Wala akong nagawa nang hilain ako ni Jackson paalis sa lugar na iyon. Wala ako sa ulirat at blangko ang aking isipan habang mahigpit na magkasiklop ang kamay namin at hila-hila niya ako papunta sa lugar na hindi ko alam. Ang nais ko na lang ay makalayo sa puwestong iyon. Malayo sa tanawin nila Greg. Hindi ko kaya ang nakita ko. Sino ang babaeng iyon?
Ang sabi niya saakin ay sa bahay lang siya dahil walang mag aalaga sa kapatid niya. Ang sabi rin niya ay dadalaw sa bahay nila ang mga pinsan niya kaya hindi siya makaaalis ng bahay. Pero ano 'yong nakita ko kanina? Bakit kailangan niyang magsinugaling saakin? At higit sa lahat, bakit may kasama siyang ibang babae na halos magyakapan na sila sa labas ng sasakyan niya kanina? Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang paghalik noong babae sa pisngi ni Greg? Ano'ng meron sa kanila at ganoon ang tratuhan nila sa isa't isa?
Sumisikip ang dibdib ko at malalagutan na ako ng hangin sa katawan sa isiping, may relasyon sila ng babaeng 'yon. Oo aaminin ko nagsisinungaling ako kay Greg. And God knows kung gaano ko na gustong itigil ito dahil nais kung manatiling loyal kay Greg. Ang kaibahan lang ay hindi ko ginagawa ang giawa niya kanina. Kitang kita ko ang kasiyahan sa mukha niya habang kasama ang babaeng 'yon. Samantalang kung kami ang magkasama ni Jackson ay parang hinahiwa ng blade ang puso ko sa sobrang guilty.
Na gusto kung itulak si Jackson ngunit hindi ko magawa. At isa pa, alam niya na magkakilala kami ni Jackson. Pero siya? Hindi man lang nagsasabi. Winaksi ko ang kamay ni Jackson ng huminto kami sa isang car park na iilan lang ang nakaparadang sasakyan. Umupo ako sa damuhan sa gilid at doon unti unting tumulo ang luha ko. Mas masakit pa pala ito, kaysa iyong nagsisinungaling ako sa kanya. Iyong makita ng dalawang mata ko na may iba siyang kasamang babae.
"Dito ka lang, h'wag kang aalis at babalik ako" mariin at nalamig ang boses na sabi ni Jackson ngunit hindi ko na pinansin ang sinabi niya at hinyaan siyang umalis.
Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Pinunasan ko ang luha ko at napailing. Greg loves me, at hindi niya magagawang lokohin ako. Gustong sabihin ng puso't isipn ko na mali ang nakita ko. Kinukutuban ako. Ngunit hindi ko parin maikukubli na nagdududa ako dahil kitang kita ng dalawa kung mata ang masasaya nilang tawanan. Tumawa ako ng peke at kinalma ang sarili ko.
Paano na lang kung wala si Jackson kanina? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Marahil ay nakalumpisay na ako sa sahig kung hindi pa niya ako hinila kanina. Napayuko ako at nagisip ng kung ano'ng pwedeng sabihin at itanong kay Greg. Matagal akong nakapikit ngunit walang pumapasok sa isipan ko. Tanging kaba lamang ang nararamdaman ko. Inangat ko ang aking ulo ng makarinig ako ng yabag. Si Jackson iyon at may dalang bottled water. Seryoso ang mukha nita at salubong ang kilay. Kitang kita ko rin ang nagkikiskis niyang panga.
Umupo siya sa tabi ko at inabot ang tubig. Hindi siya nakatingin saakin ngunit ramdam ko ang nag aalab na galit sa sistema niya dahil mabibigat ang paghinga niya.
"Inumin mo 'yan ng kumalma ka at mag uusap tayo ng masinsinan" napalunok ako at kinuha 'yon.
Hindi naman ako nauuhaw kaya konti lang ng ininom ko. Sapat na upang manubig ang natuyo kung lalamunan. Rinig ko naman ang mumunti niyang mura at nagsindi ng sigarilyo. Nagtakip ako ng ilong ng bumuga siya ng usok. Ayoko talaga sa mga tataong naninigarilyo. Pero, Jackson is an exception. Dahil kahit may bisyo siya, namumula parin ang labi niya at hindi 'yon na ngingitim. Mabango rin ang hininga niya hindi katulad sa ibang naninigarilyo.
Nakatitig lamang ako sa kanya habang naghihithit ng sigarilyo ng bigla siyang tumingin saakin habang nasa bibig pa niya ang sigarilyo. Napapikit siya mg makitang nakatakip ako sa ilong at tinapon ang sigarilyo niyang hindi pa nakakalahati.
"Ba't mo tinapon? Ayos lang ako, at may panyo naman ako" imbes na matuwa siya sa sinabi ko ay mas lalo lang nagsalubong ang kilay niya.
"Naninigarilyo ako, Trixie. At halata naman ayaw mo sa ganoon" ani niya.
"Ayos nga lang kasi, komportable naman ko sa'yo" sambit ko naman at umiwas ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang galit niyang mata.
"Linoloko ka ba ni Greg? Tangina naman, Trixie! Akala ko ba mahal ka niya? Ba't may kasama siyang ibabang babae?!" Sabi ko na nga ba at bubuksan at bubuksan niya ang nangyari kanina. Linunok ko ang nakabara sa lalamunan ko at napayuko.
Ako mismong girlfriend niya ay hindi alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung bakit may kasama siyang ibabang babae.
"Hi-hindi ko alam, Jackson. Wala akong alam" ang tangi kung nasabi.
"Ano?! Naglolokohan ba kayo?! Nawala ka lang sandali may iba na siyang kasama?!" huminga ako ng malalim at hinarap siya.
"Mahal niya ako, Jackson! Mahal na mahal! Bakit ikaw pa ngayon ang mas naaapektuhan? Samantalang ako ang girlfriend niya!" hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at nasigawan ko siya.
Pinipilit kung huwag siyang pagtaasan ng boses dahil nagpapasalamat ako sa panghihila niya saakin. Nag iisip ako na positibo ang lahat. Pero heto siya at ginagatungan pa ako! Tiim ang bagang niyang tumitig saakin at nagtatagis ang panga niya.
"Eh ako? Hindi mo ba ako naiisip, Trixie? Mahal kita. Ilang beses ko bang dapat ipakita at ipadama 'yan sa'yo, huh? Gusto lang kita Trixie, noon. Pero sa nakalipas pang araw ay mas lalong naging agresibo ang damdamin ko sa'yo!" hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinaharap sa kanya. Napasinghap ako ng matitigan ang nagaalab sa galit niyang mata.
"Mahal kita, Trixie. Mahal na mahal. Pwede, ako naman ang intindihin mo? Dahil hindi ko kayang nakikitang umiiyak ang babaeng mahal ko! Iniiyakan mo ang taong mahal mo. Tangina, ang sakit nito" paos ang boses niyang sabi at hinawakan ang kamay ko at dinala 'yon sa kaliwang dibdib niya.
Hindi ako nakasagot at nakaawang ang labing nakatitig lamang sa kanya. Bakas na bakas ang kalungkutan sa mukha niya. Nasaktan ako sa nakita ko kanina, sa kasamang babae ni Greg. Ngunit hindi ko lubos na maamin sa sarili ko na mas masakit pa pala ito. Ang makita ang malulungkot at nagsusumamong mata ni Jackson. Dapat ay magalit ako, dahil mahal niya ako. Ngunit kabaliktaran ang nararamdaman ko. Parang tumatalon sa saya ang puso ko sa pag amin niya. Pero mali ito. Mali ang mahalin si Jackson dahil mas mahal ko si Greg.
"J-Jackson" ang tangi kung nasabi. Binitawan niya ang kamay ko at hinilot ang sintido niya.
"Ano ang pwede kung gawin? Para mabura ko si Greg diyan sa puso mo. Mali ito, alam ko. Pero Trixie, malakas ang bugso ng damdamin ko sa'yo. Pigilin mo akong mahalin ka. Alam ng diyos kung gaano ko gustong gawin 'yon, ngunit hindi ko kaya. Patawarin mo ako, dahil hindi ako papayag na magkaayos kayo ni Greg" rumagasa ang galit sa buong katawan ko at tumayo sa harapan niya. Paano niya nagagawang sabihin ang mga bagay na ito?!
"A-ano" garalgal ang boses kung sabi at hinawakan ang damit niya sa leeg. "Nagpapaka martyr kasaakin? Nakita mo lang na may kasamang ibang babae si Greg sinasabi mo na 'yan?! Jackson, alam mo naman palang mali ito! Bakit mo pa pinagpatuloy? Bakit mo hinayaang mahulog ka saakin ng ganito? Mahal ako ni Greg! Malay mo kaibigan niya lang 'yon! Nadadala ang lahat sa maayos na usapan! Kailangan ko lang marinig ang paliwanag niya!"
Inilisi niya ang kamay ko at tumayo sa harapan ko na salubong ang kilay. Parang konting salita ko pa at aapaw na ang galit niya. Ramdam kung pinipigilan lang niya ang sigawan ako.
"Ginagawa ko ito dahil mahal kita! Hindi mo mahal si Greg! Ako ang mahal-" hindi ko na pinatinapos ang sasabihin niya at sinampal ko siya ng malakas sa pisngi na halos tumagilid na ang mukha niya. Kitang kita ko rin ang pagdaloy ng dugo sa pisngi niya. Nadaplisan iyon dahil sa suot kung singsing.
"Wala kang karapatang diktahan ang puso ko! Wala kang karapatang turuan ako sa dapat na gagawin. Hindi ko sinabing magpakamartyr ka saakin dahil lamang sa mahal mo ako. Jackson, ni hindi ko lubos maisip kung totoo ba 'yang lumalabas sa bibig mo. Kaya pwede ba, itigil mo na ito. Mahal ko si Greg at hindi ko siya hihiwalayan dahil lamang sa nakita ko. Hindi siya katulad mo"
Sa sinabi kung 'yon ay unti unti niyang binaling ang tingin saakin. Napaatras ako ng konti ng makita ang namumula niyang mata. Napatakip ako sa bibig ko ng makita ang butil ng luhang dumaloy sa pisngi niya. Humalo na iyon sa dugo dulot ng pagsampal ko. Halos hindi ko na maramdaman ang sarili ko at halos matinding tibok ng puso ko na lamang ang naririnig. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko. Ba't umiiyak ang isang Jackson ngayon sa harapan ko? Tumawa siya ng peke at pinunasan ang dugo at luha sa pisngi niya.
"Sana, Trixie. Sinabi mo na lang na hindi mo ako gusto. Na ayaw mo saakin. Sana'y hindi mo na lang ako pinaasa. Hindi 'yong maririnig ko pa ang namumutawing kasinungalingan diyan sa bibig mo. Nagpakamartyr ako dahil ang alam ko ay may mapapala ako. Ramdam ko ang malakas na epekto ko sa'yo. Oo gago ako. Pero iyong ikumpara ako kay Greg?" Tumawa nanaman siya ng peke at hinilot ang sintido niya. Parang nawala na ang lahat ng dugo sa katawan ko at matutumba na ako sa lubos na kaba. Nasasaktan ako sa sinasabi niya.
"Malayong malayo kami ni Greg. Mayaman siya, may sasakyan. Maibibigay niya ang lahat ng gusto mo. Ako? Mahirap lang ako, walang wala ako. Pero may mga bagay na alam kung ako lang makakabigay noon sa'yo. Walang wala ang pera niya. Itong puso ko? Nasa'yo na ito, Trixie. Kahit na kay Greg iyang puso mo. Nagpakatanga ako kahit alam kung si Greg ang pipiliin mo. Kaya kung ibigay sa'yo ng buong buo ang sarili ko. Oras, pagmamahal, tiwala. Handa akong mag bago para sa'yo. Hindi ako katulad ni Greg dahil ako ito, si Jackson! Si Jackson na matryr at handang gawin ang lahat maging akin ka lamang! Magkaiba kami, magkaibang magkaiba. Sana ay makita mo kung ano'ng meron saakin na wala kay Greg. Walang wala ang materyal niyang bagay sa pagmamahal ko sa'yo"
Tuluyan na akong hindi nakagalaw sa biglaang pagsabog ng nais niyang sabihin saakin. Unti unting gumuho ang pinagsamahan namin ni Jackson. Kasabay noon ang unti unting pagkawasak ng puso ko. Tagos sa dibdib ko ang sinabi niya. Na para bang bawat salitang binibitawan niya ay nahihiwalay ang bawat piraso ng pagkatao ko. Na para bang unti unti niyang inaalis sa pagkatao niya amg pinagsamahan namin. Na para bang sinasabi niyang nagsisisi siyang pinagaksayahan pa niya ako ng oras.
"Ito na ang huli. Ito na ang huli dahil hindi na ako uulit pa. Hindi na ako susubok pa sa'yo, Trixie. Umuwi ka na, dahil ito na ang huli nating pagkikita pa. Ayoko na ng kahit anong bagay na makakapagpaalala sa'yo, Trixie. Paasa ka" puno ng hinanakit niyang sabi bago ako tinalikuran at tuluyan na akong iniwan.
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng maayos matapos ang tagpong iyon saamin ni Jackson. Tulala ako at balisa. Hindi ko alam ang gagawin o di kaya ay sasabihin sa sinabi niya. Nauumid ang dila ko. Sa dami ng sinabi niya ay iisa lang ang tumatak sa isipan ko na nakakapanghina ng husto. Parang sinisira ng salitang 'yon ang pagkatao ko.
Umuwi ka na, dahil ito na ang huli nating pagkikita pa. Ayoko na ng kahit anong bagay na makakapagpaalala sa'yo, Trixie. Paasa ka"
Parang isa iyong uri ng musika na patuloy na naglalaro sa isipan ko. Huminga ako ng malalim at napapikit. Ginawa ko iyon, at gugustuhin ko ito. Hinalungkat ko ang aking cellphone sa bag at laking gulat ko ng makita ang missed calls ni Greg at message niya. Halos sumabog na inbox ko sa dami ng text niya. Pati ang missed calls niya ay hindi ko na mabilang sa daliri sa dami. Kinalma ko ang aking sarili at dinial ang number niya. Siguradong nag aalala na 'yon saakin. Matapos ang tatlong ring ay saka lang niya sinagot.
"Hello Greg" pinasigla ko pa ang boses ko upag huwag na siyang magalala ngunit natigilan ako ng marinig ang maingay sa paligid. Parang na sa Bar siya. Ngunit nanigas na ang katawan ko ng marinig ang boses ng isang babaeng hindi ko inaasahan.
"Hello? Lasing na si Greg. Tumawag ka mamaya" ani niya at binabaan na ako ng linya.