"Nandito ka lang pala, tara na sa loob!"
Napalingon ako kay Hershey na siya palang biglang kumalabit sa akin habang nanonood ako sa mga criminology na nakaparada sa harap ng chapel bago magsimula ang mass.
Susunod na sana ako kay Hershey sa loob ng chapel nang bigla ko namang nakita si Wendel sa kabila. Kakarating niya lang suot ang uniform niya katulad ng mga pinsan kong si Jasper, Kuya Paul at Lyrel. Mukhang nahuli siya kaya nasa hulihan siya ng linya pero hindi klaro ng mga head sa harap. Baka nga yata sinadya niyang magdahan dahan dahil baka mapagalitan!
Nakisingit na din ako sa maraming estudyante para lang makapasok sa loob ng chapel. Naglalakad pa nga lang ako sa gitna, sa aisle nang bigla ko namang nakita si Reymark na dumaan sa harap ng altar. Napatigil ako nang makita siyang ngumiti sa akin habang naglalakad siya papunta sa kasamahan niya, suot ang sariling sotana.
I breathe raggedly. Why did he do that?
Okay, Jemaica! What's wrong when your cousin just smiling at you? It's nothing!
"Hoy,"
Napalingon ako sa biglang tumawag sa akin. Hindi naman ako nagulat nang makitang si Hva iyon kaya kaagad akong lumapit sa inuupuan nila at tumabi sa pinakagilid. Binati ko din ang mga pinsan ko sa tabi niya. Si Kuya Jham, Leyo, Chin, Ymee, Rabella at Hershey.
"Wala pa ba sina Vince at Yalin?" I asked Hva beside me.
"Wala pa nga, eh," Hva answered. "Hoy, Ymee, lumipat kayo sa likod, save a seat for Vince and Yalin."
Ginawa naman kaagad ni Ymee ang sinabi ni Hva. Pati si Hershey at Rabella ay lumipat din para may maupuan sina Vince at Rhealyn. Nagpalit din ng upuan si Hva at Leyo kaya si Leyo na ang katabi ko.
"Alam mo ba—"
I cut Leyo off. "Hindi."
"Syempre, sasabihin ko pa lang," Nakangising sabi pa ni Leyo. "Mag best friend pala sina Mama, si Tita Bernalyn at saka si Officer Sarsalejo..."
"Yeah, Miss..." Sabat pa ni Hva na abala sa cellphone niya. "Actually, I know it already for a long time. Hindi ko lang nasabi dahil mukhang hindi ka naman interesado."
"B-Bestfriend?" I bit my lower lip. "Sure ka?"
"Oo!" Ani ni Leyo, kinuha sa bulsa niya ang sariling phone. "Eto nga, oh! Nakita ni Hershey sa album ni Mama. College schoolmates pala sila."
Pinakita ni Leyo sa akin ang isang picture kung saan kasama ni Tita Bernalyn at Tita Clarise si Officer Sarsalejo. Ang saya ng mga ngiti nila habang hawak hawak ang suot na medal. Si Officer Sarsalejo ang nasa gitna at nasa bibig niya ang medal niya na kunwari kinakagat niya ito. Mukhang kinuhanan lang ni Leyo ang picture na 'yun galing sa album.
Bumuntong hininga ako. Nagtataka naman ang hitsura ni Leyo nang tignan niya ako. Hindi ko alam pero naging panatag ako. Iniisip ko nalang na baka 'yung picture ni Mama at ni Officer Sarsalejo ay katulad lang kina Tita Clarise at Tita Bernalyn. Pang kaibigan lang. Baka naging kaibigan din ni Mama si Officer Sarsalejo dahil sa mga Tita ko. Wala naman palang malisya 'yun!
"Okay ka lang ba?" Leyo brows knitted. "Ngayon lang kita nakitang balisa!"
"Leyo," I uttered. "Ah—"
"Hi, ate!" Someone suddenly hugged me from behind. I know it's Rhealyn.
Nang tignan ko siya ay naupo na siya sa tabi ni Ymee sa likod. Ganoon din ang kapatid kong si Vince. Napatingin ako kay Leyo na naghihintay pa ng sasabihin ko. I smiled at him to know that it's nevermind. Umiwas ako ng tingin sa kanya at napatingin nalang sa harap nang tumunog na ang kampana, hudyat na magsisimula na ang unang misa ng festival at saktong madami na ding tao sa loob ng chapel. May mga estudyante pa ngang nakatayo sa likod para lang makasali sa misa. Puno ang buong chapel. Hindi naman kasi ito mawawala sa XU lalo na kapag opening ng kahit anong event.
Umiwas kaagad ako ng tingin kay Reymark nang dumaan siya sa gilid ko nang mag simula ang introduction rites. Nag kunwari akong nakatingin sa itaas. Alam ko kasing nakatingin sa akin ang peripheral version niya habang naglalakad siya galing sa entrance papunta sa altar, saka ko lang binalik ang tingin sa harap nang makalagpas na siya sa banda namin.
"Ang gwapo ni Reymark lalo na kapag suot niya ang sotana niya, di'ba?" I heard Ymee at the back. "Kaya siguro lahat ng kaklase ko, crush talaga ang pinsan ko!"
Napairap nalang ako sa sarili. Naririnig ko din ang mahinang pagsuway ni Hershey kay Ymee sa likod.
"Nag sakristan ka sana, Vince." Dinig ko na naman ang boses ni Ymee.
"Ayoko." Dinig ko din kaagad ang sagot ng kapatid ko. "Madaming magkakagusto sa akin."
Narinig kong mahinang tumawa si Ymee kahit na patuloy pa din ang kanta ng simbahan. Hindi na ako nakatiis kaya napalingon ako sa likod. Nakita ko namang patago ang tawa ni Rhealyn kaya nang magtagpo ang mata namin ay sabay lang sila ni Ymee na ngumiti sa akin at napayuko. Si Hershey naman ay nakapikit ang mata at dinadama ang kanta. Walang pakealam sa paligid.
Nang matapos ang misa ay nalaman ko din kay Hershey kung bakit hindi siya kasali sa choir. Hindi naman pala siya nag volunteer, hindi kagaya ni Reymark na nag volunteer siyang mag serve sa chapel.
"Kumusta ka na?"
Napatingin ako kay Romer nang bigla siyang umupo sa tabi ko habang nag-iisa akong nakaupo dito sa building ng engineering, kung saan walang estudyanteng dumaan. Hindi ko naman aakalaing makikita ko siya dito. Malayo naman 'to sa building nila.
"How's life?" He asked, once again.
"It's good, I am fine." I answered, giving him a small smile.
"Kumusta naman 'yung practice niyo ng partner mo?" Tanong ulit ni Romer. "Mamaya na ang talent competition. Goodluck!"
"Ano bang kailangan mo at anong ginagawa mo dito?" My brows knitted, asking him in a straightforward way.
"Naghanap kasi kami ni Zii ng vacant room to practice, katatapos lang namin. Hindi tuloy kami naka-attend ng mass." Sagot niya. "Ikaw, naka-attend ka ba?"
I nodded.
"Good to know. Kasama mo ba mga pinsan mo?"
"Romer, ang dami mong tanong!"
He chuckles. "Sorry, ang taray mo ngayon, ah! Hindi ko kasi aakalaing makikita kita dito. Hindi ako sanay na nakikita kang mag-isa kung wala ka sa library."
"Eh, ano bang kailangan mo?" Tanong ko, hindi na nakatingin sa kanya. "Kung wala naman, umalis ka na. Baka makita pa tayo dito ng mga pinsan ko, akalain pang nag date tayo."
"Lagi ba nilang iniisip 'yon?"
Nagsalubong kaagad ulit ang kilay kong tumingin kay Romer. Ang laki pa rin ng ngisi niya, mukhang umaasang makakatanggap ng magandang sagot sa akin.
"Hindi nila iniisip 'yon, tinatanong nila sa'kin 'yon." Sagot ko sa normal na boses. "Baka din makita tayo ng ibang estudyante, sabihin pa nilang cheap ako at sa hagdanan pa talaga ako nakikipag-usap sa isang lalaki!"
I heard Romer breathe heavily.
"Gusto kong mag-aral sa UP." He suddenly said.
Hindi ako nagsalita. Hinihintay ko pa ang idudugtong niya.
"Gusto din ng parents ko na sa Manila ako mag-aaral. Gusto kong ipagpatuloy ang psychology doon."
"Good for you, then..." I smiled and stood up.
Aalis na sana ako nang bigla namang dumating si Hershey. Napatayo na din si Romer sa tabi ko at wala man lang bakas ng gulat sa mukha ni Hershey na para bang inaasahan niya ng makita si Romer kasama ko.
"Reymark, andito pala si Maica!" Sigaw ni Hershey.
Reymark suddenly showed up in front of me, standing beside Hershey. Pawis na pawis pa siya na para bang galing sa pagtakbo. Napatingin pa siya kay Romer na nakatayo pa rin sa tabi ko. Nang tignan ko naman si Romer ay binigyan niya lang ako ng maliit na ngiti at nagpaalam na aalis na. Nakita ko pang tumango siya kay Reymark bago niya kami iniwan.
"I was looking for you." Reymark said seriously.
"You were looking for me?" I asked, excitedly.
"Of course, nandyan kasi si Tito Zander."
Napalunok ako. "Ah, ganoon ba?"
I don't know why I'm sounds disappointed. Hindi ko alam.
"Bakit mo siya kasama?" Biglang tanong naman ni Hershey sa akin, napasulyap kay Romer.
"Let's go, your father is waiting for you." Ani ulit ni Reymark, hindi hinintay ang sagot ko sa tanong ni Hershey.
Hindi na din ako nagsalita pa at sumunod nalang sa naglalakad na si Hershey sa harap, katabi ko namang naglalakad si Reymark. Hindi din naman nagtagal ay nakarating na kami sa studio. Kaagad naman akong niyakap ni Papa nang makita niya ako.
"Kanina pa kita hinihintay, saan ka ba nanggaling?" Maganang bungad ni Papa sa akin. "I brought you a homemade food. Niluto ito ng Lola niyo para sa inyo ni Jasper at Reymark. Kumain na si Jasper ng dinner at naghahanda na para daw sa talent competition niyo. Kumain ka na, Mi Amore. Papunta na dito ang Mama mo kasama sina Lola at Lolo mo."
"Ganoon po ba?" Mahina kong bulong.
"Are you okay, anak?" Tanong ni Papa sa boses na nag-aalala.
"Naku, Tito Zander! Kinakabahan lang 'yang si Maica kasi tatalunin ko na siya!" Pagsabat ni Jasper.
Inirapan ko naman kaagad ang pinsan ko na nakabihis na. Wearing his white long sleeve polo while the first three buttons are open makes him more attractive.
"Thanks for this, Captain..." I said, smiling.
Lumapit naman kaagad si Reymark sa tabi ko habang si Hershey ay kinakausap sina Nicole at Zye sa kabilang banda kasama si Chin.
"Ba't kasi hindi ka pa naunang kumain?" Mataray kong sabi kay Reymark.
"I was looking for you so that we can eat together." Reymark said, giving me that eyebrows up.
"Hoy, Reymark! Baka sinasabi mo na kay Babi ko na selfish ako, ah, at nauna akong kumain!" Pakikisabat na naman ni Jasper sa likod.
"Wala nga akong sinasabi," Si Reymark.
"Bakit, Jasper, hindi ba?" Agap ko.
"Nauna lang na nagutom 'yung tao, selfish na..." Napanguso si Jasper.
Tumawa pa ang pinsan ko nang irapan ko ulit siya. Nilagyan naman kaagad ni Reymark ng kanin at ulam ang paperplate ko. Nagpaalam naman si Papa na hihintayin niya sa labas ng studio sina Mama.
"Nic, Zye!" I called my friends. "Let's eat!"
"We're done, Girl!" Nakangiting sigaw pabalik ni Zye.
Reymark and I ate together silently. Hindi ko alam pero naiinis ako dahil ang bilis niyang kumain. Bigla namang dumating si Tita Bernalyn kasunod ang tatlong anak niya. Pinagbuksan din ako ni Reymark ng bottled water.
"Eat faster, Maica! Anong oras na!" Si Tita Bernalyn at lumapit kay Jasper.
"What happened to your hair, Ayla?" Si Reymark na gulat na gulat kaya napatingin din ako sa buhok ni Ayla.
My brows knitted, seeing her shiny hair turns into a buhol buhol. Mukhang pinutol pero hindi naman halata sa malayo.
"Baliw kasi 'yang batang 'yan!" Ymee laughed.
Ayla rolled her eyes to her sister.
"Ewan ko anong nakain ng batang 'yan at inikot-ikot niya 'yung suklay sa buhok niya, kaya ayan! Pinutol ko!" Tawang tawa din si Lyrel. "Akalain niyo ba naman, tumawag lang saktong pagkatapos ng parade, sabi niya, 'Kuya, if you and Ate Ymee won't go home right away, I will kill my self-using this comb!' Grabe, akala ko ano ng nangyari!" Gayang gaya pa talaga ni Lyrel ang boses ng kapatid niya.
"Kuya, it's not funny!" Si Ayla.
"Okay lang 'yan, pretty ka pa din naman!" I said to Ayla.
"I will just go to a parlor this weekend, if Mama is not busy." Sabi pa ni Ayla.
"OA check!" Ymee teased her sister.
Niligpit naman kaagad ni Reymark ang pinagkainan namin. Ang mga pinsan ko naman ay may sari-sariling mundo at iba't iba ang kausap. Iniwan naman kaagad ako ni Reymark nang matapos siya at pinuntahan na ang kapares na si Nicole. I am in the middle of drinking my bottled water when Jomari came.
"Are you done?" Jomari asked.
I nodded.
"Your dress is already prepared and ready to wear. I'm sure you will like it." Jomari smiled, telling me.
"Wow, really? Excited na tuloy ako!"
"Ah, nagpagawa nga lang pala ako ng bago."
"What?" My brows knitted. "I thought I only wear the dress of your dance sport partner before."
"Hindi niya na kasi mahanap 'yon at saka isa pa, malayo ang Cebu." Mahinang sagot ni Jomari. "I'm sorry. I forgot to tell you about it, kaya naghanap nalang ako ng ibang paraan."
"No, it's okay. Thank you." I uttered. "I will pay you back after the competition."
"No, it's alright. You don't need to pay me back."
"Hindi, babayaran talaga kita."
"Okay na nga, hindi na kailangan. Competition gift ko nalang 'yun sa'yo as my partner." Jomari insisted again.
"Pauso ka rin, eh, no!" Agap ko. "Babayaran ko nga! Ayokong magka-utang sa'yo, baka ano pa masabi ng evil sister mo!"
"Okay, bayaran mo na lang mamaya."
Magkasama kaming pumunta ni Jomari sa backstage ng Auditorium. Sabay din kaming inayusan ng magkaibang makeup artist na kinuha ni Tita Bernalyn sa amin nina Reymark, Jasper, Nicole at Zye.
Nang matapos naman si Nicole ay narinig kong pina-check sa kanya ni Reymark kung maayos na ba ang music na tapos ng in-edit ni Reymark. He wants Nicole to agreed. Hindi naman siya nabigo dahil sa paraan ng pag ngiti nila sa isa't isa ay mukhang nagkakaintindihan sila.
Si Jasper naman ay tahimik lang habang ang kapares niyang si Daffny ay nakikipag-usap sa ibang department. Si Jasper ay mukhang nagdadasal na sa lahat ng santo.
Sa kabilang banda, si Romer at Cyrel ay may ibang mundo. Panay picture si Romer kay Cyrel habang inaayusan si Cyrel ng makeup artist niya.
However, Zye and Lembert looks like they are in a World War three. Dinig na dinig ng lahat ang malakas na boses ni Zye. Nag-aaway sila pero tumatawa kalaunan tapos galit na naman si Zye tapos aasarin ni Lembert tapos ayos na sila tapos balik away na naman ulit. Sila lang ang nagkakaintindihan.
"Ang ganda mo," Jomari suddenly uttered while I was watching myself in front of the mirror.
Jomari was sitting beside me. Malapit naman sa akin ang tahimik na si Jasper pero ayoko siyang guluhin dahil tulala lang siya. Hindi pa yata siya tapos kausapin lahat ng santo sa isip niya.
"Ikaw rin, ang gwapo mo ng tignan... kaso sa sobrang fitting ng suot mo, nagmumukha ka tuloy bakla," I said, letting out a teasing smile.
"Ano bang akala mo sa suot ng dance sport?" Jomari brows knitted and just look himself in the mirror.
"Teka nga," Bigla namang lumapit ang feeling gwapo kong pinsan. "Anong binubulong niyo?"
Si Reymark.
Nagsalubong ang kilay kong inangat ang tingin sa kanya. Nakaupo ako habang siya ay nakapa-meywang na nakatayo sa tabi ko. He's wearing a black sweater with white stripe at each side. Ganoon din ang suot ni Nicole, ang kay Nicole lang ay maliit kaya nagmumukha siyang mas sexy tignan. Sa pants din ay pareho sila. Mukhang pina-costumize nga nilang dalawa.
"Ano bang pakealam mo?" Mataray kong ani kay Reymark.
He smirked. "Taray naman!"
"Sinasabi ko lang sa pinsan mo na mas lalo siyang gumaganda ngayon..." Jomari answered to Reymark with his wide smile.
"Yeah, she's looks like a real goddess today..." Bulong ni Reymark na sakto lang na marinig naming dalawa ni Jomari.
"Umalis ka na nga!" Inis kong sabi kay Reymark. "Puntahan mo 'yung bestfriend ko! Close na close na kayong dalawa, eh!"
"Hey," Biglang agap ni Jomari.
I stood up. "Hey mo mukha mo!"
Aalis na sana ako nang bigla namang nagsalita si Jasper. Pinalapit niya sa amin ang upuan niya. Hindi pa din namin inaalintana si Zye at Lembert na malakas ang mga boses na nag-aaway sa likod. Kinukuhanan pa sila ng video ni Nicole dito sa backstage.
"Ang grumpy mo naman!" Seryosong saad ni Jasper.
Magka-cross na ngayon ang mga braso ni Reymark habang may nakakaloko pa ding ngisi. Inirapan ko lang siya at mapait na ngumiti kay Jomari. Si Jasper naman ay mukhang tapos ng mag manifest kaya sumasali na siya ngayon sa usapan namin.
"Ano, Jomari? Kumusta?" Aniya Jasper at hinawakan pa talaga ang balikat ni Jomari. "Ang balita ko ay... may girlfriend ka na raw? Bad influence ka daw sa kanya kaya hiniwalayan ka? Pare, totoo ba?"
Jasper face looks so teasely confusing. Diniinan niya pa talaga ang salitang 'bad influence'.
"Huh?" My forehead creased. "Sino nagsabi niyan? Bakit hindi ko naman yata nabalitaan 'yan?"
"Ako nagbalita 'nun," Deretsong sagot ni Jasper.
Jomari suddenly stood up. "Ewan ko sa'yo!"
Umalis si Jomari sa pwesto namin kaya pinalitan kaagad siya ni Reymark ng upo sa tabi ko. Sakto namang biglang sumulpot si Chin.
"Anong ginagawa mo dito?" Kaagad na tumayo si Jasper at nagtanong sa seryosong boses.
"Nandyan kasi sina Lolo at Lola, sabi nila picture daw kayong tatlo," Chin answered. Hindi pa nga kami nakakapag-posing ay kaagad niya na kaming kinuhanan ng litrato tatlo. "Oh, tapos na!"
"Bumalik ka na 'dun, baka dumating pa si Tita Berna, papagalitan ka talaga 'nun!" Sabi pa ni Jasper.
"Good luck, guys!" Chin excitedly uttered.
"Umalis ka na nga..."
"Oo na! Ang arte arte mo! Kapag nag perform ka na, hindi kita papalakpakan!" Chin rolled her eyes to Jasper, ready to leave.
"Love you, Baby Chin!" Pahabol na sigaw ni Jasper sa kapatid na palabas na ng backstage.
The XU staff provided a projector for us here in the backstage to watch what will happens at the stage, kaya ayos na din sa aming mga candidate na makita ang isa't isa na makapag-perform sa harap.
Nang magsimula na, ang department nina Zye at Lembert ang sumunod sa College of Education. I was smiling as I watch their whole performance. I was so proud. They sings one of my favorite song 'Nothing Gonna Stop Us' in front of everyone, feeling the presence of each other. Hindi halatang nag-aaway pa sila kanina dito sa backstage tapos nagperform sila sa harap na para bang walang nangyari. They look so enjoy and fine while doing their talent.
"Napaka-talented talaga niyang friend natin, no?" Saad ni Nicole na nakaupo sa tabi ko habang nanonood kami sa projector. "Kung hindi dancer, singer naman! Ano kaya ang hindi niya kayang gawin?"
"She can't do math." I spoke.
Nicole laughed. "Pero alam mo, proud ako kay Zye! Ang mga bagoong talaga natin d'yan! Ang galing nila ni Lembert! Pareho kasi sila na maganda ang boses, no?"
"If only Zye was confident enough, she can pursue that singing career of her through the Chrysanthemum." Reymark said.
"Yeah, if she only accepts Hershey's offer." Jomari agreed. "Kung susubukan niya lang sanang kumanta sa mga gig natin."
"Nakikisabat ka pa sa usapan ng may usapan!" Kaagad na pag agap ni Jasper kay Jomari. "Sasabihin ko sa Kuya ko na tanggalin ka sa Chrysanthemum!"
Kanina pa siya tahimik sa likod namin tapos ngayon, nagsasalita na. Halatang kinakabahan dahil sila na ni Daffny ang susunod kina Zye.
"Jasper!" I rolled my eyes to my cousin.
"Good luck!" Reymark uttered, standing beside Jasper. Nakaakbay.
When the College of Criminal and Law turns, I saw how my cousins in the audiences at the back of the judges, shouted. Tinaas pa lalo ni Chin at Lyrel ang hawak nilang tarpaulin na may mukha naming tatlo ni Jasper at Reymark. Dinig na dinig hanggang backstage ang lakas ng sigaw ni Ymee, Lyrel at ni Chin, lalong lalo na rin ang tawa ni Rabella. They were chanting our surname. Naririnig ko din ang lakas ng sigaw ni Tita Clarise dahil nakikipag-unahan pa siya sa mga pinsan ko.
Jasper and Daffny did the interpretative dance as their talent in the competition. The interpretative dance they were performing was connected to their course on how they were dealing when there are a case needed to solve. Their dance was actually made the audiences speechless but not my cousins and my Tita Clarise. Panay pa din ang sigaw nila.
I can't explain it clearly, but I am so proud with my cousin, Jasper. I really did expect that he will perform very well but I did not expect that he will going to surpass my expectation. He was so good. Ang lamya ng mga kamay niya, ang pag sunod sunod niya sa lyrics ng musika, at ang paraan niya sa paghawak ng baril ay pinakita niya. Not just him, he looks good together with Daffny. They did their talent very well.
Nang matapos sina Jasper at Daffny, nakita ko silang nagyakapan dalawa sa gilid bago tumakbo si Jasper papunta sa mga pinsan ko at kitang kita namin 'yun sa projector.
Every one of us here congratulated Daffny. Sumunod naman sa performance nila ang department nina Hershey at ang department na nga nina Romer at Cyrel. They were doing Cariñosa Folk dancing as their talent. Nakangiti pa silang dalawa buong sayaw nila hanggang matapos. Nagkakaintindihan nga sila sa ginawa nila.
Reymark and Nicole turns, paakyat pa nga sila sa stage ay kinukuha na nila ang atensyon ng lahat ng tao. Napatayo pa ako nang makita kung paano mag-apir ang dalawa kahit si Nicole lang naman ang nakatingin kay Reymark. Napaupo ako nang nagsimula nang sumayaw ang dalawa. They were dancing 1900s up to 2000s modern dance and they look so well and enjoy dancing it.
Akala mo naman talaga matagal ng magkakilala!
Kahit naman hindi naghahawak ang mga kamay nina Nicole at Reymark sa isa't isa ay ang ganda pa din tignan ng sayaw nilang dalawa dahil hindi sila nagkakamali. Sobrang sabay nila at pareho pa silang nakangiti na para bang hindi nila iniisip na competition 'to. Naiinis nga lang ako dahil panay kindat si Reymark sa babaeng judges. Nakikita pa naman 'yun sa paikot-ikot na camera.
"Okay ka lang?" Jomari asked.
"Putang ina n'yang pinsan ko, no!" Naiinis kong sabi habang nakaturo sa projector.
We were the next. Nang matapos sila ay sumunod naman kami kaagad. I receive a goodluck saying from Nicole and Zye when they get back here in the backstage. Paakyat na sana ako ng stage nang tinawag na kami ng host pero bigla naman akong tinawag ni Reymark kaya napatigil ako.
"Good luck, Headache!" Reymark said.
Pinandilatan ko siya ng mata at mapait na ngumisi bago ko tinaas ang gitnang daliri ko sa kanya at umakyat na nga ng tuluyan sa stage, inaalalayan pa ako ni Jomari. Hindi ako gaanong sanay pa naman sa mga matataas na heels pero pin-ractice ko na naman 'to.
I heard how my cousins, my whole family chanting my name. Nasa tabi na nga ni Papa nakatayo si Reymark. Napatayo pa talaga ang Papa ko nang makita ako. Para ko na nga ding naririnig ang mga I love you's ni Mama, even if she just mouthed it. I even waved to Vince's phone where Dave is on a video call. While on the other side, Leyo and Rabella looks like ready to film a video of me.
Tumalikod na kami ni Jomari at sabay na nag sign of the cross ng hindi nakikita ng lahat.
"We can do this, sis..." Jomari whispered.
Why does it sound something?
Hindi ko nalang inisip ang tinawag sa akin ni Jomari. Nang magsimula na ang tugtog namin ay nakangiti na akong sumasayaw kasama siya. We did our fabulous ballroom dance together and him as my partner. We do the waltz and jive, feeling of being watched by proud fans at the back.
Jomari and I was bowing our heads together after our performance. And I don't expect Reymark to come up on stage and borrowed the microphone to the host, wearing his wide smile. He makes everyone, the judges, the XU staff, stakeholders, audiences and our family clapping their hands.
"GIVE IT UP FOR JEMAICA ALLENA!"
He was the closest enemy of mine for so long, and when he suddenly shouted my name proudly, I know there is something else going on.
___________