"Ang init!"
Pagpasok ko pa nga lang sa loob ng room ay sumalubong na kaagad sa akin ang maiinit na mukha ni Eliyan, Dominique, Jolly at Joaquin sa akin. Wala akong ibang marinig sa buong room kundi ang reklamo nila kung gaano sila kanaiinitan. Napabuntong hininga nalang ako nang makitang wala si Romer. Siguro ay mamaya pa 'yun dahil palagi namang late 'yun.
"Si Romer ba hinihintay mo?" Joaquin asked.
"Hoy, wag kang mag hintay!" Sabi naman ni Jolly. "Galing na 'yun dito, pinapabigay niya lang sa akin ang assignment niya. Hindi daw siya papasok."
The heck? Hindi siya papasok? Putang ina, ako ba 'yung rason? Hindi naman siguro, no? Hindi dapat! Matalino siya, siguro naman ay hindi siya tanga.
"May sinabi ba siya sa'yo, Eliyan?" Tanong ko.
"Wala, kakarating ko lang kaya!" Aniya. "Hindi ko siya nakita buong araw."
"Ayun lang ang sinabi niya, Jolly?" Tanong ko ulit sa kaibigan.
Nagdadalawang isip pang tumango si Jolly. "Ayun lang talaga! Baka... absent lang siya dahil mag pa-practice sila ng talent 'nung partner niya!"
"Ba't ba alalang-alala ka?" Natatawa si Joaquin.
Hindi nalang ako nagsalita at hinarap sa sarili ang dalang maliit na electric fan. Hindi ko naman dapat isipin si Romer. Ni kahit kailan naman ay hindi namin pinag-usapan ang tungkol sa amin. Siguro ay wala talaga. Ako lang naman ang nag-iisip na baka meron.
"Ang ganda mo talaga, like everyday." Biglang sambit ni Eliyan sa akin kaya nakakunot ang noo kong lumingon sa kanya.
"Anong 'yari sa'yo?" I asked.
"Kahit saan ka magpunta, sobrang ganda mo." Eliyan smile grew more. "Tapos lagi ka pang mabait, mapagbigay! Ang balita ko nga ay marami daw nagkaka-crush sa'yo... baka nga bigla isang araw ganoon din ako. Ayoko na lang sabihin pero..."
"Pero, ano?"
"Pwede pakopya sa assignment?" Nakangising ani pa ni Eliyan. "May hangover kasi ako kagabi, hindi ko nagawa!"
Umirap ako. "Ayan, Eli! Diyan ka magaling!"
Napahagikhik si Eliyan sa naging reaksyon ko.
"Saang libingan ka ba bumangon, ha?" Sabi ko pa.
"I'm telling the truth," Ngumisi siya. "Naiinitan ka ba?" Tanong niya pa at kunwaring may hinahanap. "Ipapaayos pa kasi ang aircon sa room na 'to!"
Tumayo pa siya at deretsahang kinuha ang hawak na maliit na mini fan ni Jolly at hinarap sa akin. Nakita ko pa kung paano umirap si Jolly. Dalawang mini fan na ang nakaharap sa akin ngayon.
"Pakopyahin mo na ako, Mai..." Napanguso pa si Eliyan.
"Ba't di ka nalang sa'kin mangopya? Tama naman ang mga sagot ko!" Ani Jolly.
"Pareho na kayo ng answer ni Joaquin, kung dadagdag pa ako, mas halata lang."
I give my papers to Eliyan before our instructor came. Wala pa ring Romer na dumating. Hindi naman humaba pa ang klase dahil binigyan lang kami ng napakaraming activities ng isang minor subject na feeling major na 'to. Midterm output pa nga lang pero parang ipapa-graduate niya na kami sa dami ng gagawin. Wala tuloy akong ibang marinig pag labas namin ng Amphitheater kundi ang pagreklamo ni Joaquin, Eliyan at Jolly habang naglalakad kami sa field.
I wave my hand for a goodbye to them when I saw Nicole and Kevin. They are talking beside the Loyola House. Sa walang katao-taong lugar. Nilapitan ko sila kaagad dahil baka may ginagawa ng milagro ang dalawang 'to!
"What are you guys are doing here? Baka makita kayo ng mga pari d'yan!" Pag gugulat kong tanong sa kanila pero hindi man lang sila nagulat dalawa.
"Ipapakita niya lang sana sa'kin ang pipino niya kung malaki ba, kaso dumating ka..." Sagot ni Nicole.
"Pu...tang...ina..."
Kevin laughed. "She's filming me para sa vlog type kong output. Gulat na gulat talaga siya, oh!"
Masama kong tinignan si Nicole habang pinagtatawanan niya pa rin ako. Sino ba naman kasi ang hindi maniniwala sa sinabi niya kung nakita ko silang dalawa na silang dalawa lang sa hindi mataong lugar.
Nagpaalam si Kevin sa amin na pupunta muna siya sa department nila kay magkasama kami ngayon ni Nicole na naglalakad papunta sa Magis. We ordered some food at the counter and then get a table for us.
"May itatanong pala ako sa'yo," Biglang sabi niya habang humihigop ako ng chuckie.
"What is it?" I asked.
"Ba't 'di mo sinagot si Lembert?" Biglang tanong niya. "Pumogi naman siya, ah! Nakikipagbalikan na nga 'yung tao, oh!" Nicole blurted out.
A cruel smirk crept unto my lips upon hearing my bestfriend's words and later, I let out a soft chuckle.
"What?" Natatawa kong tanong.
"He texted me." Aniya. "He said earlier that, 'Nic, I'm done. I am at peace now, surely. Jemaica knows my feelings and we're fine.' So, I know you rejected him. Hindi ko aakalaing kakausapin ka niya ulit. Matagal naman naming alam ni Zye na ikaw pa rin."
"Well, I told him to wait just for two to four years..." I sighed. "But he refused to. Ayaw niya naman. Di niya daw kaya. It's so nakakatawa lang na he gave up agad agad without knowing that I just tested how depth his love for me."
"You know in yourself that you don't need to do that, Mai."
"Nicole, you know that men are hunters by nature and go hard for what they want. If he's not going hard for you, you are not the one he wants," I smiled mischievously.
"And?" Nagugulahan pa si Nicole.
"And Lembert missed that point. Gusto niya palang makipagbalikan sa akin, ba't hindi niya gawin? Kung talagang mahal niya ako at gagawin niya ang lahat para sa akin, then, gagawin ko din ang lahat para sa kanya kahit kapalit nun ay masaktan ko ang Kuya mo dahil magkaibigan sila. Hindi pa siya nakakaakyat sa pader na binuo ko, nahulog na agad siya."
"It's okay..." Nicole smiled. "I'm in the process of understanding you."
"Lembert will always don't deserve me. Hindi niya deserve ang isang Allena. I am Infinity and I am for beyond. I, myself, and my name represents the everlasting love of an Allena." I seriously uttered. "And everyone knows that."
Nicole just nodded her head and remained in silence while digesting what I just said earlier.
"You are really building your walls too high, Mai," She commented and smiled.
"Bakit hindi? Small things cannot get me because I can always do big things." I smirked as I sipped chuckie again.
I heard her taking a sharp breath as she spoke again. "Sa sobrang picky mo, hindi ka na makakapag-asawa niyan."
Upon hearing her remarks, something inside me had snapped. I stared at her intently and smiled widely, enough to annoy her.
"It's better to be single with high standards than in a relationship while settling for less, Nicole," I boldy spatted. "I'm not afraid to be single forever. I know what I bring to the table, so trust me when I say I am not afraid of eating alone."
"Sa lahat ba ng sinabi mo, pumasa ba si Romer?"
"Walang pumasa, Nic."
"I am sorry," She apologized. "Maybe... you really misunderstood me. Gusto ko lang naman na makita mo 'yung mga taong talagang nagmamahal sa'yo. Sobra ang pagiging supportive ko kay Lembert na nakakalimutan kong may sarili ka naman palang opinyon..."
"I understand," Nakangiti kong sambit. "I know that you just want to protect me but seriously, you don't need to. Hindi ko kailangan ng boyfriend sa ngayon..."
Gabi na ng makauwi ako dahil nag meeting pa kami for the Allied Health Cheering Squad. Si Leyo ang naghatid sa akin dahil galing din siya sa training. Wala naman akong magagawa kaya tutulungan nalang namin ni Jolly ang isa't isa para sa cheering.
Kumunot ang noo ko nang makitang bukas ang kwarto ni Mama nang makaakyat ako. She's talking with Matthew while Matthew is always speaking Mama and nothing else. Pumasok ako sa loob ng kwarto at nagulat nang makitang nag-iimpake si Mama. Nakalatag ang mga naka-arrange niyang damit sa kama pati na rin ang damit ni Matthew.
I kissed my mother's cheeks pagkatapos kong magmano sa kanya. Tinarayan ko naman kaagad siya ng tingin bilang tanong kung ano ang ginagawa niya at kung bakit niya ginagawa.
"May homecoming kami this friday sa Manila, so I am not gonna be with you tomorrow in your photoshoot." Sabi ni Mama. "Ang sabi naman ng Tita Bernalyn mo ay siya na daw ang bahala sa inyo ni Zye kaya wala ka ng po-problemahin. Tutulungan ka din ng Tita Cassy mo dahil uuwi siya mamaya kaya kayong tatlo ni Vince ang magkasama dito sa bahay."
"What about your firm?" I asked. "At sinong kasama mo? Si Tito Jeph?"
My mother nodded. Tito Jeph and my mother are from De La Salle University in Manila, where they graduated from so I know that they will really go together. That's their Alma Mater. Ang sa pagkakaalala ko ay naging magkaibigan sila ni Tito Jeph dahil kasali si Mama sa cheering squad ng De La Salle while Tito Jeph is the basketball team captain. Kaya siguro lahat ng anak niya ay mahilig sa basketball. Yes, even Chin.
"Si Tita Cassy mo muna ang bahala sa firm." Sabi ni Mama. "Hindi na din ako mag-aalala at kampante na akong aalis at mag enjoy sa Manila dahil sinabi sa akin ni Hershey na dadalawin niya ang firm natin. How I love Hershey being an accountancy!"
"So, kailan ka uuwi?"
"Uuwi ako kaagad pagkatapos. Isasama ko na din 'tong si Matthew kasi alam kong busy kayo ni Vince kaya walang titingin sa kanya. Lagi na lang kasi siyang nakatambay sa opisina ni Tita Clarise mo." Mahabang sagot pa ni Mama. "Uuwi kami kaagad ni Matmat dito kasi iiyak siya kapag hindi niya nakita ang mga Ate at Kuya niya."
"Ate..." Matthew said while playing on his plane at the floor. Hindi nga lang siya nakatingin sa akin pero patuloy niyang sinasambit ang katagang 'yon.
The next day, it was afternoon when we had our photoshoot. Si Tita Bernalyn lang ang nag make up sa aming dalawa, hindi kagaya ng ibang representatives na may kanya kanyang make up artist. Sinali na din ni Tita Bernalyn si Nicole. Si Tita Eyla naman ngayon ang nagsusuklay sa mahaba kong buhok habang nakatayo sa tabi niya ang panganay na anak na kanina pa naglalaro ng mobile legends.
Reymark is wearing his white long sleeve polo. Lahat ng mga lalaki ay ganoon ang suot, nasa kanila na lang kung paano nila 'yun dadalhin. Kaming mga babae naman ay puting dress na iba't iba ang style. Mine was a v-neck halter cut out slit long sleeve dress with a white heels. I feel so sexy queen wearing these. Ako naman ang pumili nito!
Zye is wearing a sleeveless white silk dress with slit corset type and a heels. Nicole in her tube milky dress with a long gloves and her white heels.
"Grabe, ang ganda naman ni Zye sa maternity shoot niya!" Pang-aasar ni Lembert habang nag po-pose pa si Zye sa gitna.
Nicole laughed so hard and Zye just raised his middle finger to Lembert. Tinago niya naman kaagad ang kamay niya nang makitang seryoso si Sir Carl. Baka lang nakuhanan 'yun ng camera!
Pagkatapos ng solo ni Zye ay si Lembert naman bago silang dalawa. Ganoon din kay Jasper at sa partner niya, kay Romer at kay Cyrel, kay Nicole at Reymark hanggang sa amin ni Jomari at sa representative ng ibang department. Nakita ko pa kung paano ako tignan ng malagkit ni Romer habang nilalagyan ko ng maliit na liptint ang labi ni Jasper.
"Reymark, umayos ka nga!" Tita Eyla shouted when it was Reymark turn to solo pose.
Nang sila ng dalawa ni Nicole ay napangiti ako ng wala pa ring nagbago. He knows how to place his hand. He did not hold Nicole's waist even if Nicole lean on his shoulder.
Zye and Lembert's posing looks like they are a couple. Lembert's hand are in Zye's stomach while Zye's right hand is touching Lembert's face. Pareho silang nakatagilid at wala ang tingin sa camera.
Romer and Cyrel's post are the most simple and cute. Naka-akbay si Romer kay Cyrel habang hawak ni Cyrel ang nakaakbay na kamay ni Romer. Si Jasper naman at ang ka-partner niya ay ang talagang tinatawanan ni Tita Eyla. Jasper made his partner sit in his lap. That's their pose.
Jomari and I are I don't know why are we like this. Bigla na lang. Kung saan kami komportable, ganoon ang ginawa namin. Nakaupo si Jomari habang ako ang nakayakap sa kanya mula sa likod or should I say, I did the shoulder hug pose to him. We are both fierce. Nakita ko pang napatingin si Tita Bernalyn at Tita Eyla sa isa't isa bago kami tignan ulit.
Kinuhanan din kami ng picture ni Sir Carl. Kaming tatlo ni Reymark at Jasper. Ako ang nasa gitna. May picture din na kami lima ni Tita Bernalyn at Tita Eyla. May picture din ka kaming tatlo ni Zye at Nicole.
"Sir, can you take a photo of me and my Kuya Reymark?" I asked a favor to Sir Carl nang lumabas na ng room ang ibang mga candidates.
My Tita Bernalyn and Tita Eyla's smile grew more. Hindi pa nga pumapayag si Sir Carl ay nasa gitna na si Reymark at inaayos ang polo niya. Ngumiti naman si Sir Carl kaya dali dali akong pumwesto sa tabi ni Reymark.
"We never had a picture together," I said.
"Meron." Ani ni Reymark. "Bata pa nga lang tayo. Elementary 'ata?"
"Sige nga, kunwari... kung kayo ang partner, what will be your pose?" Si Sir Carl.
Humarap ako kay Reymark. Napalunok ako ng magtagpo ang mata naming dalawa. He really looks fantastic and... logical. Patago niya pa akong nginisihan.
"Wag mo nga akong nginingisihan, hindi ako nagagwapuhan sa'yo," I almost whispered it.
"Strike a pose!" Sir Carl commanded.
My smile grew more when Reymark suddenly put his right hand on my forehead. My right hand is on my back while Reymark's left hand is on his pocket. Pinakita si amin ni Sir Carl ang kuha niya sa aming dalawa. It's cute because we're both didn't look at the camera. I looked at the other side while Reymark is looking at me with his small smile.
"Ngayon lang kasi nagkabati ang dalawang 'yan, Sir..." Dinig kong sabi ni Tita Berna kay Sir Carl.
Natapos ang araw ko na wala akong ginawa ibang ginawa kung hindi umikot lang sa buong XU. Pagkatapos ng photoshoot ay pinuntahan ko pa ang Allied Health Cheering Squad. I did polished them and leave them behind again because I need to go to the dance studio. Si Jolly na lang ang nagturo sa kanila, mabuti na lang ay tinutulungan naman siya ni Chin kaya natagalan silang humabol sa practice ng dance troupe.
I called Jomari when Sir Josh announced a water break. Magkasama kaming lumabas ng dance studio at magkasamang naglakad papunta sa Magis.
"What do you like us to do for a talent competition?" Sa wakas ay natanong na din ni Jomari.
"Hindi," Ani ko. "Kung anong gusto mo, ayon nalang ang gawin natin."
"Huh?"
Hinayaan ko na lang muna siyang pumila sa counter at naghanap nalang ng bakanteng table para maghintay. Tatayo na sana ako para lapitan si Jomari nang makita kong nilapitan siya ni Josyl. Inabot sa kanya ni Josyl ang isang aqua flask tumbler. Nag-usap pa sila sandali at bago iwan ni Josyl ang kapatid ay sinadya niya pang lumingon sa akin. Paano niya ako nakita dito, eh, nasa pinakagilid ako?
Umalis si Jomari sa pagpila at nilapitan ako. Mukhang hindi na siya tumuloy sa pag bili ng tubig dahil binigyan na siya. Palabas pa lang kami sa Magis ay bigla namang nakasalubong ko si Jasper kasama ang isang lalaki. They were wearing their basketball jersey. Mukhang katatapos lang nilang maglaro.
"Babi," Si Jasper. "Si Jade pala, pinsan ko. Hindi ko siya napakilala sa'yo dahil lagi nalang tayong busy. Alam mo... pinsan din siya ni Zye sa father side."
"Ah, so... you're a Bandivas?" I asked to the guy.
He just smiled and nodded. Mukhang mahiyain siya.
"Jade, si Jemaica." Jasper introduced me. "She's my cousin. Ang ganda niya, di'ba?"
"Hi, Jade! Nice to meet you..." I greeted.
"Ito namang isang 'to..." Tinignan pa ni Jasper si Jomari. "He's Edmar's friend. Magkasama sila sa chrysanthemum. Ano nga ulit pangalan mo, pare?" Tanong pa ni Jasper kay Jomari.
"Jomari." Ako ang sumagot.
"Boyfriend mo?" Jade asked me.
Ngumiti lang si Jade nang umiling ako at nagpaalam naman siya na may bibilhin muna. Inabot ko kay Jasper ang hawak kong tumbler para naman makainom nalang siya ng tubig at ayon nga ang ginawa niya.
"Naiwan kasi sa bahay 'yung tumbler ko," Sabi ni Jasper matapos uminom. "Pwede ba akong magtanong tungkol sa talent niyo? Wala pa kasi kaming maisip ni Daffny, eh! Gusto niyang sumayaw pero hindi naman ako marunong, 'nun. Ayaw din naman naming dalawa na kumanta."
"Hindi pa namin napag-uusapan, Jasper..." I answered.
"Ganoon ba? Ano kayang magandang talent?" Aniya Jasper. "Sex nalang kaya? Sa hitsura naman ni Daffny ay mukhang marunong siya sa bagay na 'yon. Sa tingin ko ay magkakasundo kami kapag ganoon."
I laughed while Jomari remained serious.
"You know what, bro," Si Jomari. "Bilang pinsan ni Jemaica, mukhang bad influence sa kanya."
My eyes grew widened when I looked at Jomari. Jasper expression suddenly changed too.
"What did you say?" Si Jasper sa boses nagpipigil.
"I'm sorry." Jomari apologized and left us.
I gave Jasper an apologetic smile. Pareho naming hindi inasahan ang sinabi ni Jomari. Ano pa ang aasahan ko sa lalaking katulad niya? Pareho naman silang pinagmanahan ni Josyl. Hindi na ako magugulat kung ganoon din si Wendel.
"Siraulo ba siya?" Jasper gritted his teeth. "Bad influence daw ako sa'yo? Hindi ba siya maka-intindi ng sarcasm?!"
"Hayaan mo na, nag sorry na din naman siya..."
"Kung makapagsalita kasi siya, parang useless na ako sa buhay mo!" Naiinis pa din si Jasper. Sobrang mainitin ang ulo. "Hindi niya ba alam na ganoon lang tayong mag bonding?"
"You are not useless, because you can still be used as a bad example." I laughed.
"Isa ka din, eh..." He sighed. "Mabuti pa si Josyl sa kanya! Talagang... sa magkakapatid may maiiba talaga! Kagaya sa amin, kami lang ni Chin ang mabait."
"Talaga? Mabait ka?" Pang-aasar ko.
"Noon... hindi," Tumawa si Jasper.
"Paano mo naman nasabi na naiba si Josyl sa kanila?" Mataray kong pagkakatanong. "She's just the same as her brother. Baka nga, mas sobra pa siya, eh! Pakitang-tao lang naman ang babaeng 'yun! Baliw pa! Story maker!"
"May pinaghuhugatan ka ba?" Jasper smirked. "Hindi ganyan si Josyl para sa akin. Mas masama pa nga ugali mo, eh..."
Inirapan ko si Jasper dahil sa sinabi niya. Umalis na din ako kaagad at bumalik sa dance studio nang tinawag na ni Jade si Jasper kaya nagpaalam na kami sa isa't isa. We did practice for another two hours and another practice with my team in allied health cheering squad. Walang ibang mag le-lead sa kanila kung hindi si Jolly at ako lang.
Gabi na ng makauwi ako. Sumabay lang ako kay Chin dahil sinundo siya ni Kuya Paul. I was glad to see Tita Cassy eating dinner with Vince, Ymee and Reymark. Hindi ko alam na nandito pala 'tong tukmol na Reymark na 'to! Sumabay naman kaagad akong kumain sa kanila.
"Maayos na ba ang paa mo, Ymee?" Tanong ko sa pinsan.
"Oo, medyo..." Sagot nito.
"How about you, Maica? How's your day?" Tita Cassy asked.
"It's tiring, Tita..." Sagot ko at sumubo ng pagkain.
"Really? But... you look gorgeous."
"Yeah," I agreed. "Because I stopped dating idiots, Tita..."
"Ha!" Natatawa si Ymee. "Talaga? Did you also mean... you stopped Romer?"
"Di siya para sa'kin, kaya sa'yo na,"
"Astig mo naman," Reymark sarcastically said. "Ikaw pa namimigay ng lalaki..."
"Tumahimik ka, ikaw ba kinakausap ko?"
I heard how Vince and Tita Cassy laughed at Reymark. Nagkibit balikat nalang si Reymark at nagpatuloy sa pagkain.
"How about Lembert, Ate?" Si Vince naman ang nagtanong. "Sinabi sa akin ni Kuya Hva na... mukhang nagkabalikan daw kayo. May something na daw yata ulit sa inyo."
"Hva? Na naman!" Napahilot ako sa aking sintedo. "Ano naman ngayon kung nagkakamabutihan ulit kami? It wasn't a bad break up, anyway."
"Is he really the one you want?" Tanong ni Reymark, tunog naghahamon.
"Hay, naku!" Si Ymee.
"You do have a thing called 'what you want'. Alam kong hindi ka nakipagbalikan sa kanya." Reymark smirked. "Kabisado na kita. Hindi ka babalik sa isang lalaking pinaglumaan mo na. Hindi ka babalik sa isang lalaking matagal mo ng sinuka."
Halos kilabutan ako sa narinig kong sinabi niya.
"Ayan, totoo 'yan!" Si Vince. "Kung mahal niya pa, saka lang..."
"Yeah," I agreed and smiled to Reymark. "Thank you for reminding me that I am not a nice girl."
Napasulyap pa ako kay Tita Cassy. It likes she feels awkward. "Why are we talking about this, anyway?"
_________