SEKYU 1 (BL) Completed

By Kijarasen

109K 4K 1K

COMPLETED Alam ni Keifer na malaki ang posibilidad niyang matalo sa laro ng pag-ibig oras na pasukin niya ang... More

SEKYU (1)
Prologue
1: Hapil
2: Hapis
3: Pagsisilib
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
19: Kaulayaw
20: Unwell
21: Excluded
22: Knight
23: Real Knight
24: The untold
25: Chosen
26: Spectrum
27: Where the lines meet
28: Sincere
29: Not a Happy Heart
30: Self-blame
31: Tinted
32: Falling
33: Disappear
34: Not again
35: Siphayo
36: Palamara
37: Kaugmaon
38: Dipana
39: Paubaya
40: Panaligan
41: Kapanhakin
42: Talipandas 🔞(WARNING)🔞
43: Siklap 🔞(WARNING)🔞
44: Daluyong
45: Katimyas (Pure)
46: Balintuna
47: Bana
48: Silang
49: Gumamok
50: Pananambitan
51: Ukab
52: Ihustipika
53: Tahanan
Epilogue
Keifer's Letter to Damian
Damian's Letter to Keifer
Appreciation Post
BOOK II
Sunset with you artwork

Kabanata 13

2.2K 79 7
By Kijarasen

"Keifer?"

Wala na sana akong balak na lingunin si Hunter pero dahil sa ginawa niyang paghatak sa braso ko, wala na akong nagawa kundi ang mahinto sa kinatatayuan at mapabaling sa direksiyon niya.

Nakakahiya na nakita niya pa akong lugmok kanina. Sabagay, ilang beses niya na rin naman akong nakitang umiiyak noon dahil sa kaparehong tao na iniiyakan ko ngayon.

Bumitaw siya sa braso ko at saka inilabas ang isang kulay asul na panyo. Kinuha niya ang kamay ko at saka nilagay ito sa loob ng palad ko. Siya rin mismong nagtikom ng kamay kong nakabukas palad sa kaniya para hindi mahulog ang inilagay niyang panyo.

Saglit na nagtama ang mga mata namin at saka siya ngumiti sa akin.

Nandito kami ngayon sa harapan ng Provincial Jail at alam kong maraming tao ang napapalingon sa amin ngayon, nagtataka, napapaisip kung ano ba ang drama naming dalawa ng kasama ko pero sa puntong ito, nawalan ako ng pakialam sa kanila. Wala akong ganang magbigay ng pansin sa bawat nakikius'yoso sa amin ni Hunter. Sa loob ng mahigit na isang taon, pinagtagpo ulit kami ng tadhanang dalawa. Magiging hipokrito ako kung itatanggi kong na-miss ko ang presensiya ng lalaki na minsang naging laman ng puso ko.

"Kagaya ng palagi kong sinasabi sa 'yo noon. Kahit gaano ka pa kapangit umiyak, mas maganda kung ilalabas mo lahat 'yan dahil mas mahihirapan ka kung pipigilan mo lahat ng emosiyon diyan sa puso mo. Mas mabigat, mas masakit. Kaya ilabas mo 'yan! Ayos lang umiyak. Ayos lang maging pangit minsan." Bawat salita na binigkas niya ay tila ba mumunting yakap na nagdala sa akin sa alapaap. Sa unang pagkakataon, nakatingin ulit ako sa kaniya na walang halong hiya o inis dahil sa pag-iwan niya sa akin noon nang walang ano-ano.

Kasabay nang pagguhit ng ngiti sa aking labi ay ang mabilis na pagpatak ng mga luha sa aking mga mata.

Kusang gumalaw ang katawan ko at mabilis na binalot si Hunter sa aking mga bisig. Marahil ay nabigla siya sa aking ginawa dahil naramdaman ko ang pagkagitla sa kaniya pero pagkaraa'y naramdaman ko ang paghaplos ng mga kamay niya sa aking likuran.

"Thank you for this, Hunter," bulong ko sa kaniya.

Ilang segundo lang ang itinagal ng yakap ko. Nilubos ko lang din ang pagkakataon na itago ang sarili mula sa iba na nakakakita sa amin. Nakakahiya na dahil masiyado nang naka-expose sa lahat ang pagiging mahina ko. Kitang-kita na ng lahat ang ka-dramahan ko.

Humiwalay ako sa kaniya nang pagkakayakap at saka siya tinitigan nang may maliit na ngiti sa labi.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Dinadala mo na naman ako sa kapayapaan dahil sa mga salita mo," sabi ko sa kaniya at saka nagpunas ng luha gamit ang panyo na binigay niya kanina. Sinamaan ko siya nang tingin pagkatapos, "Baka naman nilalandi mo lang ako, ah? Tigil-tigilan mo ako diyan, Hunter! Marupok ako," syempre bulong na lang iyong huling parte ng sinabi ko. Nakakahiya kaya kung ipaparinig ko pa sa kaniya!

Narinig ko ang pagtawa niya. Napakalandi talaga ng isang 'to! Pati pagtawa parang nakikipaglandian sa akin!

"Ginawa ko lang ang lagi kong ginagawa sa tuwing nakikita kitang malungkot dahil sa tatay mo. Noon pa man, saksi na ako sa pagiging madrama mo at masasabi kong hindi ka pa rin nagbabago, ampangit mo pa rin umiyak!" pang-aasar niya sa akin.

Inirapan ko siya, "pero thank you, Hunter dahil kundi sa 'yo, baka hindi ko nalaman na nasangkot na naman sa gulo si tatay. Hindi ko man siya nalapatan ng gamot ngayon o naasikaso ang sugat niya, at least nagawa kong sabihin ang mga salitang napakatagal ko nang kinikimkim sa likod ng puso ko. Salamat din at nagawa mong pagaanin ang puso ko kahit na napaka-bully mo," buong puso kong pasasalamat sa kaniya.

"Wala 'yon. Ginawa ko lang ang sa tingin ko ay tama," sagot niya sa akin.

Hindi na ako sumagot at agad namang kumunot ang noo ko nang makita ko pagkabigla sa mukha niya.

"Bago ko makalimutan," sambit niya at saka inilabas sa bulsa ang isang bagay na nakapagpangiti sa akin nang lubos. "Sabi mo ay ingatan ko ito kaya ito na, binabalik ko na sa 'yo." Saka niya kinuha ang kamay ko at isinuot sa akin ang friendship bracelet na ibinigay ko sa kaniya noon. Tanda ko pa ang pagpupuyat ko noon para lang mayari ang dalawang piraso nito. Sakto kasing birthday niya noong araw na 'yon noong binigay ko sa kaniya ang bagay na ito.

"Akala mo tinapon ko na 'no? Hindi naman ako kagaya mo," sabi niya nang tuluyan nang maisuot sa akin ang friendship bracelet na iyon.

Namula ang pisngi ko dahil tinamaan ako sa sinabi niya. Totoo naman kasing tinapon ko ang akin noon dahil hindi ko matanggap ang ginawa niyang pag-indian sa akin. Nakakainis naman kasi siya na para bang hangin na bigla na lang dumaan sa harapan ko. Saglit lang akong pinakilig tapos iiwanan din pala ako pagkaraan. Parang ihi lang! Nakakainis!

Hindi ko siya magawang matingnan sa mga mata kaya pinagmasdan ko na lang ang friendship bracelet na ginawa ko noon para sa kaniya. Simple lang ang itsura nito. Itim at puti na pisi lang kumibinasiyon ng kulay na napili ko. Madetalye lang talaga sa pagkakatahi at pagkakabuo nito saka ko nilagyan ng tatlong piraso ng maliliit na dice kung saan merong nakasulat na HIM. Hunter Ignacio Manalansan. Hindi naman siguro halata na baliw na baliw ako sa kaniya noon, no?

"Huwag kang mag-alala, nakausap ko na rin si tatay ko na huwag nang gumawa pa ng kahit na ano pang ikakapahamak ng tatay mo," sabi sa akin ni Hunter dahilan para mapa-angat agad ako sa kaniya ng tingin.

Seryoso na ang mukha niya ngayon bagay na nagbigay sa akin ng kasiguraduhan.

Hindi ko na nagawa pang magpasalamat nang magsalita ulit siya dahilan kung bakit nabuo ang mga tanong sa isip ko at kung bakit nabuhay muli ang kaba sa aking dibdib.

"Hindi naman ako bumalik para sa wala lang. Hindi man halata pero sa tingin ko, panahon na para bumawi sa 'yo, Keifer. Mag-iingat ka palagi. Babawiin ko ang sinabi ko sa 'yo kanina, hindi pa ito ang huling pagkakataon na magtatagpo ang landas nating dalawa. Sisiguraduhin kong babawi na ako sa lahat ng pagkukulang ko simula noong iniwan kita mahigit isang taon na ang nakakalipas." Nagawa niya pang tapikin ang balikat ko para lang magpaalam. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga sinabi niya pero isa lang ang sigurado ako. Hindi maganda 'to.

Naiwan akong tulala. Ilang minuto rin ang kinain bago naproseso ng utak ko ang mga sinabi ni Hunter. Nang lumingon ako para sana habulin siya nang tingin ay wala na siya. Alien talaga ang isang 'yon!

Sa isang parte ng puso ko ay may mumunting galak na unti-unting nabubuhay. Masaya ako na nagkita kami ngayon ni Hunter pero sa kabilang banda, may takot ako sa ideyang nabuo sa aking isip. Dahil sa mga salitang binitawan niya kanina, alam kong may mga malalalim na mensaheng nagkukubli sa mga 'yon at alam kong nagiging indenial lang ako na tanggapin ang tunay na laman nito.

So ano 'yon? Pagkatapos niya akong paiyakin noon at iwanan sa ere, babalik siya ngayon para manggulo? Ano siya? Siraulo? Ayos pala ang isang 'yon, e?

Continue Reading

You'll Also Like

7.6K 376 11
( Completed ) This is BxB story, If you are a HOMOPHOBIC type of person, Please! don't read it
Agape By medicine

Short Story

4.6K 403 15
Majority of people believe that love is everything, love is what we need and it has no any limitations, lastly, love is something that we can feel un...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

244K 4.8K 51
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
243K 1.6K 7
Samahan natin sina Sergeant Bryan Turalba Jr at si Alandel Dela Rosa sa kanilang pag tuklas sa naiibang mukha ng pag ibig. Sana ay kapulutan nyo sila...