#8 na sa teen Fiction ang MPUG :) magdiwang yey hahaha.
Salamat sa patuloy na suporta #teamJAGUARS :)
------------------
Johnny's POV
Months later...
"Oh ikaw anong problema mo?" tanong ni Miller sa isang estudyante, nandito kami ngayon sa office ng student council, at hinaharap ang mga hinaing ng ilang mga estudyanteng inaapi kuno. At bilang kasapi ng PUKI partylist kailangan namin silang pakinggan at tulungan. Nakabalik na kaming lahat sa school ilang buwan na ang nakalipas matapos ang bakasyon ng lahat.
"Iniwan at niloko kasi ako ng girlfriend ko." sagot nung isang estudyante na kaharap ngayon ni Miller, nakaupo lang kaming jaguars sa may sofa, si Miller sa may table sa harap nya yung mga may reklamo sa buhay.
"At sa palagay mo, may maitutulong kami sa problema mo? Eh yung sarili ko ngang lovelife di ko maayos, yung sayo pa kaya?" asar na sabi ni Miller, napapailing na lang kami at lihim na natatawa.
Di na kami nagulat ng mag walk out ang gago.
"Oh Howard, ikaw na ang tumulong dito kay pareng-- teka ano nga ulit pangalan mo tol?" tanong ni Burns.
"Nilo"
"Nilo? Ano apleyido mo brad?"- Fisher
"Co"
"Nilo Co?" sabay sabay na tanong namin
"Tungunu pare pati pangalan mo niloko ka," utas ni Gibson.
At hindi namin napigilan ang di humagalpak ng tawa, langya hindi sa binubully namin sya ha, medyo malakas lang talaga ang dating ng pangalan nya hahaha.
"Brad, palagay ko tadhana mo na talaga ang maloko, kasi nakatatak na sa pangalan mo" seryosong sabi ni Howard.
"Grabe ka naman Howard, baka naman nagkataon lang," sabi ko at tiningnan si Nilo..
"Nilo pare, ano ba pangalang ng ex mo?" tanong ko.. Baka sakaling makatulong ako.
"Pina," sagot nya.
Natigilan ako, pati na rin ang lahat ng jaguars.
"Pina? Wengya, alam na namin kung bakit ka niloko at iniwan ng girlfriend mo," agad na sabi ni Burns.
"Dahil natakot sya sa apelyido mo," segunda naman ni Gibson.
"Baka daw kasi mapako sya wengya hahaha" di pa din kami magkanda mayaw sa pagtawa.
"Isipin mo tol ha, pag kinasal kayo magiging Pina Co na ang pangalan nya," - Dela Cruz.. "Kaya siguro minabuti na lang nya na iwan ka kesa ang mapako sya,"
"Hahahaha taena da best ka brad," tinapik ko pa ang balikat ni Nilo.
"Pffftt hahahaha pasensya ka na pare, masayahin lang talaga kami," palusot ni Turner..
"Ehem!" tumikhim kami ng mapansing seryosong seryoso si Howard, ganun din si Nilo. Umayos kami ng upo.
Nilabas ko na lang ang cellphone ko, malapit ng maglunch. Tatawagan ko sana si mylabs, kaya lang biglang may nagtext, agad ko yung binasa.
[mylabs! d ako makkasabay sau sa lunch ha. I love you :*]
Napakunot ang noo ko. Agad ko syang tinawagan, Damn! Di nya sinasagot. Sigurado ako madami na naman syang ginagawa.
Tumayo ako at sinukbit ang bag.
"San ka Spencer?" tanong ni Montereal.
"Tulungan ko lang si Rea," sagot ko. "Mauna na ako sa inyo jaguars, kita na lang tayo mamaya," dagdag ko pa at tuluyan ng umalis ng office.
Agad kong tinext si mylabs, asking where she is, pero wala akong natanggap na reply. It's been months simula ng manggaling sya sa Sagada, at napansin ko ang ilang pagbabago sa kanya nitong mga nakaraang buwan, kung dati masipag na sya gumawa ng mga handouts ngayon naging triple ang kasipagan nya at mas nadagdagan pa ang mga raket nya.
Hindi ko na nagawang sumunod sa sagada nung mga panahong yun dahil lumala ang problema ng kompanya namin. Hanggang ngayon may hinaharap pa rin na problema si dad at di ko matiis na manuod na lang.
Agad akong tumuloy sa library, at hindi nga ako nabigo dahil agad ko syang nakita, ang daming libro sa harapan nya. At dahil busy sya di nya napansin ang presensya ko. Di ko alam kung anong nangyari sa sagada pero sa tuwing tinatanong ko sya, laging 'ok lang' ang sagot nya tapos sasamahan nya ng lambing.
Naupo ako sa harapan nya at inagaw ang hawak nyang ballpen pati na din yung sinusulat nya. Medyo nagulat pa sya sa ginawa ko, tiningnan ko sya at tinanguan saka ko tinuloy ang sinusulat nya. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa nya.
"Anong ginagawa mo dito mylabs? Di ba may mga dapat kayong tulungan?" maya maya ay tanong nya.
"Kailangan din ng girlfriend ko ng tulong," sagot ko at sa sinusulat pa din nakatingin.
"Kaya ko naman mylabs eh," narinig kong sabi nya. Inangat ko ang tingin ko sa kanya, minsan gusto kong mainis dahil hindi nya hinihingi ang tulong ko, sinasarili nya lang lahat.
"Hindi mo lang ako boyfriend Rea, pwede mo din akong maging kaibigan na pwedeng sandalan sa oras ng pangangailangan,"
"Pero mylabs------"
"Wala ng pero pero, tara na tapusin na natin ito para makapag lunch na tayo pareho, ayokong nalilipasan ka ng gutom babae," putol ko sa sasabihin nya.
Nginitian ko sya, natawa sya ng bahagya saka tinuloy ang pagsusulat. I smiled.
Halos di na namin namalayan ang oras, ang dami na namin nasulat, pakiramdam ko lahat ng estudyante ng M.U nagpagawa ng handouts at project sa kanya sa sobrang dami ng sinulat namin, wengya ang sarap pektusan ng mga estudyanteng tamad.
Mamaya pa ang sunod na klase namin, niyaya ko na syang kumain. Nakatanggap ako ng text galing sa jaguars na gagala daw muna sila, kasama si Nilo Co.
"Mylabs alam kong gwapo ako, pero pwede bang wag mong ipahalata na natutulala ka sa kagwapuhan ko," biro ko ng mapansing tulala na naman sya, nandito kami ngayon sa canteen. Heto na naman syang, parang ang lalim ng iniisip nya.
"Ang gwapo mo kasi kaya di ko mapigilan na di ka titigan," sagot nya. Hinawakan ko ang kamay nya at tiningnan sya ng seryoso. Gusto kong maramdaman nya na kahit anong mangyari nandito lang ako para sa kanya.
Sya ang kaligayahan ko, kaya pag nakikita ko syang malungkot mas matindi pa dun ang nararamdaman ko. At kapag masaya sya, ako na ang pinaka-maligayang tao sa mundo.
"Mylabs, samahan mo ako, may mga bibilhin kasi ako para dun sa gagawin kong project," maya maya ay sabi nya. Nginitian ko sya.
"Sige tapos idate mo na din ako," sagot ko.
------------------------
Joel's POV
"Sigurado ka ba dito Howard?" tanong ko, nandito kami ngayon sa hintayan ng jeep. Kulang lang daw sa hang out itong si Nilo, kaya sinama namin dahil gagala kami.
"Kelan ba ako hindi naging sigurado?" lakas makatanong ng gago.
"Minu-minuto kang di sigurado tarantado!" bulyaw ko. Tinapik lang ni Gibson ang balikat ko.
"Wag kang masyadong magalit Burns, lalo kang nasusunog," sabi nya, pinakyuhan ko lang sya.
Bale, ako, si Howard, Gibson, Fisher at Freeman ang jaguars na nandito, yung iba ayun, busy sa pakikipaglandian sa mga babae nila.
Di nagtagal may dumating ng jeep, trip namin mag commute ngayon tinatamad kasi mag drive ang mga gago.
Agad kaming sumakay.
"Howard magbayad ka na tutal ikaw naman ang may pasimuno nito eh," sabi ko.
"Ako na lang mga tol," napatingin kami kay Nilo Co.
"Hindi pare ako na," agad na pigil ni Howard..
"Mayaman ang gagong yan brad hayaan mo na," sabi naman ni Fisher. Tumango lang kami.
"Manong bayad po," nakita ko na nag abot ng limang daan si Howard.
"Ilan dito sa limang daan?" tanong ng driver..
"Anim po dyan manong, bale limang gwapo at isang iniwan at niloko," seryosong sagot ni Howard. Di na ako nagulat, sa tagal ko ng tropa yan ano pa bang bago? Basta pag nag commute kami asahan nyo na laging kahayupan ang sinasabi ng gagong yan tuwing magbabayad.
Nagtawanan ang ilang mga pasahero.
Nang makarating kami sa mall, agad kaming tumuloy sa kainan, wengya nagutom ako masyado sa mga hinaing ng ilang mga estudyante.. Matatawag bang hinaing yun eh napakababaw naman ng ilan, tulad ng kinain daw nung kaibigan nya yung pagkain nya.
Habang kumakain pinag uusapan namin ang ilang problema ng mga estudyante na lumapit samin.
"Tangina eh yung sa math nga nilapit pa sa 'tin, di ba nila alam na inaapi din tayo ng walangyang math yan," reklamo ko.
"pfftt di ko alam kung nakikipaglaro lang ang ilan sa kanila wengya," napapailing naman na sabi ni Fisher.
"Ikaw pare? Sigurado ka ba na yun lang ang problema mo?" baling naman namin kay Nilo.
"Oo mga tol," tumango naman kami bilang pag sang ayon.
"Ikaw Howard anong balak mo dito kay tol Co?" tanong Gibson.
"Langya ang sama talaga ng apelyido mo, mas malala pa sa nagliliyab kong apelyido," komento ko.
"Wala akong balak, gusto ko lang isama yang si Nilo," sagot ni Howard at tuloy lang sa pagkain.
"Wengya dahan dahan Howard, mabulunan ka sana," sabi ko, pero parang wala syang narinig. Napapailing na lang kami.
Matapos kumain, napagpasyahan namin, maglakad lakad muna para bumaba ang kinain namin.
Bigla kong naalala na malapit na nga pala ang birthday ni Izrah. Tamang tama bibilhan ko na din sya ng regalo.
"Teka si Spencer ba yun?" napatingin ako sa tinitingnan nila.
"Tangina!" mura namin at sabay sabay na tumakbo papalaipit kay Spencer at Blake na nagsasapakan.
Ang dami na ng taong mga nakiki-isyoso. Inawat namin sila.Tangina! Ano na naman bang nangyari dito?
==============
A/N: Dapat kahapon pa 'to kaya lang ayaw mag charge nung laptop ko, ngayon lang naayos kaya ngayon lang din.
Bukas meron ulit ud :)
Mag avail na kayo ng JAGUARS's shirt ^3^
Lagi nyong isama ang #Team JAGUARS sa comment nyo ha.. :)
-AteYna-