Hunstman Series #:10- The Reb...

By MayAmbay

292K 8.7K 967

Colombus Hunstman HUNSTMAN 3rd GEN SERIES. "I'll never be your slave! I'm a doctor and not your people!" Tan... More

THE REBELLION'S LEADER
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
EPILOGUE

Chapter 19

5.3K 162 11
By MayAmbay

CATARINA'S pov's:
#Panganib

"So, may balak ka bang sabihin sa akin kung bakit mo kasama ang lalaking iyon kagabi, Laureen?" Mataman ko siyang tinititigan dahil umiiwas ang tingin niya na kanina ko pa napapansin.

Nandito kami ngayon sa isang fastfood at kagagaling lang mula sa check-up niya. Gaya nga ng sinabi ko kagabi ay sinamahan ko siya ngayon dito sa bayan para sa check-up niya.

"K-kami na po, ate...."

"What?!" Medyo tumaas ang boses dahilan para mapatingin sa akin ang ibang customers dito. Agad naman akong huminahon. "As in kayo na? May relasyon na kayong dalawa?"

"O-opo...." Napatampal ako sa noo ko sa naging sagot niya. Hindi ko alam kung anong sinabi ng lalaking iyon sa kaniya upang pumayag siya na makipagrelasyon dito.

Hindi man sa ayaw ko na magkaroon sila ng relasyon, in fact nga bonus na iyon dahil ang lalaking naman iyon ang ama ng pinagbubuntis niya. Pero ang ipinag-aalala ko lang ay baka nabigla lang si Laureen para magkaroon ng ama ang baby niya, habang ang intensyon naman ng lalaking iyon ay hindi sincere at pinaglalaruan lamang si Laureen.

Mas maganda sana kung paghirapan muna ni Laureen ang lalaking iyon kung desidido nga ito na panagutan siya o kung totoo nga ang hangarain nito na mabigyan ng magandang buhay si Laureen. Baka ang totoo niyan ay pinaglalaruan lang pala nito.

"Mahal mo ba ang lalaking iyon? Hindi kaya ay nabigla ka lang at nagpadalos-dalos sa desisyon mo, Laureen?" Mahinahon kong tanong na agad niyang kinatango at iling.

"Mahal ko po si Russell, ate...." Pilit na sinalubong niya ang tingin ko. "Masaya po ako sa naging desisyon ko at alam ko na mahal din ako ni Russell." Patuloy niya na kinahinga ko ng malalim. Okay. I'm lost to her.

Kahit ano pa man ang sabihin ko ay alam ko na hindi siya makikinig at ang gusto pa din niya ang masusunod. So be it. I'll be happy too if where she finds her happiness, and I need to support her decision as long as she's happy with that bastard man.

Pagkalabas ng fastfood ay binili muna namin ang mga reseta ng ob-gyne niya bago dumiretso sa kalapit na mall para ipagshopping siya ng mga personal na gamit at maternity dress niya. I used my own money dahil kung ang kapatid niya ay wala siyang mapapala dahil pansariling kapakanan lang nito ang inuuna.

"N-nakakahiya na po itong ginagawa mo sa akin, ate Catarina.. Hindi ko po ito mababayaran...." Sambit niya sa mababang boses habang papalabas na kami ng mall.

Pagkatapos sa mall ay nag-ikot pa kami ni Laureen sa bayan dahil first time din niya na makapunta dito kaya nilubos na namin ang pamamasyal hanggang sa mapagod at naisipan na naming umuwi, medyo hapon na din kase at si Nay Lusing lang ang nakakaalam kung nasaan kami.

Sumakay kami ng jeep papuntang terminal ng bus dahil wala kaming service at hindi na namin inabala pa si Colombus dahil abala siya sa border. Dahil sa nangyaring sunog noon sa bodega nila ay naging mas mahigpit at tutok na siya sa mga tauhan niyang nakatalaga doon sa border. Ayaw na niyang maulit na may nakapasok na ibang kalaban sa teritoryo niya. He's busy everyday.

"Huwag mo ng problemahin iyon dahil kusa naman ang pagtulong ko sa iyo, Laureen." Kinuha ko ang dalawang palad niya at ngumiti na pinisil iyon.."You're like a sister to me and I want to help in my best. Kahit may ate ka na ay ituring mo din ako na ate mo, okay?"

"Maraming salamat po ng sobra, ate Catarina...." Tumango-tango siya at kita ko ang pamumuo ng mga luha niya. "Ang totoo nga po niyan ay higit pa po kayo bilang ate kaysa sa kapatid ko. Kung pipiliin nga po ay sana ikaw na lang po ang naging ate ko, ate Catarina!" Napahikbi na siya kaya agad ko naman siyang niyakap.

Buti na lang at kami pa lang ang tao dito sa loob ng jeep. Umayos din naman siya ng upo nang maraming pasahero na ang pumasok hanggang sa makarating kami ng bus station. Pasado alas otso na sa relo ko nang makarating kami ng border. Medyo ilang minuto pa ang nilalakad namin sa madilim na daan nang bigla akong mapahinto kasunod si Laureen dahil sa dalawang lalaki na humarang sa aming dinadaanan.

"Hi, mga miss beautiful!" Ngising sabi ng isa na amoy alak ang bunganga. Mahigit trenta na siguro ang mga edad nila at medyo katamtaman lang ang taas, parehong nakashorts at t-shirts at lumang tsinelas. Parang naligaw lang sa kalasingan ang mga ito.

"A-ate...." Ramdam ko ang panginginig ni Laureen sa tabi ko nang kumapit siya sa braso ko.

"It's okay. "Pampagaan loob na sabi ko habang nakatitig ng masama sa dalawang lalaki. Lumapit ang isang lalaki at akmang hahawakan si Laureen nang sipain ko siya sa pagkalalake niya dahilan para umungol ito na hawak ang gitnang bahagi ng shorts nito.

"Pota!" Galit na sigaw nito at mabilis naman na dinaluhan ng kasama nito bago ako sinulyapan ng masama. Nanlilisik ang namumula nitong mga mata dahil sa kalasingan. Akma ako nitong susugurin at sisipain ko din siya sana nang mahawakan nito ang paa ko at itinulak ako kaya naman ako ang napatumba sa lupa.

"Ate!" Dinaluhan ako ni Laureen pero bigla siyang sinabunutan ng lalaki sa buhok na kinasigaw niya. "Ah!"

"Bitawan mo siya! Gago ka!" Galit kong banta bago dumaop ng buhangin sa palad ko at tumayo saka iyon sinaboy sa mukha ng lalaki. Napasigaw ito dahilan para mabitawan nito si Laureen at nahila ko. "Tumakbo ka na, Laureen! Sabihan mo si Colombus na iligtas ako dahil kung hindi ay hindi na niya matitikman ang pearls ko kahit kailan!"

Huli na para matanto ko ang sinabi ko. Buti na lang at hindi iyon nakuha ni Laureen na nagtataka lang ang tingin sa akin. Ngumiti ako sabay tulak sa kaniya na umalis na siya.

"A-ate———"

"Umalis ka na! Kaya ko ang sarili ko!" Medyo malakas ko na siyang tinulak dahil sa ayaw pa niyang umalis. Pero tumango lang ako kaya napilitan na din siyang tumakbo ng mabilis. Nanlilisik ang mga mata kong sumulyap sa dalawa na nakarecover na sa ginawa ko.

"Gaga ka! Papatayin ka namin dito!" Sigaw ng tinuhod ko.

"Gagahasain ka muna namin bago patayin, lentek ka!"  Ngumisi lang ako sabay takbo ko nang akma silang lalapit sa akin. Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil basta na lang akong sumuong sa masukal na kagubatan kahit madilim ang lugar, hindi ko din alintana ang mga sangang tumutusok sa akin.

I felt afraid but my biggest priority now is to protect myself. I don't want to let them touch me with their dirty hands because I'm only for a one man.

Dahil kay Colombus lang ako magpapahipo! Char!

Napailing ako sa naisip na kalandian ng utak ko bago ako tumigil para sumiksik sa ilalim ng malaking puno habang kinakalma ko ang paghinga ko. Naririnig ko ang mga kaluskos nila na hinahabol ako kaya todo diin ako sa puno. Sa totoo lang ay wala akong kalaban-laban pero kailangan ko silang mautakan habang hindi pa dumarating si Colombus.

"Huli ka!"

"Aahh!!" Sigaw ko sa gulat nang may lumitaw sa gilid ko. Akma akong tatakbo pero mabilis nitong nasabunutan ang buhok ko dahilan para mapangiwi ako sa hapdi.

"Gaga ka! Pinagod mo pa kami sa katatakbo! Pero masasarapan naman kami mamaya!" Nagtawanan sila na parang sinapian ng masamang espirito. Nagpumiglas ako pero madiin ang pagkakasabunot sa buhok ko dahilan para mapahiga ako at mabilis naman na hinawakan ng isa ang magkabilang paa ko.

"Huwag ka ng magpumiglas pa dahil wala ka ng takas sa amin dito! Paliligayahin ka namin, babae!" Nag-apiran sila at tumawa na naman na nakakairita sa tenga. Wala naman akong maisip na paraan kung paano sila matatakasan pero sa pautakan ay susubukan ko.

"T-teka naman mga boys ang sakit ng likod ko kung dito niyo ako titirahin? Maghubad muna kayo at iyang mga damit niyo ang gagawin kong sapin, diba? Mas komportable at eenjoy tayong tatlo!" Napapangiwi na lang ako sa bawat katagang binibitawan ko. Nais ko pa talagang masuka,  but I have no choice but to flirt with them in my tactic way to escape from them.

Nakita kong nagkatinginan naman sila at agad na ngumisi sabay harurot sa paghubad ng mga kasuotan nila. Hindi pa man nahuhubad ang mga shorts nila ay mabilis na akong tumakbo pero agad na may sumipa sa akin dahilan para bumagsak akong padapa sa lupa, napamura ako sa impact ng katawan ko.

"Akala mo maiisahan mo kami, ha! Pwes! Nagkakamali ka ng ginawa!" May tumihaya sa katawan ko at agad na sumalubong sa akin ang isang sampal, sa lakas ay medyo namanhid ang mukha ko.

"Inuuto mo pa kami, ha!" Pagkasabi ng isa ay marahas nito na hinawakan ang damit ko para sirain nang magpumiglas ako at pinagsisipa silang dalawa. Wala akong pakialam kung may natatamaan ako o wala basta maprotektahan ko lang ang sarili ko.

"Colombus Hunstman!! Iligtas mo naman ang pearls ko!!"

***
© 2023 MAYAMBAY

Continue Reading

You'll Also Like

22.6M 540K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
6.6M 278K 89
Nang dahil sa kahilingan ng kaniyang mga magulang, napilitan siyang pumasok sa isang delikadong paaralan. Sa paaralan na kung saan na puro nangangara...
31.9M 592K 42
"You're invited to Temptation Island."