"Ugh. Ahh!"impit na daing ng isang bloodsucker habang sakal-sakal ni Amjad ang leegan nito.
The poor vampire struggling for his life. Ito na ang pangalawang pagkakataon na may magtangka sa buhay niya. Hindi lang niya alam kung sadya lang bang mahina ang mga ito o wala lang ang mga ito alam sa kung anong kaya niyang gawin.
Nakakainsulto sa kakayahan niya.
"Sino nag-utos sayo na sundan ako?"malamig na tanong niya rito. Panay pa rin ang piglas nito habang nakasakal pa rin ang kamay niya rito.
Paglabas pa lamang niya ng kagubatan naramdaman na niya ito na nakaabang sa kanya.
Gusto niya matawa kung bakit paisa-isa ang tumatambang sa kanya.
"Ugh..."
Lalo humigpit ang kamay niya sa leegan nito dahilan upang mas pumiglas ang lalaki. Ang mga braso nito ay putol na. Inatake siya nito na wala kaalam-alam sa pakikipaglaban. That's really insulting with her fighting skills. Halatang pagsakmal lang ang alam gawin. Hindi man lang trained ang pinadala ng sa ganun naman ay may thrill ang banta sa buhay niya. Ang mga braso nito ang kaagad niyang tinarget.
Helpless and lifeless.
Hinayon ng mga mata ni Amjad ang pulang mga mata nito.
Ginalugad niya ang nasa likod ng isip nito sa pamamagitan ng halos wala ng buhay na mga mata nito.
"Kailangan ko ng bayad sa pagbuhay ko sayo.."
Amjad saw Benedik talking him in a dark road.
"Ikaw na ang bahala kung paano mo siya masasaktan at kung kaya mong patayin. Gawin mo. Isa siya sa hadlang sa ating grupo. Ito ang misyon natin. Ang mawala sila upang makamit natin ang mas malakas na pwersa at kapangyarihan,"pangbubuyo nito sa kausap.
Marahas na binatawan ni Amjad ang lalaking gahibla na lang ay malalagutan na ito ng hininga. Naikuyom niya ang mga palad at tumingin pailalim sa nakasalampak na lalaki sa lupa.
Kaawang-awang inosentang nilalang. Nagpalinlang ito kay Benidek.
Nilapitan niya ang lalaki at niyuko ang kaawang-awang bampira.
Inilapat niya ang hawak na silver dagger sa leeg nito. Nanlaki ang mga mata nito. Masasalamin ang takot at pagmamakaawa sa mga mata nito.
"Nagawa mo na ang pinag-uutos sayo ni Benidek. Ang pagkakamali mo lang hindi mo muna inalam kung sino at ano ang kayang gawin ng itatarget mo. Hindi mo deserve na gamitin ng isang sakim na kagaya niya. Hindi ito ang layunin ng mga tulad natin mga bampira. Handa kaming mamatay para lamang protektahan ang mga inosenteng tao. Hindi kagaya ng layunin niyo. Ang patayin ang mga inosente at walang kalaban-laban na mga tao. Wala sino man,ikaw o kahit na ako ang may karapatan sa mundong ito...kundi ang mga tao,hindi tayo,"pahayag niya at saka isang iglap ay gumulong ang ulo nito sa maruming lupa.
Tumindig at pinagpagan ni Amjad ang nadumihang suot na jeans. May tumalsik din dugo sa suot niyang gray na v-neck shirt.
Napabuntong-hininga siya at saka walang nagawa kundi bumalik sa pinanggalingan upang magpalit ng kasuotan.
Alam niyang may susunod pa rito at may susunod pa hanggat hindi siya ng mga ito napapatay.
Aware kaya ang dating asawa sa ginagawa ng kaibigan nito?
O kaya naman bahagi iyun ng plano upang mapabilis ang dapat nitong tapusin.
Ginagamit siya. Huh. What a lame strategy.
Pero sa kailalim-liman ng puso ni Amjad. May pangamba roon. May pag-aalala para sa dating asawa.
Well,she can tolerate what Benidek lame threat as long as Azraq is safe.
"What happen to you?"kaagad na salubong sa kanya ni Sitti pagkalabas niya ng silid.
Nakasandal ito sa pader sa katapat ng pintuan.
"Nakita kong may dugo ang damit mo kanina pagpasok mo,"anito. Kuryuso sa kung ano ang nangyari sa kanya.
Umayos ito ng pagkakatayo at malamig na sinalubong ang mga mata niya.
Hindi niya inaasahan na magtatanong ito sa kanya ng ganun.
Is she concern to her?
No,that's possible. Sitti hate her. Kahit gumunaw pa ang mundo. Hinding-hindi mawawala ang galit at poot nito sa kanya.
"I just asking cause i want to prepared myself in case na mapasok ng mga kalaban niyo ang lugar na ito,"malamig nitong saad.
"This place is safe from them,Sitti.."tugon niya sa malamig din na tono.
Humakbang na siya at ng lagpasan ito ay nilingon niya ito.
"Thanks for your concern,anyway,"saad niya.
Nanlaki ang mga mata nito pero bago pa ito makareak ay tinalikuran na niya ito at nagpatuloy na sa pag-alis.
"No way! Hindi ako concern sayo noh!"
Hindi napigilan ni Amjad na mapangisi sa sinigaw nito.
Natotolerate naman niya ang pagiging maldita nito sa kanya. Ang pagiging childish nito minsan. Pero alam niyang ganun lamang sa kanya ang dalaga dahil sa pinakamamahal nitong kuya.
Tumigil si Amjad sa paghakbang ng marating niya ang hangganan ng headquarters niya.
Nilingon niya ang papalapit na presensya ni Simon.
"Hindi ka ba maglalagay ng bantay sa bukana ng gubat?"bungad nito sa kanya pagkalapit sa kinatatayuan niya.
Sinuyod niya ang buong kagubatan. Papatakip-silim na sa labas ng kagubatan.
Ibinalik niya ang atensyon kay Simon na naghihintay ng tugon niya.
"Worried ka ba na baka may makalusot at mapasok ang headquarters ko? Sitti can fight,did she?"may panunudyo niyang sabi.
Bumuntong-hininga ito saka umiwas ng tingin sa kanya.
"Why you can't take her and bring her to your place?"suhestyon niya.
Napabaling ito sa kanya sa sinabi niya.
"Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo dalawa..ako lang dapat kamuhian niya. Alam mo kung gaano ka kahalaga sa amin magkakaibigan. Alam kong hindi ako palasalita o kahit magkaroon ng pake sa mga bagay-bagay pero gusto ko lang sabihin sayo na marami ka ng nagawa para sa amin magkakaibigan. Sa Red Agency. Sa mundong ito. Deserved mong may isang tao na magmamahal sayo at pahahalagahan bukod sa amin,"sinsero niyang sabi.
Napaawang ang mga labi nito sa mga sinabi niya. Gulat ang makikita sa mga mata nito.
Alam niyang gulat ito sa inasal niya at nagsalita siya ng mga ganun mga bagay na hindi naman talaga niya ugaling magbigay ng kahit anuman payo.
Nagpakawala siya ng hininga ng matantong na tulala lang ito sa kanya.
Hindi pa ba nagsi-sink in rito ang mga sinabi niya?
"Whatever. It's still your choice. Wala naman ako pake sa love life niyo,"malamig niyang sabi pagkaraan saka tinalikuran na ito.
"Salamat,"saad nito bago pa siya makalayo rito.
Nilingon niya ito saka tinaasan ng isang kilay ng makitang nakangisi na ito.
"Isa lang gusto kong mangyari bilang isang malapit na kaibigan mo. Na magkaayos na kayo ng asawa mo. Hindi mo man sabihin. Alam kong hindi siya nawala sa puso mo."
Hindi siya umimik. Tinalikuran na lang niya ito.
"Huwag ka mag-alala! Kapag nagkaayos na kayo ulit ni Azraq. Magiging mag-in law pa tayo!"pahabol nitong sabi.
Crazy.
Hindi na niya itong nilingon pa at nagpatuloy na lamang sa paglabas ng kagubatan.
Kailangan niya magpunta ng agency para makausap si Hessah.
Aware na ito sa banta ng buhay niya dahil sa unang engkwentro niya. Sinabi niya rito ang bagay na iyun dahil natitiyak niyang pakawala iyun ni Benidek.
"Well,handa naman na ang lahat. Hinihintay na lamang natin ay umipekto ang potion mo,"untag ni Hessah sa kanya.
Nasa opisina siya nito at nandoon din si Miad na tahimik na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng magasin.
Nakatanaw siya sa labas ng glasswall. Nagkikislapan ang mga ilaw mula sa ilog ng mga sasakyan at ng nagtataasan gusali.
Base sa kalkula niya bago umipekto ang lason sa katawan ng mga average at low average bloodsucker ay mabilis iyun eepekto depende sa dami na mapupunta sa katawan ng mga ito.
Ngunit ayon sa plano kailangan unti-untiin upang hindi mahalata ang ginagawa ni Azraq sa paglason sa mga ito.
Syempre,kaligtasan pa rin nito ang numero unong isasaisip nila.
But Azraq have a personal reason.Dangerous but she knew him. Azraq can stake his life for what he want. Like what Damir,himself proved that way back long time ago.
"How about Dorothea?"bigla tanong ni Miad.
Inilapag nito ang hawak na magasin sa coffee table saka lumapit sa desk ni Hessa at patagilid na umupo sa gilid niyun paharap sa kanila.
"She's already done on her part,Miad. Ang napagkasunduan lang ay ibigay satin ang location,"si Hessah saka sumulyap kay Amjad.
May inilagay na micro chip sa babae na ito mismo ang naglagay dahil isa naman itong doctor. Hindi niya lang alam kung saan parte iyun nakalagay sa katawan nito.
That's too risk.
"She's still skeptical to help us since she is...in love with him,"marahan na sabi pa ni Hessah.
Napasulyap si Amjad sa kaibigan. Nagkibit lang ito ng balikat na tila kuntento naman ito na sa naging tulong ng Dorothea iyun.
Pagkakaalam niya ay naging malapit ito kay Dorothea.Gaya ng normal na reaksyon ng mga tulad ni Dorothea na naging bampira ay mahirap para sa mga ito ang matanggap ang kapalaran iyun. Benidek turn Dorothea into vampire. Isang pagmamahal na nagdala sa kanya sa pahamak.
Huh,love? That damn love makes you in danger. Kapag minalas pa pwede mo pang ikamatay.
"Paano kang nakakasiguro na hindi siya magiging hadlang sa plano natin?"duda niyang komento.
Nagtinginan sa isa't-isa ang dalawa bago ibinaling sa kanya ang mga mata ng mga ito.
"Alam natin tatlo kung anong kayang gawin ng isang tao pagdating sa pag-ibig,"malamig niyang sabi.
Wala nakaimik sa dalawa ng sabihin niya iyun.
Alam nilang pare-pareho kung ano ang ibig sabihin niya.
Maaari kang maging traydor para sa mahal mo.
Maari kang gumawa ng masama para lang sa mahal mo.
Maari mo din isakripisyo ang sarili mong buhay para sa mahal mo.
"Hindi ko alam kung naisip mo ba ang posibilidad na yun bago mo hinayaan na ipasok siya sa plano,"untag niya kay Hessah na siyang nagtalaga sa kung sino ang kasama sa mga plano nila.
Napabuga siya ng hininga ng makita ang reaksyon ng kaibigan.
That's so disappointed.
"I-..she ask me to be part of our plan since Benidek is our subject..and i understand what she feel. Yes,ngayon ko lang napagtanto na hindi ko nga naisip ang bagay na yun,"dismayado sa sarili nitong saad.
Naikuyom niya ang mga palad.
Maraming pwedeng mangyari. Paano kung palihim na sila nito tinatraydor?
Paano kung masira ang plano ni Azraq dahil dito?
"Nabanggit mo ba kay Azraq ang tungkol sa kanya?"si Miad kay Hessah.
"No. I didn't tell him about her. Hindi ako sigurado kung nakita na niya si Azraq dito pero sigurado akong kilala niya dahil pareho silang doktor at kilala si Azraq sa larangan iyun,"tugon ni Hessah."Uhm,i guess--"
"Ako na ang tatapos sa kanya sa oras na masira ang plano,"mariin at may pagbabanta niyang saad saka humakbang para iwan ang mga ito.
"Amjad,hindi ka pwede basta-basta na lang gagalaw na padalos-dalos. Alam mong pwede ikapahamak iyun ni Azraq. Tandaan mo,hawak ni Benidek ang leeg ni Azraq,"pahabol na sabi ni Hessah sa kanya bago niya tuluyan marating ang pintuan.
That's right. Pero kailangan niyang ibigay ang hustisya kay Azraq sakali man magkaletse-letse ang lahat.
"I hate traitor,you know.."malamig niyang sambit saka tuluyan ng lumabas ng opisina ng kaibigan.
"Hindi ko masisisi si Amjad kung iyun ang gusto niyang gawin. Traitor is her mortal enemy,"wika ni Miad na siyang narinig ni Amjad habang papalayo sa opisina.
Nasa parking lot pa rin si Amjad at nanatili lamang siya roon. Nalunod sa pag-iisip sa kung ano na ba nangyayari sa dating asawa.
Maliban sa pagtampered ng chip na dala-dala ng Dorothea iyun ay wala sila ibang ideya kung ano na nga ba ang nagaganap sa lugar na iyun. Hindi nila monitor ang paggalaw roon.
Isolated island ang kinaroroonan ng mga ito. Hindi madali iyun mapuntahan lalo na at milya-milya ang layo niyun mula sa mga karatig na isla.
Naiinip na siya.
No.
Nag-aalala siya. Hindi siya magpapahipokrita kung iyun naman talaga ang nararamdaman niya ng mga sandaling ito.