng Grandpa Saavedra sanhi upang makilala siya bilang Cold Blooded Prince ng Saavedra Corporation.
Siya at ang kaniyang Ama ay sinanay ng Old Saavedra na maging isang taong hindi makikitaan ng ni katiting na emosyon bilang paghahanda narin sa buhay na kinasusuongan ng kanilang Pamilya. Hindi madali ang maging parte ng Saavedra Family dahil maraming mga matang nakatuon sa kanilang direksyon at naghahanap ng kung anomang kahinaan nila. Kung kaya ay kinakailangan nilang maging maingat, maging katakot-takot, or kung maging halimaw kung kinakailangan para lamang mapangalagaan ang kapakanan ng buong Saavedra.
Ito rin ang rason sa kung bakit naging matigas ang puso ni Andrus. Ni minsan ay hindi sumagi sa kaniyang isipan ang pagmamahal. Wala siyang pakialam sa kung sinoman ang babaeng kaniyang pakakasalan na siyang dahilan sa kung bakit ganoon nalang nabuo ang kasal sa pagitan ng dalawang pamilyang Saavedra at Tontawan. Para kay Andrus, ang kasal ay isang bahagi lamang ng obligasyon niya sa Saavedra, bilang pagpapatuloy ng kung anomang nasimulan nila at ugnayan sa ibang malalaking pamilya. Walang pag-ibig sa nasabing pagsasama ngunit, sinong mag-aakala na darating sa buhay niya ang isang male conceiver na nagngangalang Alexis Mendes? Isang pagsubok na sisira sa matigas na pader na matagal-tagal rin niyang naibakod sa kaniyang puso. Sinong mag-aakala na ang matigas at malamig niyang puso ay matutunaw ng dahil sa isang Ger?
Ngayon, dahil sa pangyayari sa mismong harapan ng hapag-kainan at sa harapan ng kanilang Pamilya. Hindi mapigilan ni Andrus ang galit na nagsimulang mag-umigting sa puso niya na ngayon ay bumabalot sa kaniyang buong katawan dahilan upang hindi maging malinaw ang kaniyang desisyon. Isipin palang ang masasaktan ang Ger wife niya dahil sa dalaga ng Tontawan family ay nagbabadyang maghulagpos na ang galit sa puso niya.
At ito ang bagay na napagtanto at nababanaag ngayon ni Ambrosio sa mismong anak niya. Kilala niya ang anak niya dahil malaki ang pagkakapareho nilang dalawa. Cold-blooded monster at kinatatakotan ng nakakilala sa high society. Ngunit, Isang bagay ang hindi niya gusto sa anak. Ang pagiging padalosdalos nito lalo na pagdating sa usapan sa Gher wife nitong si Alexis. Nababahala siyang ito ang maaring ikapahamak ng anak at ikasira ng kanilang Pamilya. Noon pa man ay ito na ang kaniyang pinag-aalala.
Kung magpapatuloy ito ay kinakailangan niya, bilang Ama nito ang muling sanayin ang anak niyang si Andrus upang muling ihanda as an heir of the Saavedra Empire. At base narin sa kinikilos at pagiging malapit ng matandang Saavedra sa Gher na siyang rin na ipinagtaka niya. Alam niyang hindi makakatulong sa pagkakataon na ito ang kaniyang Ama, kung kaya ay kinakailangan na siyang mismo ang kikilos para sanayin ang anak na si Andrus kahit ikagalit man ito ng matandang Saavedra.
Hindi masama ang maging tapat na asawa pero ang maging kahinaan mo ito, ibang usapan na ito lalo na at bahagi ka ng SAAVEDRA.
Dahil dito ay kinakailangan niyang maitama ang lahat. Kung naging matibay lang sana si Andrus at hindi nagpakita ng kahit kaunting kahinaan o emosyon hindi na sana sila kikilos ng asawa niya.
Hindi ibigsabihin nito na puputulin niya ang kasal ng dalawa. Ang kinakailangan niya lang gawin ay muling ipaalala kay Andrus ang tunay na kataohan nito bilang isang Saavedra.
"Alam ng iyong Ina ang ginagawa nito. At hindi kita tinawag dito para kausapin ukol sa bagay na iyon. May mahalagang bagay tayong nararapat pag-usapan. At kilala mo ako Andrus, wala sa bokabularyo ko ang tumanggap ng salitang hindi."
Sa mga salitang ito ay mabilis na nagbago at napalitan ng seryosong emosyon ang buong mukha ni Andrus senyales na nakuha ni Ambrosio ang atensyon nito bagay na ikatango ng lalake.
"Good. Magsimula na tayo."
Matamang pinakatitigan ni Andrus ang kaniyang Ama habang masusing sinisiyasat ang bawat salitang binibigkas nito.
"Dad. So, binabalak niyong subukin ang kakayanan ni Alexis?"
"Yes."
Walang emosyon at gatol na tugon ni Ambrosio na siyang dahilan upang bahagyang mapakuyom ng kamao si Andrus.
"No, hindi maaari... hindi ko magagawa ang sinasabi ninyo."
"Magagawa mo. Tandaan mo Andrus sa kung anong klaseng pamilya ang meron tayo. Noon ay pinagbigyan ka namin ng Mom mo para sa kaligayahan mo at sa pagliligtas ng wife mo sa kapatid mo. Wala sa bokabularyo natin ang tumalikod at lumimot sa utang na loob. Pero hindi ibigsabihin nun ay mawawala na ang pag-aalala dito sa puso namin."
Sa bawat salitang nagmumutawi sa labi ng ama ay unti-unting bumabalot ang mabigat na emosyon sa buong katawan ni Andrus bagay na napansin narin ng ama nito.
Sa bawat salitang nagmumutawi sa labi ng sariling Ama ay unti-unting bumabalot ang mabigat na aurang pumapaloob sa buong katawan ni Andrus. Kung naroroon pa sina Butler Wu at Sebastian, marahil ay nakadama na ang dalawa ng matinding takot at pagkabahala sa mga puso nila.
"Nalalaman ba ito ng grampa?"
Mariin at walang alinlangan na pagtatanong niya sa ama kapagkuwan ay umismid.
"Walang bagay ang makatatakas sa mga mata ng Lolo mo. Hindi man magsalita o kumilos ang Grampa mo. Alam kong ito rin ang tumatakbo sa utak niya ngayon. Son, makinig kang mabuti. Ang lahat ng ito ay para sa wife mong si Alexis at sa posisyon nito. Ayon sa mga nakalap kong impormasyon nagsimula ng kumilos ang Third Branch at Tontawan family. Hindi pa kumpirmado pero may nasagap akong balita patungkol sa ugnayan ng Montefalco at Pamilyang Tontawan at hindi ito maganda. Nababatid kong nauunawaan mo ang mga sinasabi ko tama ba?. Kung gayon ay kinakailangan na natin ang kumilos at maghanda."
Sa mga salitang narinig ay tuluyan na ngang naagaw ang atensyon ni Andrus bagay na ikinakalma ng puso ng ama nito.
"So, ano bang Plano?" Andrus asked, na maaninag ang mabigat na tension na nagsisimulang sumibol sa puso nito.
"Kinakailangan nating subukin ang asawa mo para makita ang tibay nito. Kinakailangan ni Alexis ang mapatunayan na karapat-dapat siya bilang isang kabiyak mo." Aniya ni Ambrosio sa mahinahong paraan habang nakatingin sa mukha ng anak.
"N-ngayon na...?"
"Ngayon na."mariing sagot kapagkuwan ay humarap sa computers na nasa harapan nito at nag type dito.
"Alam kong ayaw mong mapalayo sa ger mo pero huwag mong kaligtaan ang young miss ng Tontawan family. Kilala mo ang Pamilyang iyon, hindi madaling lumimot ang angkan na'to."
"Heh. Hindi ba't matagal na nilang pinutol noon ang anomang nag-uugnay sa kasal namin ng dalagang anak nila? Sila ang pumili ng landas at desisyon nila noon bagay na hindi nila maaaring isisisi sa atin. Iniisip ba ng pamilyang ito na wala akong nalalaman sa pagpunterya nila sa Montefalco noon? Pinapaniwala ang lahat na kaibigan ng Tontawan ang Montefalco kung kaya ay nanatiling tumayo ito sa side ng pabagsak na pamilya? Iniisip ba ng pamilyang Tontawan na bobo at mga tanga ang Saavedra? Tsk. Dream on."
Napapikit nang mariin ang Ama ni Andrus bago tumugon.
"Tuso ang matandang Tontawan, Son. At ito ang nararapat na matagal mo ng nalalaman magmula noong kumilos ang iyong Grampa at Ako upang masalba ang Montefalco. At ngayon ay ito rin ang gagawin natin upang mapanatili ang kaligtasan at posisyon ng wife mong si Alexis. Iniisip ng karamihan na isa sa rason ng pagpapakasal mo sa kanya ay dahil sa pagliligtas nito sa kapatid mo. At isa ito sa nakikita naming posibilidad na gamitin nilang bala upang masira ang posisyon ng wife mo sa pamilyang ito. Huwag mong kalilimotan na iniligtas karin ng dalaga sa Tontawan family bagay na hindi natin maiiwasan kahit gamitin pa nating rason ang patungkol sa Montefalco noon, wala parin tayong sapat na ibedensya."
Sa mga salitang ito ay unti-unting naglaho ang kislap ng ngiti sa mga mata ni Andrus.
"Dad,kung ganoon ay ano ang balak niyo? Paano mapatunayan ni Alexis ang kakayanan nito sa pamilyang nating ito? Matutulungan ba ni mom si Alexis ko?"
"Yes." Walang alinlangan na tugon ng ama bago marahang pinagmasdan ang anak nito.
"Good. Then tell me. Ano bang gagawin ko?"aniya ni Andrus sa walang ganang paraan.
"Natin. "Makahulugan na tugon ni Mr. Ambrosio Saavedra.
"Ano? Natin? Ano'ng ibig mong sabihin sa sinabi mong 'natin' dad?"
Ilang sandali munang tumitig ng seryoso at walang emosyon si Ambrosio sa anak nito kapagkuwan ay marahang tumango at muling nagsalitang.
"Gagawin nating dalawa. Ako at ikaw."
Tigagal na napatitig si Andrus sa ama at nang mapagtanto na seryoso ito at walang pag-aatubiling sa mga mata. Dito na Niya naikuyom ang kamao kapagkuwan ay mariing suminghap nng malalim at nagtanong.
"Fine. Ano bang gagawin nating dalawa?"malamig na pagtatanong ni Andrus.
"Kamatayan."
.
Katahimikan.
Ilang sandali ng katahimikan.
"Teka-- ano? Dad. I'm sorry, but pakiulit nga nung sinabi mo?"
"Kinakailangan natin ang mamatay."tugon nito kay Andrus sa wala paring emosyon na paraan.
Ang mamatay? Nagbibiro ba ang kanyang ama? Pero hindi pa ito ni minsan nagbiro lalo pa't seryoso ang sitwasyon. Kung tama ang hinala ni Andrus ay malaking bagay ang naiisip ng ama niya at paniguradong may basbas ito ng Grampa Saavedra.
"Tama ang narinig mo, Son. Kinakailangan natin ang 'pekeng pagkamatay' para maisagawa ang Plano. Huwag kang mag-alala sa wife mong si Alexis, kasama nito ang iyong Ina. Ito na ang tamang panahon para mapatunayan niya ang tibay at pagmamahal niya sa iyo."
"Pero..."
Hindi mapigilan ni Andrus ang mapatitig sa ama niya. Isipin palang ang magiging reaction ni Alexis sa pagkamatay niya, naghaharumintado na sa halo-halong emosyon ang kaniyang dibdib.
"At hinding-hindi maaaring malaman ni Alexis ang katotohanan sa ngayon. Sa pagkakataon na ito ay masusubok ang pagmamahal ninyo at pagiging wife niya sa sa'yo. Son, Tandaan mo. Hindi ako tumanggap ng salitang 'hindi' nauunawaan mo naman ako diba, anak ko?"seryoso at pinupuno nang pagbabantang saad nito bagay na hindi magawang pigilan ni Andrus ang maikuyom ang kaniyang mga kamao sa galit.
Pekeng pagkamatay? Matinding kalungkotan at sakit ito para kay Alexis. Ano nalang ang iisipin at madarama ng Gher kapag mapag-alaman nito ang buong katotohanan? Kamuhian kaya siya nito? Sa isiping ito pakiramdam ni Andrus ay lolokohin niya ang asawa sa kauna-unahang pagkakataon.
Matindi man ang paghuhumiyaw ng galit at pagkairita sa puso ni Andrus, pigil ang mga hiningang naikuyom nito ang kaniyang mga mata bago madiin ang mga matang nakipaglaban ng titigan sa amang si Mr. Saavedra, saka mabigat na tumango sa tinuran nito.
"Yes, Dad... nauunawaan ko. Alang-alang kay Alexis ay magagawa ko ang ipinag-uutos mo."
"Good. Remember, I am doing this for your own good. Para sa Saavedra at para narin sa asawa mo. Huwag mong kalilimotan na isa kang Saavedra. Walang kahinaan ang isang Saavedra, huwag mong kalimotan iyan."
"Yes dad....."
➿➿➿➿➿➿➿➿➿
EDITED:
ANGELICA'SBOOK
BOYSLOVE FANFICTION M-PREG