Essence of Yours

By ZamInCharm

474 76 18

Essence of yours katha ni ZMCHRM Essence na nasangkot sa isang aksidente na naging dahilan nang pagkawala ng... More

Introduction
Prologue
Chapter 1: The Beginning
Chapter:2
Chapter 3
Chaper:4
Chap 5: The beginning of mystery
Chap 7: Nightmare Events
Chap 8: Dr. Zamora
Chapter 9: Arrival
Chap 10: Anniversary

Chapter 6

41 7 0
By ZamInCharm

(Warning inappropriate words include)


Nagising na lamang ako sa tunog ng alarm clock ko “Wahh umaga na agad” banggit ko habang sinusubukang patigilin ang pag ngawa ng alarm clock, “Miss Essence” isang malumanay na boses na nanggagaling sa kabilang panig ng kwarto ko

“Miss Essence pinapatawag po kayo ni Don. Villamos” usal ng babae sa labas ng kwarto ko, agad-agad rin akong naalimpungatan kaya bigla akong tumayo at bumangga ang kanang binti ko sa isang matulis na bagay ngunit hindi ko ininda ang sakit para lang buksan ang pinto.

Gulat at takot ang naka guhit sa mukha niya
“Miss Essence, ayos lang po ba kayo” usal niya sakin habang tinitingala ako ngunit hindi ko ito pinansin, tanging sa mukha niya lamang ako nakatitig, siya ay morena at mayroong malusog na pangagatawan kapansin pansin rin ang nunal niya sa ilalim ng kanyang kaliwang mata,  at hindi siya si Linda.

“Sino ka?” banggit ko ng may pagtataka, “Ah Elisha po Miss Essence”  usal niya habang naka yuko, “Okay, bababa nako mag aayos lang ako” pinutol ko ang usapan sa malamig at walang gana kong boses habang sinarado ang pintuan.

“Hala tangina mukha akong bangkay usal ko sa sarili ko habang naka titig sa salamin, malamim ang eye bag ko at may maputlang mga labi, “Wala pa akong tulog, at sino ba kasi ang kausap ni dad, at ano nanaman ang kasalanan ko” banggit ko tila ba kinakausap ang repleksyon ko sa salamin,

Nagising ako sa pagiging lutang ko nung biglang ngumawa ulit ang alarm clock ko, dali-dali rin naman akong kumilos para maka baba na at harapin si dad kaso may kumatok sa pinto ng kwarto ko pinag buksan ko ito at naroon si Elisha na may dalang first aid kit,

“Miss Essence ang binti niyo po” bangit niya na agad ko ring pinag taka kaya tinignan ko ang ibaba ko na binabanggit niya, may dugong umaagos rito,

“Miss Essence, saglit lang po gagamutin ko po” banggit niya na may bahid ng pag-aalala hinayaan ko siya gamutin ang sugat ko, ARAYY" napasigaw ako sa hapdi dahil pinatakan niya ito ng alcohol.

Tangina nakakahiya, pero nakita ko lang siyang tumatawa habang nilalagyan niya ng bandage ang sugat ko, nagkasalubong ang mga mata namin kaya agad rin siyang yumuko at may binanggit “Sorry Miss Essence” usal niya habang nililigpit ang mga laman ng first aid kit, “Me too I didn't mean to shut the door in front of you and my rudeness earlier” Pagkasabi ko nun ay nakita ko siyang ngumiti at tumayo at lumabas ng kwarto ko.

Strange and ang comfortable niya kausap and she is kind of familiar to me saan ko ba siya nakita. Hinayaan ko muna ang tanong sa isipan ko at agad-agad nag palit ng damit at nag ayos ng sarili, hahawakan ko na sana ang door knob nung napangunahan ako ng isang katok mula sa labas, si Elisha.

Inalalayan ako ni Elisha gamit ang wheelchair para makarating sa unang palapag kung nasaan sina dad at si mama na naghihintay sa pagdating ko agad na bumungad sakin ang ngiti ni mama  at si dad naman ay naka tingin lang saakin, mukhang may okasyon na magaganap dahil pareho silang naka formal,

Si dad ay naka itim na amerikana at may suot na leather shoes at maayos ang kanyang buhok at hindi mapagkakamalang nasa singkwenta anyos na siya, si mama naman ay naka lavender colored dress at may suot na two inches heel at mas lalong nangibabaw sakanya ang mga suot niyang alahas at ang mapula niyang labi at hindi siya mapagkakamalang 45 years old.

“Miss Essence maiwan ko na po kayo” pagkasabi ni Elisha nun ay tanging kaming tatlo nalang nila mama at dad ang nasa sala, “Essence next week hindi kana gagamitin ng wheelchair advice narin ng doctor mo” panimulang salita ni mama habang nakangiti sa direksyon ko, habang si dad ay nakatingin lamang saakin ang walang kabuhay buhay niyang mukha,

“Ahh really ma that's good news” kabado kong sagot kay mama dahil nakabaling ang atensyon ko kay dad, “So next week pupunta tayo sa hospital para kuhain ang crutches mo” Sabi ni mama na may bahid ng excitement sa boses niya “By the way Ess we hired some new nany for you and we fired the older ones so may mga bagong mukha kang makikita”  Sabi ni mama sakin,

Ahh kaya pala bagong mukha si Elisha.
“Darling hintayin nalang kita sa sasakyan” Sabi ni mama kay dad

Huh may pupuntahan sila at hindi ako kasama,
“Ma may pupuntahan kayo?” tanong ko kay mama nagbabakasakaling isama ako “Yes Essence me and your dad will be going to attend an important business” usal niya “Yes wait me in the car susunod ako” Sabi naman ni dad kay mama, o shoot kami nalang ni dad ang naiwan sa sala,

“Essence please don't do that again to yourself” Sabi ni dad na may bahid ng galit ang kanyang boses “Ahh dad sorry about what happened last night I didn't mean to I'm sorry” Sabi ko habang nakayuko dahil ayaw kung makita ni dad ang namumuo kong luha,

“It's fine just don't forget to drink your medicine” Sabi niya habang hinipo niya ang ulo ko at agad ding umalis at tanging ang kalabog nalang ng pinto ang huli kong narinig bago ko inangat ang ulo ko kasabay ng pagbagsak ng luha ko.

“Miss Essence” Isang mahinhin na boses ang narinig ko at ang nag aalala niyang mukha “Yes, Elisha?” tanong ko sakanya “Bakit po kayo umiiyak?” tanong niya saakin habang inaabutan niya ako ng tissue “Ahh bakit nga ba” sambit ko habang pinupunasan ang likido sa pisngi ko,

“Don't mind me I akyat mo nalang muna ako para maka ligo nako”  Sabi ko sakanya na walang balak sabihin ang dahilan kung bakit ako umiyak
“Miss Essence, hindi pa po kayo nag aalmusal pagpupumulit niyang boses “Bedroom breakfast” usal ko sakanya habang tumatawa “Ah Yes Miss Essence” agad din naman siyang pumanig sa sinabi ko.

Pagkatapos kong maligo ay inalis ko ang plastic na ibinalot ko sa sugatang binti ko. “Shet bakit ka umiyak ess” sumbat ko sa sarili ko. Tama naman kasi si dad ,kahapon kasi nahuli niya akong  na nagtatago sa kusina habang kumakain kaya napag sabihan niya ako kaso nakakatakot siya well kasalanan ko rin naman kasi kumain ako Ng patago at hindi pa umiinom ng gamot kaya nasigawan niya ako kagabi,

Nakakapanibago nga eh kasi hindi naman ganon si dad kalmado lang siya pero sa loob ng isang buwan ay nasigawan na niya ako pero mas iniinda ko ang nakita ko kagabi sino kaya ang babaeng kausap ni dad, impossibleng si mama yon dahil ang nakita ko kagabi ay pigura ng babae na naka suot ng uniform ng isang kasambahay.

Namulat nanaman ako sa reyalidad nung may kumatok sa pinto ko “Come in” I said while smiling kasi si Elisha iyong “Miss Essence ito na po ang breakfast ninyo sabi niya sakin habang may ngiti sa kanyang mukha.

Kumain lang naman ako ng payapa habang si Elisha ay naka tayo sa kaliwa ko “Elisha kumain kana ba?” tanong ko sakanya naiilang kasi ako
“Opo Miss Essence” matipid niyang usal “Es for short” Sabi ko sakanya “Huh?” usal niya habang may pagtataka sa mukha niya,

“I said you can call me Es, please remove the Miss masyado kasing pormal pagpapaliwanag ko sakanya “ Pero Hindi pw...” pinutol kona ang sasabihin niya “Please just Es okay” I smile at her like I won a war while she sigh admitting her defeat.

Umalis na si Elisha sa kwarto ko at naiwan akong mag Isa rito, masayang kausap si Elisha compared kay Linda, wala namang pinagkaiba sa edad mukha silang bata at pareho silang mahilig sa bulaklak kaso mas panatag ang loob ko kay Elisha madaldal kasi siya.

“Miss essence” Isang boses na ng gagaling sa kabilang panig, hindi nalang ako sumagot dahil kilala ko naman kung sino siya, nagpanggap akong tulog habang naka talukbong ng kumot ko at narinig ko ang pagbukas ng pintuan ko at mga magagaang kaluskos

Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa pagpapanggap na tulog ngunit nagtaka ako sa sunod niyang ginawa, umupo siya sa kama ko at nakakaramdam ako ng kaba “Soy la primera banggit niya, pagkatapos nun ay umalis siya sa silid ko at agad akong bumangon na may kaba sa dibdib ko “Shet anong ibig sabihin ni Linda”

Nakita kong bagong palit ang bulaklak sa side desk ko at nakita ko rin na maayos ang mga gamit ko maliban sa isang bagay ang libro ng flowerpaedia naka buklat kasi ito kaya agad akong tumayo para silipin kung bakit naka buklat ito.

“V.Elnd” banggit ko habang pinagmamasdan ang sulat na nakalagay sa page 189 ng libro at mas lalo akong nagulat dahil sa pahinang iyon ay naroon ang litrato ng isang white rose.

Nabaling ang atensyon ko nung bumukas ang pinto at naroon si Linda at nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat “Ikaw, kanina ka pa diyan?” paglilihis ko ng usapan ayoko kasing mabuko na nagpapanggap lang akong tulog kanina “Miss Essence, narito na po si Mrs. Villamos” sabi niya habang inihahanda ang wheelchair ko

“Ahh okay got it” Sabi ko sakanya, tanghalian na pala, inalalayan ako ni Linda hanggang sa lamesa at umalis rin, ang cold ng personality niya ngayon
“Wala ang daddy mo, naiwan siya sa opisina niya at mamayang gabi pa siya uuwi” Ang boses ni mama ang nagpabalik sa muwang ko “Ahh is that's so”

Tahimik lang kaming kumaing dalawa para ngang hindi kami magkakilala ayoko naman nang magtanong sakanya baka masigawan nanaman ako.

Lumipas ang mga oras at narito ako sa labas ng mansyon kasama si Elisha, mas lalo kong nakilala si Elisha dahil napa open niya saakin, pareho kaming mahilig sa bulaklak at ang pagsulat, tumigil kami sa pag kukuwentuhan dahil si Lena ay sumigaw sa direksyon namin

“Elisha paki pasok na ang señorita ipinasok na ako ni Elisha sa loob ng mansyon dahil palubog na ang araw, nakita ko si mama na may ininom na gamot at agad ding siyang umakyat sa kwarto nila dad

Bigla akong napatanong kay Lena “Hindi na ba kakain ng hapunan si mama?” nagtataka kasi ako
“matutulog na po siya” maikling sagot niya “Bakit diet ba siya” tanong ko uli sakanya “Hindi Miss Essence, every month nagkakaganyan ang madam” mahabang tugon niya “May sakit po ba Siya?”

Tanong ko muli “Hanggang doon lang ang alam ko señorita tugon niya at umalis, nagpatuloy si Elisha sa pag-alalay sakin papuntang kwarto ko.
“Bedroom dinner” request ko kay Elisha dahil ayoko ko ng bumaba pa dahil mamaya pa daw ang uwi ni dad.

Alas diyes na ng gabi at patuloy kong hinihintay ang pagdating ni dad, nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng libro nung narinig ko ang ingay ng sasakyan na dad, ilang sandali lamang ay may mga yabag na nang gagaling sa hagdan

narinig ko ang boses ni Dad at ang boses si Lena ngunit hindi ko alam ang pinag uusapan nila, pero nakaramdam ako ng kuryusidad, gusto kong alamin ang usapan nila. Ngunit pinigilan ko ang sarili ko.



















New character unlock 🔓

Btw I'm really sorry if I'm a slow uploader. I also apologize if there are some wrong grammar or errors, thank you.

Continue Reading

You'll Also Like

125K 2.3K 14
Si Kimielro Klent Wendra ay ng galing sa angkan ng mayamang pamilya. Umuwi sya Pilipinas para dumalo sa kasal ng kanyang pinsan pero sa di inaasahang...
17.7M 661K 66
So she tasted the deep pain that is reserved only for the strong. Crimes. Clues. Mysteries. Deductions. Detective Files (File 3) Written by Shinichi...
891K 42.2K 57
[UNEDITED] Night Blood University is a place where death is nothing but a next deadly adventure. The Earth's own version of hell. Can you stay alive...
21.8M 757K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...