Aftertaste of The Night (Pere...

By chiXnita

36.6K 1.9K 729

[ Pereseo Series #3 ] Akira Menaide Pereseo got pregnant before her graduation. She made a promise to herself... More

Aftertaste of The Night
Start
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 18

989 59 10
By chiXnita

‧͙⁺˚*・༓☾ CHAPTER 18 ☽༓・*˚⁺‧͙

December 24, 2022


Bisperas ng pasko pero mainit ang ulo ko. Kanina ko pa kinakalma ang sarili kaya sumama ako kay Kudos papunta kay na Risk dahil baka makasagot na naman ako nang pabalang sa nanay ko.

Alam ko nang hindi uuwi si Kuya Yuen ngayong pasko at bagong taon. Kahit anong paliwanag ko na may inaasikaso lang si kuya kaya next year na uuwi ay nagtatampo si Master. Nagpaalam din ako na aalis din agad mamaya at hindi na sasalubungin ang pasko dito sa Antipolo.

Stress na stress siya dahil kararating ko lang kaninang umaga ay nagpaalam na agad akong aalis.

Pakiramdam ko tuloy ang sama-sama kong anak dahil bukod sa mga itinatago kong sikreto ay pinagtatakpan ko pa si kuya.

Pero nakapagdesisyon na ako na kung hindi aamin si kuya, hindi ko rin gagawin.

For the first time in six years, Bran will not be spending Christmas at Maddie's house. He's in Zariego's mansion now, with his uncles Adrik and Niklaus. I don't know if Vitto and Vancho have also arrived.

Madeline is looking after Baby Jairo for now instead of being with Bran, as Nay Carmen is with her own family. There's no problem for her in taking care of a child because she's already used to Bran. And Maddie's parents have also gotten used to her bringing a child home because of me.

She said she likes the idea, and if I agree and give her my blessing, she will take on the role of being Jairo's mother and will be the one to court my brother.

Nagpapalakas daw kasi siya kay kuya.

Lukaret talaga!

Matapang lang naman siya sa salita. Kapag nasa harap naman ni kuya ay biglang nababahag ang buntot at tumatago sa likod ko.

Our trip to Batanes is scheduled for tomorrow afternoon, a vacation that Bran has really been looking forward to. I'm not sure if it will push through because of the emergency surgery Vadik is handling now. However, he has not indicated any cancellation, so we have already packed our belongings at the house.

Tumawag siya kanina habang tumutulong ako kay Master sa pagluto ng mga handa sa Noche Buena. Kaya nataranta ako sa pagsagot dahil tumaas ang kilay sa akin ng nanay ko. Napalabas ako sa likod ng bahay para hindi na siya magtanong.

Vadik just informed me that he might not be able to accompany Bran to welcome Christmas. He might come home in the wee hours, depending on when the emergency operation scheduled to happen in an hour will be finished. I reassured him that it's alright because it's not a problem for me. However, I could sense from his tone that he seems disappointed that he won't be able to come home right away.

"What type of surgery?" Hindi ko alam kung puwede niya bang sabihin pero hindi ko napigilan ang sarili ko.

"CABG surgery," sagot niya.

Gusto ko rin tanungin kung gaano ba katagal ang operation, kung complicated o delikado ba 'yon pero ibang tanong ang lumabas sa bibig ko. "Are you the one who will perform the surgery?"

"Not entirely. I have other surgeons by my side, so there's no need to worry."

Bigla akong napanguso at napatingin sa pinto kasi baka nakasunod na pala sa akin si Master. Hininaan ko pa lalo ang boses ko. "Bakit ako mag-aalala? Alam ko namang kaya mo 'yan."

"What?"

"Wala. I said, I know you’ll do well."

Hindi ko nakikita ang mukha niya pero bakit pakiramdam ko nakangiti siya? "Thanks. I'll call you later."

"Call? Bakit?"

"Ah. I'll message you after the operation."

"Okay."

"Akira..."

Naibalik ko sa tapat ng tainga ang phone dahil ibababa ko na sana. "Hmm?"

He cleared his throat. "Merry Christmas."

Ilang beses akong napakurap. Hindi ko rin napigilan ang pag-angat ng gilid ng labi ko't napailing. Aabutin ba talaga ng madaling araw 'yong surgery? Pero puwede niya naman akong batiin bukas kapag magkasama kami.

"Okay. Happy Birthday din kay Jesus." That elicited a gentle chuckle from him.

Ilang minuto ko nang naibaba ang tawag pero nakatingin pa rin ako sa cellphone ko.

Hindi naman talaga ako nag-aalala.

However, I can't help but feel concerned because it's Christmas, and he's in the hospital. And we have a trip planned for tomorrow, so he won't have any opportunity to rest again.

I've long realized that the medical field is not really for me. That's why I don't regret transferring to BSTM before. I'd probably be really stressed out if I were a nurse now. Patients would suffer if I were responsible for their care because I am irritable and lack patience as a caregiver.

Sadyang bugnutin at hindi lang talaga mahaba ang pasensiya ko.

Isang taon lang ako nag-aral ng nursing pero sumakit lang ang ulo ko.

That year was also among those I wished to erase from my memory. Therefore, it's not surprising that I didn't recall Vadik approaching me. It was a time when I started rebelling and neglected my well-being, even if something bad were to happen to me.

That was the year when Martin came into the picture, and Adam entered my life to distract me from the pain, only to end up breaking me further.

That's why no matter how much I dig through my mind, I can't remember a man named Vadik Zariego. Delving back into that year feels like reopening old wounds I've long struggled to heal.

"Bakit ba hindi nakauwi si Kuya Yolo?" Napakurap ako nang magsalita si Risk na nagbubukas ng unang bote ng alak.

Nandito kami ngayon sa rooftop nila kasama si Shield at bunso. Kararating lang nina Psalm at Phil kaya naghanda na sila para uminom kahit alas sais pa lang ng hapon. Susunod din si Ezra at inutusan pa raw ni Tita Veron bumili sa tindahan. Si Steel naman ay on the way na pauwi at naipit lang sa traffic.

Ngayon lang yata kami nabuo ulit, minus kay Kuya Yuen, dahil may mga kanya-kanya na rin silang trabaho.

Maliban kay Risk na nag-aaral pa.

"May inaasikaso nga." 'Yan ang madalas kong sabihin dahil ayoko na si kuya ang topic dahil baka madulas ako. "Hindi ako iinom, ha."

"Lah! Buzzkill ka na ngayon, Ki? Ikaw 'tong lasengera nung teenagers pa tayo, ah." Tumawa si Risk na masarap sapakin.

Umirap lang ako. Wala talaga ako sa mood kanina pa sa bahay.

"Kami itong nauuhaw, sa ayaw ka nag-aalok. Akin na..." sabi ni Phil na mukhang kanina pa sabik maglasing.

Napailing ako at tiningnan si Psalm. Kanina pa nakakunot ang noo niya pero tumaas ang isang kilay nang magtama ang tingin namin.

Hindi niya naman ako nilaglag dahil mukhang wala namang alam si Kudos at ang ibang mga pinsan ko. Pero tila nagtatanong ang kanyang mga mata kung bakit hindi ko kasama ang anak ko.

Hindi ko naman kailangan magpaliwanag sa kanya kaya hindi ko siya pinansin.

Iniba ko kaagad ang usapan dahil ayoko na ako ang maging topic ngayon. "Nakakamiss sina Paris at Hazel ano? Kumusta na kaya ang dalawang 'yon? Namiss mo ba, bunso?"

Nilingon ko si Kudos pero si Shield pala ang nakaupo sa may kanan ko.

Oops!

Si Risk talaga ang gustong-gusto kong sakalin sa tuwing mainit ang ulo ko pero nakalimutan kong hindi lang pala siya ang apektado.

"Ewan ko sa'yo, 'te." Umiling si Kudos sa kabilang gilid ko.

"Hindi mo na 'yan masasaktan, Ate Ki. Matagal na 'yan naka-move on," proud na sabi ni Philemon. "Eto dre, oh. Tagay ka muna." At sabay abot ng baso na may lamang Alfonso kay Shield.

Nagpigil ng tawa si Psalm.

Wala naman ibang reaksiyon si Shield. Bagkus ay lumingon pa sa akin. "Hindi mo ba nakakausap?"

Napakurap ako. "Ha?"

Naputol ang topic na 'yon nang sabay dumating sina Steel at Ezra.

Si Ez may bitbit na dalawang supot na may lamang mga beer. Napailing ako dahil aabutin yata sila ng madaling-araw dito sa rooftop.

Si Steel naman ay may dala ring mga pagkain, o puwede ring ipangpulutan, na hindi ako sigurado kung siya ang nagluto o si Tita Shine.

Mabilis lumipas ang sandali dahil ang dami nila pinag-usapan. Simula rant sa trabaho, kung kailan mag-aasawa, nagpaplano ng family reunion, at pati mga pautang sa dating kaklase nung college ay naging topic din nila.

Nakabukas ang videoke dito sa rooftop kaya kanina pa sila nagsasalitan sa pagkanta. Lalo na si Ez na wala yatang balak bitiwan ang mic.

Ngayon lang yata ako hindi bida-bida sa usapan. Tumatango lang ako kapag tinatanong at nakikitawa kapag alam kong may nakakatawa.

Hindi ko nga matanong si Kudos kung kumusta na sila nung girlfriend niya na hindi ko gusto.

Pero okay na rin 'yang may girlfriend siya. Kaysa naman magmahal siya ng taong may mahal na iba.

Panay ang silip ko sa cellphone ko. Binabantayan ang oras at ang text galing kay Vadik.

Sabi niya kanina ay mag-text siya kapag tapos na.

Kanina pang alas-kuwatro ng hapon nagsimula. Mag-apat na oras na ang nakalipas. Hindi pa rin tapos?

Gaano ba katagal ang CABG surgery?

Wala naman sigurong anumang kumplikasyon na nangyari ano?

"Ayos ka lang, Ki?" Napalingon ako kay Steel na inabutan ako ng shrimp tempura.

That's when I realized I was nibbling on my thumbnail and constantly swinging my left leg back and forth.

Mabilis akong kumuha ng tempura at sinubo. "Masarap ka talaga magluto." Nilagyan ko rin ng alak ang baso sa tapat ko kahit sinabi kong hindi ako iinom at tinungga iyon.

Kumunot lang ang noo niya.

Kinuha ko ang atensiyon ni Risk. "Gaano katagal usually ang CABG surgery?" tanong ko.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "CABG surgery? Bypass surgery ba 'yan? Bakit mo ako tinatanong niyan?"

"Sagutin mo na lang. Anong silbi na pumasok ka sa med school pero simpleng tanong hindi mo masagot?" Umirap ako.

Hindi talaga lahat ng taong may dimples ay cute katulad ko. 'Yong iba masarap tusukin ng tinidor.

Tumawa siya. "Bakit ang sungit mo ngayon? Obstetrics and gynecology ang specialization ko. Hindi ako mag-oopera ng mga taong may sakit sa puso."

Napabuga ako ng hangin. Ampotchingina! Bakit ko ba masyadong iniisip 'to?

Si Ez ang sumagot ng tanong ko. Nakalimutan kong parehas nga pala sila ni Tita Mara na registered nurse. "Around three to six hours siguro, Ki. Ewan, depende kasi 'yon sa kondisyon. May problema ba?"

Pero apat na oras na!

"Sinong may sakit sa puso, ate?" Napalingon ako kay Kudos na kunot na rin ang noo. Mukhang naguguluhan din siya kung sino ang may sakit.

Napailing na lang ako. "Wala. Wala."

I flinched when my cellphone that I was holding vibrated. I quickly looked at the message and stood up after reading it.

Jordan: Dito ako sa tapat ng bahay nyo

Suddenly, anxiety surged in my chest. Which house? Here? Or in Makati?

But what would he be doing in Makati? There's no one there.

Pero ano rin ang ginagawa niya dito?

We didn't have a proper conversation again after the incident at the restaurant. He also avoided me at work. Every time I attempted to approach him, he hastily found an excuse to move away.

Kaya hindi na ako sumubok pa. Kasi nagmumukha akong tanga. Kami ang madalas pulutan sa mga chismisan sa trabaho. At hindi ko gusto na kami 'yong may relasyon pero bakit sila ang problemado? Bakit pakiramdam ko nakipagrelasyon ako sa lahat ng empleyado?

Kaya minsan naiisip ko na kung ayaw niya makipag-ayos, pumayag na lang kaya akong tapusin na?

Pero kasi...

Tumagay ulit ako ng isa bago ibinaba ang baso. "Uwi na ako."

Hinawakan ni Ez ang pulso ko. "Uy! Bakit? Mamaya na. Ngayon lang 'to ulit, oh."

"Nandoon si Jordan sa bahay."

Binitiwan niya ako. Inilapag din ni Phil ang mic sa upoan dahil siya ang kumakanta ngayon. Sabay silang lahat na napalingon sa akin.

Nakatingin lang sila pero walang kahit isang salita akong narinig.

Si Risk ang bumasag ng katahimikan. "Kayo pa pala nun?" Siniko siya ni Kudos para tumahimik.

Tumikhim si Shield. "Papuntahin mo na lang dito?"

Ayoko.

I'm not at ease, especially since both Ezra and Psalm are aware of Bran and Vadik.

They were both staring at me intently now. It appears as though they were carefully studying my facial expressions, but they both remain silent.

"Hindi na ako babalik, ha. Baka umalis kami, e," dagdag ko. Naalala ko na baka gusto akong sunduin ni Jordan dahil sa napagkasunduan dati na pupunta ako sa kanila.

"Sige. Sanay naman na kaming palagi kang wala," himutok ni Phil kaya sinipa siya ni Ez sa binti.

Nagkibit-balikat lang ako.

Tumalikod na ako pero tumigil din matapos ang ilang hakbang at pumihit paharap sa kanila.

"Ano ba masasabi n'yo kay Jordan? Boto ba kayo sa kanya?" Lakas-loob na tanong ko.

Gusto ko lang malaman.

"May balak ba siyang maging kandidato sa darating na eleksyon?" tanong ni Risk kaya humagalpak ng tawa sina Phil at Psalm.

"Tangina mo!" mura ko sa kanya.

Pero malakas na tumawa si Risk. "Seryoso, Ki? Medyo matagal na kayo pero ngayon ka lang magtatanong ng ganyan? Kailan ba naging importante ang opinion namin sa'yo?"

Ang sarap niya talagang batohin ng tsinelas. "Seryoso ako! Lasing ka na bang gago ka?"

Tumigil na sa pagtawa 'yong dalawang kambal pero tinatakpan ang bibig. Si Ez naman ay nag-aalala ang mga mata sa akin.

"Nag-away kayo ng boyfriend mo?" tanong ni Steel at hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang lakas niyang makiramdam.

Umiling ako. "He proposed to me."

Natahimik ang iba pero sabay na nagsalita sina Ezra at Psalm. "Ano?!" Tumayo pa si Ez at parang biglang nataranta. "And you said yes?"

Bakit ganyan ang reaksiyon niya? Na parang wala siyang pakialam kung may relasyon kami ni Jordan pero ibang usapan na kapag ang topic ay kasalan?

Nag-comment ulit si Risk bago pa ako makaimik. "Hindi 'yan. Kasi kung pumayag 'yan si Ki, sana excited nang ibinalita sa atin na magpapakasal na siya at hindi 'yong tatanungin pa tayo kung boto ba tayo sa jowa niya."

Tumahimik ako.

Si Risk 'yong pinsan ko na hindi natatakot na prangkahin ka.

Kami 'yong dalawa na malakas mag-asaran sa aming magpipinsan, e. Pero ako talaga ang mabilis mapikon kahit ako naman ang madalas nagsisimula.

Naiinis din ako kasi magkaugali kami. Marami nga ang nagsasabi na kami raw yata ang magkapatid ni Risk at hindi kami ni Kudos.

Parehas prangka. Parehas din na hindi humihingi ng tulong sa iba kapag may problema.

Parehas malandi.

At parehas maraming sekreto.

Marami akong alam na itinatago ng baliw na 'yan, e. O dahil alam ko lang talaga ang tumatakbo sa utak niya madalas kaya nababasa ko siya.

Pero kahit gano'n ay hinding-hindi ko ipagkakalat 'yong mga nalalaman ko sa iba. Ayoko rin kasi na nanghihimasok sa mga desisyon niya dahil may sarili siyang utak. Wala rin akong lakas ng loob na magsalita kahit kay Kudos dahil alam kong kilala ako ni Risk.

Tingin ko nga alam niya rin ang mga itinatago ko kaya ganyan siya magsalita, e.

Kung ilalaglag ko siya, baka bukas sumugod na sina Bossing at Master sa mansion ng mga Zariego.

Nang sumama ako kay Maddie sa condo niya at hindi umuwi sa Antipolo nang halos isang taon, alam kong alam ni Risk na buntis ako noon.

"Kaya paprangkahin na kita, Ki. Alam kong mabait at marespeto 'yong jowa mo. Pero aanhin mo 'yang bait at respeto kung hindi mo naman talaga mahal 'yong tao?"

Doon na hindi maipinta ang mukha ko. "Ano bang pinagsasabi mo?" Pakiramdam ko umuusok ang bunbunan ko sa narinig.

Ano bang alam niya sa nararamdaman ko?

"Tumahimik ka na," banta ni Steel kay Risk.

"Oh, bakit? May mali ba sa sinabi ko?" Saglit siyang tumingin kay Steel bago ibinalik ang atensyon sa akin. "Ayaw mo nang paligoy-ligoy, 'di ba? Pero bakit mo ba niloloko sarili mo, Ki? Alam naman naming lahat dito na sinagot mo lang 'yang si Jordan kasi ilang taon siyang nanligaw sa'yo."

Pakiramdam ko ay may sumampal nang malakas sa magkabilaan kong pisngi. Naistatwa ako sa kinatatayuan. Gusto kong humingi ng tulong kay Ez, pero sa nakikita ko sa mukha niya...sumasang-ayon siya kay Risk.

Tumayo si Shield at naglakad palayo.

"Saan ka pupunta, boy?" tanong ni Phil.

"Iihi."

"Sama kami," sabay na sabi nina Psalm at Phil at sabay rin silang tumayo at humabol kay Shield. Pero alam kong hindi sila iihi dahil may CR naman dito sa taas pero dumiretso sila sa ibaba.

Nakatuon pa rin ang tingin ko kay Risk. "Mahal ko si Jordan."

Tumawa ulit siya pero tila masama na rin ang timpla ng mukha. Tumaas pa ang isang kilay na halatang hindi naniniwala. "It's easy to say that but hard to stand by it. Loving someone is different from valuing and appreciating that person. Magkaiba ang panghihinayang sa tagal ng pinagsamahan n'yo sa gusto mo siyang makasama hanggang sa magunaw ang mundo."

Nginisian niya ako kasi wala akong masabi.

"You can't bring yourself to end things with him because you don't want to hurt him, knowing he's a good man. But you can't even accept the ring he's offering because you don't really love him, Ki. You're simply attached to the comfort he provides whenever you're at your lowest."

"Ampotchinang logic 'yan! Hindi ba puwedeng ayoko lang talaga magpakasal?" angil ko.

"Putakteng excuse 'yan. Kung mahal mo talaga 'yong tao, baka ikaw pa mismo ang magyaya sa kanyang pakasalan ka."

Umirap ako. "Ang cringe mo!"

Ngumisi siya. "Ang pikon mo."

"Tumigil na kayo. Paskong-pasko, ganito kayo?" Napailing si Steel.

Kanina niya pa pinagsasabihan si Risk na manahimik na. Si Kudos natulala lang sa pagpapalitan namin ng mga salita at gusto na rin yatang umawat. Si Ez naman ay napatayo na para lumapit sa akin.

"Hindi ako tulad ng ibang babae na gustong magpakasal."

"Pero hindi ka gano'n, Ki. Takot ka nga maging single, e."

"'Wag mo nga ako itulad sa'yo."

Napailing siya. "Kilala lang kita. I know deep inside, you want to get married someday. You want to have your own family. Kapag mali ang sinabi ko, at hindi ka talaga magpapakasal in the next 10 years, puputulin ko ang itlog ko at ipapakain sa aso."

Napakagago talaga!

Hirap na hirap si Ezra magpigil ng tawa habang hinihimas ang likod ko. Pero dahil nanginginig ang buong katawan ko sa gigil ay humigpit ang hawak niya sa aking braso dahil baka sugurin ko na lang bigla si Risk at hampasin ng bote sa ulo.

"'Wag mo na patulan, Ki. Lasing na yata baliw na 'yan," bulong ni Ez.

Pero si Risk 'yong taong may sense lang ang lumalabas sa bibig kapag nakainom. Kapag sa normal na araw kasi puro kalokohan at kababoyan madalas ang iniisip niya.

Kaya kumukulo ang ulo ko sa inis.

Inis hindi para kay Risk kung hindi para sa sarili ko. Kasi bakit ako apektadong-apektado sa mga sinasabi niya?

Simula bata pa lang alam na alam na niya kung paano ako asarin. Pero alam ko rin naman kung paano siya galitin.

"Wow, ah! Ang dami mo namang satsat. Ano bang alam mo sa pakikipagrelasyon?!" Tumawa pa ako para inisin siya. "Kung expert ka naman pala...bakit mo binitiwan 'yong taong mahal mo, ha?"

Nanigas ang panga niya at tumalim ang mga mata sa akin. "Ano?"

Napatayo na rin si Steel at lumapit sa akin. "Tara na, Ki. Hatid na kita sa inyo." May banta rin ang tingin niya na kung ano man ang gusto kong sabihin ay 'wag ko nang ituloy.

Pero ayoko! Hindi ako papayag na pride ko lang ang maaapakan dito.

"Kaya ka nga iniwan ni Paris kasi hindi mo kayang panindigan, 'di ba? Kaya 'wag kang magsalita na parang ang dali lang ng sitwasyon ko kung ang sarili mong problema ay hindi mo mahanapan ng solusyon."

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya pero nanatiling tiim ang panga. Nakita ko ang pagkuyom niya ng kamao. Hindi agad siya nakaimik. O baka iniisip niya kung ano pa ang mga alam ko?

Mariin akong kinurot ni Ez sa tagiliran na mukhang mag-iiwan pa ng malaking pasa kinabukasan. "Shit naman, Kira!"

Dumilim din ang tingin sa akin ni Steel at mukhang kanina pa gustong takpan ang bunganga ko.

See? Alam nila.

Akala ba ni Risk wala talaga kaming alam simula umpisa?

Hindi porke pinili namin ang manahimik ay bulag na rin kami. Pinili lang namin ang magbulag-bulagan.

Kung si Kudos kaya niyang isahan, puwes ako hindi. Si Kudos ang dali lang naman bolahin. Bigyan lang 'yan ng Chuckie noon, wala na siyang pakialam sa paligid niya. Kung anong sabihin mo sa kanya, ayun ang paniniwalaan niya.

Natutulala nga lang siya sa amin ngayon at mukhang sumasakit na ang ulo sa mga naririnig.

Pero si Steel? Si Ezra? Ha!

I don't know if Shield knows anything, but it appears likely since he dated Hazel.

As for Psalm and Phil? Not sure. Those two usually don't want to get involved, and whenever there's a conflict among us cousins, they will immediately find a way to escape like now.

But since Psalm knows my secret and it hasn't come out, maybe our bloodline just naturally have a knack for keeping secrets.

Napapiksi ako dahil tumawa ulit si Risk. Pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. "Gusto mo bang sabihin na parehas tayo ng sitwasyon? Pero may choice ka, Ki. Mayroon ba ako nun?"

Narinig ko ang pabulong na mura ni Steel. Napahawak siya sa batok niya. "Tae! Malapit na mawala edad n'yo sa kalendaryo, ang sakit n'yo pa rin sa ulo."

"Tinanong mo kami kung boto kami sa jowa mo? Sorry, Ki. Hindi talaga." Nagpatuloy si Risk. Mukhang wala na rin siyang pakialam kung masaktan man ako sa sasabihin niya. "Kung kontra kami sa relasyon n'yo? Hindi rin. Desisyon mo 'yan. Wala naman kami magagawa. Kailan ka ba nakinig sa amin? Mas gugustuhin mo pang tumakas o ang 'wag magpakita nang matagal kaysa ang humingi ng tulong sa amin, 'di ba?"

Naninikip ang dibdib ko. Mariin kong kinagat ang labi para pigilan ang pagpatak ng luha ko. Kasi hindi ako iiyak.

Bakit ako iiyak?

"If you want to continue that relationship, go ahead. Pakakasalan mo? It's up to you. You have a choice. Siguraduhin mo lang na masaya ka at hindi mo pagsisisihan ang pipiliin mo."

Pero pinagsisihan ko agad ang mga sinabi ko.

Kahit ako hindi ko rin gusto ang ugali ko.

Bilang anak, bilang kapatid, bilang kamag-anak, bilang kaibigan o kahit bilang kasintahan...hindi ko gugustuhin ang isang tulad ko.

Alam kong ganda lang ang ambag ko sa mundo pero basura ang ugali na mayroon ako.

Sino ang gugustuhin at handang magtiis sa isang tulad ko?

I hope I can control myself no matter how hot-headed I am, but I'm not like that. That's why hurtful things often come out of my mouth.

I want to take back what I said. I want to apologize to Risk. But because my pride is as high as the Eiffel Tower in Paris, I won't do it now.

Siguro sa susunod na lang na kita namin o kapag siya ang unang kumausap sa akin.

But I've learned something: never ever mention anything about Paris again.

˚☽˚.⋆

"Anong iniisip mo?" tanong ni Jordan habang ipinulupot niya ang isang braso sa baywang ko.

Nandito ako sa bahay nila. Katatapos lang namin kumain na sinubukan ko talagang lunukin dahil wala akong gana.

Binati ko ang parents niya pagdating namin. Tipid na ngiti at tango ang ibinigay nila sa akin.

Simple lang ang nakahain sa lamesa at walang naging usapan hanggang sa makapagligpit ng kinainan.

I decided to disregard the feeling of being unwelcome. I wish I bought a gift to give them before coming here.

But I had been out of myself since earlier, and my mind was wandering during the ride.

Now, we are here inside his room, sitting on the bed, uncertain of what to do next.

Hindi ko nga alam kung paano ako eksaktong nakarating dito. Basta nang makababa ako sa rooftop nina Risk, dumiretso na ako kung saan nakaparada ang motor niya.

Niyakap niya ako nang mahigpit. Humingi ng tawad. Nagpaliwanag siya kung bakit niya ako iniiwasan nitong nakaraan pero puro tango ang ginawa ko at sinabi ko na ayos lang.

Hindi kami maghihiwalay.

Hindi ko siya niyayang pumasok sa loob ng bahay namin para batiin ang parents ko. Kasi kung gagawin ko, hindi kami makakaalis. Hindi rin ako nagpaalam kay na Master na aalis na ako kaya paniguradong kumukulo na naman ang dugo niya ngayon.

Gusto ko lang lumayas agad sa Antipolo dahil pakiramdam ko hindi ako makahinga.

Umiling ako. "Napagod lang ako sa biyahe."

Tiningnan niya ako sa mga mata. Inipon niya ang nakalugay kong buhok at inilagay sa kabila kong balikat. "I miss you, Ki," malambing niyang sabi at bumaba ang mukha niya para halikan ako sa leeg.

You don't really love him, Ki. You're simply attached to the comfort he provides whenever you're at your lowest.

It was ringing in my ears but I chose to ignore it.

I grasped his jaw gently, caressing it before lifting his face to meet my gaze. I saw him swallow as I slid my thumb over his lips. "I love you," I whispered. I wasn't sure if I said it to him or to myself. Nonetheless, I closed the gap between our faces until my lips touched his.

It's easy to say that but hard to stand by it.

Tantanan mo ako, Risk!

I closed my eyes and parted my lips to deepen the kiss. He responded with more intensity, as if afraid this was merely a dream. He gently slid his tongue into my mouth. He was caressing my arms, my side, and eventually my back. His hand slipped under my clothing, and before I knew it, I found myself lying on the bed with him on top of me.

I allowed his hands to roam over my body, while his lips kissed my cheeks, the side of my ear, my neck, and down to my collarbone. I opened my eyes and simply gazed at the ceiling.

He gently nibbled and occasionally sucked on my skin; I wouldn't be surprised if it leaves marks on my neck.

I was hesitant to meet his eyes. I couldn't identify the precise emotion I was experiencing at this moment, and I was reluctant to explore further as it might suffocate me more.

I simply hope that everything will be alright after this night.

Namalayan ko na lang na nasa paanan na ng kama ang suot kong damit. His hand crept under my back to unclasp the hook of my bra.

Nakabukas ang ilaw kaya malaya niya akong hinagod ng tingin nang wala na akong kahit na anong suot na pang-itaas.

"You are so beautiful," sabi niya at binigyan ko siya nang tipid na ngiti.

He resumed caressing my body with his hands, his lips pressing gently against my skin. His kisses on the side of my breasts were gentle. Gripping the bedsheets tightly, I bit my bottom lip forcefully as it trembled.

Ampotchingina, Kira!

Hold your tears.

Para kang tanga.

Bakit ka naiiyak?

Jordan doesn't deserve any of this. He hasn't wronged me in any way.

Loving someone is different from valuing and appreciating that person.

I closed my eyes once more, attempting to concentrate on his touch and respond to his kisses and caresses.

Ilang beses na namin itong ginawa.

Kaya hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

Risk said that I only thought I loved Jordan because I found comfort in him. But rather than feeling at ease now, why do I feel like there are chains gradually restraining me?

Ang sikip-sikip ng dibdib ko. Kanina pa ako hindi makahinga nang maayos.

It feels as if I was submerged in a deep swimming pool, but something was holding me down, depriving me of the chance to take in oxygen.

I felt his hand on the zipper of my pants as he slowly opened it. But I abruptly pushed him away when my cellphone suddenly vibrated in my pocket.

It was as though I found a convenient excuse to catch a breath of fresh air.

"Sandali..." I stopped his hand when he tried to touch me again.

I got up to get my cellphone from my pocket.

Napatitig ako nang matagal sa screen habang binabasa ang mensahe dito. Kulang na lang dumugo ang labi ko dahil sa mariin na pagkagat ko.

Vadik: The surgery went well. We're just waiting for the patient to regain consciousness :)

I looked at the time and it was twenty-one minutes before midnight. My fingers trembled as I typed a reply.

Me: good to hear that

Nang sumilip si Jordan sa cellphone ko ay mabilis ko itong inilayo. Kumunot ang noo niya kaya agad akong dumipensa. "Si Ez. Nagtatanong kung nasaan na ako. Hindi kasi ako nakapagpaalam sa kanila nang maayos."

Kung mamamatay man ako ngayon, hindi na ako magtataka kung sa impyerno ako mapupunta.

Tumango siya pero hindi na nawala ang gatla sa noo. Marahas din ang ginawa niyang pagbuga ng hangin.

Vadik: Can I call?

Me: NO!!@

Vadik: Are you still with your family?

I flinched when Jordan gently kissed the side of my neck once more as he slowly guided me back to lie down.

Pero mahigpit kong hinawakan ang mga kamay niya para huminto siya. Tumayo ako para hanapin ang bra ko at isuot ang damit ko.

"M-may problema ba?"

Sunod-sunod akong umiling pero bumabaliktad ang sikmura ko.

Why do I feel like I've committed an unforgivable sin?

Why do I feel like I've cheated even though Jordan is my boyfriend?

Lumunok ako habang sinalubong ang tingin niya. "Anong oras na pala. Kailangan ko nang umuwi. Baka hinahanap na ako ni Bran."

Matagal niya akong tinitigan. Alam ko may gusto siyang sabihin pero huminga lang siyang malalim. Tumayo siya at hinanap ang susi ng motor niya habang abala ako sa pag-ayos ng sarili.

"Hatid na kita."

Mabilis ang ginawa kong pagtanggi kaya tumiim ang panga niya. Sa mansion ng mga Zariego ang diretso ko dahil nandoon si Bran. "Hindi na. Mag-taxi na lang ako."

"Pero anong oras na, Ki."

"Hindi. Ayos lang nga. Parang hindi naman ako sanay umuwi ng gabi."

Mabilis ang mga kilos ko. Ayaw niyang pumayag na uuwi akong mag-isa pero hindi rin ako nagpatalo. Nagpaalam ako sa parents niya na aalis na ako at magaang tango lang ulit ang ibinigay nila sa akin. Ni hindi nila ako inihatid palabas ng bahay.

Buntot pa rin sa akin si Jordan hanggang sa tapat na ako ng kalsada. Mag-hatinggabi na at wala na masyado dumadaang sasakyan. At halatang karamihan ng tao ay nasa mga bahay nila para salubungin ang Pasko.

Nang may dumaang bakanteng taxi ay pinara ko agad. Walang nagawa si Jordan nang sumakay ako. Bagsak ang mga balikat na naglakad siya pabalik sa bahay nila.

Kinuha ko ang cellphone ko para mag-reply kay Vadik.

Me: pauwi na

Ilang minuto nang nakaalis ang taxi nang mapansin kong naiwan ko ang wallet ko sa bahay nina Jordan.

Kaya agad kong sinabihan ang taxi driver na bumalik. Mabuti na lang at may nakaipit akong isangdaan sa case ng cellphone ko. Pero hindi 'yon kakasyang pamasahe pabalik sa mansion.

Ibinigay ko ang isangdaan kay manong at sinabi na hintayin ako saglit.

Pakatok na ako sa pinto nang marinig ang malakas na boses ng mama niya na kanina lang ay tahimik naman nang nandito ako.

"Bakit hindi mo pa hiwalayan 'yong babaeng 'yon ha, Jordan?'

"Ma! Ayokong pag-usapan 'to. Ulit-ulit na lang tayo sa ganito."

"Balak mo talagang pakasalan? Eh, may anak na 'yon sa iba. Ano na lang ang sasabihin ng mga kamag-anak natin? Bakit ba hindi na lang si Alice ligawan mo? Sinasabi ko talaga sa'yo, hindi ko matatanggap ang babaeng madumi."

Natawa na lang ako nang pagak sa sarili at tumalikod.

Simula pa lang alam ko nang ayaw sa akin ng pamilya niya. Akala ko kapag tumagal 'yong relasyon namin, gagaan ang loob nila sa akin pero gano'n pa rin pala.

Pinili kong balewalain ang narinig dahil napapagod na akong mag-isip.

Lakad-takbo ang ginawa ko pabalik sa kalsada dahil nagsisimula nang umambon. Pero pagdating ko, wala na doon ang taxi.

Ilang beses akong nagmura at muntik ko pang maihagis ang cellphone sa kalsada.

Wala na talagang dumadaang sasakyan lalo na at hindi sa may highway ang lokasyon ng bahay nina Jordan.

Wala sa sariling tinawagan ko si Kuya Dante. Hindi niya nasagot ang una at ikalawang tawag ko dahil mukhang busy. Pero sumagot na rin sa ikatlong beses na subok ko.

"Kuya, puwede mo ba akong sunduin?"

"Ay, ma'am! Umuwi ako sa Mindoro, 'di ba? Next year pa balik ko." Mahina siyang tumawa sa waley niyang joke. Nang hindi ako nakitawa ay bigla siyang nagseryoso. "Saan ho ba kayo?"

Oo nga pala. Kaya nag-commute ako papuntang Antipolo kanina dahil wala siya.

"Hindi bali na lang po. Merry Christmas, kuya." Ibinaba ko ang tawag at parang gusto kong maglumpasay sa kalsada.

Napatingin ako sa oras sa cellphone ko at apat na minuto na lang bago mag-alas dose ng gabi. Thirteen percent na lang din ang baterya ng phone ko.

Sinubukan kong mag-book ng grab at sana lang ay may gusto pang bumayahe ng ganitong oras at Paskong-pasko pa. Kahit ginto na ang presyo ng pamasahe ay pikit-mata ko na lang ikakaltas sa online bank account ko.

Pero muntik ko nang mabitiwan ang cellphone nang bigla itong mag-ring.

Vadik calling...

Lumunok ako para linisin ang bara sa lalamunan ko bago sinagot.

"Where are you? Kuya Dante called me and said that you want him to pick you up," sabi niya at naririnig ko rin ang mahinang ugong ng makina ng kotse.

Nagda-drive ba siya?

Hindi ko napigilan ang mapapikit at mapabuga ng hangin.

Grabe! May pag-report agad.

Sinabi ko na lang kung nasaan ako ngayon. Sandali siyang tumahimik at baka iniisip kung anong ginagawa ko dito gayong ang alam niya ay nasa Antipolo ako.

But he didn't say anything about it. "Could you please turn on the GPS location on your phone and share it with me so I can track your exact location?"

"Okay. Pero pa-lowbat na ako. Thirteen per—no, eleven percent na lang." Ang bulok talaga ng cellphone ko, sobrang bilis mag-drain ng battery.

He sighed. "I'll pick you up. Wait for me."

"H-ha? Hindi ba sobrang layo?" Nakakapagod mag-drive papuntang Caloocan tapos pabalik ng Makati. Katatapos niya lang din mag-surgery.

"Mag-grab na lang ako."

"But I'm on my way, and the traffic has cleared up, so I should be there shortly. Is it safe where you are right now?"

I held onto my chest and tightly pressed my lips together to prevent myself from sobbing. But I couldn't hold back the sniffles.

"Are you crying?" He suddenly asked, and I couldn't overlook the underlying concern in his tone. "Are you okay?"

"Hindi. I mean, may sipon lang. Malamig. Umaambon. I'm gonna hang up now as my battery is running low. Hintayin kita sa may Mcdo. Don't drive too fast. Okay?"

"Alright. Wait for me. And please stay safe."

Naghintay ako sa labas ng Mcdo dahil sarado na rin pala. Nagpasilong lang ako para hindi tuluyang mabasa dahil medyo lumalakas ang patak ng ulan.

I calculated the expected time of his arrival. The usual travel time ranges from 45 to 50 minutes without any traffic.

But in less than thirty minutes, he was already opening the car door in front of me. Ampotchi! I said not to drive fast because the road is slippery.

Seriously, what did he really drive to arrive so quickly, a car or a chopper?

My phone battery was still at two percent, but I already found myself seated in the front seat of his car as he handed me a jacket because I was shivering from the cold.

𓆩♡𓆪

Continue Reading

You'll Also Like

27.2M 936K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
13.3M 555K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
13.6M 501K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
809K 26.9K 9
A collaboration of CC, Race Darwin, Makiwander