~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]
Chapter 45
( Lew’s POV )
“I-Ikaw?????” sigaw ko sa kanya.
“L-Lew?” sabi niya naman sa akin.
“Blaze? Lew? Okay lang kayong dalawa?” tanong ni Joem na halatang kakagising lang dahil kumukusot-kusot pa ito ng mata.
“Joem, siya ba yung sinasabi mong guest natin dito?” tanong ko kay Joem.
“Dito ka nakatira?” takang-tanong naman ni Blaze sa akin.
“Oo, Bebe love. Siya si Blaze yung suki kong bakasyonista” sagot naman ni Joem.
Anak ng!!!!
Ang liit naman ng mundo oh!
At bakit itong mokong na ito pa!
“Bebe love? Mag boyfriend kayong dalawa?” takang tanong ulit ni Blaze.
“Ay, hindi. Basta ikwento ko nalang sayo mamaya. Pero teka bakit ba parang ang ingay nyo kaninang dalawa?” tanong ni Joem.
“Akala ko kasi ay ikaw ang nasa loob. Naiihi na kasi ako kaya kinalampag ko ang pinto” sabi ko.
“Sige, ihi ka na muna. Para matapos ko na ang paliligo ko” nakangiting sabi ni Blaze sa akin.
Napansin kong may sabon pa pala siya sa katawan.
To be fair ha, maganda ang katawan ng mokong at may pa abs pa. Tapos mabuhok ang ilalim ng pusod.
Oppppssss!!! My eyes!!!!
Nagkakasala ang mata at isipan ko!!!!!!
Hellllllllllpppppppppp!!!!!
“IIhi ka ba, o tititigan mo lang ang katawan ko?” nakangising sabi ni Blaze.
Hayuffffff!!!!
Manyakis talaga ang mokong na ito!
Agad naman ako pumasok sa loob ng banyo!
Bwisit!
Napatagal ba ang tingin ko sa mala Adonis niyang katawan?
Paksheeet!!!!!!!! Nakakahiya!!!!
Siya ba yung manyakis?
Parang ako pa ang naging manyakis ah!
Napansin ko na nakasabit ang underwear niya. Mukhang totally naked siya maligo.
Teka nga! Natutukso ang mga mata ko! Omegesh!!!!!
Paglabas ko ay agad akong pumasok ng kwarto ko at hindi na siya nilingon-lingon pa.
Hindi ko yata kayang lumabas pa! Pero hindi naman pwede!
Kailangan ko pang maghanda ng almusal.
Nakakainis naman kasi!
Inayos ko na ang sarili ko at lakas loob akong lumabas ng kwarto para maghanda ng almusal.
As usual, itlog, tocino at hotdog ang niluto ko.
Sinangag na din at nagtimpla ako ng orange juice para sa bwisita! Hmp!
“Magkakilala pala kayong dalawa?” tanong ni Joem habang kumakain kami.
Tatlo na kaming sabay-sabay na kumakain ngayon. At nasa harap ko pa si Blaze na manyakis!
“Yup. Sa school namin siya dati pumapasok” si Blaze ang sumagot.
“Wow! Pagkakataon nga naman. Biruin mo ay matagal na kitang kilala tapos matagal mo na rin palang kilala si bebe love” sabi naman ni Joem.
“Yeah. What a small world” sabi naman ni Blaze habang nakatitig sa akin sabay kagat ng hotdog na nasa tinidor nito.
Urg! Nakakainis!
“Anong plano mo ngayong araw, Blaze?” tanong naman ni Joem dito.
Bahala sila dyang mag-usap. Quiet lang ako dito.
“Hmm. I prefer to stay at home first. Napagod ako sa byahe kahapon eh” sagot naman ni Blaze.
“Oo nga pala. Bakit parang sobrang late naman ng dating mo? Buti naabutan mo ako kasi pauwi na din ako kagabi nun eh” sabi naman ni Joem.
“Nag-iba yung way eh. Ginagawa pala nung main road papunta dito” sagot naman ni Blaze.
“Ah oo. Gawa ng widening yata yun. Pero okay na din ng makapagpahinga ka muna. Para may kasama si Bebe love mamaya” sabi ni Joem.
“Bakit? Aalis ka ba?” tanong ko kay Joem.
“Oo. Maraming darating na bakasyonista ngayon. Tutal magkakilala naman pala kayo, eh ikaw na ang bahala kay tropa” sabi ni Joem.
“Don’t worry, dude. Ako na din muna ang bahala kay bebe love” sabi naman ni Blaze at binigyan ako ng nakakalokong ngiti.
Bebe love din talaga ang tawag?
Eeeeeewwwwww!!!!!!!!!!!
Nakikigaya din ang mokong na ito.
Hindi naman siya family member! Duh?!
Bakit ba kasi kailangan pang umalis si Joem eh.
Parang hindi ko kayang makasama maghapon ang Blaze na ito!
Kung dati ay excited na akong magkaroon ng guest, ngayon ay parang nagsisisi na ako.
Pagkatapos naming kumain ay naligo na din si Joem dahil aalis pa daw siya. Si Blaze naman ay matutulog daw muna.
Ako naman ay naligo na din dahil magbabantay pa ako ng tindahan.
Tapos pagsisilbihan ko pa ng mokong na si Blaze.
Bago magtanghalian ay nagsara muna ako ng tindahan kasi magluluto pa ako ng pagkain namin ni Blaze. Si Joem kasi ay gabi na yun uuwi.
Lagyan ko kaya ng lason ang pagkain ng mokong na ito?
“Hmmmm. Ang bango naman ng niluluto ni Bebe love” sabi nito.
“Tigil-tigalan mo ako Blaze ha?! Baka ibuhos ko sayo itong sabaw!” sabi ko dito.
Kakapasok pa lang niya sa kusina ay mang-aasar na agad? Kainis!
“Sungit mo naman. Pinupuri na nga ang luto mo eh. Ano ba yan? Mukhang masarap eh. Nagutom tuloy bigla ako” sabi nito.
Aba?! Parang katulong ako nito ah.!
Pero easy lang self. Guest ko siya.
Kaya pasensya…pasensya….
“Nilagang baboy at saka pritong isda lang ito” sabi ko.
Ang OA naman kasi kung maka react!
“Wow! Gusto ko yan. Namiss ko ang ganyang pagkain” sabi nito.
OA talaga siya! Hindi ko nalang pinansin.
Itinuloy ko nalang ang pagluluto at nakamasid lang siya sa ginagawa ko. Nakakailang tuloy.
Wala kaming imikan habang kumakain.
Pero nakikita kong panay lang ang titig niya sa akin. Pero dedma ko lang.
Wala akong paki! Hmp!
Pagkatapos kumain ay dumeretso na siya sa kwarto niya.
Ako naman ay bumalik na sa tindahan.
“Ah, Lew” tawag niya sa akin.
Nakaupo lang ako sa labas ng tindahan kasi mas mahangin dito.
Kapag ganitong oras ay swerte na ang may dalawa o tatlong bumili. Minsan nga ay wala pa.
“Bakit may kailangan ka?” tanong ko sa kanya.
“Ahm. Wala naman. I just want to talk to you. Baka kasi mapanis mga laway natin eh. Sayang naman kung hindi natin gagamitin” sabi nito.
Natawa lang ako.
Sira ulo talaga itong si Blaze.
“Ahmm… Kumusta ka na nga pala? Nabalitaan ko ang mga nangyari” sabi nito sa akin.
Hindi narin ako magtataka kung bakit niya nalaman.
Anak siya ni Ma’am Hera, di ba? For sure ay si Ma’am ang nagkwento.
“Okay na naman ako. Kinalimutan ko na ang mga nangyari” sagot ko dito.
“Really? So, naka move-on ka na?” tanong nito sa akin.
“Oo naman! Ako pa ba? Easy lang yan sa akin!” sabi ko dito.
“So, if ever ay handa ka na ba kung sakaling magkita ulit kayong dalawa ni Kaizer?” tanong nito.
Hindi kaagad ako nakasagot.
Handa na ba ako?
Parang hindi pa. Parang hindi ko pa kaya.
“I guess you are not totally moved-on. Kasi hindi mo pa siya kayang makita” sabi nito sa akin.
“I think you are right. Mahirap kasing kalimutan yung sakit na binigay niya sa akin eh. Ganun pala talaga ano? Kung sino yung taong sobrang mahal mo ay siya din pala ang magbibigay ng sobrang sakit sayo” sabi ko kasabay pagpatak ng mga luha ko.
Parang bumalik na naman ang sakit.
Ang akala ko ay wala na pero nandidito parin pala.
“Tsk! Huwag ka ngang umiyak dyan. Lalo kang pumapangit eh!” sabi nito.
“Kainis ka! Panira ka ng moment! Ngayon pa nga lang nagsisimula ang drama ko!” inis na sabi ko dito sabay punas sa mga mata ko.
“Hindi ka naman bagay sa drama. Dapat horror, suspense o kaya ay action! Dun ka mas bagay” pang-aasar nito.
“Baliw! Ginawa mo pa akong action star! Batok? Gusto mo?” sabi ko dito.
“See? Pang action ka talaga! Bagay sayo yan!” sabi naman niya sabay pitik sa tenga ko.
Aba! Sira ulo ang mokong na ito ah. Pitikin daw ba talaga ako?!
“Action pala ha? Teka lang” sabi ko at kinuha ko yung walis tingting.
Pinitik mo ako, kaya gaganti ako!
Hahambalusin kita ng walis na ito mokong ka!
Mukhang nabasa niya ang gagawin ko kaya nagtatakbo agad siya. Paikot-ikot lang kami sa pahabang upuan na kawayan.
“Huwag ka ngang tumakbo!” inis na sabi ko dito.
Medyo napagod yata ako kaya tumigil na ako kakahabol. Hindi ko siya maabutan e.
Nakakainis kasi hindi ako makaganti!
“Huwag ka kasi manghabol!” natatawa namang sabi niya, pero mukhang hinihingal narin siya.
“Bwisit ka kasi, pinitik mo ako!” sabi ko.
“Effective naman, di ba?” sabi nito.
“Anong effective?” takang tanong ko.
“Ang ginawa ko. Nagiging drama na kasi ng buhay mo. Kaya pinalabas ko lang yung Lew na nakilala ko noon. Yung matapang. Yung terror na kinakatakutan ng lahat. Yung Lew na palaban, hindi yung Lew na iyakin” seryosong sabi nito.
Seryoso man siya ay nakikita kong nakangiti siya habang sinasabi niya ito sa akin.
Binitawan ko ang walis na hawak ko.
Hindi ko alam pero parang may nagising sa pagkatao ko na hindi ko alam kung ano.
Tama ba si Blaze?
Tama ba ang manyakis na mokong na ito?
Nasaan na nga ba napunta yung Lew na palaban?
Saan pumunta si Lew na kinakatakutan nila?
Hindi ako ito. Hindi ito si Lew.
Hindi iyakin si Lew.
Hindi tumatakas si Lew sa problema.
At higit sa lahat ay hindi mahina si Lew na kilala ko.
-----to be continue…………..