Crimson Eyes

By zza_aquila

304 145 2

Cali is a hard working girl who loves to strive for something better. She is a freelance graphic designer. Sh... More

Author's Note
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11 : SPG
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15: SPG
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35

Chapter 8

8 5 0
By zza_aquila

Patuloy lamang ako sa pag-iyak. Gusto ko ng umuwi at makasama si Mama. Sa sobrang pagod ng aking mga mata ay nakatulog na pala ako.

༝༚༝༚

Nagising ako nang makaramdam ako ng paghinga mula sa likuran ko. Dahan-dahan akong tumagilid para tignan iyon. Si Lev na ngayon ay natutulog nang mahimbing habang ang isa niyang kamay ay nakayakap sa akin.

Pinagmasdan ko siya. Hindi maipagkakaila ang taglay niyang kakisigan. Napakapula ng kanyang labi. Itim na itim din ang buhok nito at maayos kahit pa siya ay natutulog. Maingat kong tinanggal ang kamay niya mula sa pagkakayap sa'kin.

Tumayo ako at nagsimulang mangalkal sa kanyang mga kagamitan. Umaasa na may kung ano akong nagagamit upang makabalik sa pinanggalingan ko. Ayoko rito at ayokong makasama ang lalaking ito.

Ilang minuto na rin akong nangangalkal ngunit wala akong ni anong bagay na makita na posibleng makatulong sa'kin.

Napansin kong hindi parin pala ako nakakaligo at nakakapagpalit kaya naman nagtungo muna ako sa banyo sa loob ng kanyang silid. May bath tub ito na may nakalumang disensyo at napapalibutan ng rosas ang katubigan nito. Naghubad ako at maingat na bumaba rito. Napakasarap ng tubig, hindi ito sobrang lamig ngunit mararamdaman mo ang pagkasariwa niyo.

༝༚༝༚

I woke up and felt that I am alone in the bed. I quickly got up to go to the bathroom cause I'm feeling really hot. Since Calistine came, I've been feeling this.

I took off all my clothes and went to the bathroom. I was about to get in the bathtub but I got scared by the scream of this human.

"Punyeta! Bakit ka nandito?!" Sigaw niya habang nakatakip sa sarili.

"Punyeta?" Tanong ko dahil hindi ko mawari kung ano ang ibig sabihin nito.

Huli na nang marealize ko na nakahubo din pala ako. Mabilis kong hinablot ang roba na nakasabit sa tabi ng bathtub at itinaklob sa aking katawan.

'She fucking saw it.'

"My Gosh, Lev! Lumabas ka nga!" Sigaw niyang muli kaya naman lumabas na ako.

Nagbihis muna ako at saka lumabas. Hinanap ko ang mga tagapaglingkod para ipaghanda si Calistine ng mga kasuotan. Sinabi ko sa kanila na lilac ang kulay ng tela na gusto niya. Tila nagiwagaan pa sila dahil puro itim ang kasuotang parati nilang inihahanda.

Pagtapos nila ay sinabi kong ako na lamang ang maghahatid ng mga iyon sa aking mahal.

Pagpasok ko ay nakatapis lamang siya kagaya ng mga ginagawa ng mga tao. Minsan naming nakita ni Von ang isang babaeng nakagano'ng tapis habang hinahanap ang itinakda sa'kin.

"Wala akong dam—" Naputol ang sasabihin niya nang makita ang mga kasuotang dala-dala ko. "Paano mo nalaman na 'yan ang favorite color ko?" Tanong niya.

"I've been observing you, Love." Sagot ko at ngumiti. Umirap lamang siya at agad na hinablot ang mga kasuotang dala ko.

"Labas." Aniya. Palabas na sana ako nang bigla niya akong pigilan. "Teka." Sambit niya. "May iba pa ba kayong kwarto?"

"We have a lot of spare room, honey. Why?" Tanong ko kahit pa alam ko na ang isasagot niya.

I don't want us to sleep in a separate room.

"Pwede bang doon nalang ako? Ayaw kasi kitang katabi." Aniya na halos hindi makatingin sa'kin.

Mabilis akong lumapit sa kanya na ikinagulat niya. Ayoko na hindi kami matutulog sa isang silid.

"What?" Tanong ko. "Why, honey?" Tanong kong muli. "Ayoko, Calistine. Gusto ko, dito ka lang. Sa lapag na lang ako matutulog kung ayaw mo 'kong katabi." Gustuhin ko man na katabi siyang matulog ay alam kong ayaw niya 'yon. Ito nalang ang tangi kong pag-asa.

Ayoko na nalalayo ako sa kanya. Lalo pa't isa siyang tao. Magiging madali para sa ibang bampira ang saktan siya.

"Hmm... Okay." Aniya na para bang nag-isip pa siya.

Agad akong yumakap sa kanya at nagpasalamat. I thought she would still insist to sleep in our spare rooms.

"Doon ka na nga. Binobosohan mo lang yata ako eh." Aniya. Ayan na naman siya sa mga salita ng mga tao.

"Huh? What's that?" Tanong ko dahil wala talaga akong alam sa salitang iyon.

"Sabi ko, manyak ka." Sagot at nagulat ako sa sinabi niya.

'Ako? Manyak? I would never.'

Pinaningkitan ko siya ng mata saka lumabas ng silid para makapagbihis siya. Ilang minuto pa ang lumipas ay pumasok akong muli para tanungin kung ayos na ba siya. Sinabi kasi ni Ama na gusto niya ng makita ang itinakda sa akin. Para mapagusapan na rin ang pagpupulong na gaganapin para sa pag-iisa ng dugo namin.

"Are you done? My father wants to meet you, honey." Sambit ko.

"Ayoko, Levan. Ayoko. Iuwi mo na ako. Ayoko dito." Sagot niya na siyang dumudurog sa akin. Naiintindihan ko naman siya, alam kong bago ito sa lugar kung saan siya namuhay at lumaki.

Biglang pumasok si Wren kaya naman napangiti ako. Alam kong siya lang ang makatutulong sa akin.

"Hala, Ate Cali. Ayaw mo bang makita si Ama?" Malungkot na tanong niya. "He's excited to see you daw, sabi niya."

"I'm sorry, baby. But I need to go back home, I don't belong here." Sagot nj Calistine sa kanya na ngayon ay sinusuklayan siya.

"But you are Kuya Lev's mate. He loves you & vampire's love is eternal." Saad ng mabait kong kapatid. Talagang mauuto niya na naman ako para magrequest kay Von na magdala ng mga tsokolate sa pag-uwi niya mula sa mundo ng mga tao.

"I don't know, Wren. I still don't have any feelings for your Kuya, I'm sorry." Sambit naman ni Calistine.

'I STILL don't have pala ah?'

"That's okay, Ate. You'll develop it soon, just let Kuya to show his affection for you." Saad naman ng aking kapatid. Ngumiti lamang si Calistine sa kanya. "And, Kuya doesn't lie, Ate. Everything that he said, he meant all of it."

"I just wanna go back home, baby." She cupped Wren's cheeks.

"I'm sorry, Ate but I can't help you with that. But I can help you see what's happening in your world." Nakangiting sabi ni Wren. Isa ito sa mga kapangyarihan ni Wren. Isang diwata ang aming ina at namana niya ang kakayahan ng ni Ina na manipulahin ang tubig kung saan maaari panoorin ang nangyayari sa ibang lugar.

Naliwanagan ang mukha ni Calistine at tumingin sa aking kapatid.

"Can you do that?" Tanong niya. Tumango naman si Wren at nagtungo siya sa aming banyo na may katubigan.

"Let's see, Ate. Who do you wanna see?" Tanong ni Wren sa kanya habang inuumpisahan niya ng manipulahin ang tubig.

"My mother." Sagot ni Calistine. Nagsimulang kumulo ng tubig at maya-maya pa ay lumitaw na ang kanyang ina.

"Oh my gosh..." Bulalas niya. "She's okay now." Hindi makapaniwalang sabi ni Calistine. "She's okay now and she's doing modeling again!" Masayang sabi niya na parang natanggalan siya ng tinik sa kanyang dibdib.

Masaya siyang lumapit sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap. Niyakapa ko rin siya nang mahigpit.

"Salamat, salamat." Naiiyak na sabi niya. Hindi na siya tumigil sa kakasalamat niya.

Natigil lamang siya nang marinig namin si Wren na tumawag sa akin.

"K-Kuya..." Aniya na parang hinang hina siya.

"What's happening, Levan?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Calistine.

"Everytime she uses that ability, more than half of her energy is being used." Sagot ko habang buhat-buhat si Wren. "Kumagat ka, Wren." Sabi ko na agad naman niyang sinunod.

Continue Reading

You'll Also Like

94.5K 7.2K 59
A girl, a boy and a set of sharp canines-how do you survive in a world where humans and vampires live together? Nineteen-year-old Maya has too much o...