Nakatitig lang ako sa mensahe nya hindi ko alam if magrereply ba ako or hindi. Pero sa dulo ay nag reply pa rin ako sakanya.
Kristel Martha Regacion:
Baka pag tsismisan yung shared post ko.
Aerol Jazper Macaraig:
Sayang naman hays.
Nag react nalang ako sa chat nya tsaka nag scroll sa facebook pagkatapos ay nagbasa nalang ako ng wattpad. Wala din naman pasok bukas kaya okay lang pero kailangan kong mag aral sa chemistry kasi may quiz sa thursday. Kinabukasan naman ay dala ko ang notebook, ipad at ballpen tsaka nag aral sa study room.
"Tapos ka mag aral?" Tanong ni mommy pagpasok ko sa bahay.
"Opo." Sabi ko tsaka minasahe ang noo ko.
"Sakto kakain na tara na." Pag aaya nya tsaka nilagay ang giniling sa lamesa.
Naupo na agad ako tsaka hinintay ang tatay at kapatid ko na samahan ako kumain at ako na rin ang naghugas ng pinagkainan namin.
"Huy naintindihan mo ba yung solving solving sa chemistry?" Tanong ni Precious na ang daming hawak na papel.
"Prayers nga lang dala ko ngayon." Natatawa kong sabi sakanya.
"Ikaw pa prayers, takot ka nga bumagsak." Sabi ni Lauv.
Kala mo sila hindi takot bumagsak. Pare pareho lang naman kami ditong kinakabahan para sa quiz sa chemistry. Napatulala ako sa exam nya sa 3rd part di ko alam kumg anong kailangan nyang equation.
"Mamaya talaga mag shashared post ako." Sabi ni Arwen habang umiinom ng iced tea.
"Ano naman?" Tanong ko sakanya.
"Grade is just a number. It doesn't define me." Sagot nya sakin.
"Pero syempre kapag mataas edi ang galing ko naman." Pagtutuloy ni Precious kaya sumimangot si Arwen sakanya.
"Anyway nakita nyo na ba? May event bukas." Kwento ko sakanila.
"Anong meron?" Sagot ni Lauv.
"Edi CS Days." Sabi naman ni Arwen.
"Excited talaga ako kasi syempee tatlong araw din na walang klase nun." Sabi ko sakanila.
Ganon nga ang nangyari kinabukasan, maaga kaming pumunta ng school kasi kailangan mag attendance kaya tumambay nalang muna kami sa walls.
"Third, fourth and fifth wheel nanaman kami." Reklamo ko tsaka tumayo.
"Wala masyadong ganap sa CS Days." Sabi bigla ni Precious at bumuntong hininga.
"Sabi daw nila bukas marami kasi may banda." Sagot naman ni Lauv.
"Nood tayo." Pag-aaya ko sakanila.
Kumain na din kami tsaka bumalik sa school kasi kailangan pala ng afternoon attendance mas marami ng pila sa mga booths.
"Tara, photo booth." Pag-aaya ni Arwen kaya sumang ayon naman kami.
Habang naglalakad kami nakita pa namin ang iba naming kaklase katulad ni Ali, Sofia, Twinkle, Jeremy, Carl.
"Huy saan kayo?" Masaya kong tanong sakanila tsaka niyakap si Sofia.
"Papunta sa photo booth." Sagot ni Ali kaya tumango ako.
"Doon rin naman kami patungo gusto nyo sabay sabay na tayo?" Pag-aaya ko.
"Tama habang wala masyadong pila." Sabi ni Precious.
"Pero hinihintay pa namin si Aerol nag restroom lang." Singit naman ni Jeremy.
"Okay na 'ko. Tara na." Sabi ni Aerol na kakarating lang at nakatingin sya sakin.
Ganon nga ang ginawa namin pumila kami sa photo booth at mabilis lang naman ang pila kaya sandali lang. Bumili rin kami ng sari sariling kopya para remembrance.
"Ang ganda naman natin dito." Sabi ni Precious habang nakatingin sa pictures natin.
"Pero ba't parang si Arwen yung lamang tignan nyo blooming." Natatawa kong sabi.
"Ganyan talaga kapag may boyfriend na tinatrato ng tama." Sagot ni Arwen sakin tsaka ako kinindatan.
"No to commitment po tayo dito." Walang connect ko na sabi tsaka ngumiti.
"Nako kapag ikaw talaga." Iling na sabi sakin ni Lauv.
Habang naglalakad palabas kasama sila Ali ay bigla akong pinulikat kaya napaupo ako sa malapit na gazebo tsaka ko pinisil ang paa ko. Habang kinkausap nila Precious sila Twinkle ay pinisil pisil ko ang aking binti habang nakangiwi.
"Mauna na kayo. Baka matatagalan pa kami dito." Mahina kong sabi kaya nagpaalam na sila saamin.
"Nawawala na ba yung sakit?" Nag aalalang tanong ni Precious.
"Oo konti nalang" Sabi ko kaya tumabi nalang sila sakin.
Habang naglalakad kami palabas ay nakahawak ako kay Lauviah at nakita ko sa labas ng gate si Ali, Jeremy pati si Aerol na nag uusap.
"Okay ka na?" Tanong ni Ali.
"Oo, kaya ko na." Nakangiti kong sagot sakanila.
Hindi na ako sumama sa SM dahil nararamdaman ko pa rin ang sakit sa left leg ko kaya umuwi nalang ako kaya nagsuot na agad ako ng pambahay tsaka ko pinatong ang paa ko sa unan kasi ayon ang parati kong ginagawa.
"Anong nangyari sayo?" Tanong ng kapatid ko.
"Namulikat lang." Sagot ko tsaka sya tumango.
Kinuha ko nalang ang notebook at nagsulat ng notes tutal ay maaga. Ayoko kasing nagpriprint di nareretain sa utak ko kaya sinisipagan ko talaga magsulat. Biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito.
Aerol Jazper Macaraig:
Are you okay?
Kristel Martha Regacion:
Yes, nadadaan naman ito sa pahinga.
Pinatay ko na agad ang phone ko tsaka nilayo sa aking sarili. Kinabukasan naman ay balak namin manood ng banda kaya nagdala ako ng extra money. Ala una na rin nung nagsimula ito.
"Konti lang tao." Sabi ni Precious kaya natawa ako.
"Mukha lang konti kasi malawak yung field." Sagot naman ni Lauv.
Nilibot ko ang aking paningin at marami ngang nanonood pero karamihan sakanila ay pinili nalang tumayo o kaya ay manatili sa gazebo.
"Huy, sila Ali." Nakangiting sabi ni Arwen at tumakbo.
Sumunod naman agad kami tsaka ko nakita sila Ali at in fairness present silang lahat meron din naman silang kumot kaya umupo na sila Precious habang ako naman ay nakatayo. Coincidence siguro to dahil magkatabi pa kami ni Aerol kaya dahan dahan akong umupo sa tabi nya.
Habang nanonood kami ay biglang tumayo si Arwen at tinanong ako kung pwede ko syang kunan ng picture at pumayag naman ako. Inikot ko ang mata ko para sana magpahawak ng bag ko para mas maayos ang kuha.
"Why?" Tanong ng katabi ko which is si Aerol.
"Uhmm... Papahawak ko sana yung bag ko sandali." Mahina kong sabi sakanya.
"Ako nalang muna." Sabi nya tsaka ko ito binigay.
Tumayo na ko tsaka kumuha ng pictures nya at maraming beses pa syang nagpakuha para daw bago ang kanyang profile picture.
"Patingin ako." Sabi nya tsaka lumapit sakin.
"Ang ganda ko naman." Natatawang sabi ni Arwen pero agree naman ako.
Natapos na ang banda at tumayo na kami. Pinagpag ko pa nga ang suot ko kasi ang daming sumama na mga damo.
"Nasaan pala ang bag mo?" Nagtatakang tanong ni Precious sakin.
"Oo nga pala." Sagot ko.
Nakita ko si Aerol na naglalakad na habang kausap sila Ali at Jeremy. Bitbit nya ang bag ko sa left arm nya.
"Kunin ko na pala yung bag ko sorry nakalimutan ko." Paghihingi ko ng paumanhin sakanya.
"Okay lang." Sabi nya tsaka ito binigay sakin.
Binalikan ko ang mga kaibigan ko pero mga nakangiti kaya napakunot ako ng noo.
"Para kayong mga baliw dyan. Bakit kayo nakangiti?" Nagtataka kong tanong sakanila.
"Cute nyo naman tignan ni Aerol may taga buhat pa ng bag." Pang aasar ni Arwen.
"Nagpasuyo lang ako kasi nag papicture ka sakin." Sagot ko.
"Pwede naman samin." Sabi ni Precious at tinuro din nya si Lauv.
"May kausap kayo." Sagot ko ulit.
"Okay lang parte yan ng pagdadalaga." Sagot ni Lauv sakin at napailing ako.
"Basta mag iingat ka lang ha." Paalala sakin ni Arwen.
Sign na pala yung mag ingat sana nakinig ako