The Playlist

By AyraNavarro

62 4 0

Bunch of stories inspired by songs <3 More

Angels Like You
Angels Like You
Ikaw Pa Rin
Ghost
Sugar n' Spice
The Night We Met

Deja Vu

8 1 0
By AyraNavarro

"Is she? Impossible! She's dead." naririnig ko yung mga bulung-bulungan as I walked by them.

Hindi ko alam kung ako ba pinagchichismisan nila pero nakakapagtaka na mga tinginan nila sakin, akala mo nakakita sila ng multo.

"Abby?!" sigaw ng isang babaeng ngayon ko lang nakita sa tanan ng buhay ko, Abby?

"A-Ako ba?" tinuro ko pa yung sarili ko kase baka mamaya di pala ako diba? Ang feeling ko naman masyado.

"Oo.. Oh my god.. Nagmumulto ka?" napa-wtf nalang ako, mukha ba akong multo? Masyado bang makapal foundation ko?

"I-Im sorry po, iba po ata tinutukoy niyo. I'm Amy not Abby!" kitang-kita ko yung pagkagulat sa mukha niya, ano bang meron sa mga taong to? Kakapasok ko palang ang weweird na nila?!

"No way! Ella will lose her mind if she sees you" Ella??? Sino nanaman yon? Another weirdo?

"Okay Miss uhmm.."

"Janica, i'm Janica Valderama." nakangiti niyang saad.

"Janica uhm una nako ha? Kung sino man yang Abby sana makita niyo na siya cause I'm not her" nakita kong lumungkot yung mga mata niya, I feel bad pero umalis na din ako. Masyado nakong nawweirduhan sakanila.

Hindi ko na pinansin pa yung ibang nagbubulungan na estudyante dahil male-late nako. Papasok na sana ako sa room ng biglang may bumangga sakin, napaupo ako dahil sa lakas niya. What the heck? Ano bang meron sa first day of school ko ang malas ko naman.

"I'm sorry- Abby?" napatingin naman ako sa nakabangga sakin, she's pretty ha pero taena bat anlakas niya at napaupo ako amp! Tiyaka Abby nanaman?

"For the nth time ako nga si Amy okay? Sino ba yang Abby na yan?" yung gulat sa mata niya kanina ay biglang nawala. Para siyang nawalan ng emosyon.

"Im sorry, Amy." she said habang alok niya yung kamay niya sakin, tinanggap ko naman kesa habang buhay nako nakasalampak dito.

"Hayaan mo na, sorry din. Nagmamadali kase ako, sige na bye!" di ko na siya hinintay pang magsalita at pumasok nako sa room, buti hindi pa ako late at nag good morning pala yung prof namin hays.

"Miss Amy Salvador?" tanong niya kaya tumango naman ako.

"Halika at magpakilala ka sa classmates mo" gosh! I thought tapos nako sa gento pero arghh.. Whatever! Magpapakilala na para matapos na to.

"Hala akala ko si Abby"

"Nakita na kaya siya ni Ella?"

"Quiet class!" ayan nanaman po ang mga bubuyog, good thing napatahimik sila ni Maam.

"Hi po! I'm Amy Salvador, 18. Recently moved here from Australia. I hope makasundo ko kayong lahat!" mas lalo lang lumakas ang mga bulungan, kung sino man yang Abby na yan I think she's famous or something.

Hindi pa ako napapaupo ni Maam pero may pumasok na uli, siya yon. Yung maganda estudyante. Sobrang titig niya sakin pakiramdam ko nakikita na niya kaluluwa ko kaya I looked away. Grabe ha, ang intense.

"Pwede ka ng umupo Miss Salvador, don ka nalang sa tabi ni Ella tutal don naman may bakante." natahimik ang lahat, napatingin din ako kay Ella. Sobrang higpit ng hawak niya sa upuan feeling ko masisira niya yung armchair.

"Come on, Ella. It's been a year-"

"Shut up, paupuin mo na yan dito!" hindi na natapos ng Prof namin ang sasabihin niya dahil sa pagsalita nung Ella kaya naman wala na din akong magawa kung hindi maupo don.

Ramdam na ramdam ko yung tingin mg ibang classmates ko pero nakatitig lang ako sakanya, Ella. I don't know why pero nakikita ko yung lungkot sa mukha niya habang palapit ako sakanya.

"Uh hi again!" bati ko sakanya, di naman siya umimik instead binuksan niya yung libro niya at nagbasa siya.

Hindi ko na din pinilit pa at nagbukas nako ng bag, nilabas ko na yung notebook ko na kuromi even yung pencil case, I know ang childish pero duh! Siya pinakafave kong sanrio character.

"You're really not her" halos kilabutan ako sa boses niya, why so cold ante? Ikaw ba si Elsa?

"What?" tanong ko sakanya pero inirapan lanh niya ako.

Tignan mo to, mauuna makipagusap bago siya tong mang ssnob?! Bangasan ko kaya to.

"Kung sino man yang tinutukoy niyo, I'm really not her and I'm trying not to be her. Kaya tigil-tigilan niyo ko ng ganyan ha!" I caught her attention with that bago umirap nanaman, isa pa tutusukin ko na mata neto.

"Yeah, she's not like you!" kulit ng mukha neto, di ata naintindihan sinabi ko.

"Whatever and pakitatak sa utak I don't know her so I'm really not like her!" don siya natigilan at tumahimik.

Napalakas ata pagkakasabi ko kase nakatingin na samin lahat even yung prof. Di na niya kami pinansin and nagpatuloy lang sa discussion.

Gosh. First day palang sana matagalan ko siya.

"Bago mag end tong lecture natin, I want you guys to pair para sa upcoming project natin. Wag na kayong lumayo pa at yang katabi niyo na partners niyo, madali lang naman to." dali-dali naman ako napatingin sa katabi ko, kung minamalas ka nga naman.

"Magsabi kalang ha kung ayaw moko maka pair, kaya ko naman siguro gawin to. Don't worry sasali pa din kita sa listahan." tinignan nanaman niya ako with her cold eyes.

"Nope, maya natin gawin sa library." she said bago umalis.

Time goes by, uwian na and dumiretso nako sa library. Hindi pa din nawawala yung mga bulungan at hindi ko na sila pinansin pa. Bahala sila maubusan ng laway.

"I thought di ka pupunta" nagulat ako ng bigla nalang siyang sumulpot sa likod ko.

"Geez. Bigla bigla ka nalang nasulpot psh!" ako naman ang umirap sakanya.

"Look. Im sorry earlier, I guess na- overwhelmed lang naman ako kase magkamukha kayo" nakonsensya naman ako sa pagirap sakanya.

"Sorry din sa attitude, kaninang umaga pa ako pinagkakamalang si ano.. Ano nga name? Yon si Abby! Nakakabadtrip lang." tumango naman siya at umupo na sa upuan.

"I hope we can restart again, Im Ella by the way.. Short for Janella Valdez." tumango naman ako at kinamayan siya.

"Nice meeting you, Ella" and don ko lang siya nakitang nag smile.

She's really pretty tho. Mas lalo siguro kung abot sa mata niya yung mga ngiti niya.

Hindi na kami nagchismisan pa at nag start na kami gumawa ng project, about science eme eme. Wala akong maintindihan sa totoo lang lalo na pag nagsasalita siya, she looks so serious and smart. Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit parang nalakas tibok ng dibdib ko?

"Are you okay?" taena mas lalo lang lumala nung tumitig siya sakin.

Rupok mo talaga be, kanina lang ayaw mo sakanya. Ano naman to ngayon?

"O-Oo okay lang hehe" she nodded then bumalik agad siya sa pagtype sa laptop niya.

Ilang araw pa makalipas at feeling ko dahil lagi kami magkasama ay nadedevelop nako sakanya. Crush lang naman okay? I mean she's pretty and smart bago ako lang din kinakausap niya sa class. Minsan nakakasama ko na siya mag recess.

Andon pa din yung madaming nagbubulungan pero natuto nakong hindi sila pansinin. Gets ko naman na din bakit? Kung about pa rin to kay Abby I'll just shrugged it off.

Eto na yung last day ng paggawa naman ng project, niyaya niya ako sa bahay nila para don daw gumawa since may printer siya kaya pumayag nako.

Pagpasok sa bahay nila halos malula ako sa laki, kaya naman pala sikat din tong nilalang na to eh. She really got it all!

Mukhang walang masyadong tao sa bahay nila, i guess only child niya. Unlike samin, 3 kami kaya lagi magulo. Masaya din sigurong gento katahimik ang bahay.

"Dito tayo sa kwarto ko, andon yung printer." hindi naman nako nagreklamo at pumasok na din sa kwarto niya.

Maganda kwarto niya, minimalist. Sobrang linis din, walang wala kwarto ko. Maliit na tapos gulo gulo pa, nagkalat kuromi stuffs sa paligid, buti nalang dito siya nagyaya.

"Sit. Kukuha ako ng makakain natin, baka may gusto kang kainin? Tell me." err wala akong maisip na kakainin, hindi din naman ako nagugutom. Aha! I have an idea.

"Baka may alak ka dyan, friday naman na. Ilang araw na tayong stress!" natawa naman siya sa sinabi ko.

"Di ko alam na palainom ka pala!" natatawa niyang saad.

"Hoy hindi! Naisip ko lang hahaha. Bili na! Para naman marelax ka, mukhang palagi kang intense eh!" umiling lang siya bago lumabas.

Gumala muna ako sa kwarto niya. Nagtingin-tingin sa pictures kung may pamilyar ba- teka eto yung nakasalubong ko nung isang bes ha? Friends pala sila?

"What are you doing?" hilig talaga manggulat ng babaeng to.

"Kilala ko yung kasama mo sa picture, yung nasa dulo? Nakasalubong ko din siya nung first day ko." tinignan naman niya yung tinuro bago binaba sa table yung bote ng alak at ilang chips.

"Ah si Jan, she's my cousin. Mother side!" tumango naman ako bago lumapit sakaniya.

Agad niyang tinungga yung isang bote kaya naman uminom na din ako. Sosyal ng pulutan namin ha, ni hindi ko kilalang chips yung nilabas niya.

Hindi nagtagal ay tinamaan na agad ako, mahina naman kase alcohol tolerance ko, ewan ko ba bat nagyaya ako? Siraulo din talaga minsan eh.

"Kinausap din ako ng pinsan mo nung isang araw actually" ayan na nadaldal nako, ganyan talaga pag tipsy di ko na mapigilan bibig ko.

"Hmm?" nakita kong tumingin siya sakin.

"She said na she thought I'm Abby, ganon ko ba talaga siya kamukha?" nakita kong binaba niya yung bote. Tumitig siya muna sa kisame ng mga ilang segundo bago sumagot.

"Oo, you really look like her. Pero there's difference pa din talaga lalo na sa ugali." tumango naman ako.

Nagulat naman ako ng bigla siyang lumapit sakin, sobrang lapit na halos maramdaman ko na yung paghinga niya sa mukha ko.

Para akong nabato, grabe yung titig niya sakin. Pakiramdam ko kita na niya hanggang utak ko sa intense at lapit niya sakin.

Kinakabahan ako na ewan, sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Feeling ko nawala pagkatipsy ko ng bigla niya akong halikan, at first hindi ko alam ang gagawin ko pero nung nagsimula na siyang gumalaw humahalik na din pala ako.

I don't know what's right or wrong at this moment pero hindi ko kayang mag stop. Her kisses.. I want more.. I think I really really like her at alam kong mali to.

-

Nagising ako kinabukasan, nagtataka kung asan ako at bakit wala akong suot. Bigla ko nalang nakita sa tabi ko si Ella. Ganun din, nakatakip lang siya ng kumot.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, that was my first. Ano ba tong ginagawa ko sa buhay ko!

Tumayo nako para magbihis, hindi pa din siya nagigising. Pupulutin ko sana yung bote sa ilalim ng kama niya pero iba yung nakuha ko, picture frame na nakataob. Dahil sa curiousity kinuha ko na din at halos mapanganga ako sa nakita.

She really looked like me. Kaya pala.. So I guess girlfriend niya si Abby and kamukha ko nga talaga siya.

Hindi ko alam bakit naiiyak ako, hindi naman kami magjowa bakit nasasaktan ako? Gento naba kalala nararamdaman ko agad sakanya? Oo may nangyare pero tangina.. Bobo mo talaga Amy! Malamang kaya ka niya pinatulan kase lasing at kamukha mo yung girlfriend niya.

Di nako nagpaalam pa at lumabas na, kung minamalas ka nga naman at makikita mo pa pinsan niya.

"Hey there Amy! Anong ginagawa mo dito?" takang tanong niya.

"G-Gumawa ng project" saad ko naman.

"Project? 8am? Tsaka umiiyak kaba?" dali naman akong nagpunas ng luha.

"Napuwing lang, sige na!" aalis na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Stop messing with her" seryoso niyang sagot.

"Ano?" hindi ko maintindihan pinagsasabi niya.

"Stop messing with Ella, base sa itsura mo mukhang nalaman mo na yung about kay Abby. Kung ako sayo lalayo nako sakanya hanggat hindi pa malala yang nararamdaman mo. She only love Abby, no one can replace her lalo na sa puso niya." ouch. Pakiramdam ko na-double kill ako ngayong umaga.

"I said napuwing lang ako. Tigilan niyo nako lalo na about sa Abby na yan at talagang lalayo nako sainyo!" hindi ko na siya hinayaan pang makasagot at umalis na.

Nasermunan ako ng nanay ko paguwi pero parang wala lang sakin. Iniisip ko pa din yung nangyare at sinabi ni Janica. Im so dumb to fall for that, pero diko din masisisi si Ella. Kamukha ko naman talaga siya, nasakin ang sisi. Bakit kase ako pumayag? Bakit di ko siya pinigilan? Dahil akala ko magugustuhan niya din ako.

But let's face it. Baka kaya niya lang ako kinakausap dahil kamukha ko siya. Ang saklap.

Lumipas ang araw at hindi ko na talaga siya pinansin pa kahit pa magkatabi lang naman kami sa upuan. Gusto ko na nga magpalipat kay Maam pero sabi niya kung may mahahanap akong makakapalitan okay lang.

Kinausap ko na lahat ng classmate ko, buti pumayag si Sheila. Atleast malayo nako sakanya. Pagpasok ko palang don nako dumiretso, ramdam ko yung titig niya sakin pero diko na pinansin pa. Buti nalang din at dumating na si Maam kaya nagstart ng ang discussion.

Uwian na, nagmamadali akong umalis kase naulan at wala akong payong. Tatakbo na sana ako ng maramdaman kong may humawak sakin.

"Take it. Baka magkasakit ka!" si Ella.

"Hindi na, iyo na yan!" aalis na sana ako pero ang higpit talaga ng hawak niya.

"Bakit mo ba ako iniiwasan? Look I'm sorry sa nangyare okay? Nadala ako ng alak-"

Nadala ng alak? Tangina.

"Tama na Ella. Layuan mo na ako, maling mali okay? Ayoko ng nangyare dahil aminin mo man o hindi si Abby ang tingin mo sakin! Ano may deja vu ba? Gusto kita oo pero ayokong magustuhan moko dahil kamukha ko siya!" kita ko yung gulat sa mukha niya.

"Mali ka. Hindi ko siya nakikita sayo, oo kamukha mo siya pero ilang bes kong binanggit sayo na magkaibang-magkaiba kayo. Tanggap ko ng wala na si Abby kahit kailan at nagawa ko yun dahil gusto kita Amy, lumakas lang talaga loob ko dahil sa alak pero ikaw ang nakikita ko ng oras na yon hindi siya." diko alam kung nabingi ba ako pero tanging pagpatak nalang ng ulan at tibok ng puso ko ang naririnig ko.

"Walang deja vu, Amy. Ikaw ang gusto ko, ikaw mismo at kung sino ka." diko na mapigilan ang pagiyak.

Kitang kita ko ang sincerity sa mata niya, diko akalaing magkakagusto din siya sakin.

"I like you the way you are. Kaya please wag mo na akong iiwasan." she said while she hugged me.

Hindi ko na namalayan ang patak ng ulan, ang lamig. Tanging nangingibabaw nalang sa isip ko yung init ng yakap niya at pagtibok ng puso ko.



-----
THE END.

Continue Reading

You'll Also Like

959K 1.4K 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
442K 451 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞
44.6M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
29.2M 923K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...