CHAPTER 12: Of course you're not Yvette.

3.1K 86 1
By 8ughawpens

WHEN I can finally accepted that this is what life will ever be.

"Kuya Damien," usal ko habang may dalang walis at tumabi sa gilid niya. Nasa labas siya sa kanilang bakuran at naka-upo sa palagi nitong inuupuan.

Kaharap ang malaking ground na makikita rin ang napakagandang sunset at sunrise, pati gabi kung merong buwan ay ang ganda rin tingnan pati ang bituin.

Inshort napaka-relaxing ng lugar kung saan ako nakaboarding. Parang ayoko ngang ewan ang lugar na ito dahil nasanay na ako.

Maghahapon na kaya kitang-kita ang sunset na papalubog. Maganda ang kulay non, naghahalo halo na ang ganda sa paningin.

"Bakit Yllez?" mahinahon na wika ni Kuya Damien na nakatingin parin sa malayong sunset. Kahit nakatagilid ito ay ramdam ko na natutuwa ito sa nakikita.

Madaling basahin si Kuya, napaka-visible ng emosyon nito. Sobrang bait pa. Nakita ko ang pag-ayos nito ng t-shirt na soot at may napansin ako sa daliri nito.

Matagal ko ng napapansin ito noon pero ngayon lang ako naco-curious, sa palasingsingan kasi iyon at mukhang promise ring iyon.

"Kuya maari ba akong magtanong?"

Napatingala ito sa akin at ngumiti at tumango, "Sige, ano iyon Yllez?"

Napaka-aliwalas talaga ng mukha ni Kuya Damien, parang palagi ko itong nahahawakan noon pero baka guni-guni ko lamang.

"P-Promise ring 'yan diba?" kuryusidad kong tanong, nakita ko pa ang pagtaas ng kamay nito para makita kung saan banda ang singsing nakasoot.

"Yes, it is. Why are you asking?" anito, ramdam ko naman na hindi ito nagagalit at mukhang handa naman itong sumagot sa itatanong ko.

"Sa girlfriend mo ba 'yan, Kuya?" tanong ko pa.

"Yes, at magiging asawa ko na sana ito kung hindi lang," naputol ang sasabihin nito at ngumiti ng mapait.

"K-Kung mamarapatin niyo po pwede ko bang malaman kung nasaan siya ngayon hehe?" tanong ko na ikinatingin nito sa akin kaya kinabahan ako baka magtaka ito, "Naboboringan talaga ako kuya kaya pasensya na, okay lang naman kung ayaw mong sabihin, naiintindihan ko," pahabol ko pa.

"No, it's okay. She's dead." at naramdaman ko ang lungkot sa mga mata nito at boses.

"I'm sorry kung tinanong ko pa Kuya,"

I heard his chuckle, "Nah, matagal narin iyon at unti-unti ko ng natatanggap ang nangyari. Kung nandito man siya sa mundo at buhay na buhay, siguro hindi ko na pipilitin ang sarili ko sa kanya, kahit minahal namin ang isa't isa, siguro masaya na siya ngayon kung hinayaan ko na lamang siya, hindi sana aabot sa puntong ganito," Napabuntong-hininga si Kuya.

"Kung naririnig niya ang sinasabi ko ngayon, mahal na mahal ko siya at kahit magmahal man siya ng iba ay hahayaan ko na," mapaklang sabi ni Kuya at hinawakan ang singsing na nasa palasingsingan.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko at biglang bumigat ang kalooban ko. Parang nanghihina ako. Bakit ganun? Pero isinawalang bahala ko iyon at sinamahan si Kuya Damien sa maghapon na iyon hanggang sa bumalik na kami sa kanya-kanya naming tinitirhan dahil gumagabi na.

Habang nakahiga ako ngayon sa maliit kong kama ay naalala ko ang sinabi ni Kuya kanina. Sa nakikita ko ay grabi ang trauma na natamo ni Kuya Damien.

Ramdam ko ang sakit sa boses nito at pangungulila. Pero bakit pati ako ay naaapektuhan? Eh nakikinig lang naman ako baka nadala lang talaga ako sa pagiging emosyonal ni Kuya Damien.

Kinabukasan ay ang sakit ng ulo ko, parang nilalagnat ako dahil sobrang init ng pakiramdam ko at wala akong ganang bumangon. Nilalamig rin ang buong kalamnan ko.

Pikit-matang tinignan ko ang oras, madilim pa pero nagulat ako nang 9:45 AM na, umuulan din kasi sa labas kaya madilim ang paligid.

Nabasa ko pa sa gc na walang pasok, sakto dahil nilalagnat talaga ako. Wala akong gana sa lahat, kaya napagdesisyunan ko na matulog na lang ulit, baka sakaling mawala ang lagnat ko sa katawan.

Nagising ako nang may marinig na katok pero ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko kayang bumangon at parang maiiyak ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Umuulan parin. Wala akong lakas at sobrang init ng sulok ng mga mata ko at ang sakit ng lungs ko.

Kaya hinayaan ko na lamang iyong katok, baka si Tiya lang iyan, mag explain lang ako pag maayos na ang pakiramdam ko.

Narinig ko ang paglakas ng katok. Maya-maya ay parang bumukas ang pintuan at may nag-on ng ilaw kaya napapikit ako dahil naba-blurry ang paningin ko.

May lumapit sa akin at hinawakan ang noo ko at leeg.

"Fvck, bakit hindi mo sinabi sa akin na nilalagnat ka?!" familiar ang boses kaya napadilat ako.

Si Kuya Damien.

Bakit parang nadissapoint ako? Sinong inaakala ko na pupunta rito? Eh hindi nga alam non kung saan ako nakatira.

"S-Sorry Kuya—"

"Stay still Yllez, buti na lang pinuntahan kita rito, kanina pa nag-alala si Mama sayo, iyon pala ay nilalagnat ka," may-pag-alalang wika ni Kuya.

Napangiti ako at nagsorry ulit. May dala itong pagkain pero bumalik muna ito saglit sa bahay nila may kukunin daw. Hinayaan ko itonng magkalikot sa boarding house ko.

Mukhang may lulutuin ito, sanay naman ako na dinadalaw ni Kuya. Naamoy ko ang porridge na niluto nito kaya biglang kumalam ang sikmura ko.

Ang swerte siguro ng babaeng iyon na nagugustuhan ni Kuya Damien. Ano kaya talaga ang nangyari? Husband material na kasi si Kuya. Maipagmamalaki talaga dahil sobrang matured na rin..

"Gising ka pa ba, Yllez?" rinig kong wika ni Kuya.

"Oum,"

"Kainin mo muna itong niluto ko,"

Sumandal ako sa headboard ng kama at kukuhanin na sana ang porridge na nasa kamay nito pero inilayo ito ni Kuya. Napa-pout ako at nanghihinang napatingin dito. Seryuso at malamig itong napatingin sa akin.

"Susubuan na kita, wala kang lakas, hayaan mo muna ako," anito, dahil wala naman talaga akong lakas at nakakahiya pero napatango na lang din ako.

"Good," anito at nakita ko ang pagblow nito nf mahina sa kutsara na may porridge na para maligamgaman iyon.

"Say ah" anito na ikinanganga ko rin.

Naramdaman ko ang porridge sa bibig ko, mainit init iyon pero mabilis ko iyong nilunok nakaramdam ako ng gutom, gusto ko pa.

Kaninang umaga ba naman wala akong kain hanggang sa gumabi na lang, sinong hindi magugutom niya.

"Thank you Kuya, pasensya na talaga naabala pa kita," paos kong wika nang matapos na ako nitong painumin ng tubig dahil tapos ko ng kinain ang niluto nito.

"It's my responsibility, you're my responsibility Yllez," anito, na ikinataka ko dahil hindi ko naman ito kadugo pero kung umasta ito ay parang pamilya talaga ako nito.

"Salamat Kuya," sagot ko na lang.

"Sleep now, babantayan kita at aalis din ako pag nakatulog ka na," anito.

Sa kanya ko lang talaga maramdaman na ganito pala ang may kapatid at mas matanda pa sayo. Ang sweet at sarap sa pakiramdam parang princess na princess ang trato sa akin.

Kung sino ka mang babae ka na ginawang saktan si Kuya Damien ang laki mong kawalan!

--
Kinaumagahan ay naging maayos naman na ang pakiramdam ko at magaan na talaga ito. Thanks to Kuya Damien my hero, my savior.

Naligo na ako para pumasok sa school, hindi na ako kumain ng umagahan dahil wala rin naman akong ganang kumain ng breakfast.

Buti na lang hindi gaanong maputik. Inayos ko ang mabigat kong bag na may lamang gamit sa pagpipinta. May lesson kami ngayon na random painting kaya magdadala ako.

Napatingin pa ako sa bahay nila Kuya Damien pero wala akong nakitang kahit isang tao roon, saan kaya siya? Nag-kibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad baka nasa loob lang ng bahay nila.

Nang makasakay ng bus ay pinili ko sa tabi ng bintana, mas komportable ako eh. Hindi naman punoan kaya komportable ang byahe. Halos estudyante lang din ang sakay non.

Nakarating ako sa school ng matiwasay, at sa pagpasok ko ng gate, binati ako ng guard na binati ko rin pabalik. Mabait talaga ang guard pag umaga pero kung tanghali at hapon na hindi na sila isang guard isa na silang cheetah half tiger.

Malawak ang University na ito, sa kanang bahagi ay makikita agad ang napakalaking gym, sa harapan naman sa pagpasok pa lang ng gate ay ang napakalaking bagong building na ginawa na 10th floor ang haba, ito ang pinakamahabang building.

Sa kabila naman ay nasa apat lang na palapag hanggang sa likuran na. Mabilis akong lumiko papuntang gym nang marinig ang boses nila Alumina na papasok, buti na lang hindi ako naabutan ng mga iyon.

At dahil may 30 minutes pa bago ang klase ay umupo muna ako sa gym, tinignan ko ang cellphone ko at kahit isa ay wala man lang missed call, at kaninong missed call naman ang hinihintay mo Stacey?

"Hindi ka pa tapos sa chika mo kahapon dai, so ano nga? Nagkatuluyan ba si Girl at Boy?"

Nagpantig ang tenga ko dahil nasa unahan ko lang ang dalawang marites, ako na nakikimarites.

"Iyon ang nakaka-shock! Alam mo ba na minahal talaga ni boy si girl, handa ng pakasalan pero may iba pa lang gusto si girl, grabi, ang landi!"

"Totoo? Hindi sila nagkatuluyan ganun ba?"

"Ewan ko dai kasi itong si girl nawala na lang bigla!"

"Ha? Bakit? Paano na si boy ngayon?"

"Ayon, sa nakalap ko kay Tita ay hindi na nagnobya pa at hinihintay parin ang girl, grabi dai may nag-exist pa pala na ganun na boy,"

"Kilala mo ba iyong new boy na naiibigan ni girl dai?"

"Hindi, pero ang alam ko lang na sabi ng tita kong chismosa mayaman daw kasi ito,"

"Iniwan ba ni girl si boy na ikakasal na sana sa kanya dahil mahirap ito?"

"Iyan din ang naiisip ko pero what if?"

"Sikat sila sa campus noon, kaya kahit ilang taon man na graduate na ang dalawa ay hindi parin makakalimutan ng iba ang relasyon ng mga ito dahil sa totoo lang ang daming naiingit!"

"Sa narinig ko rin dai, kahit average lang ang yaman ni boy ay sobrang gwapo nito at ganda naman ni Girl,"

Wala akong naiintindihan sa sinasabi nila sa totoo lang. Napabuntong-hininga ako at napatingin sa cellphone ko kung anong oras na. 15 minutes na lang pala. Kaya tumayo na ako at sinukbit ulit ang bag sa katawan ko.

Naglakad na ako paalis pero natigil ako nang marinig ko ulit ang pagsasalita ng isa sa mga babae, "Sayang talaga si Yvette at Damien hahays, idol na idol ko ang dalawang iyon eh!"

"Shhh! Baka may makarinig sayo!"

"Eh ano ba! Matagal naman na wala na sila rito!"

"Baka may makarinig at umabot kay Mr. Montessori,"

"Bakit? Anong connect ni Mr. Montes—YOU MEAN? SIYA ANG LALAKING PINILI NI GIRL OVER TO DAMIE—HMMPPP!"

"Sabing tumahimik ka!"

Ano iyong narinig ko? Akala ko fiction lang. Sa tagal kong kilala si Kuya Damien ay bakit hindi ko alam ito. At dito pala siya nag-aaral noon? 

Bakit ang daming mesteryuso na nangyayari sa akin? Napatingin ako sa banda nila pero nawala na iyong dalawang babae.

Sa narinig ko sa kuwento pa lang ng mga ito. Ay parang si Kuya Damien ang nakaka-awa at si Yvette at Zaldeo ay ewan ko nalilito ako.

Ayokong e judge ang isang tao nang hindi ko nalalaman ang reason ng mga ito. Sino naman ako para sabihin nila? Nakiki-usyuso lang ako sa relasyon ng mga ito.

Parang nadissapoint ako, at nanghihinayang pero para saan? Para kanino? Imbes na magfocus sa pagpinta ay iba ang pumapasok sa utak ko.

"Goobye class, see you next time!"

"Goodbye Sir!"

Niligpit ko na ang gamit ko at nakapagtataka dahil mabilis na lumabas sila Alumina at ng kasama nito sa room. Himala at hindi nila ako binully ngayon. Baka may bagong binubully. Napapailing na lang ako.

--

Umabot ang sabado at pupunta na naman ako sa Penthouse ni Sir Zaldeo. May dala akong 'bilakotsa' kendi iyan sa bisaya ewan ko na lang kung anong tagalog, basta gata lang ng niyog ang gamit at sugar sabay pakuluan iyon sa kawali at wag iwanan, haluin lang ng haluin hanggang sa maging malagkit iyon.

Ibibigay ko sa masungit at supladong si Deos.

Nagdoorbell ako sa penthouse at bumukas naman iyon at tumambad sa akin si Deos na napatingin sa dala ko at parang nagsparkle ang mga mata nito.

"Kunin mo na alam kong magugustuhan mo iyan" maldita-malditahan ko pang sabi pero biro lang iyon.

"It's doesn't have a poison? Hindi ba iyan madumi?" maarteng wika nito na ikinangiwi ko.

"Madumi iyan at nilagyan ko ng pampa-ayos ng ugali Senorito kaya wag mo ng kainin ito,"

"No! Give me that!" bossy na wika nito pero wala rin akong ginawa kundi ibigay din ang Tupperware na dala ko.

Habang papasok ako nakita ko ang mabilis na paglakad nito sa sala at upo sabay open ng Tupperware, nanlalaki at nakakunot ang noo nito at inamoy pa.

Nandidiri itong kumuha ng isang circle na kendi at oa na oa na kinagatan pero nawala ang kunot ng noo nito sabay kain ng buo ng isang kendi sa bibig nito at nguya.

Napangiti ito at sabay talikod sa akin at takbo sa kwarto nito dala ang Tupperware ko.

"Deos ang Tupperware ko!"

"Akin na 'to!" Anito at narinig ko ang malakas na pagbagsak ng pintuan nito.

Malala na talaga ang batang iyon. It's been a month na naging babysitter ako nito.

"Yllezstacy,"

"S-Sir," nauutal kong wika dahil para itong kabute na nagsalita lang bigla sa likuran ko. Malamig ang pagkakasalita niya non at kinakabahan ako sa ayos nito.

Parang galing lang ito sa workout dahil pawis na pawis ito at nakahubad sa upper kaya kitang-kita ko ang 6 ack abs at v-line nito. Ang lapag ng dibdib nito at ang laki ng muscle sa braso. Magulong buhok at may sobrang nakaka-attract na veins sa braso.

Napalunok ako ulit at napaiwas ng tingin. "Ano yung binigay mo kay Deos?" Baritonong wika nito.

"K-Kendi po,"

"Next time wag mong bigyan ng candy si Deos, it's not healthy," may awtoridad na wika nito.

"Yes po," sagot ko na lang at napayuko.

"Pupunta si Lola rito ngayon, so you must be act good," anito.

Hala! Kahit kinakabahan ay tumango na lang din ako. Napatingala ako at nagtagpo ang paningin namin sa isa't isa. Napakalalim talaga ng blue eyes nito.

Saka may hindi ako nakakalimutan sa kanya, hindi ko kas gets iyong pick-up lines niya. O sadyang bóbó lang talaga ako?

Tumalikod na ito at kitang-kita ko ang tattoo nito sa likuran. Bagay na bagay talaga sa kanya ang tattoo. Ang brusko niyang tingnan. Bad boy look kumbaga.

"Sir," napatigil ito at napalingon sa akin nang nakakunot ang noo.

"What?" walang emosyon nitong wika.

"Kilala niyo ba si Damien Luigi Fortalejo?"

Nakita ko ang pag-iba ng emosyon nito sa mga mata, naging mabagsik iyon at parang papátáyin ako ng buhay. Bigla akong kinabahan.

"If you're curious to my life, itigil mo baka iyan pa ang ikapapahamak mo kitty," poker face na nitong sabi at tinignan ako sa mata sa mata.

"Fvcking don't involve with my life," anito.

Para akong nahiya sa sinabi nito. Totoo naman kasi pero nasasaktan rin ako.

"And also don't fvcking say that name again or else our agreements done." pahabol nito at tumalikod na. Nakatingin lang ako sa papa-akyat na rebulto nito sa katawan.

--

"Hindi nga ako si Yvette! Kailan niyo ba ako makikitang at makikilala na si Yllezstacy ako!" Galit kong wika sa dalawang babae na bigla akong hinila sa hapag-kainan kung nasaan na ang Lola ni Deos at Deo.

Ang dalawang babae na ito ay pinsan ni Zaldeo. Hindi ko kilala ang mga ito pero napaka-fc.

"H-Hindi mo kami kilala?!"

"Hindi, sino ba kayo?" wala na akong pake kung sino sila. Hindi na ako natutuwa na kinukumpara ako.

"You really don't know do you?" Seryusong wika naman ng isang babae.

"Ang ano?" Nagtataka kung wika.

"Yes, of course you're not Yvette duhh, ang landi non, you're Yllezstacy na nagpapanggap na Yvette noon, hindi mo na naalala?" mahinang wika ng isang babae na ikinatulos ko sa kinatatayuan.

Ano? Anong ibig nilang sabihin?! Wala akong naiintindihan.


To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

142K 2.3K 40
Katana' Aphrodite Guivera, A 21 Year old woman but never have a degree, because she never have a chance to step on junior high College pa kaya? Her b...
34.8M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
70.5M 402K 17
Ready to say goodbye?
31.8K 1.2K 45
TLS #1 His love was a Forbbiden experiment Date Written: September 28, 2024 Date Finished: December 19, 2024