Dedicated to: belledeveau
Chapter 6
Hello everyone! Author here~! Hehehe! Slow update po kasi dahil sa school, kung sinoman kayo tandaan niyo lang na mahal ko kayo. Babae man, lalaki, pusong babae o lalaki.
I Love You All! Mwah! Mwah! Tsup! Tsup!
》》》》》》》》》》》》》》》》
Diane POV
Gumising ako ng maaga para magluto ng breakfast namin. Fried rice at Hotdog, sarap~!Haha.
Naghahain na ako nang may narinig akong bumaba sa hagdanan.
"...Diane?..." tumingala ako at nakita ko si tita na nanlaki ang mga mata nang makita ako."Anong ginagawa mo...? Di ba 4:00 am pa lang?"
"Tita, gusto ko lang pong tumulong sa inyo, kayo na po ang tumayong ina sa amin ni Danna, maraming salamat po...ako naman po ang gigising ng maaga"
"Ikaw talagang bata ka...haha, siguro kapag nakikita ka ni ate ngayon kung gaano ka kasipag at kabait, siguradong matutuwa si ate sa iyo. Ikukwento ko sa kanya ang lahat kapag nagising na siya" natutuwang sabi ni tita.
"Hehe, salamat po tita...kumain na po kayo. Pinagtimpla ko po kayo ng kape" inabot ko kay tita ang mga pagkain.
"Salamat" kinuha niya ito at ininom ang kape.
"Tita, siya nga po pala...may matagal na pong itatanong ako sa inyo" seryoso kong sabi.
"Ano 'yon?" humigop siya ng kape.
"Kailan niyo po balak mag-asawa?"
(OAO)
"Ahem! Teka saan mo naman nahanap ang tanong na iyan? Bata pa ako noh?" mukhang naiirita si tita ha? (^-^)
"Tita, 36 na kayo, humanap na kayo ng mapapangasawa" natatawa kong sabi.
"Bata pa ako, pwede pa! Malay mo bukas, mayroon na akong asawa sige ka!" medyo natatawa na ako sa reaksyon ni tita. Pero aaminin ko hindi siya mukhang 36, mukhang 26 pa nga lang siya eh, saka sexy pa rin siya ngayon haha.
"Ate is right tita! You can't be young forever~! Enjoy youth and be free to love someone!" \(^ * ^)/
(0-0)!!!
Nagulat kami ng sumulpot si Danna bigla na parang kabute.
"Danna?" gulat kong tanong.
"Hi! Morning ate and tita~!" abot-tenga ang ngiti ni Danna.
"Teka, saan ka nanggaling?" tanong ko sa kanya.
"Malamang kagigising ko lang sa kwarto ko~!" inikot niya ang mata niya.
"Hindi. Bakit parang nag-teleport ka lang rito tapos heto ka! Hindi nga namin napansin ni tita na bumaba ka eh!"
"Ewan ko sa inyo~! Haha, pengeng breakfast I'm hungry na kaya!"
"4:00 am pa lang, ayaw mo pang matulog?" tanong ko kay Danna.
"Nah~! Kapag gising na ako, hindi na ako agad-agad makakatulog! Kaya..." binigyan ko na lang siya ng pagkain tapos sinubo niya ito ng may huni pa.
. . . . . . .
"And that concludes today's lesson, goodluck for the exams tomorrow" umalis na ang prof. na nagtuturo sa amin ng Calculus. Ngumiti ako at inisip ko na madali lang pala kapag inintindi mo.
Tumingin ako sa mga kaklase ko at nakita ko ang expression nila na tulad sa mga nakasama ko sa entrance exam noon.
May pinagpapawisan, may kinakagat ang kuko, may naiiyak, at mayroong natutulog...
Teka? Natutulog?
"Zzzzzz..." jusme! Hindi nakinig ang lalaking iyon sa discussion? Natulog lang? Bukas na ang Preliminary exam dito sa Ford International School.
Dumating ang lunch time namin.Nakita ko sa canteen na nakikipag-usap siya sa mga kasama niyang lalaki at konting babae.
Lumapit ako sa kanya at inabot ko ang ballpen na naiuwi ko nung nag-aaral kami.
"Ano 'yan?" tanong niya sa akin. Tumingin ng masama ang mga kasama niya sa akin.
"'Yung mamahaling ballpen mo malamang! Naiuwi ko ito sa bahay namin nung nagtuturo ako sa mansion niy-!?" bigla niyang tinakpan ang bibig ko ng kamay niya."Mmffh?!"
"Excuse me lang ha?" hinila niya ako paalis sa mga kasama niya na nagtataka. Tinago niya ako sa labas ng school.
Hinihingal siyang tumingin-tingin sa gilid-gilid, na takip pa rin ang bibig ko.
(-______-)
Chomp!
"Ouch hey!" Haha, buti nga kinagat ko ang kamay niya.
"Hey ka diyan! Bakit ba bigla mo akong hinila at tinago?!"
"Look, first things first! Don't tell them that you are tutoring me!" tinuro niya pa ako.
"Why?"
"Because...it could ruined my reputation! especially knowing that my tutor is a braided round glasses nerd! Rather than a mature sexy woman!"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Tinapakan ko ang paa niya ng malakas sa sobrang inis.
"Aray! That hurt!" hinawakan niya ang isang paa niya habang nakatayo.
"Bagay lang sa iyo iyan! hindi, kulang pa iyan! akala ko ba tinanggap mo na ako bilang tutor mo?!"
"I know that, ayoko lang in public to know that your tutoring me and your coming to my house everyday"
Bumuntong-hininga ako ng malalim."Sige, walang problema...kung 'yan ang gusto mo" mahina kong sabi. Eh kung gusto niyang isikreto.. edi ok. Susundin ko ang gusto niya.
"Good" nakangiti niyang sabi."Now, go! Shoo! Shoo! Before someone sees us. I'll just tell them that you had a debt from me" mukha ba akong nangungutang?
"Ok, basta...susundin mo gusto ko na makikinig ka sa akin mamaya"
"Yeah, sure, whatever...now go shoo! Shoo!" umalis na ako na nakasimangot, ginagawa yata akong aso nito eh.
(--______--) Hmph!
Booogggssshhh!!!
May nakabunggo ako nang lumiko ako sa kanang hallway papuntang canteen.
"Aray!" sabay naming sinabi. Nahulog ang mga librong dala niya.
"Sorry!" pinulot ko ang mga librong nagkalat sa baba.
"Ah, hindi ayos lang, hindi ko napansing nandiyan ka pala! Sorry rin" pumulot rin siya ng libro. Inabot ko sa kanya ang napulot ko at ibinigay ko ito sa kanya.
"Sa-salamat..." nahihiya niyang sabi. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa, kulot siya, maputi, makinis ang balat, mapula ang mga pisngi at labi. Medyo maliit siya sa akin, mga mata ko lang.
Pwede mo siyang madefine na...Cute
Samantala ako, braids ang natural hair ko...hindi ako mahilig nag-lotion o mga beauty products. Contacts ko expired na.
Kaya salaming malaki na lang.
Pwede mo akong madefine na...Ugly/Nerd/Ungirly
"Ah, bakit nga pala ang dami mong dalang libro? papunta ka bang library?" tanong ko sa kanya.
"O-o..!"
"Talaga? Baki--" naputol ang salita ko.
"Michelle! hintayin mo naman ako--..?" may isa namang matangkad na babae ang tumakbo palapit sa amin. Napatigil siya ng makita niya ako.
"...Sino siya Mich? Bago mong friend?" tanong niya sa babaeng kausap ko.
"Ano kasi, nakabunggo ko siya tapos tinulungan niya ako at--"
"Ah~! Ganun ba? Haha. Nice to meet you! I'm Karen Villareal" inabot niya ang kamay niya at nagshake hands kami."Heto naman si Michelle Rodriguez, ang bestfriend ko"
"...Hi..." mahina niyang bati sa akin. Teka, kilala ko ba ang pangalan nila? Parang narinig ko na 'yon ha?
"Scholar kami rito ni Mich"
"Scholar rin kayo?" nagulat kong tanong.
"Rin?" nagtinginan sila ni Mich.
Pumunta muna kami sa library at doon nag-usap.
"Kayo pala ang Top 3 at Top 5" namamangha kong sabi.
"Oo, magkaklase kami ni Mich simula elementary, siya ang Valedictorian sa amin, ako ang Salutatorian" nakangiti niyang sabi. Napangiti na lang ako, si Mich naman mukhang nahihiya sa akin, tinatakpan pa niya ang mukha niya at tumitingin sa akin.
Napatingin rin si Karen sa kanya."Ganyan talaga si Mich, hindi siya masyadong nagsasalita at mahiyain siya" paliwanag ni Mich.
"Grabe ka Karen, huwag mo naman sabihin iyan!" nahihiyang bawal ni Mich kay Karen.
"Haha" natawa na lang ako sa kanila. Naalala ko si Sheila at Gail, miss ko na sila.
"So, Diane, scholar ka rin di ba? Ibig sabihin anong top ka sa natitirang 1,2,4?" curious na tanong ni Karen.
"Uhm...1" nanlaki ang mga mata nila.
"OMG?! kaharap ko na pala ang pinakamatalinong freshman na nag-exam" inalog-alog ako ni Karen.
"Karen...nahihilo na si Diane..." bawal ni Mich sa kanya.
"Sorry" tumigil na siya."I just, wow..it's rare for us scholars to met at a big school, natutuwa akong nagkita tayo at nagsasama tayo ngayon"
"Ako rin naman" sabi ko.
"A-ako..rin..." dahan-dahan at nahihiyang itinaas ni Mich ang kamay niya. Kumain na kami dahil 10 minutes na lang at matatapos na ang break.
Kring!!!
Nag-ring na ang school bell at saka nagpaalam na kami sa isa't isa. Friends na ba kami? o assumera lang ako?
(-____-) Siguro nga.
Habang nagkaklase, nakikinig ako ng may nagbato sa akin ng papel sa gilid.
"Aw!" tumingin ako sa gilid ko at nakita ko ang mahal na prinsipe na nagpapasuwit. Siya pala ang nagbato ha?
Pinulot ko ang nakalukot na papel at binasa ko ito:
Meet me at the back of the school after classes. I'll be waiting, make sure no one sees you! Got it?
-Hot/Gwapo/Macho Nathan
Talaga?
Tumingin na lang ako sa kanya na nagthumbs up sa akin na nakangiti. May topak!
Binato ko sa kanya ang papel.
. . . . . . .
Pumunta nga ako sa sinabi ni mahal na prinsipe kuno! at sinigurado kong walang sumunod sa akin.
Papunta na sana ako ng may tumawag sa likod ko.
"Diane?" tumaas ang mga buhok ko. Lumingon ako at nakita ko si Karen at Michelle.
PATAY!!!!!!!!
"Anong ginagawa niyo rito?" tinanong ko sa kanila, pinagpapawisan ako.
"Ah, nandito ang bisikleta ko pauwi, angkas ko si Michelle...ikaw? Anong ginagawa mo rito at bakit ka pinagpapawisan?" nagtatakang tanong ni Karen.
"Ah...kasi..ganito..."
"Hoy nerd! Ang tagal mo!" biglang tumawag si Mahal na Prinsipe.
/(Q O Q|||)\ No!!!
End of Chapter 6