MISSION 4: Pleasing You

By AleezaMireya

13.5K 759 352

The last thing Elamarie Calma wanted was a controlling freak of a boyfriend. She's a strong, independent, car... More

Author's Note
Teaser
Prologue
Chapter 1 - Déjà Vu
Chapter 2 - Mistaken Identity
Chapter 3 - Encounter
Chapter 4 - Blown away
Chapter 5 - Caught
Chapter 7 - Unfazed
Chapter 8 - Distracted
Chapter 9 - Compatibility
Chapter 10 - Army Motto
Chapter 11 - Biggest Takeaway
Chapter 12 - Eyes On
Chapter 13 - Melted
Chapter 14 - Trauma
Chapter 15 - Helping Hand
Chapter 16 - Bring Home
Chapter 17 - Drunk Dial
Chapter 18 - Sober Heart
Chapter 19 - Dating
Chapter 20 - No turning back
Chapter 21 - Unfazed
Chapter 22 - Get-away

Chapter 6 - Her Infuriating Prize

484 32 15
By AleezaMireya

Napamulat bigla si El. Binigyan niya ito nang matalim na tingin. "It was a stupid dare, okay? The dare is to work up a man and leave him hanging. I should have known better than to engage in that stupidity. Sabi nga nila: Play stupid games, win stupid prizes. You were just a pawn in our stupid game back then. And now, it seems you're also the infuriating prize."

Tumawa si Ace. "I am an infuriating prize?" Umiling ito, bakas ang kaaliwan sa mga mata. "Nagiging habit mo na'ng i-deplete ang ego ko. But then again, okay lang sa 'king ituring na infuriating prize, basta't ikaw ang winner, baby."

Pinaglapat ni El ang mga labi. Imbes na patulan ang ipinahihiwatig nito ay mas nag-focus siya sa huling salitang sinabi nito. Pilit niyang pinaglabanan ang kilabot na nanulay sa katawan, na laging nangyayari tuwing tatawagin siya nito sa gano'ng endearment.

"You can call me Elamarie. El is reserved for my close friends. Ella is for my mother. Elamarie is for people I just met."

"We've met several years ago. I also have no desire to be just a close friend. Since I'm neither one of those two, I'll stick with calling you baby. You can call me Ace, but I'd rather hear you call me again Daddy."

El rotated her eyes to hide the real effect of his words on her sanity. "You'll have to wait for eternity to hear that from me again, Ace."  

"We'll see about that." Ace chuckled. "Of all the people in the bar, why me, baby?"

Instead of answering, El bit the inside of her lip. She can't possibly admit to him what she just admitted to her mother earlier. It'll surely boost his overly-bloated ego. 

She nearly jumped when Ace lightly touched her chin, the area where her mole is. "Don't stall, baby. Or I'll take that as an invitation for me to kiss you."

Tinaasan niya ito ng kilay. "My friends chose that dare. Who do you think would choose to whom I shall do it?"

Umiling si Ace. Bakas sa itsura na hindi naniniwala sa sinabi niya. Ilang sandali itong tumitig sa kanya saka nagkibit-balikat.

"Bakit nagkunwari kang hindi mo 'ko kilala? 'Wag mo nang subukang sabihin na hindi mo 'ko nakilala dahil hindi ka magpe-pretend na may kakambal kung hindi, baby."

"Kasama ko ang mga kaibigan ko noon. May pinag-uuspan kaming mahalagang bagay. Pinipigilan mo 'ko kaya sinabi ko 'yon para tantanan mo 'ko." 

"Sinabi mo na lang sana ang totoo." Umiling ito. "Madali naman akong kausap. Willing akong mag-antay hanggang sa matapos kayo. Mas madali 'yon, kesa sa pagtakas mo."

"Of course, tatakas ako. Ang kulit mo kaya. Malay ko ba kung psycho ka!"

Tumawa si Ace. "Mula sa ego ko, mentalidad ko naman ang kinuwestiyon mo." Umiling ito. "Sino si Ronnie?"

"Ronnie's my boy–"

"Stop with the lies, baby," putol ni Ace sa sasabihin niya. "Inobserbahan ko kayo noon. Sure, hindi maikakailang malapit kayo, pero sigurado akong platonic ang relasyon ninyo."

Nagbuga siya ng hangin sa bibig bago sumagot. "Asawa ng best friend ko."

Gumuhit ang nasisiyahang ngiti sa mga labi ni Ace. "Bakit ba mas pinipili mong magsinungaling kesa aminin sa 'kin ang totoo, Elamarie?"

Inirapan niya ito. Ngayon siya nagpasalamat na hindi nito sinunod ang suggestion niya kanina. Mas matindi pala ang epekto kapag buong pangalan niya ang itinawag nito sa kanya. "Malay ko nga kung psycho ka."

Tumango-tanong ito, may ngiti pa rin sa mga labi.  "That's fair. But I can assure you, hindi compromised ang katinuan ko. Hindi ako makakapasok sa military kung hindi ako emotionally, mentally, at physically fit, baby," he answered confidently. Walang kalakip na pagyayabang sa boses nito. "Pero sana'y naisip mo 'yan bago mo ginawa ang dare. Mabuti na lang matino ako. Paano kung natapat ka sa totoong psycho?"

Pinaikot niya ang mga mata. "Ikaw, mabait? Annoying ka 'ka mo. At ang tungkol naman sa ginawa ko, I learned my lessons. Pinagbayaran ko na 'yon." 

"Don't mistook my persistence for annoyance, baby," naaaliw na sagot nito. "Hindi ka pa rin bayad. Hindi pa kita nasisingil, baby." 

"Oh, about the drinks? Let me get my purse." Bago pa siya makatalikod ay hinawakan siya ni Ace sa braso. Parang napaso na biglang hinigit iyon ni El. Nang magtama ang paningin niya ay nabasa niya sa mga mata ni Ace na parehas sila nang nadama. 

"Hindi lang pera ang utang mo sa 'kin, baby," bulong nito.

Lumunok si El nang mabasa ang emosyon sa mga mata nito. 

"I would rather jump in a pit full of snakes than jump to bed with you, Ace." 

"If you say so, baby," he answered, grinning. The emotion in his eyes intensified. "For now, I'll settle for dates."

"Okay. Two dates. Max."

Umiling si Ace. "Masyado naman yata akong lugi kung dawalang dates lang, baby. Pitong taon ang utang mo. Kung ako ang masusunod, dapat pitong dates 'yon."

"Babayaran ko na lang ng cash ang utang ko. Gawin mo pang hundred percent ang interest per year." 

Mataman siyang tinitigan ni Ace. "Let me be clear, baby: I don't want your money."

Humalukipkip si El. Tama ang first impression niya sa lalaking ito. He really is steadfast, and it's now working to her disadvantage. He's unwavering, but then again, so is she.

"If there's one thing you should know about me, it's that I don't let somebody else dictates me. The more a man tries to order me around, the more I rebel against him. Hindi porque't may utang ako sa 'yo, pwede nang masunod ang lahat ng gusto mo, Ace."

Ngumiti ito, halata ang amusement sa mukha. "I'm not dictating you, baby. Ulitin ko ang sinabi ko kanina—kung ako ang masusunod, pitong dates ang magiging kabayaran mo sa 'kin. Key words: kung ako ang masusunod. Nakikipag-compromise ako, baby, hindi nagdidikta."

Irap ang naging tugon niya rito, na sinuklian naman ng pagtawa ni Ace. "Back to our compromise, baby. Ayaw ko sa dalawang dates lang. Ayaw mo naman sa pito."

Tumikhim si El, nagseryoso bago nagsalita.  "Before we proceed, we need to set ground rules for what activities are allowed during the said dates."

Ace grinned. His eyes gleamed with excitement that made El's heart skip a beat. He winked at her before he answered, "Whatever activity you fancy, baby."

"Dinner lang. Ako ang mamilili ng lugar," maagap na sagot ni El. "Nothing fancy. Hindi naman gano'n kalaki ang utang ko sa 'yo. Kahit isama pa natin ang interest."

"Okay ako sa dinner date," sagot ni Ace. Hindi pa rin nabubura ang mapaglarong ngiti sa mga labi.  

"Three dinner dates."

"Four."

Pinandilatan niya si Ace. "Tatlo lang! Baka sa unang date pa lang, 'yong monetary equivalent ng utang ko sa 'yo, settled na!"

"Seven years. Divide it in the middle. Three and a half. How about three dates na sagot mo, ang ikaapat ay fifty-fifty tayo?"

"Fine!" masama ang loob na sang-ayon ni El.

Ngumiti si Ace. "Kailan ang first date natin, baby?"

"I have to check my calendar. Marami akong nabinbin na trabaho dahil sa biglaang bakasyon. Bukod noon ay magti-check ako ng inventory, mag-i-issue ng purchase order, at makikipag-usap sa mga suppliers' para sa schedule ng delivery."

Kumunot ang noo ni Ace. "Inventory? Purchase order? Part pa ba 'yon ng pagiging head chef mo?"

"Yes. Hindi lang naman pagluluto ang ginagawa ng head chef. Lalo na sa kaso ko. Family business namin 'yon, so it goes without saying na kailangan kong gawin ang mga bagay na beyond sa scope ng job description ko."

Matagal siyang tinitigan ni Ace. Kilauna'y tumango rin ito. "Okay. I understand." Tumayo ito nang tuwid at namulsa. "Kailan ako mag-e-expect ng feedback?"

Pasimpleng nagpakawala nang malalim na hininga si El. Nagpapasalamat siya sa espasyong muling ibinigay ng lalaki sa kanya. Malaking tulong iyon sa pagpapabagal ng puso niyang mula pa kanina ay nagririgudon na.

"Babalikan kita bukas kung kailan ako available."

*****

Lumingon si El para tingnan kung sino ang nagbukas ng pinto. Nang nakitang ng ina niya iyon ay ibinalik ulit niya ang paningin sa laptop. Bago balikan ang ginagawa ay iniunat muna niya ang likod at mga braso. Sumulyap siya sa oras na naka-display sa taskbar ng laptop. Thirty minutes past six.

"You're still here? Akala ko'y nakauwi ka na kanina pa, Ma."

Kasalukuyan siyang nasa main store, sa may Legaspi Village. Noong ito pa lang ang restaurant nila ay gamit na gamit pa niya ang natutunan sa culinary school. Pero nang nagkaroon sila ng ikalawang branch, sa Festival Mall sa Alabang, unti-unti na 'yon nabawasan. Araw-araw, dito sa Legaspi Village nag-oopisina ang ina, habang siya ay sa Alabang branch nila naglalagi.

"Pauwi na nga sana ako. Kaso'y paglabas ko'y nakita ko ang Tita Venus mo. Kakaalis lang nila." Tukoy nito sa isa sa mga college friend nito na madalas kumain sa restaurant nila. Naupo ito sa gilid ng mesa. Sumilip sa screen ng laptop niya. "Hindi ka pa tapos?"

Umiling si El bilang tugon. Siya ang head chef, pero ang maghapon niya ay naubos na kaharap ang laptop, imbes na sa kalan. Kahapon, hanggang kanina umaga ay nasa Alabang siya. Makapananghali ay pumunta na siya sa Legaspi Village, ang inventory at stock replenishment naman dito ang hinarap niya. Nakagawa na siya ng purchase orders. Ido-double check na lang niya iyon para masiguradong lahat ng kailangang ma-replenish ay kasama sa order. Pagkatapos ay ise-send na niya sa mga suppliers.

Dahil na rin sa dami ng trabaho ay kinailangan niyang bawasan ang oras sa kitchen. Tinulungan niya ang ina sa operational side ng business, habang ito naman ay sa administrative at accounting side nag-focus. Natulong pa rin naman siya sa kitchen basta't kaya ng schedule niya, o kapag may mga malaki o 'di kaya'y espesyal na event silang ikina-cater. 

"E di sa bahay ka magpapalipas ng gabi ngayon?" May kalakip na kasiyahang tanong ng ina niya.

Muling iling ang nating tugon ni EL habang tuloy ang pagta-type sa laptop. Noong nakaraang buwan ay kumuha siya ng condo sa Alabang dahil napapagod na rin siyang magbiyahe araw-araw. Isa pa'y mas mainam iyon lalo na't mag-e-expand na naman ang business nila.

"I have a da–" El abruptly stopped; she cleared her throat before she continued, "some business I need to attend to later tonight, Ma."

Noong isang araw sila nag-usap ni Ace. Kinumpirma niya rito kahapon na ngayong araw na lang sila magkikita para sa unang date nila. Ang sabi niya'y alas siyete na lang sila magkita. Nagtanong si Ace kung saan siya nito susunduin. Ang sabi niya'y magkita na lang sila sa Chinese restaurant na napili niya, pero ang reply ni Ace ay ang address ng bahay nila, tinatanong kung doon daw ba siya susunduin. Hindi na niya itinanong dito kung kanino nito nakuha ang address ng bahay nila sa Dasmarinas Village dahil may ideya na siya.

Imbes na sa bahay ay pinili ni El na magpasundo na lang dito sa restaurant. Ayaw niyang bigyan ng impresyon si Ace na welcome ito sa bahay nilang mag-ina.

"Gabi na, ah. Ga'no ba kaimportante ang business meeting na 'yan? Hindi ba pwedeng ipagpabukas na lang?"

Muli siyang sumulyap sa taskbar. Kung pagbabatayan ang oras ay malamang na kasalukuyan nang bumibiyahe si Ace papunta rito. "I don't think I can cancel this late, Ma."

Kung si El lang, hindi lang pagpapaliban ang gusto niyang gawin. Kung maaari lang na i-cancel na niyang talaga. Pero kung pagbabatayan ang determinasyong nakita niya sa mga mata ni Ace nang huli silang nagkita, alam niyang wala siyang choice kundi tumupad sa naging kasunduan nila. Isa pa'y gusto na rin niyang matapos iyon kaagad para mabilis ding magkahiwalay ang landas nilang dalawa.

"Alam kong necessity na mayroon kang matutuluyan sa Alabang, pero may mga sandaling nagsisisi akong pinayagan kitang kumuha ng sariling condo. Dadalawa na nga lang tayo, magkalayo pa. Nami-miss na kita sa bahay, anak."

Lumambot ang mukha ni El. Mula nang makalipat siya sa condo ay mabibilang na lang sa daliri ang gabing pinalipas niya sa bahay nila.  "I missed you too, Ma. At kung may choice lang ako, hindi ko rin nanaisin na umalis sa bahay. But I have to."

"I know. Ito ang kapalit ng pag-asensong pinapangarap lang natin dati." Ngumiti ito pero bakas pa rin ang lungkot sa mukha. "Naninibago pa rin ako. Nasanay kasi akong paggising, nag-uunahan tayo sa paghahanda ng agahan."

Tumayo siya at niyakap ang ina. "Kung gusto mo'y ikaw naman ang bumisita sa condo. Makakapasok ka naman doon anytime. Doon ka rin matulog minsan."

May susi ang ina ng condo niya at naibigay na niya ang pangalan nito sa mga bisita na hindi na kailangan ng endorsement.

"Uh-hum. Mangyayari talaga iyon sa mga darating na buwan. Lalo na sa first few months ng operation ng bubuksan nating restaurant sa Sta. Rosa." Bumuntong-hininga si Joyce nang bumitaw sa kanya. "Anong oras matatapos ang business meeting mo? Kung gagabihin ka nang sobra'y sa bahay ka na muna umuwi."

Ngumiti si El. "Sure, Ma. Kahit maagang matapos, sa bahay muna ako uuwi."

Nasisiyahang gumanti ng ngiti si Joyce. "So, paano? Sa bahay na lang tayo magkita."

Tumango si El. Humalik siya sa pisngi ng ina. "See you later this evening, Ma. Antayin mo ako. Dadalhan kita ng kape. Don't worry, decaf 'yon."

"Okay. Aantayin na lang kita sa bahay mamaya," nakangiting sagot nito nang tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng mesa.

Nang sumarado ay pinto ay ibinalik niya ang buong focus sa ginagawa. Matapos ma-double check ang lahat ng items sa mga Purchase Order na ginawa niya ay ini-attach niya iyon sa e-mail at isinend sa mga suppliers nila. Sumulyap muli siya sa oras sa taskbar. Ten minutes before seven. Just enough time to freshen up. Nang pumasok na sa Sent Mail Folder ang mga email ay pinatay na niya ang laptop.

Habang inaantay na mag-proper shutdown ang laptop ay iniikot niya ang paningin sa maliit na opisina. Walang visitor's chair na nakalagay sa harap ng mesa na ginagamit ng ina, na inangkin niya pagdating niya rito kanina. Bukod sa dalawang office table, dalawang swivel chair, tatlong lateral, at dalawang storage filing cabinet, isang side table na pinagpapatungan ng printer na may scanner at telepono lang ang naroon. Dati ay malawak ang office area na ito, pero kinailangan nila ng mas malaking storage area. Kaya kapag may mga customers silang ka-meeting ay sa dining area na lang nila iyon kinakausap. 

Lumalaki na ang business operations nila. Hindi na uubra ang maliit na opisinang ito. Hindi na rin ideal na sa magkahiwalay na lugar sila ng ina nag-oopisina. Napagdesisyunan nila na kumuha ng office space na siyang magiging central business hub. Inire-renovate na iyon base sa specifications nila. Currently ay may isa silang staff na siyang kasama ng ina. Kasalukuyan na ring nagre-recruit ang ina niya ng karagdagan na tatlong staff pa, isang administrative, isang accounting, at isang operations.

A bittersweet smile curved El's lip. Kapag nakalipat na sila sa bagong opisina nila'y tiyak na mamimiss din niya ang lugar na ito—ang lugar kung saan sila nag-visualize mag-ina na darating ang panahon na marami na silang Ella's Place na pinamamahalaan.

Naputol ang pagmumuni-muni niya nang muling bumukas ang pinto. May gulat na gumuhit sa mukha niya nang makita kung sino ang sumungaw doon."Narito ka pa rin, Ma?"

“Yes,” nakangiting sagot nito. Halata ang excitement sa mukha. “Paglabas ko’y siyang dating ni Ace. Tatawagin nga sana kita, pero sabi niya’y ‘wag na. Seven daw ang usapan ninyo. Napaaga lang siya ng dating. Habang nagpapalipas ng oras ay ako muna ang umistima sa kanya.”

Napapikit si El. Ito ang isa sa mga dahilan kaya ayaw niyang magpasundo sa bahay. Hangga’t maaari, ayaw niyang malaman ng ina niya ang tungkol sa paglabas nila ni Ace dahil hindi malayong bigyan nito ng ibang kahulugan iyon.

“Gusto ko ang karakter ni Ace, anak. Saglit pa lang kaming nag-uusap pero naunawaan ko na kung bakit siya ang nilapitan mo sa bar. Aside from good looks, he is also smart and a funny young man. Nase-sense ko rin na kayang-kaya niyang tapatan ang kamalditahan mo, Ella,” patuloy nito sa boses na hindi maikakailang naaaliw.

“Siya pala ang ka-date mo ngayong gabi,” nanunudyong wika nito. “Ang sabi ko’y kesa lumabas pa kayo’y sa bahay na lang kayo mag-dinner. Ako na’ng bahalang magluto. You can entertain him in our garden.”

Continue Reading

You'll Also Like

49.6K 727 4
Started: October 22, 2021
1M 37.6K 30
~ COMPLETED ~ Side story 3 of Sweet Surrender 🦋 Started: February 2022 Ended: October 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2022 ****UNEDITED****
4.5M 86.6K 57
2nd installment of The Billionaire Bachelors Series SCHULAIKA GONZALES, restaurateur and a chef. Sikat ang kanyang restaurant dahil sa masasarap na...
32.6M 826K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...